"Hindi mo alam kung kailan mo pa sila huling mayayakap, makakausap, at makikita."
Mavy's words echoed in my head. They were everywhere. Simula nu'ng sinabi niya sa'kin ang mga salitang 'yon., I felt something I've never felt before.
I had the urge to make peace with my Father.
Maybe, being with the Bautistas was a way for me to realize a lot of things. Maybe it's destiny leading me to a place where I shouldn't have left a long time ago. Maybe it's a way for me to not run away from my past.
Hindi na'ko nagsalita pa but rather, I comforted him. He needs it more than I do. Siya 'yong tipong tao na, gagawin ang lahat para sa'yo kahit siya mismo, hirap na hirap na. Mavy and I are on the same page, iba lang ang alam niyang kaya niya ang sarili niya at alam niya kung sino talaga siya.
After that conversation, I kept thinking a lot. Napansin nilang dalawa ni Carlos 'yon. Medyo obvious ako, and maybe they could smell the nicotine leaking off me from time to time kapag nagde-destress nanaman ako. I know, masama sa'kin. But two sticks wouldn't really harm you. Besides, it's been years. At mas ok to kaysa ang balikan ko ay 'yung pagpapakawasak ko sa alak.
Nang nakauwi na kami sa kaniya-kaniyang bahay, they all thanked me for joining them. It was overwhelming, para bang parte na'ko ng pamilyang Bautista. I felt like an orphan na natutupad bigla ang pangarap—to be happy with a family. It would be a lie kung sasabihin kong ayaw kong maramdaman ulit 'yon.
Sa totoo lang, akala ko babalik na lahat sa dati. Okay na. Pero, I only have a few weeks left before I go. Kailangan ko na lang magpaalam sa mga employees ko, then kay Carlos. Mamimiss ko siya, silang lahat. 2 years spent with them were filled with the most genuine happiness, kahit na kontrolado pa'ko ng Tatay ko.
Speaking of Fathers, I was shocked by the sight of Dad's SUV parked on the side of the street pagdating ko sa bahay. Pero mas nagulat ako nang makita ko kung sinong bumaba at nag-abang sa front door ko. Nagtitigan kami through my windshield as I parked my car.
It was Ely's dad. I came to him and slid my house keys in.
"Tito Rodriguez?"
"Hi, Mika. Can I talk to you?"
Fate is up to something.
Pumayag ako dahil never naman naging masama sa'kin si Tito Rodriguez. Nadadamay lang siya dahil sa stupido niyang anak. Pinapasok ko siya sa loob ng bahay at pinaupo.
"Do you want something to drink?"
"No, huwag na, Hija." ngiti niya sa'kin.
Tumango ako at umupo sa tapat niya.
"Sabrina, remember nu'ng nagkasakit ako? Elias been doing his best to take care of me."
Yeah, sure he was.
"Tito, kung tungkol po 'to kay Elias, I'm sorry kung ganu'n trato ko sa kaniya pero kasi—"
"He's in the hospital right now."
"What?" Anong kinalaman nu'n sa'kin?
"He's confined, along with your dad." I... I don't know what to say.
"As I was saying, nauubos na ang pera namin dahil sa sakit ko. At dahil si Elias lang ang iisang anak ko, gumawa siya ng paraan para mapagamot ako." Tumingin siya sa'kin, his chin began to shake, then his jaw clenched. Naiiyak ba siya?
"Nakipag-deal siya sa Papa mo, Sabrina."
Wala akong maintindihan. Ba't siya nagkakaganito? What is this deal all about?
"Baka isipin mo, pinagtatanggol ko siya. And yes, baka nga. But you need to know the truth."
"What is it, Tito? At bakit siya na sa ospital ngayon?"
He sighed and wiped his tears. "Elias... He really loves you, Sabrina. Kinwento niya sa'kin kung ano ang nangyari. Sinapak pa raw siya ng kaibigan mo. But hear me out..."
Tumingin siya nang deretso sa'king mga mata. "It was your father's request."
"I..." there were no words coming out of my mouth, "This is not a good joke, Tito..."
"Do I look like I'm joking?" I flinched as he raised his voice. I don't know what to think.
"Last night, your father came to our house, wasak na wasak. He was still in a suit pero ang gulo na ng buhok niya, his polo was unbuttoned halfway down, at susuray-suray na siya maglakad. He was clearly intoxicated. Ako ang nagbukas sa gate namin and I brought him to our living room. I thought he needed help. Inalok ko siyang umupo but he pulled a gun from his coat and pointed it at me, saying ang kapal daw ng mukha naming sumuway sa pinagkasunduan, magbabayad ako. He was also mentioning Ely's incompetence." My jaw slowly dropped. He continued.
"Sakto, Ely walked in on us from the kitchen. Without thinking, sinugod niya bigla ang dad mo at pinaputukan siya. He knocked your dad down to the floor, making him drop his weapon, but it was too late. Tinamaan si Ely. Though, nasipa niya pa ang baril papunta sa akin at tinutukan ko ang dad mo." I noticed his hands slightly shaking. "I never used a gun in my life, Mika. And your dad knows that. Takot na takot ako nu'n at hindi ko alam kung paanong gagalawin ang mga kamay ko."
"You... shot Dad?"
Umiling si Tito. "Your dad stormed out of the house. But before leaving, nakita niya 'yung sabitan namin ng susi sa gilid ng pinto at kinuha 'yung susi ko ng kotse. Sabi niya 'This is company provided. I'm just taking back what's rightfully mine.' At dun na siya lumabas papunta sa parking area namin. I came to Elias. Buti lasing na lasing ang Tatay mo at sa tagiliran lang tumama ang bala. I wrapped the wound with the nearest towel and brought my son outside. I saw your Dad starting my car, and outside our opened gate, nandoon si mang Edward at 'yung sasakyan ng dad mo."
"Gustong gusto ko na awatin ang Tatay mo nun, Mika. But I need to tend to my son. I just watched my car zoom out habang kinakaray ko si Ely papunta kay mang Edward. Pag-start namin ng kotse, the street was already empty, your Dad was too far ahead. But on the way to the hospital, nadaanan namin 'yung sasakyan ko sa highway. At nakabangga na 'to sa sementong barricade sa gilid."
"When we got to the hospital, nireport ko agad kung saan namin natagpuan ang kotse. And they sent an ambulance to bring your Dad in."
"Tito, alam mo ba kung bakit biglang sumugod si Dad nang ganun sa inyo?"
Tito looked down to the floor, took a deep breath, then looked back at me.
"Elias told me everything on the way. Your dad threatened him, inutusan siya na buntisin ka para masigurong sa inyo ni Elias mapunta ang company. At ako raw ang magbabayad if Elias slips."
Napahawak ako sa bibig ko sa gulat. I can't... Fuck.
My world stopped. I no longer cannot move, cannot comprehend. Hindi ako maka-react sa lahat ng sinabi ni Tito. I don't know if I should be mad—I want to be. Pero...
"Pa'no—shit."
"Hindi kita ma-contact kaya direkta kitang pinuntahan. Are you coming with me?"
Everything was suddenly a haze. Umiikot lahat ng sinabi ni Tito sa ulo ko as I process every word of the story. Biglang nag-echo ang sinabi sa'kin ni Mavy.
Hindi mo alam kung kailan mo pa sila huling mayayakap, makakausap, at makikita.
"I'm going, Tito. let me grab my things."
***
Tahimik akong nakasakay sa passenger seat. Hindi ako madaling mapaniwala sa mga ganitong bagay. But everything's happening so fast. Para akong patay.
Hindi ko aakalain na magagawa ni Papa 'yon. Mas lalong hindi ko akalain na magagawa ni Elias 'yon para lang sa kapakanan ng Tatay niya.
Maybe I judged too soon.
Perhaps, it was because Ely and I never really got the chance to talk. We never settled into anything. Everything was just pure stubborness and hatred. We didn't acknowledge the fact that, at the back of our mind, magkaiba ang gusto naming mangyari para sa isa't isa.
Friends. We were friends once.
Nakatingin lang ako sa malayo habang bumabyahe kami. Napapaisip ako, paano kung kasalanan ko lahat ng 'to?
Shit.
" Shit, Tito. I'm sorry. I didn't know."
"Ba't ka nagso-sorry?"
"This is all my fault. Kung pumayag lang sana ako kay Papa, hindi po kayo mapapahamak ni Elias."
"None of this is your fault, Sabrina. It's your Father's. Karma lahat ng 'to sa kaniya. But being his daughter, you both need to talk things through."
Bumuntong hininga ako. Hindi ako handa para harapin muli ang Tatay ko pero, ito, nandito ako sa kotse ni Tito papunta sa kaniya.
Paano humantong sa ganito?
Bigla na lang ako naluha. I don't know why everything's fucked up. Sobrang nakakabaliw isipin. One minute, ang gaan ng pakiramdam ko with the Bautistas, then next, everything's in chaos. Bakit ba nangyayari sa'kin 'to?
"Malapit na tayo sa ospital. Be strong, Sabrina."
"What do you mean, Tito?"
Hindi na niya 'ko sinagot. Nakarating na kami sa ospital at sobrang kinakabahan ako. I can't stop fidgeting. My mind is swirling with anticipation. Parang gusto ko na lang umuwi.
Hinawakan ako ni Tito sa balikat. "You're shaking. Anong iniisip mo?"
I took a deep and heavy breath. " I'm fine. Nasaan po sila?"
"Just follow me. Kay Elias muna tayo." Sinundan ko siya paakyat ng hagdanan. Paglakad namin sa second floor aisle, tumigil si Tito sa room 205.
Hindi ko alam kung paano magre-react pero, kailangan ko i-handa ang sarili ko. Hindi naman sila mamamatay, 'di ba?
"Dito ka muna." He came inside at narinig ko and boses ni Elias.
"Dad!"
"I brought someone..." Pinapasok ako ni Tito at nagulat si Ely.
"Mikaela."
Seeing him today felt surreal. He wasn't cocky. He had tubes connected to him at ang bagsak ng mukha niya. As much as I want to say he deserves this, nakakaawa.
"I'll leave you two alone. I need to know kung saan dinala Papa mo," sabi niya sa'kin at umalis.
The past few days, ang gusto ko lang malayo kay Ely. But this is different. He looks like a tamed and caged animal.
Sobrang layo sa nakasanayan ko.
"Paano ka... Pa'no mo..."
"Your dad picked me up." Naupo ako sa tabi at hinimas ang kama niya. "I'm sorry."
Hindi ko siya matignan nang diretso, and slowly, I felt my tears drip.
"Don't cry, Mikaela. It's not your fault. I'm sorry for being such an asshole."
"Bakit... Bakit hindi mo sinabi?"
"Na ano?"
"You know what I mean, Ely."
"I'm sorry. It was between me and your dad. Ayokong madamay ka pa sa away naming dalawa."
"Gago ka ba?! Ako may dahilan bakit nangyari lahat ng 'to!" Napahawak ako sa noo ko. "Putangina."
"Mikaela..." Hinawakan niya ang braso ko, "I'm sorry. Really sorry. Sa lahat ng ginawa ko sa'yo. Magmula nu'ng nag-aaral pa tayo hanggang du'n sa bahay mo. I deserve this. I deserve to die."
Inangat ko ang ulo ko sa sinabi niya, "No. You're not going to die."
"Mikaela, ang dami ko nang nagawang masama sa'yo."
"But that doesn't mean—"
"It's okay..." hinawakan niya ang pisngi ko, "You can hate me, lash out on me. I get that. But, please know... I really had true feelings for you."
"Ely... You know I don't—"
"I know." Pinunasan niya ang mga luha sa mata ko. "We don't need to be friends, lalayuan na kita if it's what you want. I'm not pushing you into anything. Not anymore."
I'd laugh if someone told me Ely apologized.
Then again, ang daming puwedeng mangyari sa mundong 'to. Hindi mo maiisip na kahit kailan, ang isang taong kinaiinisan mo ay maaari mo pa palang mapatawad at makausap nang maayos.
Ely and I... We really didn't start off as friends. Pero, seeing this side of him? Na sobrang vulnerable? Hindi ako douchebag para lang i-disregard ang sincerity niya.
"I'm sorry. Shit. I'm really sorry. If I had things my way—"
"It wouldn't be the same. You told me that before." nginitian niya 'ko at hinawi ang buhok ko. I never knew Ely had a soft side.
"Hindi tamang ipilit ang expectations ko on the stuff that would happen," he said.
Napangiti ako nang maalala ko ang mga malalalim na usapan namin ni Ely. We really shared a deeper connection but then again, neither of us went further with it. Magkaiba lang talaga ang perspectives namin sa buhay.
"Ano bang nangyari, Ely? Sa inyo ni Papa?"
Biglang nagbago ang tingin niya. He became pale. I don't if it was because of my question or may nararamdaman na siyang kakaiba.
"I don't know if Dad told you about our deal pero, balak ko na talaga umalis. Kaso, 'yong Papa mo..." huminga siya nang malalim. "Hindi pala siya dapat kinakalaban."
"Tell me about it." Napangisi ako, pilit. "Why did you agree with the deal, Ely?"
"My dad was sick, Mikaela. We were losing a lot of money. Si Mommy, iniwan niya kami. We were on our own. In-offer ni Tito na siya na raw magbabayad ng bills sa hospital pero, may hidden agenda pala siya."
Bigla na naman akong nainis sa Tatay ko. How could he do such thing?!
"What agenda?"
"I... I don't think it's my story to tell."
I grabbed him by the wrist, firm, but not enough to hurt him. "I need to know, Ely."
Iniiwasan niya 'ko ng tingin. I forced his face to turn to me. "I need to fucking know what he told you!" He flinched.
Huminga siya nang malalim, "Please don't get mad at him at mas lalong, huwag mong sisisihin sarili mo."
Tumango ako at tinignan siya nang deretso sa mata. "He's desperate. Gusto niya talaga na ikaw ang sumunod na CEO ng company niya. But—"
"But I got mad at him." Napapikit na lang ako at hinawakan ang noo ko, "Sorry, Ely. Pero akin 'to. Akin talaga'to!"
"No, it's not!" Tinignan ko siya. "He pressured you, Sab. Even gave you threats. He even tried to kill me and my dad."
"Ba't niya magagawa 'yon, Ely?"
Hingal siyang nakatingin sa'kin habang inaantay ko ang sagot sa mga tanong niya. "Mikaela... He's—"
From behind, bigla kong nadinig ang pinto at boses ni Tito. "Mika! Si Papa mo!"
"Asaan siya?!" Nilingon ko siya. Natataranta ako, hindi ko alam ang gagawin.
Tumakbo siya papunta sa'kin at hinila ako, sakto dumating ang mga nurse. "Emergency room, dalian mo!"
I ran as fast as I could. Tears were forming. My heart was beating so loudly. Flashes of every fight I've had with Dad suddenly popped into my head. I need to see him alive.
Marami akong nababangga pero wala na'kong pakielam. Kailangan ko makita ang Tatay ko. Before it's too late. Fuck, I don't want to screw up again. Masyado na 'kong walang puso kung sa huling pagkakataon, ibibigo ko ang Tatay ko.
Napadaan ako sa elevator pero wala nang oras. Bumaba na'ko sa fire exit at dali-dali akong humakbang pababa. Aabot ka, aabot ka, aabot ka.
The fire exit door burst open at tumakbo ako para hanapin ang papunta sa emergency room, nang malapit na'ko bigla silang lumabas at nakita ko ang Tatay ko na nakahiga sa wheeled stretcher, tulak tulak ng mga nurse. Hinabol ko 'to, nakitakbo sa kanila, at sinilip ang muukha ng tatay ko.
"Dad!" He looks like shit.
"Ano pong nangyayari sa kaniya?" Hinihingal ako sa paghabol.
"We need to take him in the surgery room."
"Mi...ka..." Naiiyak na naman ako nang marining ang boses ng Tatay ko.
"Pa! Kumapit ka!"
"Hija, hanggang dito ka na lang." Pinigilan ako ng isang doctor.
"Hindi! Teka! Kailangan ko siya makita!" Pumiglas ako sa pero, hinawakan niya 'ko sa magkabilang braso.
"You need to wait outside, Hija! Pray that your old man would survive."
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napaupo na lang ako sa sahig. Ang bigat ng nararamdaman ko. Ayokong matulad kay Mavy, ayokong mawalan din ng Ama. Ayokong mawala na lang siya nang hindi kami nagkakaayos.
Hindi ko alam kung ano gagawin, hindi ko rin alam sa'n kukuha ng pera pambayad ng hospital bills. Nag-aantay lang ako rito at hindi ko alam kung kailan lalabas ang mga doktor.
I'm so lost right now.
Napahawak ako sa noo ko at naisipang tawagan si Mama. Sana on break siya, she deserves to know what happened. Ma, sumagot ka, please?
"Nak?"
"Ma!" Hirap na 'kong magsalita nang maayos because of my sobs.
"Anong nangyari?"
"Si... Papa... Shit." Huminga ako nang malalim at sinubukang kontrolin ang sarili ko. "Si Papa naaksidente."
"Ano?! Kailan?!"
"Kanina, Ma. Sinabi—sinabi ni Tito Rodriguez. Hindi—Ma, hindi ko na alam gagawin ko."
"Sab, anak, kapit lang, ha? Mabubuhay pa 'yang Tatay mo. Masamang damo 'yan, tatagal pa buhay niyan. Magdasal ka lang. May kasama ka ba diyan?"
Umiling ako, "Ako lang..."
"Wala akong makuhang flight pabalik sa Pilipinas. Hindi ko kayo mapupuntahan. Mag - iingat ka, Sab. Pagdadasal natin Tatay mo."
Binaba ko na ang telepono at mas lalo akong humagulgol. Pinunasan ko ang luha ko at huminga nang malalim. Kailangan ko maging matatag.
Una kong tinawagan si Carlos. "Wassup—"
"I need you."
"Umiiyak ka ba? Ano nangyari?"
"Puntahan mo'ko sa ospital. Tetext ko sa'yo," sabi ko at binaba na rin ang telepono.
I badly need someone to hug right now.
Tahimik akong umiiyak at binalikan lahat ng mga nagawa kong kasalanan sa Tatay ko. Inalala ko rin lahat ng mga magagandang samahan namin nila Mama. Gusto ko pang madagdagan 'yon. Ayoko pang mawala si Papa.
Inangat ko ang ulo ko at sa dulo ng hall, nakita ko ang nakasabit na crucifix. Nag-echo sa ulo ko ang boses ni Mama.
Magdasal ka.
Aaminin ko, I'm not a religious person. Pero, oo. Naniniwala ako sa Diyos. Sadiyang may mga oras lang talaga na hindi ko alam kung nandiyan ba talaga Siya sa tabi ko.
Hindi na'ko nag-isip pa at nagtanong ako kung may chapel ba ang ospital. Tinuro sa aking ng concierge ang papunta sa prayer room at nilakad ko na. Patigil-tigil ako papunta du'n kakapunas ng mga luha sa mata ko. Ang tagal na simula nu'ng nagdasal ako o nagsimba.
Ang tagal na simula nu'ng naglabas ako ng hinanakit at humingi ng tulong sa Kaniya.
Walang tao. Nag-sign of the cross ako, at umupo sa harap sa tapat ng altar. May respeto pa rin naman ako sa Diyos. Kaso ngayon, depende na lang sa sitwasyon.
Lumuhod ako, yumuko, at nagsimulang magdasal. Ibinigkas ko na lahat out loud. Bahala na kung may pumasok.
"Lord, hello. Hindi ko alam kung aabot 'to Sa'yo pero... Sorry. Sorry sa lahat ng kasalanan na ginawa ko. Alam mong... Hindi ako madalas magdasal sa'yo sa tuwing may problema ako gaya ng ginagawa ng iba."
"Pero sana... Kahit sa huling pagkakataon. Tulungan mo si Papa, Lord. Please. Alam kong... Malaki ang kasalanan namin sa isa't isa. Alam ko rin na, hindi naging mabuti si Papa recently, pero..."
Tumingin ako sa altar.
"Kailangan pa namin siya, Lord. Kailangan ko pa siya. Hindi dahil sa pera niya o ano, pero dahil Tatay ko siya. Handa ako magpatawad, Lord. Buhayin mo lang siya, please? Nagmamakaawa ako, Lord."
"Hirap na hirap na'ko... Ang dami ko na pong pagsubok sa buhay na hindi ko alam na malalagpasan ko. Please, Lord. Tulungan mo 'ko. Huwag Mo muna ku'nin si Papa sa'kin."
Huminga ako nang malalim at pinunasan ang mga luha ko na kanina pa umaagos.
"Tulungan mo rin po si Ely. Sana mabuhay silang dalawa at... Ako na po ang hihingi ng tawad para sa kanila."
"Please, Lord... Pinapangako ko... Babalik ako Sa'yo at mas aayusin ang buhay ko. Tulungan mo kaming lahat, Lord."
I exhaled sharply and sat down. Kahit papaano, nabawasan ang bigat sa dibdib ko. Nakakapanibago. Mukhang... tama nga sila. Therapeutic ang dasal, kahit hindi ganoon kalakas ang faith mo.
Lumabas na'ko ng chapel at bumalik sa waiting area. Hindi pa rin ako makapaniwala na aabot kami sa ganitong punto. Gustong-gusto ko magalit, gusto kong magwala, pero buhay ng Tatay ko ang nakataya. Walang mangyayari sa galit ko.
Maya-maya ay lumabas ang doktor. "Ano po, Doc? Kumusta si Papa?"
Huminga siya nang malalim at inayos ang salamin na suot niya.
"Due to the car crash, your father has a traumatic brain injury. We're in the process of repairing some of his skull fractures."
"Will he survive, Doc?"
"We are doing what we can. For now, he's in a coma."
Shit. "Please let him live, Doc. Kailangan pa namin siya."
"We will do our best, Ms. Madrid."
Bumalik na siya sa loob at napaupo na naman ako. Sakto, nakita ako ni Carlos at dali-dali siyang lumapit sa'kin.
"Kumusta? Okay ka lang?"
Umiling ako at niyakap siya. "Si Papa... Naaksidente."
Hinaplos-haplos niya ang likod ko. "Si Ely naman, nabaril. Nagre-recover naman siya ngayon."
"Ayoko pa mawala si Papa." dugtong ko.
"Hindi pa siya mamamatay, Sab. Tiwala lang. Lalaban 'yon."
Kumawala na'ko sa yakap at naupo kami parehas. Kahit papaano ay nabawasan ang bigat na nararamdaman ko. Kung may kapatid lang sana ako, mas madali sana lahat ng 'to.
Kumain muna kami saglit ni Carlos at kinewento ko lahat sa kaniya. "It's a good thing na nagdasal ka."
"Who would've thought?" ngisi ko.
"Tama lang 'yan, keep doing it. Hindi lang dahil may kailangan ka kay Lord."
"I know." ngiti ko, "It felt really weird. Kasi after ko talaga magdasal parang... ewan, nakakagaan lang."
"Ganu'n talaga." kumagat siya sa burger niya, "Ayaw mo kasi makinig sa'kin e."
"Sorry, you know it takes time to change, 'di ba?"
"Same with your perspectives. Hindi laging instant, you need to learn and educate yourself."
"Hay, thank you, ha?"
"Wala 'yon. Anyway, maya maya kailangan na kitang iwan. May raket kasi ako ngayon."
"Ba't 'di mo sinabi agad?"
"You need me. Malaki rin naman utang ko sa'yo." Natawa ako nang maalala ko kung paano kami nagkakilala.
"Forget about it. We're friends, this will last for a lifetime."
Inirapan niya 'ko. "You wish."
"Ay, attitude?"
Nagtawanan kami ni Carlos. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko. Si Carlos kasi, dinadaan ka niya sa humour and tips kapag mago-open up ka sa kaniya. He takes it lightly pero kapag nagsalita na siya, ang lalalim. Tagos sa puso.
Hinatid ako ni Carlos pabalik hanggang sa waiting area ng ospital. Humingi ako ng update sa counter. Hanggang ngayon hindi pa rin lumalabas si Papa. Hindi rin ako sinabihan kung gaano sila katagal du'n. Naalala ko rin tuloy si Elias.
"Besh, alis na'ko ha? Dami pa kasing preparation, eh."
"Sure. Thank you, Carlos," ngiti ko at niyakap siya.
"Anytime," sabi niya at umalis.
I was now left alone with my thoughts.
"Pst..."
I looked up and saw who just called.
"Mavy?! Paano—" umirap ako, "Let me guess... Carlos?"
Tumango siya, "Siyempre."
"Wala ka bang plano ngayon? Baka mamaya nakakaistorbo ako sa'yo."
"Hindi, 'no." Umupo siya sa tabi ko. "Sa'yo lang ako ngayong araw na 'to."
What does he mean by that?
"Ibig kong sabihin, nandito lang ako hanggang sa okay na lahat."
"Ah..." sabi ko at umiwas ng tingin. I feel like my cheeks are heating up.
"Musta?"
"Ayos lang." Nakita ko si Tito Rodriguez naglalakad pabalik. He raised his hand to me.
"Sabrina!"
"Tito! Kumusta na po?"
"Natutulog na si Elias, si Papa mo?"
"Na sa loob pa rin daw po. Tatawagin na lang daw po tayo. Tito... si Mavy nga pala."
"Magandang araw po," sabi ni Mavy sa kaniya.
"Gusto mo du'n muna kayo sa kwarto ni Elias? Ako na muna mag-aantay rito." Tumanguan ko siya.
Tumayo ako at hinila si Mavy, kita ko sa mga mata niya ang pagtataka. "Bati na kayo?"
"Eh, kind of."
Hindi ko namalayan na hawak-hawak ko siya sa kamay niya. Agad akong bumitaw, "Sa room 205 tayo."
Tumango siya at parehas na kaming natahimik. Ba't parang ang awkward namin ngayon?
Nakarating na kami sa kuwarto ni Elias. Tulog siya at umupo lang kami ni Mavy.
"Mukha siyang mabait 'pag tulog."
Natawa ako. "He's doing great, I think."
"Tropa na kayo niyan?" tanong niya.
"I don't know." I shrugged. "Tignan na lang natin."
Lumipas ang ilang mga minuto at nakatulog ako sa balikat ni Mavy. Hanggang sa, nakarinig ako ng tawanan. Nagising ako at naramdaman na may tumulong laway pala sa bibig ko.
"Shit! Sorry, Mavy!" Pinunasan ko agad ang balikat niya.
"Ayos lang," sabi niya at naglabas ng alcohol sa bulsa niya.
Natawa ako dahil laging handa pala 'tong lalaking 'to. Napatingin ako kay Elias at nakangiti lang siya sa'min. He opened his mouth at inunahan ko na siya.
"Shut up."
"I didn't even say anything yet."
"I know what you're thinking."
Biglang pumasok si Tito. Nakaramdam ako ng kaba.
"Sab?"
Tumayo ako agad. "Tito? Si Papa?"
"Kakadala lang sa kaniya sa kwarto niya. He's still asleep, the doctors said it could last for a few hours or days."
Nakahinga ako nang maluwang. Thank you, Lord. Okay lang si Papa. Agad akong naiyak dahil kahit naka-coma pa rin siya, nasurvive niya 'yong operation. He's a strong man.
Inakbayan ako ni Mavy. "Tara?"
Tumango ako at sinulyapan si Ely at nginitian. "Ingat ka ha?"
"Always. Puntahan mo na Papa mo."
Sunod kong niyakap si Tito Rodriguez. "Salamat po sa pagpunta sa bahay para sabihin lahat."
Ginulo niya ang buhok ko. "Malaki rin utang na loob ko sa pamilya niyo. Sige na, he's at room 109."
Umalis na kami ni Mavy sa kuwarto ni Ely at bumaba sa first floor. Nakahinga ako nang maluwag. This is a miracle. Kailangan ko na lang talaga antayin na magising si Papa. We need to settle a lot of things. I need to know his side. Sana palarin ako.
Nakarating na kami sa tapat ng pinto niya. Nagkatinginan kami ni Mavy dahil parang kinakabahan akong buksan ang pinto.
"Magiging okay rin ang lahat. Kaya mo 'yan, antayin kita rito." sabi ni Mavy at pinisil ang pisngi ko.
Ngumiti ako at huminga nang malalim. "Here I go..."
Dahan - dahan kong binuksan ang pinto. Every step that I took, my heart skipped a beat. He's there, lying on the bed. He looked peaceful. Lumapit ako at nararamdaman ko na ang mga luha na tumutulo sa mga mata ko.
"Pa..." Hindi ko alam kung iiyak ako o tatawa dahil buhay pa rin siya.
Umupo ako sa tabi niya at mas pinagmasdan ang itsura niya. Kita mo na 'yong mga puti niyang buhok, mga wrinkles, at kulubot sa kamay. Agad kong hinawakan ito at pinisil.
Tahimik akong umiiyak sa tabi niya. This felt so weird but overwhelming at the same time. Seeing him right now, made me think back through the times where we get along. I would hug hime right now, if not for the tubes all around him.
Ramdam ko ang mabagal niyang paghinga. Hinalikan ko siya noo, gaya ng ginagawa niya sa'kin nu'ng bata ako. Namiss ko si Papa, sana maging okay na kami.
Napangiti na lang ako nang pagmasdan ko siya. "Kamukha talaga kita Papa nakakainis naman."
I caressed his hands as I stared at his face. "Pa, gising na, oh. I want to say sorry. I want us to be okay again."
Pinunasan ko ang luha ko, "Alam kong hindi mo 'ko naririnig ngayon pero, Pa... Gumising ka na. Para makapag-usap na tayo. I want you to tell me everything. I prayed for you, Papa. And I'm not going to waste that chance."
Inangat ko ang kamay niya sa pisngi ko. "Pa... Gagawin ko na. I'll be the CEO of your company, just—wake up. Promise, hindi na 'to labag sa kalooban ko. Gagawin ko na 'yon as long as papakinggan mo na 'ko. Let me still pursue my passions while I pursue your dream for me."
"Kaya ko 'yon, Pa. Pagsasabayin ko. Kahit na, deep inside medyo ayoko pero, kung para sa'yo. Gagawin ko. Pa, I love you." umiyak na naman ako. Tinitignan ko lang si Papa na walang kahit anong emosyon ngayon. "Pa, gumising ka na. I still need you. Magkabalikan kayo ni Mama. I know you love her and you only said those things because you're mad at me. And I'm sorry..."
Yumuko ako sa bakal na naghaharang sa'min ni Papa. Lord, please. I need him right now. Gisingin mo na siya.
Inangat ko ang ulo ko at mas kinapitan ang hawak sa kamay ni Papa. Hanggang sa, biglang umangat ang index finger niya.
"Pa?"
Wala. Gumalaw lang bigla. I bowed my head back down and buried my face in my palms, feeling every drop of tear as I listen to the silence, broken time to time by the beeps and hums ng mga nakakabit na machine sa kaniya.
What the fuck is happening to my life?