webnovel

Sol at Luna

"Kaya simula ngayon... sa eclipse na 'yon oh!" turo niya sa langit. "Ako ang iyong Luna at ikaw ang aking Sol. Kaya na sa'yo ang buwan, at na sa'kin ang araw. Kasi balang araw-" "magkikita tayo muli..." 'Yan ang kanilang mga kataga bago sila maghiwalay. Kumakapit sa salita na kanilang binitiwan-na balang araw, magkikita sila muli. Ngunit, lumipas na ang ilang mga taon na magkahiwalay ang kanilang mga mundo ay patuloy pa rin nilang pinanghahawakan ang pangako nila sa isat-isa. 'Yon nga lang, pagtagpuin pa kaya sila ng tadhana? o baka umaasa lang pala sila sa wala?

silvermoonwrites · Realistic
Not enough ratings
24 Chs

Kabanata 18: Realizations

"Nandito na si Mama!" sigaw ni Ate sa baba.

"Teka!" sigaw ko pabalik.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Ang dami kong kailangan gawin. Iilan lang ang napasa na sketches, tapusing mag-impake, gumawa ng eulogy. Halos mangiyak-ngiyak na 'ko.

Ang dami kong gustong sabihin kay Papa, mga hinanakit, pagsisisi, damdaming naimbak. Pero bakit wala akong maisulat? Ang hirap pa rin tanggapin ng lahat. Habang iniisip ko nang maigi, napagtanto kong kahit papaano, ginawa niya ang lahat para maging Ama sa'kin. At minsan ko na rin naramdaman ang pagmamahal niya sa'ming magkapatid.

Nag-ayos ako ng gamit at halos hindi ako makapaniwala sa sarili ko na hindi ako ganu'n ka-organisado ngayon. Iba ang pagka-balisa ko, lalo na kagabi nang maiwan na akong umiiyak mag-isa sa kuwarto, na parang sa gitna ng pagiging lugmok ko, naramdaman kong may nakatabi sa'kin, nagbabantay, naninigurong magiging ayos lang ang lahat.

Baka gusto rin ako makita ng Tatay ko sa huling pagkakataon.

Tinignan ko muli ang loob ng kwarto, nagbabakasakali na maramdaman siya uli. Wala.

Bumaba na 'ko at bumungad sa'kin si Mama. Ang laki ng eyebags niya nu'ng tinitignan ko siya. Hindi ko masiguro kung dahil ba sa puyat 'yun o dahil sa katandaan.

"Ma." Niyakap niya 'ko.

"Kumusta ka?"

"Ayos lang, Ma. Sorry sa inasal ko kahapon."

Kumawala na siya sa yakap at nginitian ako. "Naiintindihan ko."

Nakakaluwang sa dibdib ko na makitang okay kaming lahat. Kaso hindi ko maiwasang magtampo o mainis kasi naikuwento ni Carlos ang pag-uusap nila kahapon nang umalis ako.

Hindi ako makapaniwala na masasabi ni Mama 'yon.

Hindi por que may sari-sarili na kaming buhay ay hahayaan na lang niya kami nang ganu'n lang. 'Yon nga lang, ano pa bang aasahan ko?

Dati na niya kaming pinabayaan ni Ate.

Huminga ka nang malalim, Mavy. Gaya nga ng sabi nila Sabrina, hindi ka puwedeng magpadala sa galit mo. Masyado ka nang nalamon. Hindi ikaw 'to at alam mong hindi ito ang tamang asal kapag namatayan ka. Kayanin mo.

"Tara na ba?" tanong ni Ate.

Hindi pa rin kami ayos.

"Si Sabrina pa!" labas agad ni Carlos sa kwarto, bitbit ang gamit niya.

"Sino 'yon?" tanong ni Mama

Sakto, biglang may nagbusina sa labas. Sabi kasi ni Sabrina, dadalhin daw niya kotse niya para kami ni Carlos at 'yong ibang gamit sa kotse niya isasakay. Huli na nu'ng sinabi sa'min ni Ate na may nirentahan pala na sasakyan si Mama.

Wala naman din siyang magagawa, tulong naman 'yong ginagawa ni Sabrina. Isa pa, ayaw namin tumabi muna kay Ate at kay Mama. Lalo na't hindi pa maayos ang lahat.

"Sasama raw siya sa'tin." Binuksan ko ang gate.

Lahat kami lumabas na at ni-lock ni Ate ang bahay. Lumabas si Sabrina ng kotse para tumulong sa mga gamit.

"Hi po, Tita." Nag-mano si Sab kay Mama.

"Ikaw ba si Sabrina, Hija?"

"Opo," ngiti ni Sab.

Tumingin sa'kin si Mama, itinaas ang kilay at ngumiti. "Girlfriend mo?"

Na-ubo ako at biglang tumawa nang malakas si Carlos.

Sinulyapan ko ng tingin si Sabrina at namumula siya. "So kayo nga?!"

"Hala hindi po! Friends lang kami ni Mavy."

Nanatili ang tingin sa'kin ni Mama. "Sige, sabi niyo e."

"Sa'n ba 'yong sasakyan mo, Ma?" pagtataray ni Ate.

"Papunta na raw, sasabay raw kasi 'yong mga tropa namin nu'ng college. Buti na lang pala nag-offer 'tong kaibigan mo, Reid." Napa-irap ako sa sinabi ni Mama.

"Ma, kaibigan ko lang siya, okay?" Tumulong na 'ko maglagay ng gamit sa kotse ni Sab.

"Palamig po muna kayo Tita sa loob habang wala pa po 'yong sasakyan niyo," sabi ni Sab at hinatid siya sa loob ng kotse niya.

---

"Reid pala ha?" panimula ni Sabrina habang nagmamaneho.

"Tumahimik ka, Mikaela." Nilipat ko ang istasyon ng radyo mula sa passenger's seat. "Huwag mo'kong tawaging Reid, please lang."

"Tuloy mo lang, Sab. Cute kaya!" asar ni Carlos sa likod.

"Anong cute ka diyan?" Tinignan ko siya sa rear view mirror.

"Cute ka mainis, p're."

"My god, ang adorbs kaya nung Reid! Ang baby pakinggan!"

"Ang ingay niyo. Matutulog muna ako!" Humiga si Carlos sa lkod.

"Whatever, Matthew," pahabol ni Sabrina at hinampas siya ni Carlos ng plastic bottle, "Aray!"

Binato rin siya ni Sab ng tissue. " HINDI LANG IKAW SADISTA DITO, HA!"

"Hoy, tama na," awat ko. Binukas ko ang palad at itinuro sa windshield, para ipakitang hindi na tanaw ang sasakyan nila Mama.

"Ang harot kasi, Matthew Carlos! We lost them!"

"Sorry na. Gps mo na lang sa phone."

Nagkatinginan kami ni Sabrina at umiling.

---

Nakarating na kami sa parang bahay na titirhan namin. Maliit lang siya pero kasya naman kaming lima.

Dalawa lang ang kwarto at tinignan ko kung malinis ba ang mga kama at punda.

"Hanggang bukas lang ba tayo rito, Ma?"

"Oo, bukas na ililibing Tatay niyo." Sinuri niya ang mga kuwarto. "Dito na kami ni Malaya. Mavy, may isa pa raw na kutson sa ilalim ng kama diyan. Sakto na 'yan sa inyong tatlo."

Agad-agad kami nag-ayos ng gamit. "Sa lapag na lang ako," sabi ni Sabrina nang hinila niya 'yong kutson sa ilalim.

"Hindi na, ako na lang. Tabi na kayo ni Mavy," sabi ni Carlos.

"Hindi, ako na lang sa lapag. Tapos sa kama si Sabrina ta's sa sofa ka o kaya sa sofa tayo parehas."

"I sometimes forget that both of you are such gentlemen," ngisi niya. "Magtabi na kayo magpinsan, okay?"

Nagkatinginan kami ni Carlos, at nagsabay sa pagsabi ng fine at sige.

Nakalipas ang ilang mga oras at halos hindi namin naiisip na nandito kami para kay Tatay. Parang, nagbabakasyon lang kami. Gayunpaman, mas maigi na rin sigurong huwag namin masyadong isipin ang lamay lalo na't nakakapagod din kasing umiyak.

Papunta sa burol, sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang isang tao tinaniman ko ng poot nu'ng buhay pa at humihinga. Hindi ko man lang natapos nang maigi ang kuwento naming dalawa.

Bumaba na kami ng kotse at napatigil na lang ako sa kinatatayuan ko. Tinitigan ko ang isang munting chapel, may pinturang puti at sky blue, luma ang mga bintana at may railing na nakapalibot. Parang hindi ko pa kaya. Hindi ako handa.

"Mavy," tinapik ako ni Sab, "you okay?"

Umiling ako. "Hindi ako handa."

Lumapit din sa'min si Carlos. "Ganiyan talaga sa umpisa. Pero, expect mo na mabibigla ka at iiyak ka. Nandito lang kami."

Tumango ako at sabay-sabay kaming pumasok sa isang pedestrian gate sa gilid ng bakod, at dumiretso sa isang daanan sa gilid ng altar kung saan nakahimlay si Papa. Sa paanan ng hagdan paakyat ng altar, tinitigan ko ang kabaong, at nilingon ang mga nakaupo sa mahahabang bangko. Hindi ko makilala ang karamihan sa kanila.

Umupo muna kami ni Carlos sa harapan. Si Sabrina, agad nang lumapit sa kabaong ni Tatay. Nakita namin siyang nag-sign of the cross. Inakbayan ako ni Carlos dahil parang naiiyak na naman ako.

"P're, kung iiyak ka ngayon, it's normal." sabi niya sa'kin.

Niyuko ko ang sarili ko at tinakpan ng panyo ang mga mata ko. Hindi ko na talaga mapigilan. Ito na 'yon. Nandoon lang siya sa harapan ko. Walang buhay, walang hangin, walang kahit na anong expresyon. Pero ako, nandito ako, nakaupo, umiiyak. Halos hindi ko maintindihan paano umabot lahat sa ganito.

Nadinig kong lumakad si Carlos paalis at may ibang umupo sa tabi ko. Naramdaman ko ang magaan na kamay at naamoy ang vanilla na pabango ni Sab. Hinaplos-haplos niya ang likod ko.

"It's gonna be okay, Mavy."

Pinunasan ko ang luha ko at lumingon sa kaniya. "Ano itsura ni Tatay?"

"Peaceful," nginitian niya 'ko.

Sinulyapan ko ang kabaong sa medyo malayo.

"Samahan kita, gusto mo?"

Tumango ako at tumayo si Sabrina. Inabot niya sa'kin ang kamay niya at kinuha ko ito. Habang papalapit kami nang papalapit sa kabaong, mas bumibigat ang paghinga ko. Palakas nang palakas ang daloy ng mga luha ko.

Ito na.

"Tay..."

Sinalo ng salamin ang mga luha kong papatak dapat sa mukha niya. Dahan ko itong hinaplos.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Nagbabalik lahat lahat ng mga alaala na mayroon kami, mga panahon namin nang magkasama pa, mga panahon kung saan masaya akong siya ang naging Tatay ko, at mga panahon na sinisisi ko ang sarili ko na hindi ko man lang siya nabisita.

"Tay, sorry! Sorry Tay!" humagulgol na'ko sa harap ng kabaong niya.

Wala na'kong pakielam kung maririnig ako ng mga tao. Gusto kong ilabas 'tong nararamdaman ko, 'yong bigat sa dibdib ko na kahit kailan hindi ko alam na marararamdaman ko pala. Pinilit kong magsalita sa pagitan ng mga hagulgol.

"Tay... sorry. Hindi kita binisita.... Patawarin mo 'ko. Patawarin mo 'ko sa mga ginawa ko, Tay!"

Nanginig ang dalawang kamao ko sa ibabaw ng salamin. Sana puwede ko siyang hawakan. Sana 'pag natuluan ng luha ko ang pisngi niya ay mabuhay na siya pero hindi. Kahit kailan, hindi na siya mabubuhay pa. Hindi ko na siya makikitang ngumiti, huminga, at 'di ko na siya masasabihan ng — "Tay, mahal kita. Patawarin mo'ko."

Tinitignan ko ang patay na katawan ng Tatay ko. Halos hindi ko na maalala na ganito pala ang itsura niya. Hindi ko man lang nakita sa huling sandali na tinawag niya 'kong anak. Ni hindi ko man lang siya nayakap nung buhay pa siya.

"Tangina."

"Anak... Umupo ka muna." Naramdaman ko ang kamay ni Mama sa balikat ko. Hindi ako makakilos.

"Dito lang ako."

Pinagmamasdan ko pa rin ang mukha ng Tatay ko. Nilalasap ko ang huling sandali na makikita ko siya. Hindi ako nakipag-ayos. Hindi ko man lang siya nabisita sa kulungan.

Bakit kailangan mamatay pa siya para lang makita ko siya ulit?

Ang sama kong anak.

"Mavy... Halika na. Huminahon ka muna." Hinila ako ni Ate.

"Bakit ba, Ate? Gusto ko rito e! Ano bang problema mo!" Umalingawngaw ang boses ko sa buong chapel. Nanlabo ang paningin ko sa lahat, maliban kay Ate. Pakiramdam ko pinagtitinginan ako.

Bakit ba hindi niyo na lang ako hayaan?

"Sab, please." Tinignan niya si Sab.

"Makinig ka muna, Mavy," bulong sa'kin ni Sabrina at hinila niya 'ko paalis sa tapat ng kabaong ni Tatay.

"Sinabing ayoko!" Piniglas ko ang hawak niya sa siko ko.

Namumula na ang mga mata ko habang tinititigan si Ate. Nanginginig na ang panga ko. Anong tingin niya sa'kin? Hindi ka-ano ano? Ano naman kung humagulgol ako dito? Wala na ba 'kong karapatan umiyak sa kabaong ng Tatay ko? Hindi na ba 'ko puwede umiyak? Ano? Porket siya mas matanda siya lang puwedeng—

Sinampal ako ni Sabrina.

"Para sa'n 'yon?!"

"Kanina ka pa e! Makinig ka nga for once in your life?!"

Natahimik ako nang maramdaman ang talas ng boses ni Sab.

"Hindi por que galit ka, excused kang umiskandalo. At hindi por que nasasaktan ka, puwedeng puwede mo na rin saktan 'yong ibang tao."

"Ako? Nakasakit ng ibang tao?"

"God, Mavy. See? Sobrang unaware mo na. Oo, gets ko, nasasaktan ka. Nagsisisi ka. Nalulungkot ka. But it's not a reason for you to be a fucking jerk to your family and friends."

Tinignan ko lang siya nang matalas, dama ko ang bigat ng hinga ko. Pero, sa totoo lang, tama naman siya eh.

Umupo siya sa tabi ko at bumuntong hininga. "Can you please calm yourself down?"

"Kalmado naman ako."

"Nope."

Naiinis ako na hindi ko maintindihan kung bakit. Ano ba kasing ginagawa ko? Masama na bang umiyak ngayon? Masaktan?

"Ano ba gusto mong mangyari? Sino ka ba para sabihin mo sa'kin kung ano ang dapat kong gawin?"

Napaatras ang mukha niya, tumaas ang kilay, at humawak siya sa dibdib. "Ano?"

Sumulpot si Carlos, "P're, naririnig mo ba sarili mo? I-process mo muna 'yung huli mong sinabi. You're being insensitive."

Insensitive.

"Paano? Nagtatanong lang naman ako?"

"Some questions can be rephrased without sounding insensitive. Akala mo kasi, okay lang lahat. Akala mo kasi basta malabas mo lang gusto mong sabihin okay na. Hindi laging okay 'yon, Mavy," sabi ni Sabrina.

"Malay ko ba? Tangina, namatayan ako. Ngayon niyo talaga ako papagalitan?"

"Kasi hindi tama inaasal mo ngayon, p're. Hindi ka ganiyan dati. Puwede namang mag-mourn na may self-awareness pa rin. Kontrolin mo 'yang galit mo, p're. Nagiging toxic na kasi."

Bumuntong hininga ako dahil hindi ko alam kung ano ba gagawin ko. Parang sinasabi nila na bawat kilos ko ay mali. Ano ba dapat gawin? Alangang ikulob ko 'to.

"Edi sorry. Malay ko ba."

"Ano ba kasi iniisip mo? Why do you keep lashing out on people?"

"Nakakainis kasi e. Hindi niyo na lang ako hayaan. Masama na bang maglabas ng saloobin ngayon?"

Nagkatinginan silang dalawa. Tinanguan ni Sab si Carlos, na mukhang naintindihan siya agad. Lumingon si Carlos sa'kin.

"Hindi naman kasi sa ganon..."

"E ano?"

"You're just being too stubborn. That's not the Mavy I knew," sabi ni Sabrina, sabay walk out.

"Ano? Magwo-walk out ka rin?" sabi ko kay Carlos.

"Hindi." umupo siya sa tabi ko. "Ang sa'min lang kasi p're... medyo self-centered ka ngayon."

Kumunot ang noo ko. "Paano?"

"Hindi mo pinakikinggan mga tao sa paligid mo. Meaning, dahil sa galit na pumupulupot sa puso mo, gusto mo ikaw lang ang nasasaktan. Tulad kanina," Nilingon niya saglit kung nasaan si Sab. "pinapapahinga ka, ayaw mo sumunod. Pinapatigil ka, ayaw mo tumigil."

"May dinadamdam ako, Carlos."

"So kami wala? Hindi lang ikaw namatayan, Mavy. Hindi lang ikaw ang may karapatan maglahad ng damdamin mo. Pagbigyan mo 'yong ibang tao. Pagbigyan mo 'yang sarili mo na kumalma at makinig sa sinasabi ng iba."

Hindi ako makapaniwala.

"Mavy, ang taong galit, bingi. Hindi ka ganiyan at alam mo 'yan. Huwag kang mo kaming idamay lahat sa bagahe mo. May sarili kang utak, gamitin mo naman. Huwag puro damdamin."

Bumuntong hininga ako at tumango. May saysay naman 'yung sinasabi ni Carlos. Siguro, tama nga siya, hindi ko man maamin sa sarili ko na ang gago ko na.

Bigla tuloy ako nainis sa sarili ko.

"Sorry, p're." pagbabasag ko.

"Natauhan ka na?" Lumihis ako ng tingin, at huminga lang nang malalim, tapos ay tumango.

"Buti naman." Ginulo niya ang buhok ko. "Inutusan ako bumili ng softdrinks. Puntahan mo na 'yong isa."

Ilang saglit pagkaalis niya, tumayo na rin ako. Saan kaya nagpunta si Sabrina?

Naglakad-lakad ako at natanaw ang likuran ng kotse niya. Tanaw ko ang likuran ng pigura niyang nakasandal sa may hood... Usok ba 'yun?

Paglapit ko ay nanlaki ang aking mata nang tinapat niya ang kamay sa bibig at humipak.

"Naninigarilyo ka?"

Nagulat siya, at napalingon sa'kin. "Pake mo ba?"

"Hindi ba masama 'yan?" Lumapit ako at tumabi sa kaniya.

Tinignan lang niya 'ko at humipak uli. "Alam ko."

"E ba't mo ginagawa?"

"Sino ka rin ba para sabihin mo sa'kin kung ano ang dapat kong gawin?"

Nadali niya 'ko du'n.

"Sorry."

Tinitignan lang niya 'ko. Ang dami ko nang kasalanan sa kaniya, sa kanilang lahat.

"Puro ka sorry." Umiling siya, at tinapon ang yosi.

Bumuntong hininga ako. "Alam ko. 'Yon lang puwede kong sabihin e."

"I quit smoking ever since I got back in the Philippines..." Kinuha niya sa bulsa ang cellphone niya at nagpipindot. Ayaw niya 'kong harapin. "Ginagawa ko lang siya 'pag naiinis ako and may malalim na iniisip."

"At ilang beses nang nangyari 'yon mula nu'ng tumigil ka?"

"Ngayon lang uli," tawa niya. "Congrats, Mavy. Napa-yosi mo 'ko."

"Sorry, sobrang naging insensitive ako." Bumuntong hininga uli ako. Ganun na ba 'ko talaga kalala kanina at napa-yosi siya?

"It's fine," ngiti niya. "Besides, I got you to come to me, haven't I?"

"Ha?"

"Hatdog."

Nag-usap pa kami ni Sabrina tungkol sa iba pang mga bagay. Medyo gumaan na rin pakiramdam ko at mas natatanggap ko nang wala na talaga si Tatay. Siguro, oras lang talaga kailangan. Mahirap man pero, alam ko na sa payapang lugar si Tatay ngayon.

Umabot na ng gabi at mas dumami ang bisita sa lamay. Marami rin palang nakakaalala sa kaniya. Nakausap at nakita ko rin 'yong ibang mga pinsan ko. Sa totoo lang, medyo masaya ako dahil may mga namumukhaan na 'ko. Nagkumustahan kami sa kaniya-kaniyang estado na ngayon. Mayroong maaalala mo, simple lang noon, wala masiyadong naaabot, pero magugulat ka na lang mas marami na silang narating kaysa sa'yo. Nakakagulat din na may mga kapatid sila Mama at Papa ang nakakaalala sa'min ni Carlos.

"Handa mo na speech mo," sabi ni Carlos habang kumakain ng cup noodles.

"Ngayon na 'yon?"

"Oo, nandito 'yong Lolo na'tin na Pastor."

Tumango ako at binuksan ang cellphone ko. Habang naga-outline ako ng sasabihin, sige ang mga bagong dating na bumabati ng condolence. Hanggang sa notifications ko, sige ang pag-ping ng mga nakikiramay na tropa. Nakakagaan na alam mong nandiyan lang sila.

Nakalipas ang ilang mga minuto at natapos na ang padasal na ginawa ni Lolo. Medyo naluluha at nangingiti ako sa mga sinasabi niyang payo. Katabi ko si Sabrina at tahimik lang siya, natalakay kasi ng Lolo ang relasyong pamilya at pakikipag-ayos. Tinatamaan yata siya. Gayunpaman, tama naman lahat ng sinasabi ni Lolo. Kahit ako, mas natanggap ko ang mga nangyari ngayon, mas nadama ko rin ang pagsisisi.

"...Kung kilala niyo si Papa, alam niyong parang rollercoaster ang nangyari sa pamilya namin. Siguro, 'yong iba sa inyo, hindi niyo akalain na aabot siya sa punto na... alam niyo na. Pero, 'yon lang kasi ang tanging alam niyang gawin para makaahon kami sa hirap." si Ate ang nagsimula magsalita. Hindi ko siya magawang pakinggan nang maayos dahil halos wala pa rin akong nasusulat na eulogy. Puro pagsisisi at patawad lang ang nailagay ko sa outline ko.

"Mahal ko si Papa, bago pa man pinanganak si Mavy, close na kami. Kung minsan, masungit siya pero kapag na sa mood siya, lagi niya akong nililibot sa labas." Humikbi siya at pinunasan ang magkabilang mata.

"Minsan, nakakalimutan kong, nasasaktan din siya. Nakakalimutan ko na, mga magulang sila. Na gagawin ang lahat para sa pamilya. Siguro, nabulag na lang din ako sa inis."

Ngayon ko lang nadinig ang mga ganitong hinanakit ni Ate patungo kay Papa. Napalapag ako ng cellphone sa gilid at tumingin sa kaniya.

"Nakakapag-aral na kami ni Mavy at alam namin kung ano 'yong tama at mali. Pero, hindi ko magawang aminin sa sarili ko na... mali 'yong mga ginagawa niya. Kasi, kung para sa'min naman, bakit tututol ako? At sino ako para kuwestiyonin siya? Anak niya lang ako." Napatitig ang mga mata niya sa malayo, at bumuntong hininga siya.

"Pero, Papa. Kung nasaan ka man, sorry... Sorry kung hindi kita nabibisita. Sorry kung, marami akong pagkukulang bilang isang anak. Pero, gaya ng pangako ko sa'yo noon, bago ka makulong. Aalagaan at aalalayan ko si Mavy at si Mama. Sana mapatawad mo'ko. Mahal na mahal kita."

Umalis na si Ate sa harapan at agad akong tumayo para yakapin siya. Niyakap niya 'ko nang mahigpit at hindi na napigilan ang sarili niya na humagulgol. "Sorry, Ate. Nandito ako, ha? Wala kang pagkukulang bilang kapatid at anak."

"Sorry rin sa inasal ko. Mahal na mahal kita, Mavy."

Tinanguan ko lang siya, blangko ang aking mukha. Hindi ko alam sasabihin ko.

"Hijo, ikaw ba si Mavy?" lumapit sa'kin ang Lolo.

Tumango ako.

"Ikaw na sunod."

"Po?"

"Sige na, huwag ka na mahiya."

Tinignan ko sila Sabrina at Carlos, tumango lang sila at nginitian ako. Ngayon ko na lang din nakikita lahat ng tao. Huminga ako nang malalim at kinuha ang microphone sa kamay ni Lolo. Ang lakas ng tibok ng puso ko, sana naman maayos ang pananalita ko.

Kinapa ko ang bulsa ko at wala ang cellphone ko. Tinignan ko si Carlos at naiwan ko pala sa tabi niya.

Napabaling ang mata ko sa mga tao. Nakatingin silang lahat sa'kin, naghihintay.

Hindi ko alam kung bakit ako natataranta. Kapag binaba ko pa uli ang phone ko, 'di ba mukha akong tanga? 'Di ba sayang ang oras nila kasi naglakad pa uli ako kaysa nagsalita na agad? 'Di kaya isipin nila bigla na ang arte ko masiyado kasi kailangan ko pa nung kodigo ko e 'yung iba nagsalita lang agad? Hindi na nga ako nagkaroon ng oras para isipin sasabihin ko, outline lang ang nadoon, ang nailagay ko puro pagsisisi, paghihingi ng patawad kay Papa tapos—

"Hijo... Mavy? Apo, puwede ka nang magsalita."

Huminga ulit ako nang malalim at nilingon ko si Tatay sa loob ng kabaong niya. Hindi ko na siguro kailangan ng kahit anong kodigo rito.

"Hi po sa inyo. Ako po 'yong bunsong anak ni Tatay at ni Mama. 'Yong iba po sa inyo baka hindi ako kilala pero, may aaminin po ako sa inyo." Lahat sila nagsilingon. Ang mga dinig na bulungan, tsismisan ng mga ibang walang balak makinig, agarang namatay. Lahat ng atensyon na sa'kin.

"Ako 'yong nagsumbong sa Tatay ko."

Sabay sabay ang mahihinang singhap ng gulat. Bumalik ang bulungan. Lumakas bigla lalo ang pagdaga ng dibdib ko. Bumigat ang paghinga ko, dahan-dahang nawala lahat ng pandinig ko. Hindi ko na maramdaman ang dibdib ko, braso na rin pala, pati mukha. Teka lang. Sinulyapan ko sila Carlos at nag-thumbs up lang sila. Kailangan ko ituloy 'tong speech ko. Nagsalita ako sa kabila ng biglaang gulo sa paligid, at ingay sa loob ko.

"Siguro po, maiisip niyo... Ang sama kong anak. Nilaglag ko ang Tatay ko at hindi ko man lang siya nabibisita sa kulungan. Pero, maniwala man po kayo o sa hindi, minsan ko na pong pinagsisihan na sinumbong ko siya. Hindi niyo rin naman po ako masisisi na ginawa ko 'yon dahil, 'yon lang ang alam kong tama. Hindi po kasi patas para sa iba at gaya po ng sabi nila, hindi napapalitan ng mali ang isa pang pagkakamali."

Tinignan ko sila Mama at nanlalamig ang mga kamay ko. "Mahal ko po ang Tatay ko. Dahil, kahit sa maling paraan, ginawa niya ang makakaya niya para maitaguyod kami. Siguro, naiinis ako sa kaniya dahil, siya ang dahilan kung ba't nawalan kami ng isa pang kapatid. Minsan, iniisip ko, sana hindi ko na lang siya sinumbong, o sana mas may maayos na trabaho na lang ang mayroon siya. Pero, wala naman po tayong magagawa."

Nilapitan ko ang kabaong ni Tatay, dala dala ang mic. "Tay, kung nasaan ka man. Sana mapatawad mo rin ako. Alam ko, ako may dahilan ba't ka nakulong. Hindi ko man alam paano ka namatay pero, sana patawarin mo'ko. Ginawa ko lang 'yon para sa'min nila Mama."

Hinaplos ko ang salamin ng kabaong niya, "Naging mabuti kang Ama sa'min. Naalala ko pa noong dinadalhan mo kami ng fishball ni Ate. Ta's ikaw rin nagturo sa'kin paano magpinta noon. Sana, kung buhay ka lang, parehas na natin gagawin 'yon. Mamimiss kita lalo, Tay."

"Mahal na mahal ka namin nila Mama."

* * *

S A B R I N A

Tapos na ang eulogies, at tahimik halos lahat ng kasama ko when I got here. Si Carlos lang ang makausap ko.

Hindi ako makapaniwala na sa isang buong linggo, ganito ang mangyayari sa'min. It's going to be a long week. Malapit na rin matapos ang buwan at malapit na'kong umalis.

Tomorrow came and we all dressed in black. Tinignan ko ang mga malulungkot nilang mukha. I'm not related with the person who died, but his life, his relationship with the people he cared about, nakakadala. Bago ako makatulog kagabi, naiyak din ako.

Bumalik kami sa burol. Nagkaroon ng Misa at pagtapos nun, inayos na ang convoy papuntang sementeryo.

I glanced at Mavy on the passenger's seat and his cheeks were glistening with tears. As for Carlos, chill lang siya sa likod. But I've been with him long enough to know how he really feels. No one talked for the whole trip.

Habang nagpa-park ako. Nararamdaman ko ang lungkot na nararamdaman nu'ng dalawa. Hindi ko akalain na ganito pala ang pakiramdam kapag may kakilala kang namatayan.

I feel heavily obliged to comfort them.

Bumaba na kami at kita mula sa malayo ang malaking hukay na paglalagyan ng kabaong. The faint sobs and sniffs slowly grow louder as we walk. I heard a car from behind and looked back. Ayan na sila Tita, bumababa.

Before I knew it, pain and agony started to flash before my eyes. Habang binababa na ang kabaong ni Tito, rinig na rinig ko ang mga sigaw ng hinanakit nina Ate Malaya, Mavy, Carlos, at ni Tita. It hurts me to see them like this.

Hindi ko man sila ka-ano ano pero, nadadala ako sa mga emosyon na nakikita ko ngayon. Ang sakit siguro sa pakiramdam na, sa huling sandali, sa mga huling minuto, ayon na. Wala na. Tinatabunan na ng lupa ang taong minsan mo nang minahal at nakasama sa isang bubong.

Nasa likuran lang ako ng tent at sobrang lakas ng simoy ng hangin. Sure ako, kaluluwa ni Tito 'yun. Nilalasap ko lang ito, nakakakalma.

Medyo nagsu-subside na ang ingay ng iyakan. Itinakip na ang huling slabs ng lupa at damo, at ipinatong ang lapida.

It's the end of Tito's chapter.

Ang sakit din siguro para sa kaniya na hindi makita ang pamilya niya sa huling pagkakataon. Kahit na may masama siyang nakaraan, naniniwala pa rin naman ako na minsan na rin siyang naging isang mabuting Ama kayla Mavy.

Ang weird, 'no? Totoo lahat ng sinasabi nila sa'tin.

You'll realize someone's worth once they're gone.

Masakit pa du'n. Hindi lang umalis e. Tuluyan nang nawala-rito sa mundong ibabaw. Isa pa, ang dami niyang naiwan.

Looking at how Mavy, Carlos, and the rest of the Bautista's feel right now, nakapag-reflect ako sa lahat ng self-loathing at resentment na nararamdaman ko. Nakaka-guilty. Naisip ko, paano kung tuluyan akong namatay. Ang dami ko palang maiiwan. Ang daming mga issue na sana, naayos ko. Mga taong, sa huling sandali, nayakap ko. Sobrang halaga pala talaga ng buhay.

That's why we make the most out of it.

I looked around. Lumuluha pa rin ang marami, pero hindi na katulad nu'ng kanina na may mga humahagulgol talaga. Tumingin ako kay Mavy at nginitian niya ako. I smiled back. Pinalipad na nila ang mga white balloons kung saan nakasulat mga letter nila kay Tito. As they looked at them rise to the heavens, mas naging mapayapa na ang paligid. It was serene.

Nagkainan sila and here I am, watching Mavy's family gather around. These are one of those rare moments you get to cherish forever. Kahit na, namatay si Tito, ang sarap pa rin makita na, masaya silang nagkikita, nagka-catch up, at naguusap. I wished I had a moment like this with my family, well, whatever's left of them.

Then again, hindi naman kailangan ng patay para maranasan lahat ng 'to.

Ang saya siguro 'yong tipong nagkukumustahan kayo sa kaniya-kaniyang buhay,over something as simple as softdrinks, saka palabok. Tapos, hindi mo na namamalayan 'yong takbo ng oras.

Interesting rin kasing makita ang pamilya ng mga kaibigan mo. Mas nakikilala mo kung sino sila. Saan sila nagmula, kanino nagmana, at makikita mo kung paano sila makitungo sa pamilya nila.

"Mika Sab, ba't mag-isa ka rito?" napatingin ako sa gilid at nakita ko si Carlos.

"Since when did you call me that?"

Natawa lang siya. "Ba't hindi ka sumama du'n? Ayaw mo pa ba ng kape or something?"

I shook my head. I certainly don't belong there. I'm just a guest, anyway. "Bautista po ba 'ko, Matthew Carlos?"

"Oh shut up," sabi niya at hinila ako. "They'll love you."

"No fucking way, Man."

"Besh, loosen up! Kung alam mo lang kung gaano kadaldal ang mga tao dito. I swear, hindi mo pagsisihan."

"Talaga lang ha?" I crossed my arms.

"Legit nga! Tara! Hanap ka rin nila Mavy."

I gave up and followed him. One of the reasons why I don't like to include myself in their conversations is because of their expectations. Tingin ko kasi, out of place talaga ako. Sobrang layo ng paniniwala nila sa nakalakihan ko. I feel like I'm going to embarass myself.

Also, nababahala ako. Hindi ako makapag-isip nang maayos. Aaminin ko, I liked the company of the Bautistas pero, there's one thing I have in mind. And, it's Mavy. Hindi dahil sa gusto ko siya or what pero—

"Sa'n ka galing?" There he is.

And he's wearing that red fucking beanie again, which inevitably reminds me of Sol.

Alam kong hindi ito ang oras para isipin ko 'yon. Sinusubukan ko naman i-set aside.

"Sa car lang." I sat on one of the empty monobloc chairs. Medyo malayo kay Mavy.

Seconds later at umupo sa tabi ko si Carlos. "Ayos ka lang? Galit ka ba du'n sa isa?"

My brows furrowed, "No. Never. Bakit?"

Obvious ba na medyo nilalayuan ko siya?

"Tipid mo raw sumagot. 'Yong totoo, Sabrina? What's up?"

I sighed. "Not here."

"Pero—"

"Carlos! Oh, sino pala 'tong kasama niyo?" May lumapit na morenang babae. Based on her looks, matanda siya nang konti kay Carlos.

"Ate, si Sabrina po. Kaibigan namin ni Mavy."

Kumaway lang ako sa kaniya, "Ang ganda ganda mo naman, Sabrina. May lahi ka?"

"Hala wala po, Ate!" Awkward.

"Sab, si Ate Joanna. Anak siya nu'ng kapatid ni Tito. Pinsan ko para hindi ka malito." natawa kami parehas.

"Salamat sa pagdalaw ha?" Kumuha ng malapit na upuan si Ate Joanna at naupo rin.

"Walang problema po, Ate," ngiti ko.

"Alam mo, makuwento ko lang, ha." Hinawakan niya ang tuhod ko. "Itong si Carlos at Mavy? Sobrang tahimik nila tuwing fiesta. Ta's alam mo kung bakit?"

"Bakit po?"

"Nagnanakaw na pala sila ng mga handa para sila unang kakain." Tumingin si Ate Joanna nang masama kay Carlos at natawa kaming tatlo.

"Tactics kasi 'yun, Ate!"

"Parang ang saya naman ng fiesta. Hindi pa po ako nakakapunta sa ganu'n."

Since when did I ever leave my house?

"Weh? Seryoso? Bakit?" nanlaki mga mata ni Ate.

I fidgeted my fingers. Sasabihin ko ba talaga ang totoong rason? Nahihiya ako.

"Kasi Ate, laking ano si Sabrina. Alam mo na."

Anong ano?

Napatingin ako kay Carlos at kumunot ang noo ko. Pinagsasabi nito?

"Sabrina, huwag kang mahiya kung laking yaman ka o laking hirap. Pantay-pantay lang naman tayo rito. Basta, tatandaan mo dapat na kahit kailan, hindi mo madadala ang kayamanan mo sa langit."

Nginitian ko si Ate Joanna, "Alam ko po 'yon. The truth is, wala po akong pakielam sa pera. Lumaki po akong mag-isa at kahit kailan, hindi po ako naging maluho."

"Buti na lang, akala ko kasi tulad ka nu'ng iba diyan. Pero hayaan mo, kapag bumisita ulit kayo rito sa lugar namin. Paparamdam namin sa'yo ang feeling ng fiesta."

Napangiti ako sa sinabi ni Ate Joanna. Hindi ko man siya kadugo pero, sobrang nararamdaman ko 'yong sincerity sa bawat salita na lumalabas sa bibig niya.

"Sama ako!" singit ni Mavy.

"Ta's magnanakaw ka na naman?" banat ni Ate Joanna. "Huwag kang tutulad sa dalawang 'to, Sabrina."

"Opo," ngisi ko.

"Ay gusto mo ba ng pagkain? Nakakuha ka na ba?" alok niya sa'kin.

"Ayos na po ako, Ate. Thank you."

"Una na muna ako ha? Nice meeting you, Sabrina. Balik ka rito, masaya!" sabi niya at pinuntahan ang iba pang mga bisita.

Pakiramdam ko, parang Ate ko na siya sa ibang nanay. Sobrang gaan lang nang loob ko sa kaniya. I looked around to glance at the other Bautistas. Each one almost had the ame air and charm as that of Ate Joanna's. Parang buong angkan yata nila makakasundo ko.

"Ano? Tuwa ka?" sabi sa'kin ni Carlos.

"Ang bait niya."

Bihira lang kasi ako ma-expose sa mga taong tulad ni Ate Joanna. 'Yong tipong, hindi ka tatanungin tungkol sa pamilya mo, kung sa'n ka galing. As in, friends lang talaga kayo. Simpleng usap lang. Walang pakielaman sa estado mo. As long as marunong ka makitungo.

"Parang ang lamya mo bigla, Sab. May naalala ka ba?" sabi ni Mavy at hinawakan ang braso ko.

"Wala, may naisip lang." sabi ko at nginitian ko siya.

"Kaninong girlfriend 'to?" May lumapit sa'min na isang lalaki who looks roughly the same age as Mavy and Carlos. May kasama siyang babae na kapatid niya ata.

"Wala, kaibigan lang 'yan," sagot ni Carlos sa kaniya.

"Kayo? Wala pa kayong jowa?" sabi nu'ng kasama niya.

"Wala," sabay na sagot ni Mavy at Carlos.

"Ikaw, Ate. May gusto ka ba sa isa sa kanila?" tanong niya sa'kin.

Dapat ko bang sagutin 'yan?

"Ang chismosa mo!" awat sa kaniya nu'ng lalaki.

"Ikaw nga 'tong nag-aya!"

"Kahit kailan talaga ang kukulit niyo," sabi ni Carlos. "Kumain na nga lang kayo du'n!"

"Sungit!" belat sa kaniya nu'ng babae pero kalaunan, umalis na rin sila.

"Second cousin namin 'yon. Hindi namin masyado ka-close kasi lahat ng parte ng buhay mo gusto nila malaman," bulong sa'kin ni Mavy.

Tumango ako. May mga pamilya pa rin talagang akala mo kung sino para umasta. 'Di hamak na mas marami sa'min ang ganiyan. Mas malala siguro.

Natapos ang araw at bumalik na kami sa nirentahan ni Tita na bahay. Agad kaming nagkulong sa kwarto at nagpahinga. Bukas na kami uuwi dahil baka ma-stuck kami sa traffic.

Tahimik lang ang dalawa habang inaayos ang gamit. Para bukas, deretso alis na. Umalis saglit si Carlos dahil gusto raw siya kainuman ng mga pinsan niya. Natira kaming dalawa ni Mavy sa kuwarto.

"Are you okay?" I asked.

"Saks, ikaw?" Tumingin siya sa'kin at nakipag eye contact.

I shrugged and continued fixing my things. "You can tell me anything, you know."

"Natatakot ako," sabi niya at tinignan ko siya.

"Saan?"

"Sa'yo."

"Bakit?"

"Baka kasi masaktan ko ulit damdamin mo. Baka masama pa'ko sa dahilan kung bakit ayaw mo na mabuhay... Ayoko nu'n."

I sighed. You'll never be the reason why I want to end the pain I'm feeling. "You're not, alright? Nasabi ko naman na sa'yo, 'di ba?"

He glanced at me. "Ang alin?"

"I'm thankful I met you, Mavy." I smiled at him. "Hindi mo alam kung gaano ka na kahalaga sa'kin."

Also because... You remind me of someone.

Napahawak ako sa leeg ko and it felt empty. Napansin 'yon ni Mavy. "Ba't hindi mo na sinusuot? Pansin ko lagi mong suot 'yon."

"Ha?"

"Mannerism mo, 'di ba? May times kasi na humahawak ka sa dibdib mo, tapos may paglalaruan kang kuwintas ata na nakatago sa ilalim ng damit mo."

Napansin pa niya 'yon?

"Kuwintas? Wala naman akong suot na kuwintas." I pulled the collar of my shirt to the side para makita niyang walang kuwintas sa ilalim. I haven't worn it since Mavy and I got... closer.

Patay malisya na lang. Pero shit, ba't bigla akong nataranta?

"Sorry, baka guniguni ko lang 'yun," sabi niya at may kinukuha sa bag niya.

Bakit parang in-expect ko nang ito ang ipapakita niya?

It's the red beanie. "Tahi kasi 'to ni Mama. Naalala ko, bata pa lang ako, lagi ko 'tong suot. Regalo niya kasi 'to sa'kin nung birthday ko."

Inabot niya sa'kin 'to at hinawakan ko siya. May naka-print pala na pangalan.

"Huwag mo aamuyin ah? Pinawisan ako kanina."

Natawa ako at tumango.

"Mahal ko talaga si Mama. Sadyang, may mga oras lang talaga na hindi natin matanggap ang mga nangyayari sa'tin. Kung bakit nangyari pa."

Tinignan ko siya at parang naiiyak na naman siya.

"I feel you."

Ngumiti siya pero, you can clearly see the depth of longingness for her mother to stay—for having a happy and complete family. Hindi ko siya masisisi kung maiinis talaga siya sa mga magulang niya.

"Masakit, e. Pero, mas masakit pala umasa. Mas masakit ngayon kasi—" Tumingin siya nang deretso sa'king mga mata.

"Hindi mo alam kung kailan mo pa sila huling mayayakap, makakausap, at makikita."