webnovel

SIYA

KarylleVasquez · Teen
Not enough ratings
11 Chs

Chapter 6

Ern POV

Alam kong napamangha siya sa ginawa ko, kitang kita ko kung paano siya ngumiti at nakikilig, dahil sa mga musika at candela ito'y nagsisilbing instrumento para mapatingin siya, lumabas ako na may dalang bulaklak, napaiyak siya sa tuwa ng makita niya ako, it was a romance date in my resort, ibinigay ko ang bulaklak na hawak ko

"Salamat" sabi niya

"Nagustuhan mo ba?" Tanong ko

"Oo naman"

"Simula ngayon let's now celebrate our 4th Anniversary, cheers to us"

Ngumiti siya at hinalikan ako Nang sobrang diin

"Luv, may hihilingin ako sayo"

"Ano iyon?"

"Bukas na ang flight ko patungo USA, pasensya ka na kung magiging malungkot ulit tayo"

"Ok lang iyon, pag aaral naman ang ginagawa mo doon eh, saka tiwala ako sayo, basta may oras at panahon tayo, tayo'y magtatagal at magmamahalan ng walang hanggan"

"Salamat luv, hindi ko aakalain na nandito ka sa tabi ko, nagpapasalamat ako sa lahat ng nangyari ngayon, mahal na mahal kita"

"Mahal na mahal din kita Lei, magiingat ka doon, ipangako mo sa akin na kahit anong mangyari sabihin mo sa akin, handa kitang puntahan sa USA, kung sakaling may manyari na masama sayo"

Hindi na siya nagsalita at hinalikan niya ako

"Bukas magpapaalam ako sayo bago ako magbibiyahe"

"Sige"

Kinabukasan

Lei POV

Pumunta ako sa kanyang villa para magpapaalam, kumatok ako at agad niya namang pinihit ang door knob at yinakap ko siya ng mahigpit

"Aalis na kana?" Tanong niya

"Oo kailangan kasi"

"Luv, lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita, at kahit ano man ang mangyari sabi mo lang at pupuntahan kita hanggang sa huli nating pagkikita"

"Sige, paalam"

"Paalam"

Bawat pagpatak ng luha ko simbolo ng pagmamahal ko sa kanya, hinding hindi ko ito makakalimutan mahal na mahal kita Ern, till the end of my life