Lei POV
Ano na naman yata ang magaganap kapag bumalik ulit ako dito sa pinas, nandito ako ngayon sa gilid ng dagat, kay ganda ng tanawin, napatalon ako sa gulat ng biglang may yumakap sa akin galing sa likuran
"Ern?!!"
"Nagulat ka?" Natatawang tanong niya
"Oo naman"
"Namimiss mo ba ang ganito?"
"Oo naman sobra"
Humarap ako sa kanya at yinakap siya
"Yeiii" sigaw ng mga kaibigan namin
"Alam niyo na pupunta ako?" Nagtatakang tanong ko
"Oo naman, updated naman kami eh" sabi ni angel
Hayst wala talagang nagbago
"Luv?" Tawag niya
"Yes?"
"Punta ka sa villa mamaya"
"Ok sige"
Umalis ako at pumunta sa room namin, nagpahinga ako ng kunti at sinimulan ang iba pang requirements na kinakailanganin sa school, ang rami kasi, Di Bale at least kaya ko itong pagsasabayin lahat lahat, napatingin nalang ako sa Cellphone ko Nang nag ring iyon at si Ern yun
📞On calling:
Ern: Pwede ka Nang pumunta dito sa Villa
Lei: O sige, ililigpit ko muna ito
Ern: O sige, hihintayin kita dito at magsuot ka narin ng magarang damit
Lei: O sige
End of call
Nagmamadali kung inayos ang gamit ko at tumungo na sa villa, walang katao-tao sa lugar na ito tanging agos lang ng tubig sa dagat ang naririnig mo, hanggang may tumugtog na musika, unti-unting umiilaw ang mga candela na lumiliwanag sa lugar na iyon, sinundan ko iyon at napamangha ako sa ganda