webnovel

Chapter 41

Nakatulala lang ako sa kawalan. Hindi ko pinapansin si Moffet na nasa tabi ko. It's just that, ang hirap magsalita. Baka bigla na naman akong iiyak.

"It's okay to cry, Luca." Bigla niyang sabi. "Minsan kailangan nating umiyak para malinis ang mga mata natin. Baka masyado na tayong nabubulag sa katotohanan."

Nangingilid na naman ang mga luha ko. Sumisikip na naman ang dibdib na parang pinipiga hanggang sa maubos ang katas.

Ang sakit talaga kahit saang anggulo ko tignan. Okay lang sana kung sila na ni Patricia at hindi kami engaged ni Ximi. Maiintindihan ko naman 'yon kung habol niya lang sa 'kin ay katawan ko. 'Di ko naman kasalanan kung nahuhumaling siya rito.

Ang akin lang, kung magiging girlfriend niya si Patricia, bakit inalok niya pa akong maging asawa niya? Sino sa amin ang kabit lang? 'Di ba ako kasi bigla lang akong sumingit sa istorya nila?

'Di ko talaga maintindihan. Ito na yata ang pinakamagulong bagay na na-encounter ko sa buong buhay ko. Of all the formulas I have used to solve a Math problem, wala silang silbi kung totoong buhay na ang kailangang ayusin. It can't give me the formula to find my missing piece; to give my value and answer why this has to happen.

Sa accountancy naman, kahit anong gawin ko ay 'di ko mababalance 'yong sarili ko sa ganitong sitwasyon. I didn't know how much was the capital needed for my investment. I can't say that this was my liability and Ximi was my asset. It costed me so much for all my expenses but I haven't received my revenues yet. Ang hirap palang mag-invest lalo kung 'di ko alam kung paano. All I knew was I had a great loss.

"Is it true?" Nanghihina kong tanong. Heto at naiiyak na naman ako.

Wala akong nakuhang sagot kaya nilingon ko siya. He was confused. Or maybe he was trying to be careful of what he's going to say.

"Sila na talaga?" I tasted my own bitter voice.

Gumalaw ang kanyang lalamunan. Doon pa lang, alam ko ng totoo ngang si Ximi at Patricia ay in a relationship na. Pero paano naman ako? Saan ako pupulutin matapos lunurin ng alon?

I sighed heavily at nag-iwas ng tingin. Hindi ko na kailangan ng sagot niya. Silence was all I ever needed. Binigay naman niya iyon kaya sapat na sa 'kin para masabi kong kailangan ko ng manahimik.

"Kahit ako ay nagulat, Luca." He said. Hindi ko na ulit siya nilingon. Masasaktan lang ako. Ay hindi, mas lalo lang akong masasaktan.

Pinanood ko ang mababangis na alon. Sana lunurin nalang din nila ako kagaya ng kung paano ako nilunod ni Ximi sa lahat ng kasinungalingan niya. And I wished I knew how to save myself from drowning. Mukhang malabo na, e. 'Di na yata ako makakaahon pa.

Ilang oras din akong tulala sa kawalan. Kahit nagugutom ako ay 'di ko pinapansin ang tiyan ko. Mas gutom ako sa pagmamahal niya. Uhaw na uhaw na parang siya lang ang tanging likido na makakapagbigay kasiyahan sa 'kin.

"It's getting late, Luca." Rinig kong wika ni Moffet mula sa likod ko. Kanina niya pa ako inaalok na kumain na kami pero nagmatigas ako. I just told him to eat alone.

Nagpapasalamat ako dahil pinagtatiyagaan niya ako ngayon. Ewan ko kung dahil crush niya ako o sadyang mabait lang siya. Unlike to his friend na walang hiya. Ginawa pa akong tanga.

Naramdaman ko ang makapal na tela sa likod ko. 'Di ko alam kung ano at para saan 'yon. Baka kumot.

"Magkakasakit ka niyan, Luca." Sabi niya at tumabi sa akin.

"Wala ng mas masakit pa kapag nalaman mong niloko ka ng taong pinagkatiwalaan mo nang husto." Walang emosyon kong sabi. Malayo pa rin ang tanaw ko. Kulang nalang ay makikita ko na ang kabilang isla.

Rinig ko ang pagbuntong hininga niya.

"But atleast he made you feel so special, Luca." Aniya. 'Di ko alam kung magagalit ba ako sa sinabi niya o maiiyak nalang.

'Yon na nga, e. Doon tayo may problema. He made me feel so special but at the end of the day, iniwan niya rin akong parang tanga. Ano bang tingin niya sa 'kin? A walking toy?

Kung 'di niya lang pinaramdam sa 'kin na mahal niya ako, e 'di sana 'di ako nasasaktan ng ganito. He made me feel like I was the only one pero isa lang pala ako sa mga babae niya.

Bakit ako? Bakit ako pa gayong tahimik naman ang mundo ko bago siya dumating?

Puta 'di ko talaga maintindihan ang nangyayari. Mas lalo yata akong nabobo.

"I wished I never believed him." I croaked.

This is my weakest part of my story. I've been the strongest metal until he came like a fire; slowly melting everything I was until I surrendered and let myself flow wherever he wanted to take me. And when he's out of fire, naiwan akong sira. The worst was, he's the only one who can mold me; who can turn me into someone that I was before.

"If you didn't, you'll never know where it will lead you." Aniya kaya nilingon ko rin siya. His eyes where somewhere. Malayo rin ang tanaw.

He's wearing a baby blue shirt na manipis, beach short at tsinelas. Nakakapagtaka lang kasi bakit ganito na ang suot niya. Siguro nagbihis? Ang bilis naman?

"You know it's love when you're willing to take a risk." He added and looked at me straight. Ang kanyang mata ay nagsusumigaw sa lungkot at kawalan ng pag-asa. "Parang pagsu-surf lang 'yan. Kahit walang kasiguraduhan, kahit 'di mo alam kung saan ka tatangayin ng alon, you're always willing to give a try... you just have to ride with the waves. Kahit mahulog o malunod ka nang paulit-ulit, if you believe it's all worth it, you will give everything you have hanggang sa mapagod ka, hanggang sa maubos ka... 'cause there's no better feeling than be filled by the person you love the most, Luca. Kung ipaglalaban mo hanggang sa huli, aapaw ka naman kapag alam mong panalo ka."

"Pero paano kung binigay mo na lahat pero 'di pa rin 'yon sapat?"

Binigay ko lahat kay Ximi, puso at kaluluwa. He was my first everything. Binuhos ko lahat kasi naniniwala akong balang araw ay 'di sayang ang lahat ng nawala sa akin kung sa kanya iyon mapupunta. Kung maubos man ako, he would be there to fill me up.

Pero iba ang nangyari ngayon. I was caught off guard.

"You have the choices in your hands, Luca." Malalim niyang sabi at muling tumingin sa kawalan. "Retreat or repeat."

Napasinghap ako. 'Di ko na alam kung anong gagawin ko sa buhay. I couldn't just stand while watching them happy. Hindi ba dapat ay magiging masaya nalang ako para sa kanila? Pero bakit 'di ko magawa lalo na kung sinasaktan ko lang ang sarili ko?

Nang gabing iyon ay napapayag ako ni Moffet na bumalik na sa loob. I was so tired. Lumamon ako dahil gutom na gutom na talaga ako.

"Where have you been, apo?" Lola Rita suddenly asked as she showed up in front of us. Katabi ko si Moffet na sinasaluhan akong kumain.

"Sa tabing dagat lang kami, La." Si Moffet ang sumagot. Sa gulat ko'y nilingon ko siya but he just gave me a weak smile.

"Akala ko naman kung ano na ang nangyari sa'yo. Hinahanap ka sa 'kin ni Ximi."

Naglihis ako ng tingin at nagkagat nalang ng labi. It panged me to hear his name.

"I already told him Luca's fine, la." Si Moffet ulit ang sumagot.

"O-Okay," nag-alangan pa si lola na sumagot. "Sige, maiwan ko muna kayo. Have a good time!"

Lola bid her goodbye to us. Napailing nalang ako. Parang may pinapahiwatig ang ngiti ni lola para sa amin ni Moffet. Baka iniisip niyang may namamagitan sa 'min.

I can't blame her, though. Mabait si Moffet. 'Di malabong aakalain nilang may gusto siya sa isang babae lalo kung napakagentleman niya. Daig pa ang pagiging nobyo.

Nang lumalim ang gabi ay nagkaroon ng party sa mabuhanging parte ng venue. There were party lights and DJ na siyang nagpapatugtog. Puwede naman mag-request kung gusto mo.

Masaya ang dance floor, I can say. Dahil naturingang mga party girl ang mga kaibigan ni Atifa, nag-e-enjoy sila nang husto. While me? Of course I was enjoying the pain I was bearing.

May nagsidatingang grupo ng babae. Nagulat ako nang napagtantong sila Patricia, Ivy at Eunicel iyon. Sinikmura ako. Parang ayaw kong makita ang pagmumukha nila.

Sige lang, Luca. Magpaka-bitter ka. Baka naman kasi Patricia was much better than you?

E ano naman ngayon kung she's better than me? Wala akong pakialam!

And just when I was about to leave, biglang naging romantiko ang tugtog. Nagkagulo ulit ang mga babae at nagsihilaan ng mga lalaking gustong isayaw. At sa 'di inaasahang pagkakataon, nakita ko si Ximi na hinihila na nila Euni at Ivy papunta kay Patricia.

They must be very supportive friends. I liked them for that. Pero sa puntong ito, gusto ko nalang silang kalbuhin nang buhay.

I looked away but my traitor eyes wanted to watch the two love birds. Nangilid na naman ang luha ko dahil sa nakita ko. Ang sakit lang.

Ikinawit ni Patricia ang kanyang dalawang kamay sa leeg ni Ximi while Ximi's hands were around the girl's waist. They looked in love to each other. Parang napakaperpekto nilang mga tao.

Pinunasan ko kaagad ang mabangis na luhang lumandas sa pisngi ko. I was tormenting to watch my love falling for someone else. Bakit 'di nalang sa 'kin? Bakit kailangang sa iba pa?

That girl should be me. Dapat ako 'yong kasayaw ni Ximi sa mga oras na 'to. Dapat baywang ko ang hinahawakan niya at ako 'yong humahaplos sa makinis niyang mukha. Bakit nga ba 'di nalang ako?

I cried my heart out so I ran away to save myself from another damage. Tumakbo ako papuntang lugar kung saan 'di nila ako makikita. I needed space; I needed time to ponder.

It was wrong to love him. It was so wrong to fall for his words and actions. It was a complete deception but who I was to complain? Kasalanan ko naman 'yon. I fried myself sa sarili kong mantika. No one's gonna be blamed but me.

Umiyak lang ako nang umiyak hanggang sa napagod ang mata ko. Bumagsak ako sa buhangin kagaya ng kung paano ako bumagsak sa kamay ni Ximi. Wala na akong magagawa. Nangyari na ang dapat na mangyari.

Niyakap ko ang mga binti ko habang umiiyak. Maybe crying was all I needed to lessen the pain. Pero bakit kahit iyak na ako ng iyak ay mas lalong bumibigat ang nararamdaman ko?

Nang humupa ang iyak ko ay napatunganga ako sa kawalan. Malamig ang simoy ng hangin at kabilugan ng buwan ngayon. Kung kanina ay mababangis ang mga alon, ngayon ay parang tupang maamo.

Tumayo ako at naisipang magbabad sa dagat. The calmness of the sea reminded me how peaceful my life was before I met Maximilian. Okay naman sana ako rati. I was contented loving myself until he broke all my rules. He crossed the line and marked a permanent damage.

Sa pagkakahumaling ko sa kinang ng dagat mula sa ilaw ng buwan ay nawala ako sa ulirat. I accidentally stepped something kaya nadulas ako. I sprained my own ankle at 'di ko alam na may kalayuan na pala ako mula sa tabing dagat kaya naman lumubog ako. I was calling for help but it was no use. Naging pabigat sa akin ang paa ko kaya 'di ako makaahon.

Mabilis ang naging pangyayari. Pagkagising ko ay nasa loob na ako ng isang silid. Nandito halos lahat ng pinsan ko na mukhang nag-aalala nang husto sa akin.

"Luca?" Rinig kong tawag ng isang lalaki. If I was not mistaken, kay Moffet iyon.

"Insan?"

"Luca?" Sabay sabay nilang tawag sa 'kin. Pumikit naman ako nang sumakit ang ulo ko. 'Di rin ako komportable sa kalagayan ng ilong ko. Maging ang baga ko ay pakiramdam ko ang bigat.

Nagmulat muli ako ng tingin at ang nag-aalala nilang mga mukha ang sumalubong sa akin.

"How are you, Luca?" Tanong ni Herana. Imbes na sagutin ko siya ay inisa-isa ko sila ng tingin. Mga mukhang puyat. Anong oras na ba?

Nandito sina Moffet, Morthena, Herana at Raja. Muli na naman akong nasaktan dahil ang inasahan kong makikita ko sa pagmulat ko ay wala rito. Baka kasama niya ang kanyang girlfriend.

"Okay ka na ba?" Tanong ni Morthena at lumapit sa akin. Sinubukan kong tumayo at kaagad naman nila akong inalalayan.

"Talk to us, Luca." Si Moffet, he sounded pleading.

"I-I'm fine," sabi ko at lumunok ng isang beses.

I will never be fine, guys. Hangga't 'di ko kayang umahon mula sa pagkakalunod ko, I will never be fine. I will never be okay.

"Luca," hinawakan ni Herana ang kamay ko. "Ano bang nangyari sa 'yo? Bakit wala ka ng malay nang dinala ka rito ni Ximi?"

Pinagsalubungan ko siya ng kilay. Nasaan si Ximi ngayon? Siya ba ang nagdala sa 'kin dito?

Muli akong napalunok ng laway. I was breathing heavily. Wala na kasi akong maalala. Basta ang alam ko lang ay may damage ang ankle ko.

"'Yong ankle ko kasi," I started. "Na-sprain."

"But why?" Agap na tanong ni Morthena. "Pero bakit ka nga basang basa? Naligo ka sa dagat?"

Sumulyap ako kay Moffet na naghihintay ng kasagutan ko. I knew he was concerned of me and I thanked him for that. Tama na 'yon 'cause I don't want to take him for granted. Baka isang araw, I will find myself loving him. Ayoko ng masaktan. Tama na 'yong sakit na nararamdaman ko ngayon dahil kay Ximi.

"H-Hindi," umiling ako at bumaling sa dalawang babae. "Nagbabad lang ako. Maybe I was enticed by the moonlight kaya nawala ako sa ulirat." I explained.

I can't say I was lying to save myself from them. Hindi rin naman ako umaasa na tatanggapin nila ang excuses ko. Maybe they would believe me but of course they still wanted clarifications.

"May naapakan akong 'di ko alam kaya na-sprain 'yong bukung-buko ko. It's not my intention to end my life, I swear."

Now, I sounded so defensive. Pero totoo naman, e! It was not my intention to get drowned. Bakit ko naman gagawin 'yon? Ganoon na ba talaga ako ka-tanga kay Ximi?

Even if he would come back to me, 'di ko magagawang saktan ang sarili ko!

"Magpahinga ka na muna ulit, Luca." Herana told me at inayos ang kumot ko.

"Anong oras na ba?" Tanong ko.

"It's already four in the morning." Si Moffet ang sumagot. Tumango naman ako. Talagang na-istorbo ko sila sa pagiging lampa ko. "We'll check what we can do to your sprained ankle the first thing in the morning."

"Thank you so much, guys," nangingilid ang luha ko.

Sobra akong nagpapasalamat dahil sa kabila ng lahat, nanatili pa rin sila sa tabi ko. Sila 'yong mga taong ayaw kong mawala sa buhay ko.

"You're always welcome, Luca." Nakangiting sagot ni Morthena. "We always got your back."

I hugged them tight. Somehow I felt at ease. May tao palang 'di ako kayang talikuran kahit anong mangyari. Sila talaga ang tunay na kayamanan. Sila ang tunay na kahulugan ng pag-ibig.

Next chapter