webnovel

Chapter 42

I didn't know what to do the first thing in the morning. Tutunganga, magrerecall, masasaktan at iiyak na naman. I was tired of all the shits I had because of Ximi; because of my love for him.

'Di ba, 'di naman ako masasaktan kung 'di ko siya mahal? I wouldn't waste any single tear if he doesn't deserve it. Or maybe it was what I thought.

But then again, I wanted to know why did he break my heart; why did he let me down? Why did he propose kung kinabukasan ay magiging jowa niya si Patricia?

I needed answers. 'Di naman siguro ako ganoon ka-tanga para paglaruan 'yong nararamdaman ko, right? O baka sa sobrang pagkainosente ko sa ganitong bagay, he found any ways of privilage to dupe me.

Bumukas ang pinto kaya nalihis ang isip ko. Iniluwa nito ang nakangiting mukha ni Moffet. Muli na naman akong nakaramdam ng pait sa dibdib.

Would I be happy if Moffet was the chosen one? Kung sa kanya ako nahulog, sasaluin niya kaya ako? Will he take care of my heart? 'Di niya rin kaya ako kayang saktan at lokohin?

"Goodmorning," nakangiti niyang bati. "I made a soup for you. Alam kong gutom ka na."

"Thanks," was the only word I could say. I wished siya nalang 'yong taong minahal ko. Or maybe sa lalaking katulad niya. Baka hindi ganito kasakit. Baka 'di ako nasasaktan ngayon.

"Let me check your ankle," he said at nilapag ang lagayan ng soup sa bedside table. Umupo siya sa gilid ng kama ko at tinignan ang paa. "It's fine. Wala namang pasa."

"Yeah," I said. "Nakakalakad naman ako nang maayos."

Mabuti nalang at 'di malala ang nangyari sa akin kagabi. Nakakalakad pa rin naman ako nang normal. Wala itong pasa.

"That's good. Your cousins are worried about you." Aniya. Binitawan niya ang paa ko at kinuha ang bowl. "You want me to feed you?" Ngumisi siya.

"No way," I chuckled at siya naman ay bumungisngis. Adik. Nakakahiya kaya!

"'Yan. Smile ka lang kasi maganda ka talaga, Luca."

"Sus," inirapan ko siya. Maganda nga, broken naman. "Akin na 'yan."

"Here," inabot niya sa 'kin ang bowl. May kutsara na iyon. At nang nahawakan ko 'to ay medyo mainit pa. "'Di pa masyadong malamig kaya dahan dahan."

"Okay," I smiled at him. "Salamat. Nag-abala ka pa."

"It's nothing. Concerned lang ako kasi baka 'di ka nakakalakad nang maayos."

"Wow," tumawa ako nang mahina. "Says the gentleman, eh?"

"Nah." He mocked and I laughed at his reaction.

Nang matapos akong kumain ay napagdesisyunan kong lumabas muna ng kwarto. Sabi kasi ni Moffet na hinahanap ako ng mga pinsan ko. Kumusta kaya ang bagong kasal? Ang pagkakaalam ko ay lilipad sila ng LA next week or within this week. I forgot.

"Luca!" Tawag ng pamilyar na boses. Lumingon ako sa likod at nakita si Herana na tumatakbo papunta sa amin ni Moffet. "How's your ankle?"

"It's fine naman," sagot ko. She bent down to check my ankle to believe me.

"Mabuti at okay ka na." She said and stood up. Tinignan niya ako sa mata. "'Di ko talaga alam kung paano nangyari sa 'yo 'yon. Baka naman gusto mo talagang magpakamatay."

"Hoy, 'di!" Tutol ko kaagad. Lumalim naman ang tingin niya at magkasalubong ang masungit na kilay. "Bakit ko naman gagawin 'yon?"

"Aba malay ko. Baka broken ka, 'di ba?"

Nagkatiningan kami ni Moffet. He was staring at me like he wanted to read my mind.

But I knew he was... or at least trying to. Baka alam niyang may gusto ako kay Ximi. Halata ba masyado? O dahil napag-usapan namin 'yon kahapon?

"I-I'm not," I sounded cold as I turned to her. Feeling ko may alam na si Herana rito. Maybe she already felt I have feelings for Ximi. "I've never been in love, you know that."

I wished. I wished I've never been in love. Baka sakaling 'di masakit. Baka 'di ako iiyak nang ganito.

"And I also know when you're not okay."

Gusto ko nalang matawa sa sinabi niya. Sino ba kasing magiging okay sa lagay na 'to? Kahit nga masugatan lang, you think you're okay with that? Hell no!

"I'm fine," I said with finality. I'm fine but I'm not okay. "Nasaan ba sila Atifa at Morthena?"

"Nandoon sa loob. Ngayon lang nalaman ni Atifa ang nangyari sa'yo."

"Dapat 'di na niya nalaman pa." I said. 'Di na siya umimik pagkatapos.

Nagpaalam muna ako sa kanila na sa tabing dagat muna ako. I needed time for myself; to think and make myself believe that I was fine even if I was not okay at all. Na kaya kong bumangon mula sa pagkakadapa. Kaya kong umahon mula sa pagkakalunod.

Nalibang ako sa panonood sa mababangis na alon sa dagat. There were people surfing, trying to ride with the waves. Naalala ko bigla ang sinabi sa 'kin ni Moffet kahapon. At tulad ng dagat, kasing lalim iyon sa pinaghuhugutan niya.

I knew Moffet was in love with somebody else. Kita naman sa mata niya. It's either mahal din siya o hindi. Feeling ko kasi umaasa siya. Sa kung paano niya sinabi sa 'kin na "... at least he made you feel so special," ay may malalim iyong kahulugan.

"Babe," I heard a soft masculine voice from behind. Napapikit na lamang ako nang nangilid kaagad ang luha sa mata. From the way he said it was tormenting. Parang paulit-ulit akong sinasaksak mula sa likod.

Why, Ximi? Bakit kailangang humantong sa ganito ang lahat? Why do you have to hurt me this way?

Nagmulat ako ng mata. Ang malabong dagat ang sumalubong sa akin. In any moment, babagsak ang mainit na luha sa buhangin.

"What are you doing here?" I asked softly, trying myself to hold back my tears. Naninikip na naman ang dibdib ko. Feeling ko mas malala pa 'to kesa sa malunod sa ilalim ng malalaking alon.

"I'm sorry, babe," he said at tuluyan nang nagsibagsakan ang mabibigat na luha.

Bumuhos ang luha ko. I knew he was sorry because he was aware he's hurting me. He broke my heart and he was slowly killing me. Kasi 'di naman siya magso-sorry kung 'di siya guilty.

But was it better than that? Dapat ba akong magpasalamat na nagsorry siya kesa sa hindi kahit alam niyang nasaktan niya ako nang sobra?

"For what, Maximilian?" Hinarap ko siya kahit basang basa na 'yong pisngi ko sa luha. "Saan ka sorry? Dahil nasaktan mo ako o dahil mas masaya ka sa iba?"

Hindi siya sumagot bagkus nakatingin lang siya nang diretso sa 'kin. 'Di ko alam kung alin ang mas masakit. 'Yong katahimikan niya o kung paano niya ako tignan?

"Ano bang tingin mo sa 'kin, Maximilian? Laruan na kapag bored ka sa buhay, saka mo lang mapapakinabangan?" Peke akong ngumisi. "Kung sa bagay, ano ba tayo? Fuck buddies, right? Ang alam ko kasi you gave me ring the last time tapos kinabukasan, jowa mo na si Pat?"

"Let me explain," he begged as he was trying to hold me. Nangungusap ang kanyang mga mata.

"Don't touch me, Maximilian." I threatened.

Nagagalit 'yong utak ko pero 'yong puso ko, gusto na siyang patawarin at kalimutan nalang ang nangyari.

Pero sana ganoon lang kadali ang lahat. Na madali lang magtiwala ulit after he broke it. 'Di naman 'yon pera na kayang palitan nang ganun ganun nalang. Kasi even money, you have to work hard for it. You have to earn it.

"Babe," nanghihina niyang sambit. Kulang nalang ay umiyak siya sa harap ko.

"And please," mariin kong sabi. "... don't call me that way. My name is Lulu Cailleigh Nadella. Wala sa pangalan ko ang "babe","

Huminga siya nang malalim. 'Di ko alam kung maniniwala ba ako sa mukhang pinapakita niya o hindi. 'Di ko na kasi alam kung magtitiwala ba ako ulit o 'wag nalang kasi nakakatamad na. Ayokong maulit na naman 'to.

Naalala ko na binigyan niya ako ng singsing. Suot ko pa rin ito at mabuti nalang kasi isasauli ko na 'to sa kanya. 'Di ko na 'to kailangan.

"Here," I said as I slipped the ring away from my finger. "'Di ko 'to kailangan," inabot ko sa kanya 'yon pero tinignan niya lang. "I will never be your wife, Maximilian. You just lost it."

Nakaabot lang ang kamay ko sa kanya. Mukhang wala talaga siyang balak na kunin iyon.

"That's yours, Luca. I gave it to you." He said. I felt a pang in my chest from the way he mentioned my name.

"Now, take this back. This ring means nothing for the both of us."

'Di na pala ako umiiyak pero masikip pa rin ang dibdib ko. Ang bigat bigat talaga. Parang pasan ng puso ko ang buong sansinukob.

I gave him a cold stare at binaba ang kamay na may hawak na singsing. Nakipagtitigan naman siya. Mukhang palaban. Ang kapal talaga ng mukha.

"Maximilian,"

"You haven't listened my side yet, Luca." Mariin niyang sabi.

"Hindi ko kailangan ng paliwanag mo, Maximilian. Anong kasinungalingan pa ba ang gusto mong isaksak sa puso't isip ko?"

"You don't understand!" Tumaas ang boses niya. "Tingin mo ba madali lang 'to para sa 'kin?"

"Wow," I huffed and puffed my chest out. "You think this is my fault? Fuck you, Maximilian."

Nahigit ko ang hininga ko. I thought I crossed the line. Sa galit ko'y nasabi ko 'yon.

Was he hurt? Damn, Luca! 'Di ka kasi nag-iisip!

"You wanna fuck me here, babe?" Mapaglaro niyang sabi nang nakalahad ang braso, showing me the crowded place. Nang-iinis iyong ngiti niya, nanghahamon.

Uminit ang pisngi ko bagaman nagagalit 'yong utak ko sa kanya. I was torn in between.

"Babe," sambit niya sabay bagsak ng kanyang balikat. "Let me explain first. 'Di mo naman ako pinapakinggan."

"Para saan pa, Ximi? Magsisinungaling ka na naman sa 'kin?"

"What?" 'Di niya makapaniwalang bulalas. "When did I lie to you, Luca? Remind me when. Please, babe."

Hindi ako nakasagot. Nanatili lang ang titig ko sa kanya. Kung puwede nga lang lunurin 'to sa dagat, baka malaman niya kung anong pakiramdam na malunod sa kanyang kasinungalingan.

"Look, Patricia isn't my girlfriend."

"Says the honest man," singit ko. Mukhang nainis siya sa sinabi ko dahil nagbago ang ekspresyon sa kanyang mukha.

"Babe, please..."

"Maximilian," mariin kong sambit. "Please, 'wag mo ng guluhin ang utak ko." Iniabot ko sa kanya ang singsing. "Tama na 'yong nasaktan mo na ako. 'Di pa ba sapat, ha? Kulang pa ba 'yon? 'Di ka pa tapos?"

Pumungay ang kanyang mata. Nanghina kaagad ako kaya binaba ko ulit ang kamay ko. Nakakainis dahil ginagamit niya laban sa 'kin ang kahinaan ko. Alam naman niyang 'di ko siya matiis.

Pero ano ba talaga ang gusto kong mangyari? Dapat bang makinig ako sa side niya? What if it will only make him feel better while it would worsen my situation?

Mahirap mapag-iwanan. 'Yong siya okay na, ako 'di pa. Tanggap na niya, ako naggagahol pa rin. Umaasang baka sakaling bawiin niya ang sinabi niya. Na baka babalik siya at okay na ang lahat.

"Kailangan ko kasing tulungan si Patricia, Luca." Pumiyok siya. Desperadong magpaliwanag. "I'm not her boyfriend at hinding hindi ko siya girlfriend. Sinong bobo ang may girlfriend at may fiancee?"

"Ikaw, 'di ba?" Singit ko. "Tapos dinadamay mo pa ako sa kabobohan mo."

"Ang sakit mong magsalita," he looked down. Naguilty ako bigla. Nasaktan ko yata.

"Mas masakit pa rin 'yong ginawa mo akong tanga, Ximi." Uminit ang mata ko. Nagbabadya na namang bumuhos ang luha.

Ang sakit isipin na ganoon 'yong nangyari. Parang... tangina talaga 'yong pinaniwala niya akong kami na sa huli tapos may biglang sumingit.

'Di ba puwedeng ako lang? Kailangan talaga may sideline? May reserba?

"I can't do that to you, Luca. God knows how much I love you!"

"No," umiling kaagad ako. I can't buy another lie. Masyadong mahal. "You don't love me, Ximi. You only love the feeling of being loved."

Lumandas nang tahimik ang luha sa pisngi ko. Nasasaktan ako nang paulit ulit. Sobra na talaga 'yong kasinungalingan niya. 'Di ko na kaya.

"Sorry," halos pabulong kong sabi at nagbaba ng tingin. "I'm sorry if I trust you..." tinignan ko siya nang diretso. "... if I love you too much kaya ako nasasaktan ng ganito. And I'm sorry again... kasi 'di na ako naniniwala sa 'yo." Tinapon ko sa paanan niya ang singsing.

Tumalikod ako at hinayaan ang sarili na umiyak. Mahal ko siya pero ayoko namang nasasaktan ako. I don't deserve it, do I? Kahit sabihin pang ganoon ang pag-ibig, hindi naman tama na manatili kung talagang mas lamang na ang sakit kesa sa saya. Dapat retreat na, no more repeat.

"Babe," rinig kong sambit niya. 'Di ko siya pinansin bagkus tumakbo ako palayo sa kanya. 'Di na ako lumingon pa sa pinanggalingan ko kasi alam ko sa sarili ko na babalik at babalik ako sa kanya.

'Cause he was my home, my comfort zone. He's my silent sanctuary and my resting place. My heart will always find its way to him kasi roon ako ligtas.

But now, 'di muna ako uuwi. I wanted to wander, to look for another place where I really belong. At kapag napagod na ako at wala akong napala sa paglagalag, saka lang ako uuwi. Baka sakaling siya at siya pa rin ang kanlungan ko hanggang sa muli naming pagkikita. At sa pagkakataong iyon, baka okay na ako. Baka tama na ang lahat. Baka puwede na ulit magtiwala.

Next chapter