webnovel

ANG PAGTATAKA NG LAHAT

Ang hindi alam ng marami si Lusifina pala ay isang ring mangkukulam, at siya rin ang mangkukulam na naglagay ng buhay ng mga magulang ni Santina sa panganid. Dahil sa panahong namatay ang mga magulang ni Santina sa dahilang pinagbintangang siya ang pumapatay sa kanilang lugar, pero ang katutuhanang itinago ni Lusifina ng mahabang panahon ay siya pala ang pumapatay sa dahilang naiinggit siya at pinagchichismisan siya at pinapalabas na ang mga magulang ni Santina ang pumapatay sa kanilang lugar.

Nang nagpaplanong lilipat si Lusifina sa kanilang lugar na dati niyang tinitirhan dahil nanganganib siya na baka malaman din ng taong bayan ang kanyang tunay na pagkatao, Ngunit ito ay huli na, nalaman na ito ng taong bayan at sinugod siya sa kanilang bahay pero nakatakas sila ng kanyang anak pero ang kanyang asawa ay nasawi, sinunog ang kanyang pamamahay at dahil sa pangyayaring iyon nagkaruon ng malaking marka sa bandang kaliwa ng kanyang likuran na naging dahilan ng paglipat nila sa malayong malayong lugar.

Naging chismisan siya dahil hindi ito lumalabas ng kanyang bahay at laging nakasira ang pintuan at ang mga bintana.

Habang naglalakad si Santina sa harapan Ng bahay ni Lusifina, ang mga taong nakakasalubong niya ay pinagchichismisan si Lusifina

"ano kayang ginagawa ng babaeng yan bakit hindi siya lumalabas ng kanyang bahay" sabi ng isang nakasalubong ni Santina

"may ginagawang maligno siguro yan sa loob ng bahay niya" sagot ng isa

"ano ba yan!, nakakatakot baka madamay Tayo" sagot din ng isa

Ngunit si Santina ay iba sa lahat, hindi niya pinag-iisipan ng masama si Lusifina hanggat hindi niya nalalaman ang katutuhanan, dahil yon ang binilin ng kanyang mga magulang sa kanya

(salamat ng marami sa mga nagbasa nito, sana ay magawang basahin rin ninyo ang kabanata 4 ng "SANTINA")