webnovel

Salvatore University: School of Supernaturals

Vinna_Angelica_Pe · Fantasy
Not enough ratings
5 Chs

Chapter 1

   Kinabukasan...

     Nagising ako sa sobrang liwanag na dumampi sa mukha ko.

     Kinusot ko ang mga mata ko saka umupo. Pagkamulat ko ay nakita ko si James na inaayos ang kurtina.

"Gising ka na sa lagay na yan?"tanong niya at nakangiting lumingon sakin. Bakit kaya ngayon ko lang napapansin na mabait ka talaga? O talagang nawalan ako ng pakialam sa lahat ng tao sa paligid ko?

"Ang aga-aga tapos bina-bad mood mo na ko! Gusto mo ba talagang matanggal?!"sigaw ko sa kanya. Pinagkrus niya ang mga braso niya sa dibdib at inilapit sakin ang mukha.

"Then fire me. Kahit na matanggal ako, may kukuha naman sakin na ibang babaeng boss. More prettier than you and more smarter than you. Mas mataas pa magbigay ng sweldo unlike yours na pinagtitiisan ko lang ang sweldo ng Lolo mo."saad niya at mas lumawak ang ngiti. Okay~... My thoughts are wrong. He's an asshole and a very...you know. Uhm... Napakayabang niya! Sinisira niya ang maayos kong gising. Ang ganda-ganda na sana kaya lang umepal naman siya. Buti sana kung yung baliw na Lance ang nakikita ko, okay lang sakin yung mga ginagawa non kasi siya yung naging bestfriend ko nung nasa States pa ko ng 5 years. Pero si James na mas mayabang pa kay Lance, hihimatayin ako sa sakit ng ulo ko sa kanya. Hindi ko naman siya pwedeng tanggalin sa trabaho dahil kay Lolo. Si Lolo lang ang may karapatang tanggalin siya. Ilang beses ko nang sinasabi kay Lolo na tanggalin niya si James pero hindi siya pumapayag kaya eto ako ngayon, kausap ang lokong toh dahil lang sa usapang pagtatanggal ko sa kanya.

"Don't argue with me. Ang aga-aga gusto mo agad ng away! Pasalamat ka kasi hindi ka pa tinatanggal ni Lolo!"sigaw ko sa kanya. Tinitigan niya ako ng masama habang nakangiti parin siya sa akin.

"Ha! Hindi naman talaga ako pwedeng tanggalin ng Lolo mo kasi may kontrata siya sa Lolo ko. Nakalagay sa kontrata na hindi niyo ako pwedeng tanggalin hangga't hindi ka pa naikakasal. Kapag kasal ka na, dun lang kayo magkakaroon ng karapatan na tanggalin ako. But for now, manigas ka! Kasi makakasama mo ako for many years pa. Kaya kung ako sayo, maghanap ka na ng mapapangasawa habang maaga pa. Para matanggal mo na ko sa trabaho at magkakaroon na rin ako ng tahimik na buhay kasama ang pamilya ko sa future. Magkakaroon kami ng isang dosenang anak at malaking bahay. 6 na lalaki na kasunod ng pangalan ko at 6 na babae na kasunod ng pangalan ng magiging asawa ko."naiinis na sabi nito saka akmang aalis pero tumayo agad ako sa kama at sinipa siya sa likod kaya bumagsak siya sa sahig. "Ouch!"sigaw niya at agad na tumayo. Kinuha niya ang unan ko at binato sakin kaya napahiga ako sa kama. Sa sobrang bigat ng unan ko parang nagsisi pa ko na ginawa ko yon.

     Pumaibabaw siya sakin at hinawakan ang mga braso ko. Inilapit niya ang mukha sakin at mas nakita ko ng maigi ang mga mata niya. Ngayon ko lang din napansin na may gray siyang contact lense. Mas nakita ko yon nung nasinagan yun ng araw na nagmumula sa balcony.

"You know what, habang tumatagal na magkasama tayo. Mas lalo kong ginugusto na makasama ka. Kasi nasasanay na ko sa ugali mo. Dati hindi ka naman ganyan, ang sweet mo sakin noon at napaka-caring mo sakin but now, you've changed na mas lalo kong nagustuhan sayo. More fierced, more powerful looks, and more smater than the others pero mas lalo kang naging heartless. I loved you simula nung umuwi ka dito. Dati naiinis pa ko sayo kasi nagpapa-bully ka sa iba. Hinahayaan mo sila na abusohin ka pero ang mas gusto kong remembrance noon bago ka umalis ay yung hinalikan mo ko sa labi. Alam mo ba, ang lambot ng labi mo na hanggang ngayon ay gusto ko ulit na dumampi yon sa labi ko. Pero pinipigilan ko lang ang sarili ko kasi baka yun pa ang maging dahilan para maging awkward tayo sa isa't-isa."saad niya. Hindi ako nakapagsalita sa mga sinabi niya. Naaalala niya pa rin yon. Pero ako, ngayon ko lang ulit naalala na ginawa ko yon sa kanya. I remembered the feeling when I kissed him. Sinabi ko sa sarili ko na gusto kong sakin mapunta ang first kiss niya. Siya pa ang lagi kong ini-imagine na asawa ko noon. But now, mas lalo ko siyang ginugusto. No! I can't show him kung ano talaga ang nararamdaman ko. Hindi naman pwedeng ganun kadali ko lang siya magustuhan.

"Get off! I'll really gonna fire you!"sigaw ko. Ngumiti lang ito sakin. Bakit ba lagi siyang ganyan?!

"I already said many times na just do it! And you're still repeating it. Wala ka na bang ibang masabi sakin, like, James, I wanna marry you. Please be with me forever. Don't go. Don't leave me alone. Yung mga ganong salita naman ang sabihin mo. Hindi yung, I'm gonna fire you at uulitin ko lang ang mga sasabihin ko. Wala ka na bang ibang maisip?"

tanong niya na para bang naloloko na. He's going crazy! I'll never marry you! Baliw ka na!

"Baliw na baliw ka na! Dapat sayo, dinadala sa mental hospital!"sigaw ko. Mas hinigpitan niya ang pagkakahawak sakin.

"Oo na! Baliw ako! Kasalanan ko bang nabaliw ako nang dahil sayo!"sigaw niya at bigla akong binitawan. Tumayo siya mula sa pagkakadagan sakin at huminga ng malalim.

     Tinititigan ko lang siya sa ginagawa niya,  naglakad siya papunta sa pintuan at sandaling lumingon sakin.

     Umiling-iling siya bago lumabas at mahinang isinarado ang pinto.

     

     Naiwan ako sa kwarto na nakahiga at pinoproseso sa utak ko ang mga nangyari. Alam kong gusto mo ko kaya nga nagpapahard to get ako e.

     Pagkaraan ng ilang minuto ay lumabas ako ng kwarto ko. Umikot ako sa buong bahay para makita kung anong pinagkaka-abalahan ngayon ni James.

    

     Nang makapunta na ko sa bawat kwarto, ni isa man lang don ay di ko siya nakita. Ang huling lugar nalang na hindi ko pa nararating ay ang garden, ang garden na kung saan dati kaming magkasama. Yun lagi ang private place namin dahil tahimik at mahalimuyak sa garden. Ang tanging ingay lang na maririnig mo don ay ang boses ni James na kinakantahan ako noon para makaidlip ako sa duyan.

     Ilang taon na rin kaming magkasama. 8 years old palang ay kasama ko na siya kaya ang ibig sabihin... 13 years na rin kaming magkakilala. Kaya pala anlakas ng loob niyang ganunin ako! Siguro pumapasok siya sa kwarto ko habang natutulog ako! Kapag nalaman ko lang na totoo ang mga iniisip ko, papatayin ko siya!