webnovel

Chapter 2

     Pagdating ko sa garden, I knew it! He's here and... Painting a canvas?! Pano naman siya natutong mag-drawing?! At napakaganda pa ng ipininta niya.

"Don't watch me. Baka pumanget pa ang painting ko."nang-iinis na saad niya at lumingon sakin. Ngumiti siya saka binitawan ang hawak niyang paintbrush. "Why? Ngayon ka lang nakakita ng perpektong painting?"mayabang na tanong niya. Lumapit siya sakin at niyakap ako. "Gusto mo, idrawing din kita? Mahal na binebenta sa auction ang mga gawa ko. And for you, it'll be free."

"Di ko kailangan ng mga scrap sa bahay ko. Ayoko ng mga bagay na masyadong mukhang basura."mataray na sabi ko at kumalas sa pagkakayakap niya. "And FYI, kaya ko ding gumawa ng mga ganyan with my name... Venus Hillary Imperial. My name that shows my fierceness, strong and powerful look. The name that conquers all."saad ko saka tinarayan siya. Anong akala mo sakin? A cheap and weak person? Ako yata ang tinawag na perfect girl ng lahat sa States. Ako ang suma cum laude ng oxford at harvard. San ka pa? Kung sino man ang mapapangasawa ko. Siya na ang pinakamaswerteng tao sa buong mundo kasi napangasawa niya ang isang perpektong tao.

"Really? Is that what you think? All these years, yan ang sinasabi mo sa sarili mo? Puro kasinungalingan. Ni kahit isa nga don ay walang totoo. Liar!"sigaw niya at akmang aalis pero pinigilan ko siya. Pinaupo ko siya sa bench. Umupo ako sa lap niya habang nakaharap sa kanya. Ang mga kamay ko naman ay inihawak ko sa sandalan sa gilid ng mga balikat niya.

"Bakit? Ano bang problema mo sakin?! Bat ba ang lakas ng loob mo na pagsalitaan ako ng ganyan e assistant lang naman kita. Ikaw ang nag-aayos sa kumpanya ko kapag tinatamad ako. Ikaw dapat ang sumusunod sa utos ko at higit sa lahat, irespeto mo rin ako bilang boss mo!"sigaw ko at umiwas lang siya ng tingin.

"Both of you! Stop!"sigaw ng isang pamilyar na boses. Lumingon kami sa pinagmulan ng sigaw at nakita namin si Lolo na nakatayo sa may pintuan ng garden. "Kakarating ko lang ganyan na agad ang ginagawa niyo. Ang tagal niyo nang magkasama dito pero ganyan parin kayo! Bibigyan ko kayo ng isang buwan, kapag hindi parin kayo nagbati. Wala akong magagawa kundi tanggalin ang pagiging tagapagmana mo, V."saad ni Lolo na ikinagulat ko. Tatanggalin? Ako? No way!

"Bakit si James walang parusa?! Ano yon? Ako lang tatanggap ng parusa niyo?! And hindi naman parusa yung sinabi niyo, parang hindi naman tama yon!"sigaw ko. Tatayo na sana ako mula sa pagkakaupo ko sa lap ni James nang bigla niya akong yakapin sa bewang. "Let me go!"sigaw ko sa kanya pero hindi siya nakinig.

"That's fine for me."sagot niya at lumingon kay Lolo. Tumungo lang ito saka umalis. Noooo! I'm not gonna let this happen! Ano nang mangyayari sakin kung wala akong pera?! No house! No company to lead! This is the worst thing I've ever heard in my life! Ako? Tatanggalin ni Lolo sa pagiging tagapagmana? No!

"Let me go!"sigaw ko pa at pinipilit na kumalas sa pagkakayakap niya pero mas lalo lang niya itong hinihigpitan.

      Inilapit niya ang labi niya sa tenga ko sa bumulong.

"Kiss me. I'll let you go."bulong nito at mas humigpit ang yakap sakin.

"In your dreams!"sigaw ko at akmang susuntukin siya pero mabilis niyang nahawakan ang mga braso ko at inihiga ako sa bench. Pumaibabaw siya sakin habang hawak parin ang mga braso ko.

"Please... Just one kiss."saad nito at inilapit ang mukha sakin. Eww! And wait? Kakarating lang ni Lolo ah. Hmm... Ano kayang gagawin niya dito? Bihira lang siya umuwi dito sa bahay. Most of the time, dun siya sa rest house tumitira. And alam ko na kung bakit, maingay kasi dito unlike doon na tahimik ang paligid.

     This James na nakaibabaw sakin. Pano ko kaya toh mapapaalis?

"Okay. Fine! Bitawan mo ang mga kamay ko."utos ko na ginawa naman niya. Hinawakan ko ang likod ng ulo niya at mas inilapit siya sakin. Nginitian ko siya at bago pa magdikit ang mga labi namin ay itinulak ko siya pababa. Nahulog siya sa damuhan ng garden.

     Agad ako tumayo at tumakbo papunta sa kwarto ko. Isinarado ko ang pinto at ini-lock iyon.

     Makalipas ang ilang oras, biglang kumalam ang sikmura ko at sumakit ang tiyan ko. Tumawag ako sa intercom at narinig ko na nagbukas ang pinto. Nakita kong sinusian ang door knob kaya nabuksan.

     Pumasok si James na may dalang pagkain. Isinarado niya ang pinto saka lumapit at inilapag yon sa kama.

"Yan kasi. Nagpapagutom ka. Alam mo namang hindi ka pwedeng maguton, diba? Pano yun? Di ka healthy sa mga magiging baby natin. Dapat kasi lagi kang kumakain para malulusog ang mga baby natin."saad niya at kinuha ko ang pagkaing dala niya. "Kain ka na ha. Dadalhan na kita ng pagkain sa tamang oras para hindi ka na ulit magutom. Ayokong nagugutom ang asawa ko."malambing na saad nito. Parang gusto kong itapon sa kanya tong pagkaing hawak ko. Maha-highblood ako sa kanya.

     Kinain ko at inubos ang dala niyang soup, rice and steak pati juice. Andami ng sinerve niya kaya busog na busog ako.

     Kinuha na niya ang pinagkainan ko saka umalis. Hay~... Ano kaya ang buhay ko pag wala ka? Siguro napakasipag ko.

     Para hindi na ko mahigh blood sa kanya. Dapat pala lagi akong nakatakip ng tenga o kaya magtulog-tulugan na lang para hindi niya ko kausapin. Tahimik na buhay ko, nakapagpahinga pa ko.

     Hmmm... Napaka-boring. Bisitahin ko kaya siya sa trabaho niya.

Next chapter