webnovel

Sa Kailaliman ng Mababaw na Tubig

Ang Librong ito ay tumatahak sa pang araw-araw na eksena. Ang iba ay hindi pa nakikita ng iyong mata at hindi pa naririnig ng iyong tainga. Sa mababaw na tubig ng mga salita nagtatago ang malalalim na kwento at istorya. Nakakatawa, nakakalungkot, nakakagalit, nakakadiri, nakakalito at nakapangingilabot ang mga kwentong bumubuo sa bawat alon ng mga kwentong ito. Gaya ng galit na dagat na malalakas ang alon na maaari kang dalhin sa pampang o sa ilalim gayon din ang gagawin ng mga dagli na ito.

Heaven_Dream · Realistic
Not enough ratings
5 Chs

Bubuka ang Bunganga

Madaling araw na, pauwi na siya galing sa bertdeyan. Medyo malayo ang pinanggalingan pero ayos lang, mabuti't hindi siya nalasing ng lubusan. "Pagagalitan siguro ako ni mama pag uwi..." ani niya sa sarili habang nag-iisip ng mga maaaring sabihing palusot. Naisip nyang sabihing na-traffic lang siya ngunit madaling araw na at wala na masyadong sasakyan kaya naman hindi ito magandang palusot. Maaari niya ring sabihin ang totoo ngunit magagalit lalo ang kanyang ina dahil sa naglasing sya.

Makalipas lamang ang kalahating oras ng biyahe ay nakarating na siya sa kanilang bahay. Mabigat ang pagkabog ng kanyang dibdib, luha ay halos tutulo na. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto. Saka niya inunahan ng pagsasalita ang kanyang ina, gamit ang madadalas nitong sabihin sa kanya noon. "Bwisit kang bata ka! Alam mo ba kung anong oras na?! Masyado mo kame pinag-aalalang tarantado ka! Saan ka nanggaling? Bakit amoy alak ka? Sumagot ka! Di ka sasagot? Makakatikim ka sakin!" Tuluyan na ngang tumulo ang kanyang luha matapos niyang magsisigaw sa bahay na walang tao kundi ang larawan ng isang babaeng nasa eded 40 pataas na nakapatong sa mesa kasama ang isang kandilang walang sindi.