webnovel

Sa Kailaliman ng Mababaw na Tubig

Ang Librong ito ay tumatahak sa pang araw-araw na eksena. Ang iba ay hindi pa nakikita ng iyong mata at hindi pa naririnig ng iyong tainga. Sa mababaw na tubig ng mga salita nagtatago ang malalalim na kwento at istorya. Nakakatawa, nakakalungkot, nakakagalit, nakakadiri, nakakalito at nakapangingilabot ang mga kwentong bumubuo sa bawat alon ng mga kwentong ito. Gaya ng galit na dagat na malalakas ang alon na maaari kang dalhin sa pampang o sa ilalim gayon din ang gagawin ng mga dagli na ito.

Heaven_Dream · Realistic
Not enough ratings
5 Chs

Bampira

Medyo madilim ang aking paligid, mamasa masa at ako'y naiipit. Kasalukuyan akong naglalaway sa balat ng batok ng babae na nakadikit sa akin. Medyo marami ang buhok pero ayos lang, sulit naman ang pagtitiyaga kung ako'y mabubusog. Di nagtagal ay nakamit din ang aking minimithi. Namilipit ang babae sa sakit. Kay dami ng dugo na aking nasipsip. Halos lumobo ang aking tiyan sa sobrang pagkabusog, nawala ang pamumutla ko at nagkakulay ang aking balat. Kulay dugo.

Mamula-mula. Agad na tumakbo ang babae sa CR, sumunod ako ng matahimik. Nagulat ako ng maramdaman ko ang pagdapo ng kamay ng babae sa akin. Masakit ngunit di ako makalaban habang unti-unti niyang binabaluktot ang aking katawan. Nakabaluktot na sa tatlo. Inuna niyang idikit ang aking ulo sa tiyan, sunod ay itiniklop ang paa at idinikit sa aking ulo. Literal na namimilipit ako sa sakit. Pagtapos ay inilabas niya ako sa madilim kong kinalalagyan at parang basurang walang halaga, itinapon niya ako sa basurahan. Duo'y nakita ko ang ibang mga bampira, gaya ko nakatiklop din sila.