webnovel

Runaway With Me

"Diba gusto mong mawala ung mga problema at sakit na nararamdaman mo? Kung ganon... sasama ka ba sa paglayas ko?" -Yvonne Tamayo

iboni007 · Fantasy
Not enough ratings
205 Chs

La Vie En Rose Hotel 16

~Madaling araw~

"Sorry Jervin…"

Sabi ni Yvonne nang matapos na siya sakaniyang ginagawang sulat para kay Jervin habang malungkot niya itong tinitignan at nakaupo ito sa sahig sa tapat ng coffee table. Inilapag na nito ang ballpen na kaniyang hawak sa coffee table na kaniyang pinagsulatan, kinuha ang sulat mula roon at saka itinupi na ito. Matapos tupiin ang kaniyang sulat para sa binata ay kinuha niya na ang labing anim pang iba mula sa coffee table, tumayo, naglakad patungo sakaniyang bedside table, binuksan ang drawer at saka roon inilagay ang kaniyang hawak na mga papel. Napabuntong hininga na lamang ang dalaga matapos nitong isara ang drawer at saka bumalik nang muli sakaniyang puwesto.

"Yvonne~ may dala akong ice cream~ your favorite!"

Sabi ni Lyka kay Yvonne habang naglalakad na ito sa loob ng kwarto na tinutuluyan ng dalaga at ni Jervin sakanilang hotel at mayroong dalang dalawang baso ng ice cream. Agad na nilingon ng dalaga ang kaniyang matalik na kaibigan at saka nginitian ito.

"Bat mo naman naisipan na dalhan ako ng ice cream ngayong alas kwatro ng madaling araw?"

Nakangiting tanong ni Yvonne kay Lyka habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang kaniyang matalik na kaibigan at saka kinuha na ang baso ng kaniyang paboritong flavor ng ice cream mula rito.

"Hindi ba pwede?"

Tanong pabalik ni Lyka kay Yvonne habang nakaupo na ito sa tabi ng dalaga sa sahig sabay subo na nito ng kaniyang ice cream. Agad na natawa ang dalaga dahil sa itinanong sakaniya ng kaniyang matalik na kaibigan at saka sumubo na lamang ng kaniyang ice cream.

"Magdo drawing ka ba?"

Tanong muli ni Lyka kay Yvonne nang makita nito ang papel at ballpen sa ibabaw ng coffee table. Mabilis na nilingon ng dalaga ang papel at ballpen na kaniyang ginamit at saka tumango na lamang bilang tugon nito sa tanong sakaniya ng kaniyang matalik na kaibigan.

"Magde design na sana ulit ako ng mga gowns and dresses, e, kaso wala akong Mapag kuhanan ng inspirasyon."

Sagot ni Yvonne sa tanong sakaniya ni Lyka habang nakatingin na sakaniyang matalik na kaibigan. Tumango na lamang ang Bampira at saka sumubo muli sakaniyang ice cream. Ilang saglit pa ay pumasok na sa kwartong kinaroroonan nila si Jervin na nanlulupaypay at gulo-gulo ang buhok nito.

"Anong nangyari sayo? Bat ganiyan itsura mo?"

Takang tanong ni Lyka habang nakatingin na ito kay Jervin na hindi siya pinansin at dire-diretso lamang sa kama nito at nahiga na roon. Sinamaan lamang ng tingin ng Bampira ang binata at saka kumain nang muli ng kaniyang ice cream. Tinitigan lamang ni Yvonne ang binata nang mayroong lungkot sakaniyang mga mata at dahan-dahang sinubo ang isang kutsara niyang ice cream.

"Siguro may na encounter siyang customer na sakit sa ulo dahil maraming reklamo sa pagkain or sinermonan sila ng supervisor nila."

Sagot ni Lyka sa sarili niyang tanong habang masama pa rin ang kaniyang tingin kay Jervin sabay subo muli ng kaniyang isang kutsarang ice cream. Napabuntong hininga na lamang ang dalaga sabay dahan-dahan nanaman nitong sinubo ang kaniyang isang kutsara ng ice cream. Nang mapansin ng Bampira na nanahimik ang dalaga'y nilingon niya ito at nasilayan ang natutunaw na nitong ice cream habang nakatitig sa binata. Agad na nagdikit ang kilay ng Bampira, inilagay ang kaniyang kutsara sakaniyang baso ng ice cream at saka iwinagayway ang kaniyang kamay sa mukha ng dalaga, dahilan upang bumalik na itong muli sakaniyang katinuan at mabilis na mapatingin sa matalik na kaibigan.

"Hmm? Bakit?"

Tanong ni Yvonne kay Lyka habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang matalik na kaibigan. Napabusangot na lamang ang Bampira dahil sa inasta ng dalaga at saka nagpatuloy na lamang sakaniyang pagkain ng kaniyang ice cream.

"Lyka."

Tawag ni Yvonne kay Lyka habang hindi pa rin nito inaalis ang kaniyang tingin sa matalik na kaibigan. Tinitigan lamang ng Bampira ang dalaga habang patuloy pa rin ito sakaniyang pagkain ng kaniyang ice cream.

"Pag may pumunta ritong 'Isabelle Anonuevo' pag natapos na tong lahat, padiretsuhin mo kaagad siya dito sa room namin ni Jervin, ha. Meron kasi akong ipapakuha sakaniya."

Nakangiting sabi ni Yvonne kay Lyka sabay kain na nitong muli sakaniyang ice cream. Nagdikit nanamang muli ang kilay ng Bampira dahil sa dalaga habang patuloy pa rin itong tinitignan.

"Ano naman ipapakuha mo? Bat di na lang ikaw ung kumuha mismo pag natapos na lahat?"

Sunod-sunod na tanong ni Lyka kay Yvonne nang hindi pa rin inaalis ang kaniyang tingin sa dalaga. Tumigil sa pagkain ng ice cream ang dalaga, tinignang muli ang kaniyang matalik na kaibigan at saka nginitian na lamang ito. Napabusangot nanamang muli ang Bampira at subo nang muli sakaniyang ice cream.

"Pinapa alis mo na ba ako gamit ng ngiti mo?"

Nakabusangot na tanong ni Lyka kay Yvonne habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang dalaga. Bahagyang natawa na lamang ang dalaga dahil sa inaasta ngayon ng kaniyang matalik na kaibigan, dahilan upang samaan na siya nito ng tingin, tumayo na mula sa pagkakaupo nito sakaniyang tabi at naglakad na papalabas ng kanilang kwarto habang hawak pa rin ang baso ng ice cream nito. Pagka sara ng Bampira ng pintuan ay agad na inilapag ng dalaga ang kaniyang baso ng ice cream sa coffee table, tumayo na rin mula sakaniyang pagkakaupo sa sahig, naglakad na papalapit sa kama ni Jervin at saka nahiga na sa tabi nito.

"Anong nangyari? Bat ganyan ung itsura mo?"

Tanong ni Yvonne kay Jervin habang tinitignan na nito ang binata na nakapikit sakaniyang tabi. Ilang saglit pa ay dahan-dahan nang iminulat ng binata ang kaniyang mga mata at saka tinignan na ang dalaga na nakahiga sakaniyang tabi.

"Pinagalitan ako ng supervisor ko kasi pinilit ko ung isa pang room service na siya na lang ang maghatid ng pagkain sa room 406."

Sagot ni Jervin sa tanong sakaniya ni Yvonne habang tinitignan na ang dalaga sa mga mata nito. Nagdikit ang kilay ng dalaga nang marinig ang sinabi ng binata sakaniya.

"Bakit naman? Sino ba ung nagruroom dun?"

Takang tanong ni Yvonne kay Jervin habang magkadikit pa rin ang kilay nito at patuloy pa ring tinitignan ang binata sa mga mata nito.

"Sila Dalis at ung apo niya."

~ You should live your life to the fullest with the people you love the most ~

Hello po~!! Please vote, rate and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko. Kung nagustuhan niyo po ang story ko, may iba pa po akong ginawang story. "Love Yourself: Wonder” po ang title ng finished story ko. Please read, vote, rate and support my other story!! BTS Fan-Fic po siya~ Sana po magustuhan niyo!!

Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!

iboni007creators' thoughts