webnovel

Rivals In love

Honeyahh · Fantasy
Not enough ratings
9 Chs

Paligsahan

NAGSIMULA na ang kasiyahan sa Phantora.Pinailawan na ang mga makukulay na parol at entablado para sa patimpalak na gaganapin mamaya.Ang patimpalak na ito ay patimpalak ng mga mahuhusay na salamangkero sa Phantora.Dito malalaman ng mamamayan kung sino nga ba ang mas malakas sa lahat ng salamangkero.Kanya-kanya sila ngayon ng preparasyon mamayang gabi.Eksaktong alas otso ng gabi sisimulan ang patimpalak.

May mga tao nang nauna sa Fecturium o iyong plaza na gaganapan ng patimpalak.Malaki ito at magkakasiya talaga kahit sampung libo na mamamayan.Sa loob ng tatlong siglo ngayon lang ulit pinayagan na magkaroon ng ganito sa Phantora.Nais lamang nang mahal na hari na maging masaya ang taon na ito.

ABALA si Celestrina na pagpili ng masosoot para mamaya.Sumali siya patimpalak na iyon nang palihim,alam niyang hindi siya papayagan ng ama kaya nagpatulong siya kay Eliyah na kaniyang kababata at isa sa mga opisyal sa kaharian.Siya ang nag iisang babae sa patimpalak na iyon kaya kailangan niyang ibahin ang susuoting damit.Sa wakas may nahanap na siyang isang mahabang balabal at isang sumbrero na katulad sa sumbrerong nakikita niyang soot nang mga salamangkero.

Hindi na siya nagdalawang isip na suotin ito dahil ilang minuto na lamang ang natitirang oras bago magsimula ang paligsahan.Hinanda na niya ang kaniyang sarili,may kaonting kaba na dumadaloy sa dibdib niya ngunit pinaalis niya iyon sa ngayon.Hindi katulad ng ibang salamangkero na may dalang "wand" si Celestrina dahil nasa katawan na nito ang kapangyarihan.Hindi alam nang ibang mamamayan kung gaano kalakas at ano ang kapangyarihan niya.Kahit ang ama't ina niya ay walang alam.Siya lamang ang nagsasanay noong panahong nalaman niya ang kanyang kapangyarihan.

Lumabas na ito sa silid at dumaan sa likod ng palasyo kung saan nag-aabang si Eliyah na siyang magbabantay sa mahal na prinsesa.Buti na lang at abala ang lahat ng kanilang mga katulong sa palasyo kaya napadali ang paglabas ni Celestrina. "Psstt..pstt"sitsit niya kay Eliyah na nagtatago sa likod ng puno.Agad na lumabas si Eliyah dahil tinatawag na siya nang mahal na prinsesa.Kahit magkababata sila ay may galang parin si Eliyah kay Celestrina.

"Buti naman at nakarating kana.Ang aking akala ay hindi ka na tutuloy sa paligsahan na iyon"nakangiting sabi ni Eliyah sa mahal na prinsesa. "Ako Hindi sasali sa paligsahan? Ngayon lang ako sasali sa ganyan bakit ko naman hindi itutuloy?"pabirong saad nang mahal na prinsesa.Napangiti na lamang din si Eliyah at iginaya ang daan patungo sa Fecturium.

ALAS SYITE Y MEDIA na nang gabi.Marami nang tao ang nag-aabang sa loob ng Fecturium.Halo-halo ang mga manonood pero mas madami ang mga batang sabik mga mahikang ipapamalas mamaya.Ang tawag sa paligsahan mamaya ay ang "Memoctrium Sorcerrers" .Napakaganda nang entablado na gaganapan ng paligsahan mamaya.

NAKARATING na sa loob ng Fecturium ang prinsesa at si Eliyah.Hindi naman sila napansin nang mga guardia na nagbabantay sa labas na prinsesa pala ang nakaharap nila.Nakasoot din si Eliyah nang damit na katulad kay Celestrina.Kulay pula nga lang ito at Asul ang kay Celestrina. "Hindi ka ba nababahala Celestrina na baka malaman nila na ikaw ay isang babae?"biglang natanong ni Eliyah sa kanya.Naisip din iyan nang mahal na prinsesa pero mayroon siyang plano kung sakaling may makaalam na babae siya "Kung meron man na makakaalam kung sino ako ay ako na ang bahala roon"sabi niya sabay libot ng paningin sa loob ng Fecturium.

Nagmistulang konsyerto ang Fecturium sa dami ng manonood. "Eliyah,doon ka umupo upang ika'y makita ko kaagad pa ako na ang susunod na magpapakita sa entablado"sabi ni Celestrina sabay turo sa upuan malapit sa entblado.Tumango nalang si Eliyah at tsaka pumanhik na sa pwesto na itinuro ni Celestrina.Samanatala si Celestrina naman ay lumakad na patungo sa likod ng entablado upang makapaghanda na ngunit napahinto siya nang may natanaw siya bigla na pigura nang isang tao sa likod ng puno.Isa sa mga kapangyarihan niya ay ang makakita kahit gaano pa ito ka dilim at kalayo,kaya ibang iba talaga siya sa lahat ng salamangkero sa Phantora.

Nilakad niya ang bahaging iyon ngunit nawala na agad ang pigura na nakita niya.Ikinibit balikat niya na lamang iyon at tumungo na sa likod ng entablado.Pagdating niya doon ay handa na ang lahat ng sasabak sa paligsahan.Nag iisa lang siyang babae kaya naman sa pinakatagong sulok na muna siya.Umupo siya sa isang upuan malapit sa pintuan at nagpangalumbaba.Iniisip niya iyong nakita niya bago lamang sa likod ng puno 'Hindi kaya espiya iyon?' tanong niya sa isip 'Hindi naman siguro,bantay ng mga guardua ang bawat daanan kaya walang sinuman ang basta-basta na lamang makakapasok' pagkukumbinsi niya sa isip.

KASALUKUYANG naglalakad ngayon sa gitna nang mga tao si Lord Vishnu.Nandito sila ngayon sa Fecturium kung saan gaganapin ang patimpalak nang mga salamangkero.Muntik na siyang mahuli kanina ng isang salamangkero kung kaya't umalis na siya doon sa puno na pinagtatguan niya.Kasama niya sina Marcisus,Ambre at ang bihag nilang si Jillano.Sinadya nilang maghiwalay hiwalay ng daan upang walang makahalata.May ginamit silang isang likido upang hindi malaman ng mga salamangkero na sila ay bampira.

Umupo siya sa isa bakanteng upuan malapit sa entablado kung saan nakaupo din si Eliyah sa harapan niya.Balak niya manood ng paligsahan dahil ngayon lang din naman siya nakapunta sa ganoong mga pesta.Sa Voloco walang kasiyahan na magaganap puwera na lamang kapag mag napatay silang kalaban na mas malakas pa sa kanila at kapag kaarawan niya.Hindi niya maiwasan na minsan ay nababasa niya ang iniisip nang mga kalaban niya kapag natitigan nito ng mga mata nila. 'Tingnan natin kung mas may lalakas pa sa inyo na puwede naming makaharap sa giyerang magaganap' salita niya sa kaniyang isipan.

"Vishnu"bigla na lamang tumabi sa kanya si Ambre.Nilingon niya ito pero binalik na muli ang mata sa entablado kung saan nagsasalita na ang tagapagsalita sa paligsahan. "Hindi mo man lang ako papansinin? Ikakasal na tayo ngunit ang iyong loob ay napakalayo parin"

"Huwag nating pag-usapan iyan dito."pinag-krus niya ang kamay sa dibdib.Nanahimik naman si Ambre,magkahalong lungkot at inis ang nararamdaman niya sa Lord Vishnu.Kahit anong pagpapansin ang gawin nito ay hindi siya kayang kausapin kahit isang oras man lang.

"Handa na ba kayo sa inyong matutunghayan ngayong gabi? Kung handa na kayo,bigyan nang masigabong palakpakan ang mga kalahok!"sabi ng Tagapagsalita sa mikropono.Nagpalakpakan ang mga manonood maliban kay Lord Vishnu at Lady Ambre.

"Kapag nay nakita kang karapat-dapat na maging kaanib natin sa mga kalahok,dukutin niyo kaagad.Mapakikinabangan natin sila"utos ng Lord kay Lady Ambre.Wala namang nagawa ang Lady kaya pumayag na siya,kahit papaano'y pinapansin parin siya kaya masaya siya sa kanyang kaloob-looban.

SI CELESTRINA ang paghuling aakyat sa entablado upang magpakitang-gilas.Inaamin niyang medjo pinagpapawisan siya hindi dahil magagaling ang mga nauna kung hindi dahil mainit ang soot niyang balabal.Mas sanay kasi siyang nagsosoot ng mga bestida kaysa sa salawal at balabal.

"Palakpakan nating lahat si kalahok Ika-walo.Ngayon tunghayan naman natin ang pagpapakitang-gilas ng ating panghuling kalahok,bigyan natin ng masigabong palakpakan at hiyawan ...Kalahok ika-siyam!!"pahayag nang tagapagsalita.

Nag-aabang ang mga tao sa labas mula sa entablado ngunit ilang segundo pa ang nakalipas ay hindi pa tumatapak sa entablado si Celestrina.Nagrereklamo na ang ilan sa mga manonood sa paghihintay.Napatayo agad si Eliyah dahil baka ano nang nangyari sa mahal na prinsesa.

"Mahal na prinsesa? Celestrina?"tawag ni Eliyah ngunit walang sumagot.Namuo ang takot sa kaniyang dibdib.Siya ang mapaparusahan kapag may nangyari sa prinsesa.

"Eliyah...."sitsit ni Celestrina na nagtatago sa isang damuhan.Napalingon doon si Eliyah at agad na tumakbo doon. "Celestrina anong ginagawa mo?!"singhal sa kaniya ni Eliyah nung makita na hubo't hubad si Celestrina. "Naiinitan kase ako kaya tinanggal ko muna sandali ang mga soot ko."

Napakamot na lamang nang kanyang batok si Eliyah.Kababata niya si Celestrina kaya naman kabisado na nito ang ugali. "Suotin mo na iyan at ika'y umakyat na sa entablado.Nagrereklamo na ang mga manonood."tumango na lamang si Celestrin at sinuot na ag mahabang balabal at salawal pati na rin ang malaking sumbrero nito. "Handa na ako"

NAGHIHINTAY pa'rin ang mga manonood sa ika-siyam na kalahok.Bigla na lamang nagsalita ang tagapagsalita "Kapag si kalahok Ika-siyam ay hindi na aakyat sa entablado ay burado na siya sa listahan ng mga kalahok.Bibilang lamang ako ng lima,

..isa....dalawa...tatlo...apat....lim--"hindi na natapos ng tagapagsalita ang pagbibilang nang may isang nakasoot nang mahabang balabal at sumbrero ang umakyat sa entablado.

"Mga manonood nandito na si kalahok Ika-siyam!!! Masigabong palakpakan naman diyan!!"nagpalakpakan ang mga manonood at isa na doon si Lord Vishnu.Nagulat naman si Lady Ambre dahil nakangiti ito at animo'y tuwang tuwa. "Simulan mo na!!"

RAMDAM ni Celestrina ang pamamawis nang kaniyang likod at tiyan dahil sa soot ngunit hindi ito ang tamang panahon upang mag-inarte. Dahil sa kaniyang malaking sumbrero kaya kalahati lamang ng mukha niya ang makikita.Sinimulan na niya ang kaniyang pagpapakitang gilas sa mga manonood.

Una niyang ginawa ay tinaas niya ang kaniyang kamay at ang kaniyang dalawang paa ay ang isa sa harap at isa sa likod.Sumayaw siya na parang ibon kaya nagtawanan ang mga manonood sa ginagawa niya "Hoy!! Itigil mo na iyan ,walang kwenta!!"sigaw nang isa sa mga manood ngunit hindi ito itinigil ni Celestrina,alam niya ang kaniyang ginagawa.

Natigil ang tawanan nang biglang nasilabasan ang mga makukulay na ibon galing sa kung saan.Dumapo ang mga ibon sa kaniya katawan na akalain mo'y isa siyang damit na makulay.Mula pula,asul,berde at kahel ang mga kulay.Napanganga ang ilan sa mga manonood,maging Lord Vishnu ay napamangha rin sa pinamalas na kapangyarihan ni Celestrina.Hindi siya gumamit nang ano mang salamangka ng katulad noong mga nauna na nagsisikislapan 'pag nakalabas sa kani-kanilang magic wand.

Ang sunod namang ginawa ni Celestrina ay umatras siya kaya naman kaniya kaniyang mga salita ang galing sa mga manonood.Ang akala nila ay aatras na ito ngunit bigla lamang itong lumutang sa ere na parang may pakpak.Nagulat na naman ang mga manonood sa ikalawang pagkakataon.Bumaba ng dahan dahan galing sa ere si Celestrina at sa pagtapak ng kaniyang mga paa sa malamig na semento ng entablado ay bigla itong naging yelo.

Hindi maipaliwanag nang mga manonood ang ginawa ni Celestrina kaya naman nagpalakpakan sila.Napatayo si Eliyah sa kaniyang kinauupuan para bigyan ng malakas na palakpak at sigaw si Celestrina.Habang si Lord Vishnu naman ay nakaupo lang at pinagmamasdan si Celestrina na yumuko sa manonood at umalis na agad sa entablado.Isa lang ang nasa isip ngayon ng Lord at iyon ay ang makuha ang salamangkero'ng iyon.Sigurado siyang papakinabangan ng Voloco ang kapangyarihan niya. "Dukutin siya"utos niya kay Lady Ambre "Ha?" sagot naman ni Lady Ambre na hindi makapaniwala,sa nakita niya kanina imposibleng makakaya nilang madakip ang salamangkero'ng iyon. "Hindi mo ba narinig ang utos ko? Sabi ko idukot siya.Papatayin kita kapag hindi mo nagawa iyon"banta niya rito kaya naman napatayo agad siya at handa nang dukutin ang salangkero'ng iyon