1 Bihag

Nagsasaya ang lahat sa pagdiriwang ng pesta sa mundo ng mga salamangkero na tinatawag nilang Phantora.Maraming makukulay na bandiritas ang nakasabit sa bawat sulok ng punong kahoy na ginamitan 'din nila ng ilang salamangka upang ito'y kumislap at umilaw.Bawat pasilyo sa daan ay may kanya kanyang tindahan.May nagtitinda ng sapatos na gawa sa balahibo ng ibon na pinagtagpi-tagpi at ginawang sapatos,meron ding mga damit na gawa naman sa talulot ng bulaklak,malalaki ito kaya maari siyang gawing bestida o damit.

SA KABILANG dako,ang hari at reyna ay nakatanaw lang sa baba.Tinatanaw nila ang mga salamangkero at salamangkera na nagkakasiyahan sa baba.Nasa balkonahe sila ng kanilang palasyo kaya naman tanaw na tanaw ang lawak ng bayan.Masaya nilang pinagmamasdan ang mga salamangkero't salamangkera na nagkakasiyahan.

"Aking mahal tiyak akong magiging masaya ang taon na ito kumpara noong nakaraang taon"biglang nagsalita ang mahal na reyna sa kanyang asawa.

"Nasisiguro ko aking mahal sapagka't ngayon ko lang din nakita ang ganyang mga ngiti nila.Sa aking palagay itong taon na ito ang pinakamasaya"sagot naman ng mahal na hari.

SA LOOB ng kaniyang silid lang ang mahal na prinsesa at nagbabasa ng ilang librong galing sa istante ng kaniyang ama sa silid-aklatan nito.Halos tatlong libro ang nababasa niya sa loob lamang nang isang araw.Minsan lang naman siya gumagala dahil tinatamad ito.

"Ahhh bakit naman kase pinaslang pa nang lalaki ang babae na mahal niya? Grabe na talaga!! Wala siyang puso!"malakas niyang sigaw.Maririnig sa malawak na silid niya ang kaniyang reklamo.Mahilig itong magbasa ng mga kuwento na romansa.Nagagalit ito 'pag ang binabasa ay may mamatay na bida.

"Sa wakas natapos ko na rin"nakahinga siya nang maluwag dahil sa wakas natapos niya na ang tatlong libro na binabasa niya. "Walang kwenta'ng storya,hindi man lang ako nasiyahan"dismayado niyang sabi. "Ibabalik ko na ito sa silid-aklatan ni ama baka ako'y maparusahan na naman dahil sa pagiging pakielamera ko."sabay tayo at nagtungo sa silid-aklatan ng kaniya ama.

Maraming beses niya na itong ginagawa tuwing nawiwili ang ama sa pakikipag usap o wala ito sa palasyo.Narating na niya ang silid-aklatan kaya nilagay na niya iyon sa tamang pwesto kung saan niya kinuha kanina.Medyo may kataasan ang pwesto na iyon kaya kinailangan niyang gumamit ng hagdan.Maghahanap na sana siya ulit ng bagong babasahin nang marinig niya ang yabag galing sa labas.Nasisiguro niyang sa silid na ito ang punta nang yabag.

"Baka si ama na iyon"dali siyang bumaba at nagtago sa ilalim ng lamesa ng kaniyang ama.Pinagkasya niya ang sarili para hindi siya makita.Papalapit ng papalapit ang yabag kaya siguradong papasok na sila.

"Ngunit patawad po mahal na hari sapagka't ang inyong pinag uutos kay Jillaro ay hindi niya napagtagumapayan"rinig niyang kausap nang kanyang ama.

"Ano ang iyong ibig sabihin?"tanong nang hari.

"Nadakip siya ng mga kalaban at nasisiguro ko mahal na hari na ginagawa nila ngayon ang lahat upang mapaamin si Jillaro"

'Anong pinag-utos ni ama upang madakip si Jillaro?' banggit ni Celestrina sa kanyang isip

"Sa ngayon kailangan mo ulit magpadala ng tatlong makakatulong kay Jillaro upang makatakas sa kamay ng mga bampira"

'Bampira? Kalaban ni ama ang bampira?' sabi niya ulit sa isip.

Hindi mawari ni Celestrina kung bakit kailangang magpadala ng espiya ang ama upang manmanan ang mga bampira.

"Masusunod po,mahal na hari"sabi ni Philopo na siyang namamahala sa guardia sa kanilang kaharian.

Rinig ni Celestrina ang yabag papaalis kaya dahan-dahan siyang sumilip.Nakita niya ang ama na may hawak na aklat sa kamay.Isang iyong libro na malaki at kulay pilak.May nakasulat doon na 'Faguritmo Cisu'.

Maya maya ay nilapag iyon ng hari sa isang lamesa malapit sa mahabang istante at lumabas na nang silid.Dahan-dahan namang umalis si Celestrina sa pagkakatago at pinuntahan ang kinaroroonan ng libro.Kinuha niya iyon at pinagmasdam.

Alam niya ang aklat na iyo.Ang Faguritmo Cisu ay isang aklat kung saan nakalagay ang lahat ng kasaysayan nang kanilang kaharian.Isinulat ito ng kaniyang Lolo na namayapa na.Dinala niya iyon sa loob ng kaniyang silid.Doon niya balak basahin upang walang makakakita.

BINUKLAT niya ang aklat at unang nakita niya ay ang larawan ng kanilang kaharian noong winasak ito ng kalaban.Hindi niya pa ito nababasa dahil ngayon niya lang ito nakita sa istante ng ama,pero narinig niya na ang tungkol sa librong ito.Binasa niya ang unang pahina.

Ayon doon ang kaharian ng Phantora ay kilala dati bilang El Bustrio bago ito winasak nang mga bampira.Nagkaroon ng away sa pagitan ng dalawang mundo.Nasa ilalin ng paggawa ng mga kasangkapan noon ang mga salamangkero nang bigla na lamang nagkaroon ng lagusan sa pagitan ng dalawang mundo kaya nakapasok ang mga bampira sa Phantora.Nabahala ang lahat sa pagdating nila,ginawa nila ang lahat upang malabanan ang mga kalaban ngunit sa kasamang palad ay iilan na lamang ang nabuhay kasama na doon ang lolo niya na dating hari.

May isa silang embisyon na tinatawag na Xynomos—ito ay isang makina na kayang magpabalik o magpabilis ng pahanon.Dahil kakaunti na lamang ang natira sa mga salamangkero ay iniutos ng mahal na hari na gamitin ang embisyon,noong una tutol ang ilan sa kanila ngunit napagdesisyonan din na gamitin sa wakas.Dahil sa makina na iyon ay naibalik ang panahon kung saan abala pa sila sa paggawa,inihanda na nila ang panlaban upang ang mga bampira ay hindi makapasok sa kaharian.

Ngunit sa kasamaang palad ay hindi 'din nagtagumpay ang mga salamangkero at ang hari sa lakas ngkapangyarihan ng kalaban.Kahit ang mga kakayahan ng salamangkero ay nataob ng kalaban.Dahil sa imbisyon na Xynomos ay nabalik din ang kapangyarihan ng mga bampera sa panahon na iyon.Hindi nila naisip ang maari nitong kakahinatnan at nagpadalos dalos na lamang.Namatay ang kalahati ng mamamayan kabilang na ang mahal na hari.At simula noon ang prinsipe na si Crisostomo na ang hinirang na bagong hari kahit labin-isang taong gulang pa lamang.

Makalipas ang tatlong siglo ay hindi na muli pa nagparamdam ang mga bampira at bumalik na muli sa matiwasay na kaharian ang El Bustrio o Phantora na sa ngayon.

"Ngayon ko lamang nalaman ang tunay na dahilan kung bakit namatay si lolo.Ang akala ko namatay siya dahil sa sakit pero 'yun pala..."malungkot na banggit ni Celestrina.

Naisip niya na ang mga bampira ang may kasalanan nang lahat kaya namuo ang galit sa dibdib nito "Kaya pala ganun nalang kung makapag-utos si ama kanina ay dahil maaring bumalik muli ang mga kalaban...paano na lamang kapag bumalik ulit sila? mamatay ba kami?"maraming namumuo na tanong at posibileng mangyari sa kaharian nila sa pagdating ng mga kalaban. "Kung dati natalo nila kami dahil hindi naging desperado ang lolo,ngayon sila naman ang matatalo dahil hindi nila alam kung sino ang bago nilang makakaharap"

NASA LOOB ng isang silid ang lahat ng opisyal nang Voloco—bayan nang mga bampira.Nagpupulong sila kung paano paaaminin ang bihag nilang salamangkero.Palaisipan sa kanila kung bakit may isang ispiya ang gusto silang manmanan.Pero dahil naikwento na rin ng isang Scrivener—ang tagasulat ng kasaysayan ang kaugnayang ng bampira sa mga Salamangkero ay nalaman na nila kung bakit.

"Sa loob ng tatlong siglo muli na namang pinag-ugnay ng panahon ang dalawang mundo."biglang nagsalita ang isa sa mga opisyal na si Marcisus.

"Oo nga.Hindi ba nila alam na maari muling malagay sa kapahamakan ang kanilang kaharian sa pangingialam nila sa atin? Mga hangal"sang-ayon naman ng isa.

"Natalo nang dating Lord ang El Bustrio o Phantora na ngayon.Maraming dugo ng Phantorians ang nagkalat,huwag nilang sabihin na gusto muli nilang maging dagat ng dugo ang kaharian nila?"tatawa-tawang sabi nang isa sa mga Scrivener.

Bigla na lamang tumikhim ang kasalukuyang Lord na si Lord Vishnu—anak siya nang namayapang Lord na anak ni Lord Valentino na nagpabagsak sa kaharian ng Phantora.

"Pakawalan ang bihag at dalhin dito"utos niya at agad namang sumunod ang isang kawal.

"Lord Vishnu,ano po ang maaari nating gawin sa Phantorian na iyon? Patayin na lang kaya natin?"suhestyon ng isa sa mga opisyal.

"Hindi natin siya papaslangin sapagka't magagamit natin siya sa nga kalahi niya.Sa ngayon pabayaan na muna natin ang Phantorian na iyon"sagot ni Lord Vishnu.

"Lord nandito na po ang bihag"sabi nang isa sa mga kawal na inutusan. "Luhod!!"pinaluhod niya ang bihag na ngayon ay halos hindi na makilala sa dami ng dugo sa mukha na nagkalat.

"Sabihin mo,bakit ka inutusan na manmanan kami?"maawtoridad na tanong ng Lord.

"Wala akong sasabihin!! kahit patayin niyo pa ako!!"sagot nang kawawang Phantorian.Ang nasa isip niya lang ngayon ay magiging matapat siya sa kanilang hari kahit buhay niya ang kapalit.

"Talaga? Magiging matapat ka sa hari mo kahit buhay mo ang kapalit?"

Nagulat naman ang Phantorian dahil nabasa nito ang iniisip niya "Oo,nababasa ko ang iniisip mo.Mas makapangyarihan ang mga Bampira kaysa sa inyo tandaan mo iyan"dinuro-duro niya ang noo nito "Hindi kita papaslangin kapag sinunod mo ang pinag-uutos ko"

"Hindi ako susunod sa iyo dahil hindi naman kita hari"

"O sige ganito nalang.Hindi ko papatayin ang pamilya mo kapag sinunod mo ang utos ko"nakangising demonyong saad niya sa Phantorian.Bigla na lamang nanghina ang Salamangkero sa narinig 'Hindi..'tanging nasabi niya sa isip.

"Nababasa ko ang iniisip mo.Alam ko kung sino sino sila at alam ko rin kung paano sila mapapaslang"

"Hindi!!! Huwag mong idadamay ang mag-iina ko! Susundin ko na ang pinag-uutos mo,huwag mo lang silang idadamay"pagmamakawa ng Phantorian

"Mabuti naman.."bigla na lamang nito kinagat ang leeg at hinaluan ng Lord nang sariling dugo ang dugo ng Phantorian.Napasigaw sa sakit at hapdi ang Phantorian."Isa ka nang ganap na bampira simula ngayon,pero dahil kalahati ng dugo mo ay salamangkero kaya naman hindi nila mapapansin na bampira ka.Tandaan mo hawak kita sa leeg,at sa oras na magkamali ka....alam mo na HAHAHAHA"banta niya sa nakahandusay na na Phantorian ngayon.

Napuno nang mala-demonyong tawanan ang silid dahil sinundan ito ng iba pang opisyal

"HAHAHAHA MABUHAY ANG MGA VOLOCIANS!!"

"MABUHAY!!"

avataravatar
Next chapter