webnovel

Ang City Wall

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sumailalim sa mabilis na pagunlad ang produksyon ng semento. Upang magbigyan si Anna ng sapat na oras para magpahinga, nagoopera lang ang kiln room ng isang beses kada dalawa o tatlong araw. Sa kagustuhan na makakuha pa ng raw materials, nag-isyu nanaman si Roland ng isang recruitment notice, at dahil dito na-doble ang bilang ng mga manggagawa.

Gayunpaman, alam ni Roland sa kanyang sarili na hindi siya maaring palaging dumepende kay Anna upang gawin ang mga ganito. Ang pagtratrabaho ng matagal sa isang maalikabok na lugar ay magreresulta ng Silicosis sa mga tao. Dagdag pa dito, kapag napalawak na ang production scale, hindi na sapat na magisa si Anna para makamit ang demand.

Hindi dapat ginagamit ang mga witches bilang consumables, kundi bilang isang makina na nagpapagana ng pagunlad ng sibilisasyon. Kahit na malinaw ang katotohanan na ito kay Roland, sa ngayon, maari niya lang ibuhos ang lahat ng kanyang oras at isip sa pagtatayo ng city wall. Matapos ang lahat, wala ng magagawa kung hindi mapipigilan ang mga demonic beasts.

Naglunsad ng isang proyekto upang maghukay para pundasyon ng city wall na nagkokonekta sa North Slope Mountain at Redwater River. Bilang ang chief manager ng proyektong ito at alinsunod sa nakagawian sa dating mundong kinalalagyan ni Roland, hinukay niya ang unang pala ng lupa sa gitna ng mga tulirong mamamayan.

Inakala ni Roland na pagkatapos malutasan ang problema sa semento, magiging madali na ang pagtatayo ng city wall. Ngunit ng aktwal niya ng gawin ito, nadiskubre niyang lubhang ignorante siya pagdating sa engineering. Gaano kalalim at kalawak dapat hukayin ang pundasyon? Paano maipapantag ang lupa? Paano masisigurong deretso parin ang anim na daang metrong pader pagkatayo nito? Noong ginagawa ng city government and kalsada, nakita ni Roland ang grupo ng kabataan na sinusukat ang kalsada ng mga kagamitan at rules, isang gamit na tinatawag na theodolites at leveling instrument, ngunit walang anumang gamit tulad nun na matatagpuan dito!

Bilang isang mechanical blueprinter, kahit kilala si Roland at ang next-door civil engineer bilang ang mga ultimate geeks, hindi masyadong nagkakaiba ang kanilang kadalubhasaan. Hindi lang iyon, wala ni-isa sa mga nahikayat na bricklayes ang lumahok na dati sa isang malaking proyekto ng engineering. Kaya't hindi maihahalintulad kay Roland ang kanilang kakayahan. Kaya naging napakabagal ng pagunlad matapos simulan ang city wall na proyekto. Inabot ng isang buong linggo para lang makapaghukay ng isang hindi tapos at mababaw na hukay.

Kapag nawalan ng kontrol ang engineering project, hindi mailalarawan ang tapos na produkto. Isang halimbawa, itong mababaw na hukay na kanilang hirap na hinukay ay nagmistulang isang kanal imbes na isang pundasyon para sa city wall. Kahit na tinantsa ni Roland ang lapad bago sila nagsimula, naging pakitid ng pakitid ito habang patuloy silang naghuhukay. Nagmukha pa nga itong isang baluktot na ahas kapag tinignan ng isang tao sa malayo.

Gayunpaman, nagaalinlangan parin si Roland na itigil ang proyekto. Batay sa mindset na ang pakunti-kunting pag-unlad ay mas mabuti kaysa sa hindi o walang pag-unlad, ginugugol ni Roland ang lahat ng kanyang oras sa paanan ng North Slope Mountain hangga't hindi nag-oopera ang kiln room. Ina-adjust niya ang direksyon ng hukay base sa kanyang paningin at dahan-dahang inuusad ang proyekto. Kasabay nito, dinoble niya ang gantimpala ng mga stone craftsmen.

Sa kabutihang palad, hindi nagtagal ang awkward period na ito. Habang nasa firing room si Roland upang idirekta ang ika-anim na batch ng semento, nireport ni Assistant Minister Barov na may isang stonemason na tumugon sa recruitment notice. Sinabi ng stonemason na sumali siya sa Mason Guild sa Kaharian ng Graycastle ng panandalian at ngayon ay naghihintay sa labas ng hall.

Inisip ni Roland ang bagay na ito ng saglit at siya'y nasabik. Sa kanyang alaala, ang Mason Guild ng Kaharian ng Graycastle ay prominente at isang pioneer team na kahit siya ay narinig na ang mga ito. Kahit na ang team na ito ay inutos na mabubuwag dahil sa isang construction accident, paano hindi maaring magkaroon ng aksidente sa industriya ng konstruksiyon?

"Papasukin niyo siya." Nagkunwari si Roland na kalmado at tumango. Gusto niya paalisin si Anna ngunit nagbago ang kanyang isip matapos ang ilang sandali. Ang Border Town ay may populasyon na dalawang libo at halos walang residente ang nakakita na ng mga mukha ng mga witches. Bukod pa dito, ibang-iba na ang itsura ni Anna sa dating batang babae na gusto ng magpakamatay. Dagdag pa dito, sa malamang ay hindi siya makikila ng sinuman dahil sa kanyang kakaibang damit.

Sumama ang loob ni Karl Van Bate nang dalhin siya ng knight sa courtyard. Gusto niyang ipaalam sa Prinsepe na hindi angkop sa panahon ngayon na gawin ang proyekto at unti-unting makuha ang tiwala nito at tuluyang baguhin ang kanyang pananaw tungo sa mga witches. Ngunit ayon sa mga sabi-sabi, palaging pabago-bago ang isip ng Prinsipe. Paano kung kabaliktaran ang naging epekto ng kanyang payo sa Prinsepe?

Nanginginig pa siya at malakas ang tibok ng puso nang yumuko siya at sumaludo sa Prinsepe. Habang ina-angat ang kanyang ulo, nabigla siya sa kanyang nakita—mukhang pamilyar ang batang babae na nakatayo sa tabi ng Prinsepe, inisip niya pa kung nananaginip siya. Kinuskos niya ang kanyang mga mata at tumitig ulit, at bigla nalang humagulgol, "...Anna!"

Diyos ko po! What a coincidence! Nag-recruit lang siya ng isang random craftsman at ang nakuha niya pa ay ang kapitbahay ng witch?! Tila pamilyar ang craftsman kay Anna. Kung hindi, hindi niya agad mamumukhaan ang babae. Tinignan ni Roland si Carter Lannis, na agad naintindihan ang nasa isip ng Prinsepe. Sinara niya agad ang pinto, at hinarangan ang natatanging labasan.

"Professor… Karl?"

Nalito si Roland sa reaksyon ni Anna. "Ha? Propesor?"

"Ikaw nga, Anna, ah, ahh…" Nadama ni Karl na uminit ang kanyang mga mata, at nagsimulang tumulo ang kanyang mga luha. Bigla siyang bumagsak sa sahig at paulit-ulit sinabing, "Sorry, patawarin mo ako… I'm so glad... Isang malaking milagro ito…"

Matapos ang ilang saglit, nakontrol din ni Karl Van Bate ang kanyang emosyon. Dahan-dahan siyang tumayo, at muling yumuko kay Roland. "Taos-puso akong humihingi ng tawad, Iyong Kamahalan. Nakalimutan ko ang aking manners."

"Anong problema? Hindi ba't isa kang stonemason?"

"Oo, dati." mabilis na sagot ni Karl matapos niyang sabihin ang kanyang saloobin. Hindi binitay ng Prinsese si anna! Isang surrogate ang pinatay sa bitayan! Matapos mapagtanto ang puntong ito, alam na niya ang kanyang susunod na hakbang. Kahit na hindi siya sigurado kung bakit nagligtas ang Prinsepe ng isang witch, kahit na gawing kalaguyo ng Prinsipe si Anna, mas mabuti padin yun kaysa sa bitaytin siya. At least nagpapatunayito na hindi natatakot ang prinsepe sa mga sabi-sabi na ang mga witch ay pagkakatawang-tao ng demonyo.

Ipinagtapat niya ang kanyang karanasan bilang isang exile sa Kaharian ng Graycastle hanggang sa Border Town, kabilang na ang mga insidente katulad ng pagtatayo ng isang lokal na paaralan at ang pagtuklas na naging isang witch din si Nana Pine. Sa huli, nanawagan siya sa Prinsepe na itago si Nana sa loob ng kastilyo upang protektahan si Nana sa kahit anong persecution kapag nalaman ng mga tao ang kanyang tunay na pagkatao.

Nakatayo sa gilid si Anna at hindi nagsalita, kahit na halata sa mukha niya na gusto niyang makiusap para kay Nana.

"Isang bagong witch. Isang napakagandang balita! Pero parang pamilyang ang pangalang Pine," Isip ni Roland at tinawag ang assistant minister para sa karagdagang tanong, at nalaman niyang ang Pine ay ang apilyido ng isang middle-class noble sa Border Town.

"Maari mo siyang dalhin upang makita ako. Kung siya ay tunay na isang witch, maipapangako ko na magiging ligtas siya sa kahit anumang pinsala." Pangako ni Roland. "Ngunit hindi ko siya maaring kunin sa mga Pines, lalo na kung hindi siya binabantaan ng kanyang pamilya. Tsaka, iba sa iniisip mo ang dahilan kung bakit ko niligtas si Anna…" Pinag-isipan niya ito ng sandali at nagpasyang sabihin ang totoo. "Kailangan ko ang tulong niya. Kumpara sa mga hindi kapani-paniwalang kwento ng mga demonyo at masamang kapangyarihan, mas naniniwala ako na ang kapangyarihan ng mga witch ay walang kinalaman sa kabutihan o kasamaan, kundi maari itong kontrolin. Kaya hindi lang dahil kay Anna, o kay nana, o kung sino pa mang witch, hangga't hindi sila gumagawa ng kahit anong krimen, hindi ko sila ikukunsidera bilang makasalanan."

"Pag-usapan na natin ang mga mas importanteng bagay. Kasama ka ba sa pagtatayo ng city wall ng Kaharian ng Graycastle?" Binalik ng prinsepe ang subject sa construction project.

"Opo!" Tango ni Karl. Kahit na hindi itinago ng Prinsepe si Nana katulad ng kanyang akala, ang hirap din isipin na sinasabi ng Prinsepe na kailangan niya ng tulong ng mga witches, ngunit sapat na ang pangako ng Prinsepe na proprotektahan niya si Nana.

"Mabuti, binabalak ko magtayo ng city wall sa Redwater River at sa paanan ng North Slope Mountain upang i-block ang pagsalakay ng mga demonic beasts. Mula ngayon, responsable ka na sa proyektong ito."