webnovel

Ang abilidad

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Kamahalan, gaano kataas at gaano kalapad mo balak itayo ang city wall?" Tanong ni Karl.

"At least limang metro kataas, dalawang metro palapad, at kayang magmartsa ng apat na tao ng sabay-sabay." Kinilala ni Roland na tunay na isang propesyunal si Karl dahil agad nito tinanong ang mga technical data at agad kinumpirma ang construction plan.

"Pagkatapos ay kailangan maghukay ng isang trench na isang tao ang taas upang mai-stabilize ang itaas na bahagi ng city wall. At ang itaas ng pader ay mga dalawang metro ang lapad at ang pader ay limang metro ang taas, ang lapad ng ibabang bahagi ay kailangang doble ng sa itaas," Agad sumagot si Karl, "Ang proseso ng trenching ay kakailanganin ng maraming tao. Kamahalan, kung mabibigyan mo ako ng isang daan at limampung tao, siguro ay matatapos ko ang trench bago ang Months of Demons."

"Hindi kayang i-block ng isang gutterway ang mga demonic beasts," Sabi ni Roland noncommittally.

"Iyon ang dahilan kung bakit aabutin ng tatlong taon kung ang itass na bahagi ng city wall ay imamason ng mga bato. Kung ang layunin lang nito ay para lang i-block ang mga demonic beasts, hindi na kailangan magtayo ng isang napakataas na pader. Sapat na ang apat na metrong taas. Maari din nating paliitin ang lapad ng one-third at ang bottom ng mga dalawang metro. Sabay gagawin ang paghuhukay at pagmamason. Dagdagan ang bilang ng mga manggagawa ng mga dalawang-daan… sa ganong paraan, kaya kong tapusin iyon bago ang Months of Demons sa susunod na taon.

Tumigil si Karl, at nagpatuloy, "Pagpasensyahan niyo ang aking pagkaprangka, Kamahalan, hindi magandang panahon ngayon upang simulan ang konstruksiyon. Kung hindi natin imamason ang pader sa oras, kahit na may hukay, mawawala ang orihinal nitong function matapos mabasa ng ulan at ng niyebe sa buong taglamig. Sa ganoong paraan, mas tatagal at mas kakailanganin ng manpower upang linis at palambutin ang trench, na magdudulot ng mas malalim na trench."

"Kung ipagpalagay natin ang iyong plano, na itayo ang city wall na may taas na apat na metro at lapad na dalawang metro. Gaano katagal matatapos ang trench?"

"Sa malamang ay tatagal ito ng isa't kalahating buwan," Sagot ni Karl.

"Gawin natin ang planong ito. Ang paghuhukay at pagmamason ay sabay na gagawin para matatapos ang konstruksiyon bago ang Months of Demons." Winagayway ni Roland ang kanyan kamay at hindi pinatuloy si Karl sa pagsasalita. "Alam ko ang mga inaalala mo. Tignan mo muna ito, isang bagong produkto na galing sa alchemical workshop sa Graycastle."

Wala na siyang oras para muling ipagdikit ang mga bricks para ipakita sa stonemason. Ipinakita na lang niya ang dalawang bricks na magkadikit na. Sa kabutihang palad, walang sinuman ang may lakas ng loob na kuwestiyunin ang prinsepe. Nagulat si Karl ng marinig na ang isang alchemic adhesive, na tinatawag na semento, ay kayang tumigas ng isang gabi at kayang gumawa ng matinding adhesive force.

Si Karl, bilang isang tao na ginugol ang kalahating kanyang buhay para sa Mason Guild, natural niyang makikita agad ang kahalagahan ng imbensyong ito. Maliban sa pagdidikit ng mga bato, pinaka-importante ay maari itong ibahin sa kahit anumang anyo.

Naging kuntento si Roland sa naging ekspresyon ni Karl, at tinanong muli, "Ano sa tingin mo? Magiging sapat ba ang tatlong buwan?"

Sumagot si Karl Van Bate habang nanginginig ang boses, "Kung totoo ang iyong sinasabi, no, no, ibig ko sabihin… kung totoo ang pagkakalarawan ng alchemical workshop sa bagay na ito, handa ako subukan 'to."

"Sige, magpapasulat ako ng detalyadong dokumento tungkol sa paggamit ng semento. Maari mong kausapin ang assistant minister ko para sa iba pang mga kailangan mo." Ngiti ni Roland. "Mr. Karl, isa ka na ngayong miyembro ng Administrative Office."

Nakita ni Roland si Nana ng hapon kinabukasan. Tumitig ang batang babae kay Anna ng may halong pagkalito. Hinawakan niya ng mahigpit ang kanyang mga damit at nagawa din magsalita, "Namatay... patay na ba ako?"

Nang unang nakilala ni Roland si Nana, nasabi niya na hindi lang kakaibang kapangyarihan ang ipinagkaloob ng lakas ng mga witches kundi binago din nito ang kanilang itsura at aura. Ibang-iba si Nana kumpara kay Anna, ngunit bawat isa sa kanila ay may sariling charm. Ang ganitong uri ng damdamin ay walang kinalaman sa edad o uri ng pamumuhay. Kahit na nung naghihintay nalang si Anna sa nalalapit niyang kamatayan sa loob ng bilangguan, hindi naapektuhan ang brilliance na nagmumula sa kanya. Hindi pa kailanman naranansan ni Roland ang ganitong klase ng pakiramdam, sa mga bayaran man na babae sa lansangan ng Kaharian ng Graycastle o sa mga well-mannered na mga noble mistress. Kung ilalarawan ito ni Roland, kapag nilagay niya ang mga witch kasama sa mga karaniwang babae sa iisang pahina, tila para itong may sumulpot na makukulay na mga pigura sa black and white na larawan.

Maayos na nagpaalam si Karl, na siyang nag-escort kay Nana. Ngayon ay si Roland, Anna, at Nana ang natira sa hardin ng palasyo.

"Buhay ka, at nandito si Anna, ligtas at masaya." Sinubukan ni Roland na pigilan ngumiti. "Ako si Prinsepe Roland Wimbledon. At ikaw si…?"

"Ako si Nana Pine." Bumalik ang batang babae sa kanyang karaniwang ugali na masiyahin matapos niyang marinig na hindi siya namatay. Agad lumapit si Nana kay Anna, at salita ng salita sa kanya, at tuluyang nakalimutan ang presensya ni Roland, ang prinsepe ng Graycastle. Siguradong wala ng paki si Roland sa ugali ng labing-apat na taong gulang na batang babae. Binuhusan niya ang kanyang sarili ng isang baso ng ale at sinimulan pahalagahan ang "daily life" ng dalawang witch.

Malinaw na hindi sanay si Anna sa kabaitan ni Nana. Paminsan-minsan lang siya sumagot habang patuloy lang si Nana sa kanyang pagsasalita. Nagmukha na siyang nakakatandang kapatid, kahit na labing-pitong gulang pa lamang si Anna. Hindi mapigilan isipin ni Roland kung gaano kagaling si Anna kapag siya ay tumanda na.

Nang bumagal na ang pananalita ni Nana, umubo si Roland at itinanong. "Miss Pine, ayon sa iyong propesor, na-awake ka bilang isang witch?"

Kumpara sa publiko, na madalas tinutukoy ang salitang "fallen" kapag inilalarawan ang isang tao na naging isang witch, naniniwala si Roland ang mas mabuti na gamitin ang salitang "awaken". Hindi niya ipapalagay parang walang muwang na ang lahat ng mga witches ay inosente at pure. Ang masasamang tao na nagkaroon ng kapangyarihan ay nagdudulot lang ng sakuna. Katulod ito ng paggamit ng isang armas dahil maari itong lumikha ng karahasan, ngunit kaya din itong mapigilan. Ang mahalagang aspeto ay ang lahat ng ito ay nakadipende sa tao na gumagamit ng armas. Marahil ang propaganda ng simbahan ng mga masaker ng mga witches ay nakabase sa mga evidence. Gayunpaman, hindi ito makatarungan na gamitin bilang katibayan na ang lahat ng mga witches ay may sala.

Nanigas sa takot si Nana at sumagot siya ng pabulong, "Bibitayin mo ba ako?"

"Hindi. Siyempre hindi. Ang mga indibidwal na ipinadala sa bitayan ay mga kasuklam-suklam at masasamang tao. Hindi ka isa kanila, pati na si Miss Anna. Kaya wag mo na alalahanin ang mga bagay na iyon."

Huminga ng malalim si Nana at tumango. "Hindi ako sigurado… Sabi ni propesor na nakuha ng mga witch ang demonic power matapos maakit ng demonyo. Pero hindi pa ako nakakakita ng demonyo!"

"Kailan mo nalaman na bigla kang naiiba?"

"Mga isang linggo na ang nakakaraan," sabi ni Nana, "Nakakita ako ng isang pilay na ibon, gusto ko talagang tulungan yung ibon. Pagkatapos ay may naramdaman ako ng lumabas sa aking mga kamay."

"Anong lumabas sa mga kamay mo?" Tanong ni Roland, "Anong nangyari?"

"Umm… bigla nalang pinalibutan nito ang ibon na parang isang malagkit na likido." Inalala ni Nana ang mga nangyari. "Pagkatapos ay gumaling na ang mga paa ng ibon."

"Pagpapagaling ba ang uri ng kanyang kapangyarihan?" Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Roland. Napakalinaw sa kanya kung anong ibig sabihin ng ganitong kapangyarihan. Sa panahon na walang antibiotics at kakulangan ng advanced medical technology, madaling nanamatay ang mga tao mula sa injury at mga impeksiyon. Kahit na hindi mapapaunlad ang sibilisasyon ng ganitong kapangyarihan, mahalaga naman ito sa bawat tao.

Agad lumakad si Roland patungo sa pintuan, at inutos na magdala si Carter ng isang inahin na manok. Kung mapapatunayan niya ang katotohanan ng salita ni Nana, marahil ay kaya niyang baguhin ang sitwasyon ng mga witches na walang awang pinahihirapan sa Border Town.