webnovel

Reaching Out For you

Ang isang bully sa isang pribado'ng paaralan at ang isang babae'ng 'di perpekto o nuknukan ng ganda ang itinagpo ng tadhana. Ngunit paano 'yon nangyari? Ang mga salita'ng "I Hate You", "'Di kita gusto", "Hindi'ng-hindi ako papatol sa'yo"- ay nauwi sa "I Love You", "Hindi kita gusto kasi mahal kita", at "Papatolin ko lang yung iba kung marami ka".

SofiaToffee · Teen
Not enough ratings
14 Chs

Chapter 7

Vhan's POV

"A-axel?" Tawag ni Hana sa pangalawang pangalan ko.

Damn, I missed her.

Hanggang ngayon, In love pa rin ako sa kaniya. Mula pagkabata, siya lang ang nagustohan ko. It all began when we were classmates in elementary. Wala siya no'n kaibigan, palagi'ng tahimik, pero grabe naman yung utak no'n. Nagiging paborito na siya ng mga guro namin noon dahil active siya sa lahat ng subjects. Nang makita ko siyang binully ng isang lalaki mula sa kabilang section, prinotektahan ko. Mula noon naging magkaibigan na kami.

Napakamasayahin niya sa tuwing nagkakasama kami'ng dalawa. Hindi siya nauubusan ng mga story, trivias and facts. Isa pa pala 'yon, mahilig siya'ng mag search ng mga facts. One time, nung nahirapan ako sa exam namin grade 3 na kami no'n, may sinabi na naman siya'ng 'di ko inaasahang alam niya.

Flashback~

"Ang hirap naman nito'ng subject, nawawala lahat ng brain cells ko" Ani ko habang kinakamot ang gilid ng ulo at nakatingin sa examination paper.

Tinapik-tapik ako sa balikat ni Hana na para bang kino-comfort ako. Nilingon ko siya tsaka nangungumbinsing ngumiti na kaya ko ang exam. Iba'ng saya ang lumukob sa puso ko nang ibalik niya ang ngiti at doble pa ang laki no'n. Halos makita ko na ang gums niya sa sobrang laki ng pag kakangiti. Natawa naman ako sa kaniya. Nakita ko pa siya'ng pinasadahan ng tingin ang examination paper ko bago ulit bumaling sa 'kin.

"Alam mo, hindi mawawala ang brain cell mo kapag nahihirapan ka" May kaunting ngisi niya'ng sabi.

"Huh? Bakit naman?" Pinangunotan ko siya ng nuo.

"Kasi nga nag-iisip ka, your brain is working kaya sa halip na mabawasan, mas lalo'ng dumadami" And she said it with the 'Duh' expression on her face.

"Ahh, okay. Kaya pala ang taba mo" Baling ko ulit sa test paper ko.

Inaasahan ko na'ng tatampalin na naman ako sa braso ko at 'yon na nga. Tinampal na naman ako dahil sinabihan ko na naman siya'ng mataba. Pero kahit mataba siya, eh ang cute at ang ganda niya. 'Di man kasing ganda ng ine-expect ng isang chick boy, ganda'ng hindi ka naman masasawa'ng tingnan araw-araw. Lalo na kapag ngumingiti. Damn.

"Anong sabi mo? Anong connect?" Singhal niya.

Buti nalang talaga at nag punta ng canteen ang teacher namin, kundi, baka paghiwalayin na naman kami ng upuan. Ang ingay kasi.

"Ang taba mo. Your mouth and stomach is working and that means your hungry so dumadami ang pagkain na kinakain mo." Pag-uulit ko.

"How dare you say that! I'm your best friend!" Sunod-sunod na ang pag palo niya sa braso ko. Masakit pero tinitiis ko dahil pag sinuway ko siya, magtatampo na naman.

"Sige, bahala ka" Pagmamatigas ko. May plinaplano ako eh.

Natigilan siya ng ilang segundo bago bumaba ng ulo para mag pantay ang paningin namin. Natatakpan na niya ang test paper ko, nagtagpo ang aming paningin. Andoon na naman ang nagtatanong niya'ng mukha kapag kunwari naba-badtrip ako sa kaniya.

"Luh? Oo na mataba na ako, nag bibiro lang naman eh" Nag puppy eyes siya!

Ang cute cute mo!

Sabi ko sa isipan ko. Pinipigilan ko'ng ngumiti. Nanatiling walang emosyon ang mukha ko na nakipagtitigan sa kaniya. Ngumuso naman siya, umayos na siya ng upo. 'Di ko na sinundan ang tingin niya at nag balik nalang sa pag answer ng Examination paper. Niyug-yog yugyog pa ang balikat ko, pero 'di pa rin ako nagpatinag.

"V? You hate me?," Andiyan na naman ang pagiging isip-bata niya kapag sinusuyo ako "You hate me? Woy V, You hate me na?".

Ang koniyo mo. And no, I love you so so so so much Hana. Sana malaman mo pero masyado pa tayo'ng bata.

V is for Vhan.

Nilingon ko siya. Nakapanlumo ang mukha, nakanguso, nakataas ang dalawang kilay, magkahawak ang mga kamay tsaka pinaglaro-laro ang mga buto sa likod non. Umiling ako tsaka ngumiti ng napakatamis. Inakbayan ko siya tsaka ginulo ang magulo na nito'ng buhok.

"No, I don't hate you, and I will never hate you.".

End of Flashback~

"Ako nga, ba't hindi mo sinasagot yung tawag?" Pag-uulit ko.

Bahagya na ako'ng umatras tsaka nakapamulsang tumayo. Nanatili siya'ng nakatalikod sa 'kin pero hinayaan ko nalang. Alam ko'ng gulat na gulat siya sa pag dating ko at mas lalo na't nandito ako sa school na tinutuloyan niya. Ayaw ko na'ng bumalik dito pero nang makita ng kaibigan ko si Hana na dito daw pumapasok. Wala ako'ng choice kundi ang bumalik. Sigurado ako'ng matutuwa na naman si Chairman. 'Di na ako magugulat kung tumawag 'yon mamaya, hula ko'ng naibahagi na ng Dean kanina pa.

Alam ko'ng alam ng mga estudyante'ng pumapasok dito na dito rin pumapasok ang apo ng Chairman ng school. Ngunit nagkakamali sila, last visit ko dito ay 2 years ago pa. Lumipat ako ng school doon sa tinuloy ni Hana, at ngayon nabalitaan ko nanamang nandito siya tumuloy sa school namin. I remained unknown here. Walang nakaka-alam kung sino ang apo ng Chairman dito. Buti nalang talaga at nakita siya ni Oliver.

"I understand that you're beyond shook right now but please answer me.." Pagmamaka-awa ko.

"I-I d-don't know w-what to s-say, s-sorry" Nakita ko siya'ng yumuko.

Bumuntong-hininga ako. "Dahil ba sa nangyari anim na taon nang nakalipas?".

Marahas na umangat ang tingin ni Hana pero 'di pa rin ako nililingon. Huminga ako ng malalim tsaka marahas na ibinuga. Nanatili siya'ng tahimik, mukhang naiilang na sa 'kin. Naiintindihan ko naman 'yon, alam ko'ng 'di pa rin siya nakakalimot sa nangyari'ng aksidente anim na taon ng nakalipas. Naiintindihan ko rin kung ayaw niya pa ako kausapin ngayon. Bukas nalang.

"I-I'm sorry," Halos pumiyok na si Hana nang mag salita siya ulit "I g-gotta go" 'Yon nalang ang huling salita niya tsaka tumakbo papunta sa Exit.

Napailing-iling ako na sinundan siya ng tingin.

You've finally grew into an independent woman, I miss you..

Hana's POV

Tumakbo ako papalayo sa kinaroroonan ni V!. Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa marating ko ang dorm. Kinuha ko agad ang key card ko sa bag tsaka tumuloy sa loob. Malalaki pa rin ang mga mata ko nang marahan ko'ng sinara ang pinto. Napasandal ako paharap sa pinto nang dahil pa rin sa gulat, idinikit ko ang noo ko tsaka nalilito'ng tumingin sa baba.

Ba't siya nandito?! 'Di ba siya naaawa sa sarili niya?! Kinakaibigan pa rin niya ang tao'ng may dahilan ng pagkabangga niya.

Nawala na ang guilt na lumulukob sa buong puso ko sa mga dumadaan na taon. 'Di ko inaasahang matatagpuan niya ako, and worse dito pa sa school! Sigurado ako'ng 'di ako nun titigilan! 'Di ako nakapagpaalam nang umalis ako, gusto ko pa sana'ng humingi ng pasensiya. Nais ko pa sana'ng puntahan nang araw na 'yon si V, ngunit pinilit ako ng mga magulang ko na 'wag nang papasok dahil lilipat na ako.

Natulala ako nang sabay-sabay mag sipasukan ang mga tanong sa utak ko.

Ba't nga ba ako nililipat kung saan-saang school?!

Ba't nandito si V?!

Sinusundan ba ako? O coincidence lang ang pagkita namin kanina?!

Kailan lang?!

Okay wait. Kalma Hana, baka coincidence lang talaga ang pagkita niyo kanina, baka may sinundo lang tsaka aksidente ka'ng nakita. Oo, tama 'yon nga.

Nakahinga ako ng maluwag pagkatapos ko 'yong masabi. Nilapag ko ang bag ko sa sofa tsaka In-on yung T.V. Naghanap-hanap ako ng maganda'ng papanoorin ngayong gabi. Nakailang lipat ako hanggang sa umabot ako sa Myx. Take 5 ang kasulukuyang nasa Myx, nakita ko'ng nasa kalagitnaan na ako ng kanta ni Camila Cabello na 'Havana'. Napangiti ako tsaka dumeretso papunta sa banyo tsaka naligo.

Pagkatapos na pagkatapos ko maligo nag sipilyo ako, pagkatapos mag sipilyo nagbihis ako ng pajama, pagkatapos mag bihis, pumunta ako sa sofa tsaka doon nag patuyo ng buhok gamit ang tuwal'ya. Kakatapos lang ng kanta niya na 'Never Be The Same', inabangan ko naman ang susunod. Ganiyan ako hanggang sa 'di ko namalayang alas siete na ng gabi. Pumunta ako sa mini kitchen. Bubukas na sana ako ng stove ngunit naalala ko'ng wala pala ako'ng pagkain dito sa dorm.

Napakamot ako sa ulo ko. Bumalik ako sa sofa tsaka kinuha ang phone. Mas napakamot ako ng maalala'ng 'di ko pa nakuha number nila Cy at Rex. Napabuntong-hininga ako tsaka nagbihis ulit. Simpleng hoodie lang sinuot ko na kulay Yellow tsaka naka Fila Sweat pants na kulay Itim tsaka ang Puti ko'ng rubber shoes na Fila Disraptor. Ginamit ko na rin ang Belt Bag ko'ng Fila na kulay Puti.

Chineck ko pa muna ang kabuoan ko sa human-sized mirror bago lumabas ng dorm. Katabi ko lang naman ang dorm room ni Cy kaya hindi ko na kailangang lumayo. Nakailang katok pa muna ako bago 'yon bumukas tsaka bumungad sa akin ang bagong ligo na Cy. Lumiwanag ang mukha niya kapagkuwan napalitan ng inis.

"Ba't ngayon mo lang ako sinusuyo?!" Singhal niya.

Binigyan ko siya ng 'What The Fuck' na mukha. 'Di ko siya maintindihan, anong sinusuyo?.

"Nag away tayo kanina, nakalimutan mo na agad?" Mataray niya'ng ani.

Ahh.. akala ko kung ano eh. Away lang pala.

"Sige, alis na 'ko".

Tinalikuran ko na siya tsaka nagsimula'ng mag lakad papalayo. Ngunit nakailang hakbang palang ako nang may maramdaman ako'ng pares ng mga braso na pumalibot sa bewang ko. Inaasahan ko na 'yon, alam ko'ng masaya si Cy na pinuntahan ko siya at alam ko ring kahit hindi ko siya puntahan, eh 'di ako nun matitiis. Tumigil ako sa paglalakad tsaka pinag krus ang mga braso. Bumitaw na si Cy tsaka pumuta sa harapan ko na nakanguso.

"Kasi naman eh! Tinatanong lang kanina tapos biglang "Kaaway ko yun, End of Discussion"," Panggagaya niya sa linya ko pati tono "Oh ba't pinuntahan mo 'ko? Miss mo na 'ko 'no?" May nanunukso siyang ngisi na naka plastar sa mga labi.

Nginisian ko rin siya pero yung tipo ng ngisi na nakakaloko. "'Wag kang assuming, pinuntahan kita kasi magyayaya ako mag dinner sa GDC".

"Anong GDC?".

"Ganas De Comer".

"Ah okay, puntahan nalang natin si Rex, gising pa naman 'yon. Tsaka nakabihis naman na ako, tara" Pag una niya ng lakad.

Napatanga ako. Nang ma-realize ko'ng wala na siya sa paningin ko, doon lang ako nag simulang mag lakad. Humabol ako ng lakad, tumabi ako sa kaniya habang nag lalakad. Katabi'ng building lang naman ang kila Rex. Nang makarating sa labas ng Dormitory Building, pumasok kami tsaka tinahak ang daan papunta sa floor ni Rex. Nang makarating sa tapat ng pinto, kumatok si Cy ng tatlong beses.

Ang inaasahan namin ay pagbubuksan kami ng pinto ni Rex. Pero ang ginawa lang ni Rex ay..

"Wala ako'ng ice!".

Dinig namin ni Cy mula sa labas ng pinto ni Rex. Nagkatinginan kami tsaka sabay na napailing-iling. Kumatok ulit si Cy at sa ngayon, mas malakas tsaka ilang beses ang pag katok ni Cy. Napapadyak pa sa inis. Ilang segundo pa bago bumukas ang pinto. Nakita namin si Rex na nasa Brief niya lang!

"Aaaaaaa!!!!" Sigaw naming tatlo.

Dali-daling sinara ni Rex ang pinto. Nakanganga at malalaki ang mga mata'ng nagkatinginan kami ni Cy. Napahawak pa siya sa bibig. Sabay ulit kami napalingon sa gawi ng pinto ng makarinig kami ng ilang beses na malakas na yapak. Hula ko'ng nainis si Rex. At hindi nga ako nagkakamali, bumukas ang pinto at lumabas do'n si Rex a nakabihis na. Ngunit may napapansin ako..

"Magmumukha tayo'ng Wonder Pets niyan eh" Bago pa man ako makapagsalita, nauna na si Cy.

Ako naka Yellow na hoodie, si Cy naka cropped-top na Brown, si Rex naka Green na Over-sized shirt. Tiningnan rin ni Rex ang mga kulay ng damit namin, at nang ma-realize ang point ni Cy, kaagad na umaliwalas ang kaninang naiinis na mukha. Ngumiti siya.

"Tara na, alam ko'ng pupunta sa Mall" Inakbayan kami'ng dalawa tsaka iginaya papalabas ng Building.

"Pero infairness ah," Tinampal pa pabiro ni Cy ang t'yan ni Rex "May nakita ako'ng pandesal".

Natawa naman si Rex. Mas matangkad si Rex, nasa may dibdib lang kami ni Cy kaya napakadali nitong manakal. Oo,- Well, ewan ko lang kung gano'n rin si Cy pero feeling ko talaga sinasakal ako, hindi yung normal na akbay.

"Nakita mo pala 'yon? Leche.." Natatawa'ng ani ni Rex.

Gusto ko'ng tumawa ng napakalakas. Bumaling talaga si Rex sa akin para 'di ni Cy marinig ang huling salita'ng ibinigkas ni Rex.

"A-aray ko! Sinasakal mo na 'ko eh!" Kumawala si Cy kay Rex na malakas na tumatawa.

Napailing-iling nalang ako. Mga abnormal. Nang makalabas ng Building, dumeretso agad kami sa kotse ni Rex. Ako ang naupo si Passenger seat at si Cy sa... Driver's Seat. Yes, you heard that right. Driver's. Seat. Well papunta kasi kami sa kotse at nag pumilit si Cy na siya ang mag drive. Wala namang choice si Rex kundi ang mag paubaya.

"Rex" Naglalambing tawag ni Cy.

"May kailangan ka?" Malambing rin na sabi ni Rex ngunit nasa tono ang sarkasmo.

Natatawa ako'ng nag papalit ng tingin sa kanilang dalawa. Si Rex nasa backseat nakahiga, si Cy nagsusuot ng seatbelt. Tapos na ako'ng mag suot ng seatbelt.

Rex's POV

Hi!

"May kailangan ka?".

"Yes po" Parang bata'ng tumango-tango pa si Cyrine sa driver's seat.

Mahal ko mga kaibigan ko eh kaya nagpapaubaya ako sa mga gusto nila. Pero syempre wala sa kontrata ko bilang kaibigan ang suportahan sila sa mga hindi kanais-nais na gawain. Si Cyrine, halos lima'ng taon ko nang kaibigan. Alam ko'ng baguhan lang rin si Hana pero 'di ko talaga maiwasan na tratuhin rin siya tulad ng pag trato ko kay Cyrine.

"Ano yun?".

"Pwede'ng i-open yung Music player mo?" Tanong nito, nilingon na ako.

Andoon ang mga ngiti niya'ng kay sarap titigan. In a friendly way 'yon, 'wag kang ano. Tiningnan ko na rin siya, tumaas ang kilay ko ng makitang nakanguso na si Cyrine tsaka nakakunot ang nuo. Napatanga ako sa inaakto niya.

Parang si Barney..

"Tsk, oo na! Bilisan mo na't makakain na tayo" Kunwari'ng nagmamadali ko'ng ani.

Bumakas ang saya sa buong mukha ni Cyrine. Masaya ako'ng masaya siya, gano'n rin naman kay Hana. 'Di talaga ako bading tulad nang first day na pagkakakilala sa 'kin ni Hana. Nagpapanggap lang ako, ayoko kasi'ng pagkamalan na nobyo ni Cyrine dati pero ngayong dumating na si Hana, 'di na ako natatakot magpakita ng totoo'ng kulay. I wanna stand as their bestfriend as well as their older brother. Wala ako'ng kapatid na babae, at gusto'ng-gusto ko'ng meron ako'ng inaalagaang nakababata'ng babae.

"Yippieee!!" Tili ni Cy.

Mula sa backseat, nakikita ko si Hana na nagpupumigil sa tawa. Sigurado ako'ng natatawa na rin siya sa inaakto ni Cyrine. I really wanna protect them, may kapatid ako'ng dumating palang kahapon mula sa States, ewan ko lang kung alam niya'ng dito rin ako nag aaral. Nag message lang na dumating daw siya dito sa Maynila tapos wala na. Sigurado ako'ng panay bati nanaman kay Vhan si Chairman.

Wala'ng nakakaalam sa school na apo ako ng Chairman, maliban kay Cyrine. Ayoko'ng pag gulohan ako ng mga babae. *Smirk*.

Xam's POV

"Asan ka babe?" Tanong ko habang nagsisipilyo.

"A-ah.. babe, andito ako sa bahay ng Lola ko. Bakit?" Nauutal niya'ng sagot at tanong.

Kasalukuyan ako'ng nag pla-plano ng date namin ni Kim, matagal na rin kasi nang mag date kami. Three days na walang date. Palagi ko kasi siya'ng dine-date pagkatapos sa school. Nangunot ang nuo ko, napahinto ako sa pag sisipilyo. Ang mga bula tumutulo mula sa bibig papunta sa baba ko hanggang sa sink. Ngayon lang tumanggi si Kim sa mga yaya ko, nakakapanibago 'yon. Kailanman ay hindi no'n tinanggihan ang mga date ko.

Pero enough naman ang reason niya para sa ngayon kaya okay lang. 4 days won't be so bad right?. Napabuntong-hininga ako tsaka pilit na pinapaaliw ang tono ng boses.

"Okay lang babe! hehe, ingat ka ah? Love you" Masigla ko'ng ani.

Naghintay ako ng tugon, pero ilang segundo na ang lumipas pero wala paring tugon mula kay Kim. Kunot-nuo ko'ng tiningnan ang screen ng phone ko. Laki'ng gulat ko nang makitang pinutol na niya ang linya!.

Baka busy, kailangan niya'ng asikasohin at makipag bonding sa lola niya..

Tinapos ko ang pag sipilyo tsaka nagbihis ng over-sized shirt na kulay Itim na Fila, tsaka kulay Puti'ng ripped jeans and Fila Disraptor na kulay Itim. Inayos ko ang buhok ko'ng medyo mahaba na. Nagpabango. Pupunta ako ng Mall, napost-poned date namin eh, yayayain ko nalang sila Noel. Nang masiguro ko'ng dala ko na ang mga kailangan, lumabas na ako.

Tinext ko si Noel na itext nalang ang iba, hihintayin ko sila sa parking lot. Tumutuloy lang ako sa Dorm kapag ayaw o tinatamad ako'ng umuwi sa bahay. And besides, here, I can be near to Kim. Nang makalabas ng Building, may naririnig ako'ng ingay sa may kaliwa'ng bahagi ko. Bumaling ako at nakikita ko sila Balyena tsaka ang dalawa nito'ng kaibigan. At talaga'ng inakbayan pa ng lalaki si Balyena ah?

Marahas ko'ng ipinilig ang ulo ko.

Mataba na nga, pangit pa tapos ngayon malandi na rin! Tsk!

Pumunta ako sa parking lot, doon hinintay ang apat. Ilang minuto ako'ng naghintay nang may marinig ako'ng tawanan ng mga lalaki. Nakikita ko sila Noel na nag aasaran. Natatawa ko na rin na tinanguan sila. Sumakay na kami sa kaniya-kaniya naming sasakyan tsaka pinaharurot 'yon papunta sa Mall. Habang nag mamaneho 'di ko mapigilang isipin ang usapan namin ni Kim kanina'ng hapon.

Ang sabi niya kanina'ng hapon pupunta siya sa bahay ng ate niya, tapos ngayon sa lola?

Marahas ko nanamang pinilig ang ulo ko. Hindi magagawa ni Kim ang mag sinungaling sa akin. Gumawa siya ng pangako dalawang taon na ang nakalipas, kahit isang beses, hindi siya nag sinungaling sa 'kin. Pilit ko'ng iniintindi ang pinag-usapan namin kanina.

Baka pumunta na siya sa bahay ng ate niya tsaka na sa bahay ng lola niya..Oo tama.

Nakahinga ako ng maluwag dahil sa rason na 'yon. Minsan rin naman kasi ay nabo-bored agad si Kim sa bahay ng ate niya dahil puro lang daw ito pagbasa ng mga libro o kaya naman tulog, kain. Nakangiti ako'ng nagpatuloy sa pag focus sa pag maneho hanggang sa makarating kami sa parking lot ng mall. Pagkalabas ko ng kotse, may nakita ako'ng pamilyar na kotse sa may likod ng isang kotse'ng pamilyar rin sa 'kin.

Sa balyena 'yon sinakyan kanina 'di ba? At parang nakita ko na minsan 'yang kotse na kasunod ng sinakyan ni Balyena.

Iniiwas ko nalang ang paningin ko tsaka humarap sa apat. Lahat may mga ngiti, lalo na si Noel na nakatingin pa sa kung saan. Pinangunotan ko siya ng nuo tsaka sinundan ang tingin. Nakatingin siya sa kotse na sinakyan ni Balyena!. Suspicious na talaga 'tong si Noel. Tinapik ko pa muna ang bubong ng sasakyan ko bago ini-lock. Gano'n rin naman sila. Pagkatapos ma lock ang kaniya-kaniya naming kotse, sabay-sabay na kaming pumasok sa elevator papunta sa taas, sa Mall.

Toffee | S.E.