webnovel

Reaching Out For you

Ang isang bully sa isang pribado'ng paaralan at ang isang babae'ng 'di perpekto o nuknukan ng ganda ang itinagpo ng tadhana. Ngunit paano 'yon nangyari? Ang mga salita'ng "I Hate You", "'Di kita gusto", "Hindi'ng-hindi ako papatol sa'yo"- ay nauwi sa "I Love You", "Hindi kita gusto kasi mahal kita", at "Papatolin ko lang yung iba kung marami ka".

SofiaToffee · Teen
Not enough ratings
14 Chs

Chapter 2

Xam's POV

"Saan ka galing babe?" Kaagad na tanong sa 'kin ni Kim nang maupo ako sa tabi niya.

"Sinundan ko 'yong babae'ng bago dito." Masuyong ani ko.

Kaagad na kumunot ang mga nuo niya.

"Ba't mo naman sinundan?!" Singhal niya sa 'kin upang mapalingon sa'min ang anim. 

"Ang pangit niya eh, gusto ko siya'ng paalisin dito sa school. Siya lang sisira ng imahe ng school na 'to, lahat tayo dito biniyayaan ng itsura at katawan. Mukhang yung isa'ng 'yon hindi". Tumawa pa ako pag katapos.

Mahina ring natawa si Kim. "Makes sense, so ano plano mo? Bully nanaman?" Ngumisi siya.

Tinapatan ko ang ngisi niya. "Syempre, pero sisiguraduhin ko'ng hindi makaka-abot sa Dean ang pambu-bully ko, alam mo naman na ang anak niya ay dito rin nag aaral. Parang bayani na nililigtas ang mga nangangailangan".

Napatango-tango si Kim tsaka bumalik sa pag kain. Kumain kami at pag katapos non nag paalam kaming lima sa tatlo- kila Kim. Napag desisyonan namin nila Luejay, Reo, Noel, Gio, na pumunta sa Field. Mag papahangin lang, ayaw ko pumasok sa lec namin. Napaka boring niya mag turo.

Nag kwentuhan muna kami habang nag lalakad papunta ng Field.

"Hoy pre, anong gagawin natin diyan sa Hana na 'yan?" Natatawang tanong ni Gio.

Sa tanong 'yon ni Gio, muling pumasok sa isipan ko si Hana. Ang pangit niya, ang taba-taba pa. 'Di ko maiwasang mainis, bakit ba kasi dito pa 'yan nag aral?! Masisira nito imahe ng school!. 

Mukhang kailangan ko na uli maging bully..

Hana's POV

Nang makalabas na ako ng restroom, kaagad ko pinuntahan ang dalawa sa canteen. Laking pasalamat ko nang makita'ng tapos na kumain ang dalawa, patakbo ako'ng lumapit sa kanila. Mukhang nag lalaro ang dalawa ng cellphone kaya nag angat pa ito ng tingin sa akin.

"Oh? Sa'n ka galing?" Tanong ni Rex. May nag tatanong naman na tingin si Cy.

Tinuro ko ang likuran ko, habol ang hiningang sinagot si Rex. "Nag CR lang" pumeke ako ng ngiti.

"Nakoooo! Nasira ba t'yan mo?" Nag aalala'ng tanong naman ni Cy.

"Hindi," Ani ko na iniharap ko pa ang dalawang palad ko "Okay lang ako, pahingi nalang ng tubig".

Inabotan naman ako ni Rex mula sa bag nito. Kaagad ko 'yon kinuha tsaka nag pasalamat at ininom.

"Ba't parang napagod ka? Anong ginawa mo?" Nag tatakang tanong ni Rex.

Napalunok naman ako.

Sasabihin ko ba? Eh baka ano'ng isipin nila.. Wag nalang, saka na.

"Wala, wala 'to".

 Kinuha ko ang bag ko tsaka isinukbit sa dalawang balikat ko. Nag ka tinginan pa ang dalawa pero kaagad naman na sumunod sa'kin. Isa nalang ang lec namin. Pag ka dating na pag ka dating namin sa classroom, dumeretso kami sa aming mga upuan. Hinintay namin ang lec namin na dumating. Pero halos bente minutos na ang lumipas, wala pa ring dumadating na lec.

Kumunot ang nuo ko. Bigla'ng tumayo ang isa naming classmate na babae.

"Ayy nalimutan ko pala! Guys!," Tawag pansin sa lahat ng classmate namin "Wala pala ngayon yung lec natin kasi may inasikaso daw-".

Naputol ang sasabihin sana ng babae nang mag hiyawan lahat ng classmate namin, kami'ng tatlo natawa nalang sa inakto ng iba. 

"Tahimik muna!" Natatawang sigaw ng babae.

Kaagad naman na sumunod ang iba tsaka naka ngiting nakinig sa babae. "Whole week wala si sir kaya pag katapos ng lunch natin, wala ng klase" May matamis na ngiti'ng ani ng babae.

Nag hiyawan, nag sigawan, nag wala ang mga classmat namin. Literal. May mga nag aasaran, nag hahabolan, may mga pumatong pa ng tumayo pa sa upuan at nag sayaw. Syempre, kami'ng tatlo panay tawa, lalo na't may tumatakbo na natapid tapos nabangga ang classmate namin na nag li-liptint, kaya ayun, abo't pisngi ang abot ng tint.

Sinamaan naman nang babae ng tingin niyon ang natapid tapos sinugod ng sapak. Ang lakas ng tawa ni Rex at Cy. Pag katapos nilang matawa bumaling sakin si Rex.

"Alis na tayo, libutin natin ang buong campus".

"Sige sige gusto ko 'yan!" Si Cyrine.

"Sige pero baka aalis rin agad ako". Sabi ko habang isinusukbit na sa balikat ko ang bag ko.

"Huh? Bakit naman? Hana naman! Meron pa nga tayo'ng anim na oras!".

"'Di ako naka board dito Rex, 'di ako pwede mag pa gabi".

Nanlumo ang dalawa tsaka nakanguso'ng kinuha na rin ang kaniya-kaniyang mga bag at tsaka tumayo. Na gui-guilty ako. Pero wala naman kasi paki alam sakin ang mga magulang ko so... baka pwede ko silang hingian ng permisyo.

Lumabas kami ng classroom saka sinimulang tahakin ang daan kung saan man iyon patungo. Nang marating namin ang Field, umupo kami sa isang bench, as I've said, okay lang ang init kasi mahangin naman. Tahimik ang dalawa at nakanguso parin ng napag isipan ko'ng basagin ang katahimikang bumabalot sa'min.

"Sige". Panimula ko.

Agad naman na tumungo ang mga tingin nila sa'kin, may mga ngiti sa labi, nakamulat ang mga mata na nag tatanong rin ang mga kilay. Bahagya ako'ng natawa.

"A-anong sige?" Parang bata'ng tanong ni Cy.

"Hihingi ako ng permiso sa mga magulang ko kung pwede ako dito mag board sa mga dorm dito".

"Ngayon na para malaman namin ang sagot!" Excited na ani ni Cy.

Niyug-yog pa ako ng bakla bago ako pag masdan sa pag kuha ko ng cellphone ko at idinial ang number ng mama ko. Naka-ilang ring bago ito sumagot. As usual, andoon nanaman ang naiirita niyang tono. Nauubos na respeto ko sa kanila.

"What?!".

Ini-set ko sa speaker para marinig ng dalawa.

"Pwede ba ako dito mag board? pahingi narin ng pera" Diretso ko'ng ani.

"Bahala ka sa buhay mo, mag tra-transfer nalang ako ng pera sa banko mo".

"Sige" Malamig ko'ng ani ago pinatay ang tawag.

Ibinalik ko sa bag ko ang cellphone ko tsaka hinarap ang dalawa.

Nakanga-nga ang dalawa.

"Bakit?" Natatawa ko'ng tanong.

"Ganiyan ka ba makipag usap sa mga magulang mo?" Si Cy.

"Oo, masanay kana kasi sanay na ako".

'Yon nalang tsaka ako tumayo at nag lakad-lakad sa field. Mula sa malayo may nakikita ako'ng grupo ng mg lalaki pero hindi ko makita kung sino-sino 'yon. Hinyaan ko nalang, nang marating ko ang mga babae'ng nag lalaro ng Volleyball, nanood ako.a

Sinulyapan ko ang dalawa tsaka sinensyahan na lumapit dito. Kaagad naman na tumayo habang bit-bit ang bag ko'ng naiwan at lumapit. Pinanood ko sila hanggang sa makalapit sa'kin. Nilapag nila ang aming mga bag sa grass saka doon rin umupo. Ako nakatayo lang ako sa may stand ng net.

Nakita ko'ng nandoon rin ang classmate namin na babae- yung sumigaw kanina. Masaya namin na pinanood sila mag laro hanggang sa umalis ang isa, narinig ko'ng may pupuntahan lang daw. Lumingon sila sa gawi namin at kaagad na lumiwanag ang mga mukha.

"Hello! Hana, right?" Tanong ng babae.

Tumango naman ako sa kaniya. 

"I'm Jean Suzy Vinegaz, and these are my friends," Iminuwestra niya ang kamay sa anim na babae "As you you can see, kulang kami, marunong kaba mag Volleyball?" Nakangiting tanong ni Jean.

Well, nag lalaro naman ako. Why don't I try if my talent on sports still exists?.

Noong hindi pa kasi ako pwede lumabas ng bahay, ang libang ko lang non at pampalipas oras ay ang pag babasa, at pag Vo-Volleyball. Bukod sa cellphone at training sa Martial Arts sa oras na yun, 'yon dalawang 'yon lang ang ginagawa ko.

'Di ko alam kung anong trip ng mga magulang ko kung bakit nila ako pinag aral ng ganon. Pati yung dance fighting na 'yan! Me ganon pala?.

"Sige" Tipid ko'ng sagot.

Xam's POV

Nang makaupo na kami sa bench sa Field, nag kwentuhan muna kami. Ilang minuto lang ang lumipas nang may kita ako sa korner ng aking mga mata ang isang pamilyar na bulto na lumalakad sa Field.

No way... Why the heck is she here?!

Mariin ko'ng ipinikit ang mga mata ko sa sobrang inis. Kumulo bigla ang dugo ko, ayaw na ayaw ko'ng nakikita 'yang pagmumukha ng babaeng 'yan! Iminulat ko ang mga mata ko, nakita ko uli yung pangit na Hana na may hawak-hawak na cellphone. Ayoko siya'ng makita kaya itinuon ko ulit ang atensiyon ko sa mga kaibigan ko.

Ilang minuto'ng kwentuhan. Tumatawa ako ng bigla nalang ako tinawag ni Gio.

"Oy pre! Diba si Hana 'yon?" Nakatingin sa kabilang bahagi ng Field si Gio kaya natuon narin ng mga kaibigan ko ang paingin doon.

Oo at 'wag mo na babanggitin kundi masasakal kita. Ang pangit ng pangalan!

"Oo nga 'no? Tingnan mo pre, parang bata'ng nanonood ng Barbie" Natatawang ani ni Reo.

"Tch" 'Yon nalang ang isinagot ko bago ko tiningnan ang tinitingnan nila.

Totoo ang sabi ni Reo, mukhang bata talaga. At pag katapos nun, patuloy na kami sa panonood sa mga nag lalaro tsaka pasulyap-sulyap na tumitingin sa Wonder Pets. Oo, tama ang rinig mo. Wonder Pets. 

Ngunit bigla nalang tumigil ang laro, nakita ko ang isa'ng babae na lumapit sa isa pa tsaka kumuripas ng takbo. Sinundan ng iba'ng player ang umalis tsaka ulit na nag katinginan. Bigla nalang lumapit ang isa'ng player kay Bunny. Mukhang gusto neto'ng isali si Bunny sa laro.

Tch, 'di naman siya marunong! 

Marahas ko'ng ipinilig ang ulo tsaka uli na nanood. Ilang segundo ang lumipas bago ito pumwesto kung saan ang kulang. Gulat ako'ng napatingin sa likod ni Bunny.

M-marunong siya? Damn it!

Lumaro ng lumaro sila Bunny hanggang sa mapagod. Ipinagtataka ko kung bakit hanggang ngayon nandito pa sila, wala ba sila'ng klase? O baka naman gutso lang mag cutting classes? . 

Mga walang silbi!

Kaniya-kaniya silang pwesto ng upo. Ang iba, sa grass lang. Si Hana at ang babae, pareho'ng nasa bench at mukhang nag kwe-kwentuhan pa. Inis kong iniwas ang paningin ko sabay hablot ng bag at umalis. Nakakairita'ng makita ang itsura ng babae'ng 'yon! Akala mo naman nuknukan ng ganda? Mukha nga yung itsura niya pinasabugan ng granada eh!

Nariring ko pa ang mga tawag ng mga kaibigan ko pero hindi ko na 'yon pinansin. Agad ako'ng dumeretso papunta sa floor kung saan ang babae'ng nagpapatibok ng puso ko. Sinulyapan ko ang classroom nila, ang cute cute niya mag focus sa klase.

Naramdaman ata ang tingin ko, humarap siya sa gawi ko at kaagad naman na lumiwanag ang mukha. Nginitian ko siya ng napaka-tamis. Tumango ako at ganon narin siya, nakita ko ang pag angat niya ng kamay at tumayo. Nang makalabas, halos takbohin niya ang pagitan namin. Hinawakan ko ang kamay niya tsaka iginaya ng takbo papunta'ng restroom.

*Smirk*

Nang makapasok, isinara ko ang pinto at ini-lock. Matapos nun ay humarap na ako kay Kim, nakasandal siya sa lababo, naka krus ang mga braso ganon rin ang mga paa. Ngumisi ako, kaagad naman niya tinapatan, lumapit ako tsaka hinawakan ang bewang niya gamit ang kanang kamay ko, nasa batok naman niya ang kaliwa ko'ng kamay. Siniil ko ng halik ang mga labi namin.

Siya lang ang droga ko. Siya lang ang gamot ko, ipinagbabawal man 'yon o hindi. Siya lang ang tanging nag iisang tao na kaya pakalmahin ang buo ko'ng nararamdaman. Mapa galit, inis, kahit lungkot, kaya niya 'yon tanggalin. Siya lang talaga, wala nang iba.

Habol ang hininga'ng binitawan niya ang mga labi ko tsaka ngumisi. Ganon na rin ako.

"Nasa kalagitnaan ng klase, pinuntahan moko para dito. Anong nangyari?" Ang ngisi niya ay napalitan ng masuyo'ng ngiti.

Wala namang silbi kung mag lilihim, paniguradong malalaman iyon sa madaling panahon. Wala rin naman akong balak na mag lihim. Masyado ko siya'ng mahal para pag lihiman.

"I accidentally saw her at the Field," Panimula ko and as usual kaagad nanaman na kumunot ang nuo nito "Kasama ko ang apat, mas nauna kami ron",

"Oh tapos?" Bigla'ng lumamig ang boses niya.

"B-babe naman, 'wag ka nang mag selos-" Naputol ang sasabihin ko ng bigla nalang tumawa si Kim.

"Hahaha! Ako?," Nakaturo pa sa sarili si Kim "Mag seselos? Para mo naring ikinukumpara ang isang ginto sa basura, Xam.".

Bumaba ako ng tingin sa pag kapahiya. Bukod sa mga magulang ko, siya lang rin ang may kapangyarihang mapahiya ako, pa pribado man 'yon o hindi.

"S-sorry, akala ko kasi magagalit ka nanaman".

Narinig ko pa'ng bumuntong-hininga si Kim bago niya hinawakan ang baba ko at iginaya paangat ang tingin ko. Ang kanang kamay niya ang 'yong may hawak ng baba ko at ang kaliwa naman, masuyo'ng hinahaplos ang pisngi ko.

"I'm not jealous, I'm just mad because it looks like she's following you. Complete package kana kaya mas nag iingat lang ako para sayo, biniyayaan ako ng Diyos ng isang katulad mo.".

Pag katapos non ay yumakap siya sakin, Ipinalibot ko sa kaniya ang mga braso ko at masuyo ngunit mahigpit na niyakap. Ilang segundo kami'ng ganon ang posisyon bago siya mismo ang kumawala sa yakap.

"Tara na baka magalit si Prof".

Nakangiti'ng tumango ako tsaka hinawakan ang kamay niya. Ini-unlock ko tsaka kami lumabas.

Habang nag lalakad, 'di ko maiwasang mag isip kung paano ko nga ba papaalisin 'yong babae'ng iyon. Marami nang umalis dito sa school at karamihan non ay mga binu-bully ko, 'di naman pisikalan, hanggang salitaan lamang ako. Pero aaminin ko'ng kahit salita lang, talaga'ng nakakapanakit ako ng damdamin.

Nang maihatid ko ulit si Kim sa classroom nila, kaagad siya nag flying kiss sa'kin. Masaya at the same time maangas ko'ng ibinalik ang flying kiss niya. Nakangisi, nasa loob ng bulsa ang kaliwang kamay ko, habang ang isa, 'yon ang ginamit ko sa pag gawa ng lumilipad na halik.

Pinanood ko pa siya'ng tuloyang pumasok saka umupo sa silya. Nakangiti ako'ng umalis saka hinanap sila Luejay. Pero nilibot ko na ang buong campus, wala parin miski anino nila ako'ng nakikita.

Saan naman 'yon sila pumunta?! Parang mga daga!

Bumuga ako ng malalim na hininga tsaka inilabas ang cellphone at idinial ang number ni Luejay. Ilang beses ko nang tinawagan pero hindi talaga siya sumasagot. Irita ko'ng ibinalik ang cellphone ko sa bulsa tsaka nalang pumunta ng restroom. Ngunit sa 'di ko inaasahan ay makakasalubong ko pala ang malas ngayon.

Bahagya pa siya'ng nakayuko kaya sigurado ako'ng hindi pa niya ako nakita. Unang araw palang, badtrip an ako. Ano pa kaya kung makakasama at makakasabay ko 'to hanggang sa susunod na dalawa'ng taon?!. Nakikita ko na ang restroom, kaya mas minadali ko ang pag lakad. Nilampasan na ako ng babae'ng 'yon na nakayuko parin.

Wala sa mood ang pangit.

Nang makarating sa restroom, syempre, ano pa ba ang ginagawa sa restroom?. Umihi ako tsaka nag hugas ng kamay bago lumabas. Medyo tinatamad ako'ng bit-bitin ang bag ko kaya naman dumaan muna ako sa locker ko. Binuksan, Ipinasok, Isinara tsaka umalis. Dumeretso ako sa Field at humiga sa grass, sa ilalim ng puno, habang ang isa'ng braso nakatakip sa aking mga mata. Hindi ko namalayang naka-idlip ako ng tulog. 

Nagising nalang ako ng kalugin ang balikat ko. Dahan-dahan ko'ng inalis ang braso ko na humaharang sa paningin ko, nakita ko'ng malapit na'ng tuloyang lumubog ang araw. Wala naman ako'ng pakialam, sinulyapan ko ang kumalog sa'kin at ang pangit nanaman 'yon.

"Anong ginagawa mo dito?" Irita ko'ng tanong tsaka tumayo at pinagpag ang damit ko.

Nagpa-mewang naman siya na may sarkisto'ng tingin sa 'kin.

"Wow ah? Tumatanggap ako ng 'salamat'," Binigyan niya ng diin ang huling salita "Pasalamat ka nga at ginising kita, kundi baka inabotan ka na ng gabi dito".

"Oh eh ano naman sa'yo ngayon?!" Pasinghal ko'ng tanong, kinuha ko ang bag ko na nakasandal sa puno.

"Sige, tulog ka nalang ulit. Aalis na ako" Napailing-iling pa si Bunny bago lumakad papalayo.

"Ang pangit mo!" Pahabol ko'ng sigaw.

"Mas pangit ugali mo!" Balik sigaw ni Bunny habang nag lalakad parin.

"Tarantado 'to ah, bobo ba siya? Itsura niya tinutukoy ko, hindi ugali. Tsk, nadadagdagan mga bobo dito sa school". Pabulong ko'ng sabi tsaka dumeretso na rin ng lakad papunta sa Men's Dormitory.

Binuksan ko ang gate tsaka uli sinara. Tinahak ko ang daan papunta sa elevator, nang makarating sa floor ko, kaagad ko'ng nilakad ang distansya ng silid ko. Binuksan ko 'yon gamit ang key card ko, ini-on ko ang ilaw tsaka inilapag sa sofa ang bag ko. Nagugutom na rin ako kaya dali-dali ako'ng kumilos. Pagkatapos maligo, nag sipilyo, nag bihis, tsaka lumabas. Simpleng loose pants- faded blue ang kulay, naka white na sapatos, tsaka yellow na loose t-shirt.

Kahit malaki sa'kin ang mga isinusuot ko, bumabagay naman. Hindi man ako ang tipo ng lalaking sobrang matso pero hindi rin sobrang payat. Isipin mo nalang si Taehyung ng BTS hehe. Kung akala mo fan ako, pwes, inuunahan na kita, Nag kakamali ka. Naririnig ko lang 'yan, kumakalat na sa school eh. Imagine, pati si Kim idol yun? Tsk, 'yon yung dating Kim nung hindi ko pa nililigawan. Fangirl.

Narating ko ang mall. Dumeretso ako sa Ganas De Comer, which translates to- Desire To Eat. Marami ang mga cuisine don, italian, korean, japanese etc.. . Habang nag lalakad papunta don, sinabayan ko ang munting tugtog sa mall.

_____________________________

Baby, what you see is what you get

Talk to me, say what it is

Nobody's better by your side.. than me

Napapahead bang pa siya ng kaunti.

 Baby what you see is what you get

Talk to me, say what it is

Nobody's better by your side.. than me

Please don't take me lightly

I like you and you like me

Just don't believe the hype, baby

I got you and you got me

Please don't take me lightly

I like you and you like me

Just don't believe the hype, baby

I got you and you got me..

Narrator's POV

Habang kumakanta sabay headbang ni Xam papunta'ng Ganas De Comer. Si Hana naman ay kararating lang ng mall kasama si Cy at Rex. Nako naman, ikaw talaga tadhana ah? Haha. Naabotan na ni Hana ang tugtog ng papatapos na, sinabayan nila 'yun tatlo. 

Tadhana nga naman. Tsk.

Magkatabi si Cy at Hana ng silid sa Women's Dormitory. Sinundo lang nila si Rex sa gate. Si Hana, simpleng oversized Yellow na hoodie jacket- tsk, nako- as I've said, Yellow na hoodie jacket tsaka naka shorts and white shoes. Tsk, nako naman. Si Cy, simpleng sando na white habang naka denim jacket and shorts rin. Si Rex, all white- hanggang tuhod lang ang pang ibaba niyang suot, loose white shirt, tsinelas na puti.

Kaunti nalang iisipin ko na'ng anghel si Rex.

Nagutom rin sila kaya napag desisyunan nilang sabay-sabay nalang sila na kumain, kaysa sa naman na solo ka lang sa room mo at kumakain. Inuna nila ang pinaka-malapit kaya sa Ganas De Comer sila pumunta-.. 'Wag mag alala, nasa second floor si Xam, italian cuisine kinuha non. Korean ang pinili nila kaya nasa third floor.

Masyado'ng madami ang tao sa Korean Cuisine kaya humintay pa sila sa apat na mag kakaibigan na matatapos nang kumain. Matapos nang apat na 'yon, pumunta si Rex sa waiter para ipalinis ang table. Si Cy at Hana ay nag kwe-kwentuhan pag ka balik ni Rex.

"Hana?" Tawag pansin ni Cy kay Hana na siya'ng nakatingin sa labas ng glass wall.

"Huh? Ano yun?" Takang tanong ni Hana.

"Would you mind if pumunta tayo ng salon?".

Mas lalo'ng sumalubong ang mga kilay ni Hana. "Ha? Bakit? Mag papa make-over ka ba?".\

Mahinang natawa si Cyrine ganon na rin si Rex na nakatitig lang rin sa kaniya na may ngiti sa mga labi. Nakapatong ang dalawang siko tsaka pinaghawak ang dalawang kamay..

Parang 'di bakla datingan dito ni Rex ah? Hmm...

"No, silly. Ikaw 'yong tinutukoy ko" Natatawang sagot ni Cy.

"Eh? Bakit naman? Hindi na ba kayo satisfied sa itsura ko?" Medyo may bahid ng kalungkotan ang pag kakasabi ni Hana kaya agad na ibinawi ni Cy ang sinabi.

"No no no no, we're satisfied but feeling ko may mas igaganda kapa bukod diyan sa ipinapakita mo" Masuyong ani ni Cyrine.

"'Di ko naman kailangan eh, 'wag nalang" Nakanguso si Hana tsaka sumandal sa upuan.

"Pero payag ka?" Nanunuksong ani ni Rex.

"Oo naman! I'm up for anything" Nakangisi na si Hana.

Nakakatakot ka naman Hana. Bigla-bigla nalang ngingisi, tatawa, ngunguso. Na stre-stress kami saiyo.

"Ayusin mo lang" Si Rex.

Hindi na sumagot si Hana. Sakto naman na dumating na ang mga order nila. Masaya sila'ng kumain, mag kwe-kwentuhan paminsan-minsan. Mag tatawanan. Na enjoy nila'ng tatlo ang dinner nila, pero ayaw pa ni Cyrine at Rex na umuwi kaya napagdesisyunan nila'ng pumunta nalang sa Arcade.

"Ang daya mo! Marunong ka, ako hindi tapos icha-challenge mo'ko? Ulul!" Singhal ni Cyrine kay Hana habang nakatingin sa screen kung saan ang mga silhoutte ng babae na sumasayaw.

Hindi kasi kaya ni Cyrine gawin ang footworks ng sayaw na yun. Pero si Hana marunong, syempre. Bukod narin sa pag Vo-Volleyball, natuto rin siya mag sayaw. Ganiyan ka talented si Hana.

"Haha! Sundin mo nalang! Nandito tayo para mag papawis at mag palipas ng oras!" Tumatawa na ani ni Hana na naka focus rin sa screen.

"Tse!".

Hana's POV

Pagkatapos kaming mag patunaw ng kinain, nag papawis. Umuwi na kami sa kaniya-kaniya naming Dorm. Bumili na rin ako ng iba pang mga damit, biglaan lang kasi ang pag stay ko dito sa Dorm. Buti nga at may bakante pa, at maswerte na sa tabi 'yon ni Cyrine.

Nang makauwi ako, inilagay ko ang cellphone ko sa bed side table tsaka kaagad ako nag half bath at nag bihis pantulog. Nag sipilyo ako pagkatapos maligo at nag mouthwash. Pasalampak ako'ng umupo sa kama ko at kinuha ang cellphone ko sa bed side table at nag play ng tugtog.

Nang makaramdam ako ng antok, kinuha ko ang charger ko sa maliit ko'ng bag- bukod sa school bag- at inilagay sa bed side table. Pinatay ko ang bed lamp tsaka natulog.

Toffee | S.E.