Muling bumalik si Alena sa kabahayan ng hari ngunit sa pagkakataong ito ay sa tanggapan na ng hari siya nagtuloy.
Kasalukuyang kinakausap ng Hari ang ilang menistro na mga dating heneral sa pagkakataong iyon.
"Nais kong makausap ang Hari." Hinging pahintulot ni Alena sa nagbabantay sa labas ng pintuan.
"Paumanhin ginagalang Adana ngunit kasalukuyan pong maypagpupulong na nagaganap sa loob." Pagtanggi ng nagbabantay.
Biglang lumuhod si Alena sa harapan ng pintuan na ikinagulat naman ng dalawang nagbabantay.
"Narito po ang Adana! Nagnanais na dumalo sa pagpupulong! Sanay pahintulutan ng Hari." Sigaw ni Alena sa pintuan.
Natigil naman ang pagpupulong sa loob.
"Anong ginagawa niya rito?" Tanong ng Hari.
"Nais niyang dumalo sa pulong na ito?" Di makapaniwalang tanong ng isang ministro.
"Mahal na Hari!" Muling narinig nilang sigaw ni Alena sa labas. "Hinihiling ko po na ipadala niyo po ako sa hangganan. Alam ko pong napasok na mga sandatahang lakas ng tao at ng Agela ang bayan sa kanlurang hangganan. Wala na po tayong sapat na panahon upang makapaghanda ngunit kung andoon ako sa ginaganapan ng digmaan ngayon ay natitiyak kong hindi kikilos ang pangkat ng Agela kayat mababawasan ang kanilang lakas. Sa ganoon ay maaari tayong manalo."
Malakas na bumukas ang pinto at iniluwa ang galit na Hari.
"Sinasabi mo bang gawin kitang pamain?" Galit na tanong ng Hari.
"Hindi naman po sa ganoon, ang sa akin lang ay—"
"Bakit hindi ka na lamang makipaglaro sa mga kaedad mo?" Putol ng Hari sa pagsasalita Alena.
Natahimik na lamang si Alena at yumuko ngunit nananatili parin sa niluluhuran nito.
"Tumayo ka na riyan." Utos ng hari kay Alena.
"Ayaw ko po." Napailing pa si Alena bilang tanda na boo na ang pasya nito.
"Alena anak hayaan mo na ang matatanda ang gumawa ng paraan sa suliraning kinakaharap natin ngayon." Mahinahon ng wika ng Hari.
"Ngunit Tiyo wala na po tayong panahon. Mabilis na umuusad ang pangangayaw ng mga tao sa lupain na sakop ng kaharian. Walang laban ang lakas pandigma ng kaharian sa lakas pandigma ng mga tao kung kasama nila ang Agela." Pagpupumilit ni Alena.
"ALENA!" Napalingon silang lahat sa pinanggalingan ng tinig at nakita ang papalapit na reyna.
Agad namang bumati dito ang mga tagapagsilbe at mga ministro na naroon ngunit hindi na pinansin ng reyna ang pagbati sa kanya.
"T-tiya...." Nag-aalangang tawag ni Alena sa reyna.
"Alam mo ba kung ano ang ginagawa mo? Nakakaabala ka sa mahalagang pagpupulong." Wika ng reyna at sinubukang hilahin patayo si Alena ngunit sadyang hindi nais nitong tumayo.
"Tiya sabi ni lolo wala na daw magagawa ang pakiusap ko." Si Alena na ayaw tumayo kaya binitiwan na lamang siya ng reyna.
"Tama ang lolo mo kaya umalis na tayo dito." Pagsang-ayon ng reyna.
"Ngunit hindi naman niya po sinabi na wala akong magagawa kung kikilos ako."
"At anong gusto mong mangyari? Baka nakakalimutan mo na ama ko ang tinatawag mong lolo kaya ako ang higit na nakakakilala sa kanya kaysa sa sinuman na naririto ngayon. Nakipag-ugnayan na ang lolo mo sa mga tao, walang sino man ang makakapagpabago sa kanyang pasya."
Napaisip si Alena sa mga sinabing iyon ng kanyang teyahin. Hindi niya akalain na ganoon pala katigas ang pag-iisip ng lolo niya batay sa pananaw ng reyna.
Ngunit sa pananaw niya ay iba, namulat siya na hindi magkasundo ang lolo niya at ang kanyang teyahin. Ang nais lamang ng lolo niya ay mabalik sa kanilang angkan ang paghahari, ngunit hinaharangan ng reyna ang ano mang pag-aaklas laban sa kasayukuyang Hari na siyang asawa nito.
Malaki ang tiwala ng teyahin niya sa asawa nitong Hari. Ayun sa reyna, hindi nababatay sa pinagmulang angkan ang paghahari kundi sa kakayahan nito na pamunuan ang kaharian.
Sumasang-ayun siya sa lolo niya dahil ang angkan nila ay isinisilang na may angking makapangyarihang salamangka at totoong maharlika, ngunit sumasang-ayun din siya sa teyahin niya dahil nakikita niya mismo na isang mabuti at tapat sa tungkulin ang kasalukuyang hari.
Sa totoo lamang ay may isang bagay na pinagkasundoan ang lolo at teyahin niya, yun ay siya ang susunod na reyna maging sino man sa mga anak na lalake ng hari ang maging tagapagmana nito.
Lumaki siya na nakatatak na sa isipan na siya ang susunod na reyna ng lahi ng Kambitan.
"Nais ko pong bigyan niyo ako ng isang daang kawal upang harangin ang pangkat ng Agela."
"At sa tingin mo may magagawa ka?" Tanong pa ng reyna.
"Teya, alam nating dalawa ang kahinian ng Agela. Sampong taong gulang ka pa lamang noon ng una kang tumanggap ng layunin ngunit ako, nasa tamang gulang na ako ngunit hindi niyo ako mapagkatiwalaan. Sa paningin niyo po ba talaga ay mahina ako? Na hindi ko po kayo kayang higitan o tapatan man lamang?"
"Isama mo ang pangkat ni Guyo," pagbibigay pahintulot reyna.
"Ngunit binuboo lamang ng sampo ang pangkat ni kuya Guyo." Hindi iyon matanggap ni Alena, sampo ihaharap sa isang makapangyarihang sandatahan?
"Ipangako mong huwag kang lalayo kay Guyo anuman ang mangyari." Bilin pa ng reyna saka umalis na ng hindi man lamang nagpaalam sa Hari.
"Tiya!" Tawag niya pa ngunit hindi na siya nilingon nito. "Kamahalan...."
"Maaari ka ng umalis." Pagpapahintulot ng Hari at saka bumalik narin ito sa loob ng tanggapan.
Wala ng magagawa si Alena pero kahit papaano ay binigyan parin siya ng reyna ng isang maliit na pangkat nga lamang.
Agad na siyang nagtungo sa himpilan ng sandatahang lakas.
Malayo pa man ay nakasilip na si Alena sa bintana kaya natanaw niyang naghahanda sa pag-alis ang mga kawal na naroon.
"Lakad pa sulong na!" Sigaw ng isang pinuno na nasa baba ng tanghalan.
"SANDALI!" Sigaw ni Alena na hindi inaasahan ng mga kawal na napatingin sa kanya lahat.
"Lapastangan! Sino ba yan ha?" Tanong ng pinuno na nag-uutos sa mga kawal.
Naglaho si Alena sa kinatatayoan at sa isang iglap ay nasa harapan na siya ng pinunong nagtatanong.
Iniabot niya dito ang gintong pagkakakilanlan niya na agad namang nakilala ng pinunong iyon.
"Paggalang sa Adana!" Sigaw nito kasabay ang pagluhod sa kanya kaya luhuhod narin ang lahat ng mga kawal liban sa isa. "Ginagalang na Adana, ipagpaumanhin niyo po at hindi ko agad kayo na nakilala."
"Pagbati sa iginagalang na Adana." Bati kay Alena ng dalawang heneral na lumapit at bumaba ng tanghalan. Mga heneral na ito kayat pagyuko lamang ang ginawa ng mga ito bilang pagpapakita ng paggalang sa kanya.
"Pinunong pangkat guyo! Magpakita ka ng paggalang sa Adana!" Sigaw ng isang heneral ngunit ngumisi lamang ang tinawag.
Alam ni Alena na hindi luluhod sa kanya ang pinunong pangkat na tinawag ng heneral na siya na lamang na natitirang nakatayo sa libong kawal na naroon kaya kapansinpansin talaga ito.
Itinaas na lamang ni Alena ang kanang kamay bilang hudyat upang magsitayo na ang mga kawal.
Pagkatapos ay umakyat na siya.
"Ginagalang na Adana, ano po ba ang maipaglilingkod namin sa inyo?" Tanong ng isang heneral.
"Humihingi ako ng paumanhin sa pang-aabalang ito Heneral. Nandito ako upang sunduin si kuyaahsi pinung pangkat Guyo at ang pangkat nito.
"Pangwalong pangkat!" Sigaw ng isang isang. "Lumapit!"
Sunod namang pinuntahan ni Alena ay ang kanlurang tahanan kung saan ay naninirahan ang pangalawang prinsipe na siyang tagapagmana ng Hari.
"Papasukin niyo ako." Utos ni Alena sa dalawang bantay sa tarangkahan ng tahimik na tahanang iyon.
Pinagbuksan naman si Alena ng mga ito kaya pumasok na siya.