webnovel

Queen San Daka (Filipino/Tagalog)

once upon a time in a faraway land. Zan Daka, a will-behave maiden and the future queen. All she knows are nothing but only how-to-be-a-queen. one day a war, not just a war inside their kingdom but a war between their kingdom and the near empire, broke up. would she will still be a queen someday? or things might turn differently?

Sept_28 · Fantasy
Not enough ratings
15 Chs

3

Agad na nagbalik si Alena ngunit natagpuan niyang nasa labas ng silid ang lahat ng mga patapagsilbe ng reyna.

Maging ang mga tagapagsilbe din ng Hari ay nasa labas.

"Paggalang sa Adana." Bati kay Alena ng mga tagapagsilbe na naroon sa labas ng silid ng reyna.

"Papasukin niyo ako." Wika niya sa dalawang lalaking tagapagsilbe na nakaharang sa saradong pintuan.

"Paumanhin ginagalang Adana ngunit bilin po ng Hari na walang papapasukin kahit na sino." Sagot naman ng kawawang tagapagsilbe.

"Hindi ko kailangan ng pahintulot mo." Hindi nagpapigil si Alena ngunit nabaliwala din ang pagpupumiglas niya sa mga katulong satapagsilbe dahil ng maabut na niya ang puntuan ay may salamangkang nakaharang doon kaya kahit naitulak niya pa ang pinto ay hindi parin siya makapasok.

Nakita niya ang hari at reyna na nakaupo at natigil sa pag-uusap. Saglit pang napatingin ang mga ito sa kanya saka nagpatuloy sa pag-uusap.

Ang mga tagapagsilbe naman ay nagsiluhod nalang ng nakayuko at bakas sa mga mukha ng mga ito ang takot.

Hindi niya rin marinig ang usapan sa loob.

'Ano itong pinag-uusapan nila na hindi ko maaaring malaman?' Tanong niya sa sarili.

Nakita niyang napatayo ang reyna matapos may sabihin ang hari. Bakas sa mukha ng reyna ang pag-aalala na animoy hindi makapaniwala sa sinabi ng hari.

"Hindi...iyon magagawa ng aking ama?" Hula ni Alena sa mga salita na binigkas ng reyna ayon sa pagbukas ng bibig nito. 'anong kinalaman ni lolo sa usapang ito?'

Hindi masagot ni Alena ang mga tanong sa kanyang isipan. Wala siyang magagawa dito kaya naman ay ipinasiya na lamang niyang umuwi.

"TABI KAYO!" Sigaw ng tagapagsilbe ni Alena na siyang nagpapatakbo sa karwahing sinasakyan niya. Nasa labas na sila ng kabahayan ng hari at nagmamadali si Alena na makauwi.

Maraming mga nilalalang ang nagkalat sa daan ng pamilihan na siyang tinatahak nila.

Agad namang nagsisigilid ang mga ito ng makilala ang karwahe niya. Walang sino man ang mangangahas na humarang karwaheng may palatandaan ng Agela.

Ngunit sa hindi inaasahan, muntik pang masubsob si Alena sa biglaang paghinto ng sinasakyan niya.

"Gusto mo bang magpakamatay?" Narinig ni Alena na wika ng kanyang tagapagsilbe.

Napasilip si Alena sa bintana ng kanyang karwahe at nakita ang pulubing nilalang na lalake na nakaluhod sa tagapagsilbe niya.

"Alam mo ba kung sino ang sakay ng karwahing ito?" Sigaw pa ng tagapagsilbe.

Pag-angat ng mukha ng pulubo ay agad na napansin ni Alena na karaniwan lamang ang mga mata na nagpapatunay na isa itong tao.

Agad na lumabas si Alena ng karwahe at hindi na natuloy sa pagsasalita ang pulubing tao. Natulala na lamang itong nakatitig sa kanya hanggang sa nakababa na siya at abutin ang mga kamay nito.

"Tumayo ka." Pahintulot niya dito.

Tumayo naman ito na animoy walang sariling pag-iisip at nakatigtig lamang sa kanya.

Samantala, ang mga nilalang naman sa paligid ay tuwang-tuwa at nasilayan siya. Lalo na ang kanyang kabutihang puso.

"Nasugatan ang iyong siko, hayaan mong gamutin kita." Wika pa ni Alena na unti-unting pinag-aaralan ang pagkakakilanlan ng taong kaharap.

Idinampi ni Alena ang sariling kamay sa may sugat nitong siko at saka nagpalabas ng salamangka upang paghilumin ang sugat na natamo ng tao.

Hindi nakalagpas sa mga mata niya ang makinis nitong balat.

"Ikaw ang pinakamagandang babae na nakita ko. Ang taglay mong kagandahan ay hindi maihahalintulad sa sinuman." Wika ng tao.

Nang maghilom na ang sugat ay sinalubong ni Alena ang nahuhumaling na mga titig nito. Mga matang hindi natatakot at hindi nag-aalangang makipagsalubungan ng tingin.

Isang taligo ang humagupit dito na nagpagising sa pagkahumaling. Kagagawan iyun ng tagapagsilbe ni Alena.

Si Alena naman ay bumalik na lamang sa loob ng karwahe. Napagtanto niyang hindi karaniwang tao ang nagpapanggap na pulubi.

"Lapastangan KA! Anong karapatan mong salubungin ang paningin ng Adana?" Pagpapagalit ng tagapagsilbe niya sa pulubi.

"Umalis na tayo dito." Utos niya kaya walang nagawa ang kanyang tagapagsilbe kundi hayaan na lamang ang pulubi at bumalik na sa kinauupoan nito at pinatakbo na ang kabayo.

Wala na sa paningin ng pulubi ang karwahing sinasakyan ni Alena ngunit nakatingin parin ito sa tinahak na daan.

Isa namang lalaking pulubi din ang nagmamadali at nag-aalalang lumapit sa naunang pulubi.

"Prinsipe ayus lang po ba kayo?" Tanong ng pangalawang pulubi sa unang pulubi.

Isang masamang tingin ang natanggap lamang nito mula sa unang pulubi.

"Patawad, hindi ko sinasadya, hindi na po mauulit." Agad namang hinging paumanhin nito ng mapagtanto ang pagkakamali.

Tumuloy ang karwahing kinapapalooban ni Alena sa kabahayan ng Agila.

Nang marating nila ang bakuran ng tanggapan ng Pangkalatahang pinuno ay bumaba na si Alena at naglakad na paakyat ngunit hindi na siya nakapasok ng tanggapan dahil hinarang siya hindi lamang isa kundi maraming mga kawal.

"Binibine, hindi po kayo maaaring magtuloy sa tanggapan ng Pinuno." Wika ng isang Kalbo na nasa likuran ng namamahala sa kanila na bibihira lamang magsalita ngunit yun ang pangunahing nakaharang sa kanya.

"Nais kong makausap si Lolo." Sabi naman niya na animoy pakikipagtunggali ng tinginan sa nakaharang na kawal.

"Wag mo na kaming pahirapan pa Binibine, mahigpit na bilin ng Pinuno bawal KANG pumasok." Ang kalbo muli ang nagsalita.

Alam ni Alena ang taglay na lakas ng kapangyarihan ng kawal na nasa harapan niya. Hindi lihim sa kanya ang naging pagsasanay nito. Sa katunayan ay kasabayan nito ang kanyang tagabantay at ang ampon ng lola niya.

Ngunit kung gugustuhin niya ay wala naman itong magagawa dahil hindi naman siya nito maaaring saktan.

Lumikha si Alena ng Salamangka upang maglaho sa kinatayuan, gayunpaman ay hindi din naman siya agad na nakaalis dahil hawak na ng namamahala kawal na iyon ang braso niya.

"Bitiwan mo ako." Utos niya.

"Sana bago ka humakbang ay mabilang mo muna kung ilan ang makakatanggap ng parusa dahil sayo." Napangiti ng bahagya si Alena dahil minsanan lamang itong magsalita ngunit malaman.

"Kung hindi ako hahakbang, hindi ko alam kung mabibilang ko pa ang masasawi kapag hindi ko mabago ang pagpapasiya ni Lolo." Wika naman niya.

Kahit na naglaho na siya ay pakiramdam niya nakikikita parin siya nito ng makatagpuan niya ang mga mata nito.

Isa ito sa mga napaparusahan gayun pa man ay unti-unti lumuwag ang pagkakahawak nito sa kanya hanggang sa binitawan na siya.