webnovel

Ika-apat na Yugto

Tinungo ko pabalik ang silid aralan, sa kabila ng mga nagtatanong na mata na nakasunod sa aking bawat kilos, hangang sa makaupo ako ng aking silya ay walang nag-lakas loob na lumapit sa akin at ako ay kausapin. Wala na ang bakas ng luha sa aking mata sa halip ay isang manipis na ngiti ang nakaguhit sa aking labi dahil sa mga alaala na dulat niya.

Maya-maya pa ay magkasabay na pumasok si Gema at Carla sa silid. Naruruon ang isang malaking tanong sa kanilang mukha. Nagkibit balikat lamang ako, siguradong hindi sila maniniwala sa sasabihin ko. Kahit ako mismo ay nalilito. Panaginip ba ito? Kung hindi ay bakit ako naririto? Dahil ba sa lubos na pananabik ko sa kanya? Ngunit wala akong makitang sayantipikong eksplanasyon sa kalagayan ko. Pero isa lang ang alam ko, gusto kong manatili sa panahong ito. Sa panahon kung saan naroroon ka.

Lalong umingay ang klase ng ikaw ay pumasok sa silid. Hawak-hawak pa din ang iyong pisngi. Wala namang ibang kapansin-pansin dito kung hindi ang pamumula nito. Hindi kagaya sa aking ala-ala na kung saan ito ay namamaga. Walang ano-ano ay tinahak mo ang daan papalapit sa akin. Unti-unting nanahimik ang paligid, ngunit hindi ko ito binigyan ng pansin. Nanatiling naka pako ang aking mata sa iyo. Hindi mo ba ako nakiki-

"Jay!" Bulyaw ng isang lalaki sa may pintuan.

Sabay kaming napatingin sa pinanggalingan ng boses. Napakunot ang nuo ko, pilit inaalala ang tagpong ito sa aking memorya. Hindi ba't si Dan iyon? Mabilis na tinawid ni Dan ang pagitan nila ni Jay. May ilang mga nagbubulong-bulongan na hindi ko napigilang pakinggan.

"Si Dan iyon hindi ba?"

"Oo siya ang kasintahan ni Jane!"

"Si Jane? Yung nagsasabing binastos siya ni Jay?"

"Oo, ang balita ko tinawag siya sa liblib na lugar at tinanong ng kung ano-ano."

"Oo, narinig ko din yan. Kanina lang yan nangyare. Ang alam ko pa ay pilit daw niyayakap ni Jay si Jane at buti na lang at nasampal niya ito at mabilis na tumakbo."

"Kaya ba namumula pisngi niya?"

Tiningnan ko ng matalim ang grupo ng mga babaeng nag-uusap. Agad naman silang tumahimik. Mga walang alam. Naramdaman ko ang pagtaas ng tensyon nang makalapit si Dan kay Jay. Walang ano-ano ay lumapat ang kamao ni Dan sa panga niya. Mabilis akong napatayo, gulat sa mga pangyayare. Wala ito sa aking ala-ala.

Nanatiling naka-tuon ang paningin ko sa kanya. Pinahid niya ang dugo sa gilid ng kanyang labi, habang tinitingnan ng may pangungutya si Dan.

"Jay!" Nakalabas na ang salitang ito bago ko pa man maintindihan ang aking ginagawa. Nakabinbin ang kamaong akmang dadapo muli sa mukha niya, at kapwa napatingin sa akin ang dalawang lalaki.

Awtomatiko akong pumagitna sa kanila. Mahinahon kong ibinaba ang kamay ni Dan. Sa kabila ng kanyang pagtalima ay mababanaag pa din ang galit sa kaniyang mukha.

"Dan." Tawag pansin ko sa kaniya.

Dahan-dahan niyang inalis ang tingin kay Jay at tumingin sa akin.

"Binastos niya si Jane!" Pahayag nito sa akin.

"Alam ko kung anong nangyare Dan. Ang hindi ko maintidihan ay kung bakit nag-aaksaya ka ng oras dito sa halip na damayan si Jane." Nilingon ko si Jay inobserbahan ang ngayon ay nagkukulay lila niyang panga, "Hindi ba't naka-isa ka na sa taong ito?" Balik pansin ko kay Dan na mas kalmado kumpara kanina, "Sa palagay ko'y sapat na iyon para patunayan ang iyong pagkalalaki." Ngumiti ako sa kaniya ng makita kong nakuha ko ang buo niyang atensyon, lumapit pa ako at bumulong sa kanya, "Hindi ba't iyon ang lagi ninyong pinagtatalunan? Kaya naman bilang kaibigan pinapayuhan kita na ito na ang pagkakataon mo." Humakbang ako palayo sa kanya, "Ako na ang bahala sa taong ito" dugtong ko pa ng muli kong bigyang pansin ang lalaking tahimik kaming pinagmamasdan sa likuran.

Nang ibalik ni Dan ang pansin sa naturang lalaki ay siya namang pagtalim ng kaniyang paningin. Hinagod niya ito ng tingin mula ulo hanggang paa at saka siya lumabas ng silid.

Bago pa man matuon sa amin ang pansin ng buong klase ay hinila ko na si Jay palabas ng silid, at walang pag-aatubiling tinungo ang klinika ngunit walang tao doon.

"Upo!" Muwestra ko sa kanya habang itinuturo ang isang bakanteng silya.

Hindi naman siya nag-atubiling sumunod. Walang imik siyang umupo sa upuan habang hindi tinatangal ang tingin sa akin.

Tiningnan ko ang kanyang panga na nagkukulay lila at berde. Umiiling akong naghagilap ng yelo at tuwalya, saka ito idinampi sa kanya.

"Bakit mo siya pinigilan?" Basag niya sa katahimikang nangingibabaw sa aming dalawa.

Sinulyapan ko siya at nagtama ang aming paningin, "Hindi ba dapat?" balik tanong ko sa kaniya habang idinidiin ang malamig na tuwalya sa kanyang panga.

Nagkibit balikat lamang siya at bahagyang kumunot ang noo ng makaramdam ng sakit. "Totoong binastos ko siya." Pag-amin niya.

"Alam ko kung ano ang nanyare." Tumingin muli ako sa kanya at hinagilap ang isa niyang kamay upang hawakan ang malamig na tela. Tumayo ako sa aking pag-kakaupo ng hindi inaalis ang mata sa kaniya. "At alam ko kung bakit iyon nangyare."

***Ala-ala ni Maki***

"Mama, ilang ulit ko po bang ipapaliwanag hindi po ganun ang nangyare." Karaniwan kong reaksyon sa tuwing makikita si Jay ay ang lapitan ito at mag-simula ng away, ngunit iba ang ginawa ko ng hapong iyon, nagtago ako at naupo sa may di kalayuan upang makinig sa kanila.

"Jay, alam kong hindi ka ganoon at hindi mo kailangan sa aking magpaliwanag pero ayaw mo bang linawin sa mga taong nasa paligid mo kung anong nangyare?" May pag-aalalang tanong sa kaniya ng kanyang kausap.

Umiling-iling lang si Jay ng may ngiti sa mukha, "Totoo namang bakat yung kulay ng panloob niya sa uniporme, at isa pa tinanong ko lang naman kung anong sukat ng dib-dib niya kasi parang sikip na sikip yung suot niyang panloob at mukhang tatalon na ang kaniyang dib-dib. Isa pa kung ganoon siya haharap sa mga tao palage hindi ba siya natatakot na bigla na lang siyang sungaban? Hayaan mo na sila. Isipin mo na lang po Ma, ngayon yung babaeng binastos ko ay nagsusuot na ng matinong damit. Mas mukha na siyang desente ngayon."

Napako ako sa aking pagkakaupo sa aking narinig. Yun ba talaga ang dahilan? Kung titingnan ko at iisipin tama siya, ganoon nga manamit si Jane noon.

"Pero nabansagan ka namang bastos sa inyong eskwelahan, at diba may isa pang babae na lagi kamo kayong nag-aaway dahil sa insidenteng iyon?"

Malakas na tawa ang itinugon ni Jay sa tanong na iyon, "Ma hindi po away. Para lang kaming nag-lalaro ni Maki. Isa pa hindi ko naman kailangang dib-dibin ang sinasabi ng iba sa akin hindi po ba? Ang mahalaga alam kong walang mali sa ginawa ko."

Sa unang pagkakataon direkta akong tumingin sa kanya binanaag ko ang taong gabi-gabi kong isinusumpa dahil sap ag-uugali nito, ngunit hindi ko iyon makita sa kaniya. Napatingin siya sa direksyon ko at bahagyang nagulat, mabilis din itong napawi ng palitan niya ito ng ngiti.

Hindi ko na namalayang sinusuklian ko na ang kanyang ngiti ng mga oras na iyon, ngiti na nagba-badiya ng tagsibol.