webnovel

Ika-anim na Yugto

Sa aking pagkalito ay mabilis kong itinaklab ang pinto. Hawak ang dib-dib kong tila ba tumakbo ng ilang metro. Dinama ko ang puso ko na para bang nais kumawala, at kung hindi dahil sa kamay kong mariing nakapatong dito ay tiyak na tatakbo ito palabas upang muling masilayan ang mga ngiting iyon.

"Maki? Anong nangyare?" Sa kabila ng biglaan kong pagsara ng pinto ay hindi man lang siya natinag.

"May gagawin pa ako. Sa susunod na lang uli tayo mag-usap." Sagot ko sa kabila ng unti-unting panghihina ng tuhod ko.

"Sigurado ka ayos ka lang?" Pagkumpirma niya, na tila ba ay nakikita niya ako.

"Oo, pwede huwag ka makulit?"

Inakala kong umalis na siya ng manahimik ang kabilang panig ng pinto. Ngunit, "Maki?" bigla na naman niyang tawag.

"Ano?" May pagkagulat kong tanong, at ilihim ko man muling kumislot ang puso ko ng malaman kong naroroon pa din siya.

"Samahan mo akong kumain, hindi ka pa din kumakain diba? Sabay tayo." Hindi ko alam kung anong itsura niya ng sabihin niya iyon ngunit ako alam ko kung ano ang reaksyon ko sa paanyaya niyang iyon.

"May gagawin nga ako diba?"

"Pero kailangan mo pa ding kumain, diba?"

"Paano kung ang gagawin ko pala ay kumain?"

"Mas maganda iyon sabay tayo!"

"Paano kung hindi kita gustong kasabay kumain?"

"Paano kung gusto kita?"

Sa aking pagkabigla ay napatayo ako at binuksan ang pinto hindi alintana ang pamumula ng aking mukha dahil sa aking narinig, "Anong sabi mo?"

Isang maaliwalas na ngiti ang aking nabungadan, at hindi pa man bigla niyang kinabig ang aking kamay papalabas, "Ayan, lumabas ka na. Tara libre ko!"

Para akong lobong hila-hila niya ang hanggang sa makarating kami sa malapit na kainan.

"Malakas akong kumain." Sabi ko nagbabaka sakaling aatras siya.

"Ako din." Ngising tugon niya.

"Malakas akong dumighay!" Muling subok ko.

"Palakasan tayo?" Natatawa niyang tanong.

Sa kawalan ng sasabiin ay nanahimik na lamang ako. Pinabayaan siyang umorder ng kakainin namin. Nang matapos siya ay muli niyang ibinalik ang buong atensyon sa akin.

"Hindi mo talaga ako natatandaan?" May bahid na lungkot na tanong niya.

"Dapat ba kitang matandaan?"

Ngumiti lamang siya at nagkibit balikat, "Ako ni minsan hindi ka nakalimutan."

"Ano ba talagang gusto mo?" Naiirita kong tanong, ngunit sa kabila niyon ay ang hindi mapigilang pagkabog ng dib-dob ko.

"Noon ikaw, nang makita kita ulit nadiskubre kong ikaw pa din. Kaya naman masayang-masaya ako ng malaman kon-"

"Anong sabi mo?" Pakiramdam ko ay mabibingi ako sa pintig ng puso ko. Hindi ko halos maulinigan ang sinasabi niya.

"Tinanong mo ako kung anong gusto ko diba?"

Tumango lamang ako bilang sagot sa tanong niya.

"Ikaw!" Wika niya sabay turo sa akin.

"Ako?" Piyok na tanong ko.

Sa pagkakataong ito siya naman ang tumango.

"Bakit ako?"

"Bakit hindi?"

"Wala pa nga tayong isang oras na magkakilala."

"Mahigit sampong taon na tayong magkakilala."

"Pero wala kang alam tungkol sa akin."

"Meron."

"Meron?"

"Meron."

"Pero noon yun! Nagbago na ako."

Pigil ang tawa niyang tumingin sa akin. "Maki, wala pa tayong isang oras na magkasama pero sigurado akong ang Maki na kilala ko noon at ang Maki na kaharap ko ngayon ay iisa."

"Pero wala akong alam tungkol sayo."

Hindi ko inaasahan ang paglawak ng ngiti niya, hindi ko alam kung alin sa pahayag ko ang tila ba lubos na nagpasaya sa kanya. "Marami tayong oras para makilala mo ako." Tugon niya.

"Paano kung ayaw ko?"

"Gusto mo."

"Gusto ko?"

"Gusto mo."

Next chapter