12 PERSONA 12

Please do vote and comment. Negative or positive feedback, it's badly needed for progress and improvement :)

Anyways, enjoy the chapter guys!

*

Chapter 12

Eve's POV

A month. Three weeks. I've been here for so long. It's fine and all, pero why do I suddenly feel so tired? Specially now. Why does it have to be now? I can sleep for as long as I want if I'm in the dorms.

Klase na ni Sir Law ngayon. Sir Law is someone who's very much like his name, he follows the law and is very crazy about the law. His Persona is Self Cloning. He makes copies of himself with his exact same level of combat skills and magic skill.

He's one of the Headmistress' classmates and teammates back then. Three of them are friends with Ate Cash and Sir Lucas.

"There are only two things you can't take back in our world; words and bullets. So make sure you hit what you're meant to hit and make sure you mean what you say. But that's just part of our protocol"

Words and bullets, huh?

"Any additions, students?" He asked, thinking of me

"Time?" Anna asked

"Action," Peter added and stroked Stan

"Death," Timothy replied

"Correct," said Sir Law

Dahil hindi ako nakisali sa pagsagot ay tinignan ko na sila.

"Life," I obnoxiously answered

"Life?" Asked the team so I nodded

"If you waste it, you can't have it back," sagot ko dahilan kung bakit nanatili silang nakatingin sa akin

"Eve.." sabi ni Peter kaya naman nagtataka ko siyang tinignan

"Bakit?"

"Ang lalim non ah? I'm beginning to see a new light in you" sagot ni Peter saka siya nag-thumbs up dahilan kung bakit ako natawa na sinundan din naman ni Anna.

"It's a question that doesn't have a correct answer. So if it's your answer, then it's correct" sagot ni Sir Law saka niya ako tinignan ng seryoso kaya naman ngumiti nalang ako

Malalim? I guess so.

*

"Hey, four eyes," tawag ko kay Timothy na nasa kusina nanama't kung anu anong ginagawang kayabangan

"Ah, it's just you" sagot niya kaya naman natawa ako saka pumunta sa kanya

"I didn't notice that you went out. Ang aga mong umalis. Workout?" tanong niya at umupo na ako sa upuan sa may stall banda

Nagsimula na siyang mag-slice ng karne at iba pang rekado.

"Did you clean the dorm?" tanong niya saka niya ako sinilip kaya naman tumango na ako

"Thanks, it saves up my time" sagot niya kaya naman napatitig ako sakanya

Nang tignan niya ako dahil wala ako sumagot ay ngumisi na ako kaagad dahilan kung bakit kumunot ang noo niya.

"I was bored. Hindi ko naman talaga 'yun ginawa para sayo eh. 'Wag ka mag-assume okay? Mahirap na," sagot ko kaya naman inayos niya ang salamin niya

"Tsk. Wala naman akong sinabing ginawa mo 'yun para sa akin eh. Wag mo nga akong storbohin," sagot niya't nagsimula nang magluto kaya naman natawa nanaman ako

Being with Timothy's actually fun. At least I already know what kind of personalities these kids have. They're decent. May it be their attitude, skills, intelligence and persona.

Akala ko dati magiging aso't pusa lang kami't walang katapusang aaway at magbabangayan eh. Pero okay din pala siya. Hindi siya marunong prumeno eh at hindi mo kailangang magbalat kayo sakanya. I can be honest with him.

*

Timothy's POV

Tahimik lang akong nakaupo sa upuan ko nang mapansin kong kakaiba ang ginagawa ni Eve. The savage woman's acting weird again.

Tinignan ko sila Anna, Peter at Stan para tinignan kung may napansin ba sila kay Eve na kakaiba pero masaya lang silang nagu-usap tungkol sa mga bagong kagamitan ang meron sa lab.

Tumayo na ako saka nilapitan si Eve. Kumunot ang noo ko nang manginig siya habang inaabot niya't hawakan ang cylindrical vessel sa may dulo ng room. Pinagpapawisan na siya't hiningingal.

"Hey, savage woman. Are you okay-- fck!" sa gulat ko'y napamura ako't napatakbo para saluhin si Eve na biglang nawalan ng malay

Agad namang tumakbo 'yung tatlo papalapit sa amin.

Tsk. Buti nalang nasalo ko siya, kung hindi, aba'y baka nabagok na ang ulo niya sa sahig o kung ano pa mang delikadong pangyayari.

That's dangerous. I can't let that happen again!

"Oh my god, what happened?" tanong ni Anna

"She just fainted," sagot ko at inayos ang pagkakaalalay kay Eve

"Damn. She's so light," bulong ko sa sarili ko

Bubuhatin ko na sana si Eve pero may nauna nang bumuhat sakanya, ang bagong dating at bago naming guro na si Sir Page. Pinsan siya ng Headmistress ng School. Matagal na namin siyang kilala dahil isa siya sa mga mahuhusay na agents sa Aegis Force. It's really a privilege that he's teaching our class.

Ang subject na ituturo niya sa amin ay ang Laboratories and Weaponry Subject na kung saan ay tuturuan niya kaming gumawa ng mga bombs, like smoke bombs or explosion bombs, pang-patulog at marami pang iba. Sa weaponry nama'y training at combat din na kung saan ay hahasain niya ang kakayahan namin sa pag-gamit ng mga iba't ibang klase ng weapons. Hindi naman sana ito ang ituturo niya sa amin pero dahil ito ang specialty niya dahil connected ito sa persona niya eh napilitan nalang makipag-exchange si Ma'am Riyo sakanya.

"What was she doing before she passed out?" tanong ni Sir Page sa akin

"She was touching the vessels," sagot ko kaya naman tumango na si Sir at pumikit

Nang maramdaman namin ang invisible wall ni Sir Page ay agad na naming nalaman na ginagamit niya ang persona niya.

His persona is silence. He creates an invisible wall around him and can make it silent in the eyes of the person outside his invisible wall. He's good not just at silencing people but also in controlling what's inside the wall.

"Her pulse isn't clear, and her heartbeat's slow. But all in all, it's normal for her. She's just tired," sagot ni Sir kaya naman tumango ako dahil 'yun lang naman talaga ang posibleng dahilan sa nangyari sakanya

"Don't worry. I'll send her to the clinic. Be sure to do your lab assignment before you dismiss yourselves," tumango na kami kaagad

Pinanood lang namin si Sir Page na buhat-buhat si Eve palayo sa laboratory room.

"Huh? Was she sick or something?" tanong ni Peter kaya naman bumugtong hininga na ako

"Let's just think about that later. Sir Page already said she's just tired. Do the lab assignment," sagot ko at pumunta na sa upuan ko

Tumango nalang sila't bumalik na rin sa mga pwesto nila.

Habang nagsusulat ako ay nag-flashback sa akin 'yung nangyari kanina. Tinignan ko na ang kamay ko.

Eve's here for a month already. Touching her earlier and feeling her pulse and cold skin, it seems like she really outdid herself.

What is she doing, you ask? She doesn't sleep.

Nagigising ako ng maaga para maglinis ng dorm at magluto ng agahan ng team. Laging naka-on ang lights ng room niya pero hindi nalang ako nakealam dahil baka nakalimutan niya lang na patayin o 'di kaya'y may ginagawa siya pero a month has already passed, but still her lights never seem to turn off at night up to midnight.

Even if it does, I can still see lights moving inside her room. I'm observant and I'm in charge of taking care of the team, so this kind of thing bothers me so much. I have a huge role and responsibility when it comes to making sure they are on their feet.

Hindi rin siya masyadong kumakain kaya naman hindi talaga nakakapagtaka kung bakit nangyari sakanya 'yon.

This is crazy. Why am I even worried about her? Tsk. What a troublesome woman.

avataravatar
Next chapter