Apat na araw bago ang Final Submission ng mga Requirements.
Ngayon yung panahon na pagsisisihan mo yung mga araw na hindi ka gumawa ng Performance tasks.
Tambak ang mga gagawin ko ngayon.
Halos lahat pa naman ay Video Report kaya naman Hassle talaga.
Nasa kalagitnaan ako ng pagseset up ng camera nang tumunog ang Cellphone ko.
"Ano?" Inis kong bungad kay Daisy nang masagot ko ang tawag nya
"Goodnews!"
"May rumors na may napili na daw Presidents na tatakbo sa susunod na Election!" Masayang sabi nya
"Anong gagawin ko?"
"May rumors din na si Lewis ang tatakbo bilang Vice President"
Natahimik naman ako
"Huy!"
"Seryoso ka ba?" tanong ko
"Oo, hindi ka ba papasok ngayon?"
"After lunch, may tinatapos pa ako eh, kwentuhan mo ko ng madami mamaya! See you!"
"Alri--"
Hindi ko na pinatapos ang sinasabi nya saka bumalik sa pagseset up ng Camera
Mabilis ko lang tinapos yung huling dalawang video, saka nagsulat ng mga notes.
Hindi naman ako nasstress dito, sadyang tinatamad lang
Hindi pa ako nakakakuha ng bagsak na grades sa mga PETA ko, nageexcel din ako sa recitation pero ayon nga, tinatamad lagi.
May mga natitira pa akong kailangang gawin pero bukas ko nalang itutuloy, kailangan ko ng pumasok para makaabot ako sa after lunch classes namin.
Pagkapasok ko palang ng University ay pansin kong hot topic nga ang Candidacy para sa susunod na School year
Puro kasi bulungan, kahit wala pa namang official announcement ay pinaguusapan na
Freshmen palang ang tatakbong President?
Agad akong pumunta sa Room namin para makisagap ng balita
"Daisy!" I called her
"Bilis skye!"
Agad akong umupo at tumingin sa kanya
"Ano na?"
"Ang President sa kabila ay si Jeanne..
Tumango naman ako, expected na kasi yon, deserving naman sya tumakbo biglang President
" Yung isa ay si Adrian. Adrian Cueto"
Nanlaki naman ang mata ko sa narinig
Seryoso ba? Baka bluff lang?
"Freshmen palang" Kumento ko
Tumango naman sya
"Sabi ng iba, si Ma'am Devega bilang Adviser nila ang nagassign mismo kay Adrian"
"Si Lewis ang VP, approved na daw eh. Pero yun palang ang nilalabas, ang alam ko hindi pa sila kumpleto"
"Sinong VP sa kabila?"
"Wala pa"
"Ang baguhan ng iba"
Sumangayon naman sya
"Let's see kung anong meron sa kanila"
Hindi na ako nakapagsakita uli nang dumating na yung Prof namin
Iniisip ko pa din kung bakit sumali si Lewis, ang sungit nya kasi tapos sabi nga ni Adrian, maselan ang Girlfriend nya.
Anong nangyari?
Hindi pa naman naguupdate si Adrian
Pagka dismissed palang ay tumakbo na ako paalis, bahala na muna si Daisy
Pumunta ako sa building ni Adrian
"Sup!" Banggit nya pagkalabas ng Room
"Seryoso? President?" Hindi makapaniwalang sabi ko
Nahihiya naman syang nagiwas ng tingin
"Oo" natatawang sabi nya saka binalik ang tingin sakin
"Bakit?"
"Papakinggan mo na ba agad ang Platform ko?"
Umiling naman ako saka tumawa ng mahina
"You're really into this" kumento ko kaya tumango tango sya
"Nung una ayaw ko, Freshmen palang ako, pero sumugal na din ako, alam ko namang mapapanindigan ko eh" sabi nya
"Si Lewis?"
"Sa totoo lang, si Lewis talaga dapat ang President tapos ako ang VP, pero basta"
Tinignan ko naman sya ng masama
"Wag kang pabitin"
"Sya nalang tanungin mo"
"Hindi nga kami Friends eh!"
"Sabagay, pero ang pangit naman kung sakin nanggagaling"
"Sabihin mo na kasi!"
"Ayoko"
"Clue nalang!"
"Ang kulit talaga"
"Please?"
"Tungkol sa Girlfriend nya"
Natigilan ako
"Ano?" natatawang sabi nya nang makita ang reaksyon ko
"Kumpleto na line up nyo?"
Kumunot naman ang noo nya sa tanong ko
"Hindi pa, bakit?"
"Anong bakante?"
"Magaapply ka?" Nagtatakang tanong nya
"Anong bakante?" paguulit ko
"May mga candidates na pero wala pang final decision"
Tumango naman ako
"Sige! Salamat!" Sabi ko saka tumakbo paalis
Wala pang Final.
Agad akong pumunta sa Student Council Office para kumuha ng Application form
"SIGURADO ka ba dyan sa gagawin mo?" Nagaalangang sabi ni Daisy
"Oo" sagot ko naman habang nagfifill up
"Skye, i know you're skilled enough pero seryoso ka na ba talaga? " Seryosong sabi nya
Tinignan ko naman sya
"Hindi mo ba naisip na baka kaya ko nakita si Lewis ay para makilala ko si Adrian at magkaroon ako ng lakas ng loob na tumakbo uli?" Makahulugang sabi ko
"You're being optimistic again"
"Hindi na naman mauulit yung nangyari dati, kaya ko na to, support mo nalang ako"
Mukang nagdadalawang isip pa sya kaya naman nagsalita uli ako
"This will be my last chance Daisy, Kailangan ko ang Best friend ko"
"Minsan talaga mas gusto ko nalang pag tinatamad ka, it means that you're far from being you four years ago"
Tumahimik naman ako.
That four years ago me was a strong girl.
I was Third year high school nang tumakbo ako bilang President ng School namin. I won, pero sobrang daming nagtataka sa resulta, there are rumors na binayadan ko daw or something
But God knows how much i wanted and respect that position, i won't do such things.
Ang kalaban ko kasi noon ay ang anak ng Principal kaya naman madaming nageexpect na mananalo sya, even the teachers.
Madami ang nangbully sakin through social media, i got depressed pero tinuloy ko pa din, i did my Platform, i proved myself to them pero malaki ang naging epekto sakin non mentally and Daisy witnessed all of it.
Kaya naman iniwas ko ang sarili ko sa mga ganon, naging happy-go-lucky na ako at hindi na masyadong sineryoso ang pagaaral.
"Hindi na naman President eh" Natatawang sabi ko
"Kahit na"
Hindi na ako sumagot, mahirap kasi baguhin ang isip nya
"Fine"
Nanlalaki ang mata kong tinignan sya
"Do it, i got your back"
Ngumiti naman ako saka sya niyakap
"Thank you!"
"Sige na, tuloy mo na yan"
Agad ko naman tinapos ang form at pinasa sa Office.
Papunta na sana ako sa Cafeteria nang tumunog ang Cellphone ko
"I got your application form" Si Lax.
"Kakapasa ko lang ah" Natatawang sabi ko
"Seryoso ka talaga?"
"Oo eh"
"If it's about Lewis do--"
"It's not about Lewis, Lax. I'm really serious about this, i know the responsibilities"
"Fine, may interview pa dahil dalawa kayo para sa pwesto ng secretary, later, 3 pm, sa Library nalang"
Napangiti naman ako
"okay, see you!" Masayang sabi ko saka pinatay ang tawag
30 minutes before 3 pm.
Agad akong kumain saka tinext si Daisy na may Interview pa ako kaya mauun na syang umuwi, lilibre nya kasi sana ako mamaya dahil Celebration daw sa Comeback ko.
Agad akong pumunta sa Library para maging kumportable ako sa paligid. Hindi ako pumupunta sa Library eh, nung huli ay nung sinamahan ko si Daisy last last month pa.
Uupo na sana ako malapit sa may pinto nang makita ko si Lax sa dulo, naka ubob sya patagilid, mukang tulog.
Lumapit naman ako pero hindi ko sya ginising.
Umupo lang ako sa katabing upuan saka nilabas ang cellphone ko at naglaro ng temple run.
Ilang minuto pa ang dumaan saka sya nagising, tumingin ako sa kanya napatingin sya sakin
"Anong oras na?" Tanong nya, nakaubob pa din
"5 minutes before 3"
Tumango sya saka umalis sa pagkakaubob
Magsasalita pa sana ako nang dumating si Lewis
"Sub ako kay ma'am, busy eh"
Tumango naman si Lax saka bahagyang tumingin sakin
Napairap naman ako saka naglaro nalang uli
Mamaya na ako magpapaka fangirl
"Let's start" Sabi ni Lax
Tumango ako saka umayos ng tayo
"What are the duties of student council secretary?"
"Secretary for me is like a Guardian. They are usually the person who are responsible for keeping accurate notes. It's the secretary's responsibility to ensure other students and faculty have the access to this notes so the student council has transparency." Pormal na sabi ko.
That was my secretary's approved speech back then. I kinda did that pero binago ko ng slight.
"Why secretary? May iba pang Positions na pwede" Tanong naman ni Lewis
First time na kinausap nya ako
Tinignan ko sya
"Being a secretary may look easy to others but its not. You should be organized, attentive, and should keep track of everything from deadlines to important files and I am confident enough to say that i have all of it"
Napansin kong tumaas ang gilid ng labi nya bago tumikhim at sumandal
"Just confident enough to say?" He asked
Napangiti naman ako
"Consider me as the Secretary, I'll prove to you that I'm also confident of doing it"
"It's done. May Official meeting bukas ng umaga, 6 am, para sa meeting de avance, pumunta ka" sabi ni Lewis kaya napangiti ako lalo
"Ako na ang Secretary sa inyo?" Naeexcite na sabi ko
Kumunot naman ang noo nya
"Minutes ago you're so formal, now you're being excited"
"Sabi mo tapos na ang Interview"
Tumango naman sya
"Ehem, nandito pa ako"
Napatingin naman ako kay Adrian na nakangisi na ngayon
"Aalis na ako" Sabi ni Lewis saka tumayo at umalis
Natatawa tawa naman si Adrian kaya tinignan ko sya
"Ano?"
Umiling naman sya saka tumayo na din
"Alis na din ako, skye"
"See you bukas!" Sabi ko nalang
Sumandal ako sa upuan
The feeling that i should've felt earlier is what iam feeling right now.
It's like my heart will explode, damn Lewis for making me feel like this.