webnovel

Our What Ifs (Filipino)

Si Jen ay isang sikat na photographer sa pilipinas pati na rin sa ibang bansa. Halos nasa kanya na ang perfect life dahil sa kasikatan na tinatamasa. Pero pano kung may kulang parin? Kung maraming "What ifs" na walang kasagutan? at ang tanging kasagutan lang ay kung a-attend siya ng grand reunion ng highschool batch niya. ano ang dapat niyang click? "Attend" "Ignore" Ano ang dapat niyang sundin? Puso o isip?

LustinusWrites · LGBT+
Not enough ratings
8 Chs

What If: Gusto ko siya?

2006

Jen's POV

"Oh? Ano nangyari? Di ka ba pagagalitan?" Tanong ko kay Francis na naka shades at cap

Hindi ito umimik at tsaka lang yumuko at aaktong matutulog na parang hindi man lang ako narinig o nakita.

"Okay ka lang ba?" Tanong ko ulit dito

Wala ulit akong narinig na sagot sa kanya. Tinitigan ko itong mabuti at nakita ko ang mga galos sa kamay niya pati na rin sa may braso. Hindi ko na ulit siya tinanong pero agad akong lumapit dito at inakap siya.

"Jen, nalaman na nila papa na bakla ako" iyak nito sakin at tsaka umakap pabalik sakin

"Si tito ba ang gumawa niyan? Gusto mo ba kausapin ko si papa para kausapin siya?" Tanong ko dito

"No, no need" tanggi nito at tsaka nagpunas ng luha niya "Baka ilipat ako ng school" sabi nito at tsaka tumingin sakin

"Then you expect me to just keep quiet?" Naiinis kong tanong dito

"Jen, we know our parents too well. Pero I promise you na matatanggap din nila ako at magiging proud sila sakin" sabi naman nito at tsaka hinawakan ang kamay ko "Thank you, Jen for always saving me. Wala man ako physically dito next school year pero promise hindi kita pababayaan"

"Mag isa na lang ako" nanghihina kong sabi dito at tsaka umupo sa tabi niya

"Ano ka ba, andyan sila Michy, Mark, si Bettina" sabi nito at tsaka ngumiti sakin "Alam ko hindi ka nila pababayaan and promise pipilitin kong bumalik" sabi namam nito at tsaka pinunasan ang luha sa mata ko.

"Promise ah?" Sabi ko naman dito "Pano yan? Break na tayo?" Natatawa kong tanong dito

"Oo, break na tayo as fake bf/gf" natatawa nitong sabi at tsaka ako inakap ng mahigpit "Jen, kung san ka magiging happy susuportahan kita" bulong nito sakin

2007

Jen's POV

Gaya ng hinala namin ni Francis, inilipat nga siya ng school ng papa niya. Sa ALL BOYS SCHOOL akala mo naman hindi lalandi dun ang anak nila.

Ang hindi tama sa hinala at plano niya para sakin... Hindi naman nandyan sila Bettina for me eh, in fact, naging distant siya sakin and I don't know why kaya naman mas tama ang hinala ko na  magiging mag isa nga ako.

"Jen, hi"

Agad akong napatingin sa bumati sakin. Ngumiti ito at tsaka tumabi sakin.

"Akala ko sa kabilang section ka?" Tanong ko dito

"Ah, nagpalipat kasi ako dito" paliwanag naman niya

"Nagpalipat? Bakit?" Tanong ko dito

"Kasi baka wala kang kasama and baka malungkot ka? I didn't mean to offend you in any way pero kasi wala si Francis and I know sanay ka ng palagi siyang kasama so gusto ko sana samahan ka"

"Thank you" sabi ko naman dito

"So pwede bang tumabi sayo?" Tanong nito sakin

"Sure" sabi ko dito at tsaka inayos ang mga gamit ko para maka upo siya

Ganito pala ang feeling ng kahit paano may friend kang makakausap. Gumaan bigla ang pakiramdam ko. Kahit na hindi kami ganun ka close ni Mark na appreciate ko naman yung effort niya as a friend.

"Okay, first and last row ang group one then second and third row ang group two. Gumawa kayo ng simple introduction kung sino kayo at kung paano namin kayo makikilala. Ayoko na ng typical na tatayo at magpapakilala so kung sino pinaka artistic ang pagpapakilala exempted sa first quiz"

Agad naman akong napatingin sa last row at kung mamalasin ka nga naman..... ka grupo ko si Bettina.

"Tara, meet na natin mga ka group natin" tumayo naman agad si Mark at tsaka kami sabay na nagpunta sa last row at naupo sa floor

"May ideas kayo?" Tanong ni Michy habang nag mamake-up

"Pasingit po" sabi naman ng isa pa naming ka grupo at tsaka sumiksik samin dahilan para mapatabi ako kay Bettina

Awkward... bakit ba ko umabot sa gantong situation? Okay naman ako tapos biglang feeling ko may kaaway ako na hindi ko maintindihan.

"Kamusta kayo ni Francis?" Tanong ni Michy "Nakita namin kayo bago mag summer vacation  magkaakap" kinikilig nitong kuwento

"Michy, di naman importante sa topic yun kailangan mo pa sabihin" aboridong sita ni Bettina dito

"Ito naman napaka sungit" reklamo ni Michy

"Totoo naman. Mag focus na lang tayo sa task" sabi naman ni Bettina

Tinignan ko naman siya pero halos ayaw niya kong tignan. Nakayuko lang ito at nagsusulat.

"Wala na kami ni Francis" sabi ko naman sa kanila "Friends na lang kami"  pag eexplain ko at tsaka ako sumandal at ngumit sa kanila para naman hindi halatang awkward

"Sayang naman. Ang tagal niyo na eh" sabi naman ni Michy

Nagsimula naman na sila mag plano kung ano pwedeng gawin sa task namin.

Ako? Sa totoo lang wala akong gana na mag activity or gumawa ng kung ano ano dahil hindi ganun ka ganda ang pakiramdam ko.

Una, si Francis hindi ko na kasama. Ayos lang naman sakin kung forever kaming mag panggap na mag jowa eh. He's my bestfriend since we were kids then ngayon wala siya.

Second, feeling ko ang loner ko kasi yung inaasahan ko na magiging close ko ni hindi man lang ako tinitignan.

"Tama ganun na lang gagawin natin. Game ah" naka ngiti at excited na sabi ni Michy

After ng meeting nag stay lang naman kami sa pagkakaupo sa floor dahil maaga naman kami natapos kaya yung iba nag bathroom break, yung iba naman nagkukuwentuhan at yung iba naman mga nag cecellphone lang.

Sumandal na lang ulit ako sa wall dahil feeling ko matagal tagal pa bago kami balikan ng teacher namin.

Nagulat na lang ako ng biglang may sumandal na ulo sa balikat ko. Agad akong napatingin sa kung sino man ang sumandal sakin.

"Namiss kita, Jen"

Naramdaman ko naman na idinikit niya ang hinliliit niyang daliri sa hinliliit kong daliri.

Tug Tug Tug Tug

Wala na yata akong ibang narinig kundi ang kabog ng dibdib ko nang sabihin sakin yun ni Bettina.

Tama ba tong nararamdaman ko? Bakit ko to nararamdaman sa kanya?

Gusto ko ata siya?

To be Continued...

Bonus:

Bettina's POV

"Dito ka parin naman siguro sa susunod na school year no? Wag ka ng lumipat" pagmamakaawa sakin ni Michy

"Hindi naman ako magdedecide nun syempre sila papa na yun" sabi ko naman dito at tsaka kami sabay na naglakad papunta ng canteen

"Ay ang taray, ang sweet talaga nila" sabi ni Michy habang may tinitignan malapit sa garden house kaya naman napatingin din ako kung sino tinutukoy niya.

Nakita ko naman si Jen na akap akap si Francis. Hindi ko alam, mabait naman si Francis and all pero bakit feeling ko hindi siya bagay para kay Jen? Bakit feeling ko mas okay lang na friends silang dalawa?

"Oh? Bakit ganyan mukha mo? Para kang sinakluban ng langit at lupa" natatawang biro sakin ni Michy "Ano ka? NAGSESELOS?" Tanong nito at tsaka nagsimulang maglakad

Ako? Magseselos? Sira ba ulo nito ni Michy? Napaka imposible naman ng pinagsasasabi nito. Hindi ko namam type si Francis kaya pano naman ako magseselos?

Agad naman akong napatingin ulit kay Jen..... Nagseselos ata ako...