webnovel

Our What Ifs (Filipino)

Si Jen ay isang sikat na photographer sa pilipinas pati na rin sa ibang bansa. Halos nasa kanya na ang perfect life dahil sa kasikatan na tinatamasa. Pero pano kung may kulang parin? Kung maraming "What ifs" na walang kasagutan? at ang tanging kasagutan lang ay kung a-attend siya ng grand reunion ng highschool batch niya. ano ang dapat niyang click? "Attend" "Ignore" Ano ang dapat niyang sundin? Puso o isip?

LustinusWrites · LGBT+
Not enough ratings
8 Chs

What if: Bumalik?

2006

Jen's POV

"Ang loner mo talaga"

Nagulat ako nang marinig ko ang boses niya at tsaka ako tumingin sa direksyon kung saan nanggaling boses niya.

"Asan boyfriend mo?" Tanong niya sakin at tsaka tumabi

"Ha?" Nagtatakang tanong ko dito

"Si Francis, diba boyfriend mo siya?" Tanong nito sakin

"Ah.. oo" sagot ko naman dito

"Bakit parang hindi ka sure" natatawa nitong biro at tsaka kumuha ng libro at nagsimulang magbasa

Agad naman akong umiwas ng tingin sa kanya at nagsimula ng mag drawing para sa project.

"Ang galing mo naman mag drawing. Talented ka talaga. Dapat mag fine-arts ka" sabi nito kaya napatigil ako sa ginagawa ko at napatingin sa kanya

"Fine-arts?" Tanong ko dito "Diba wala naman kita dun?" Tanong ko dito

"Bakit? Sa pera ka lang ba naka focus?" Tanong nito sakin

"Ikaw ba? Ano gusto mo?" Tanong ko dito

"Ikaw"

"Ha?" tanong ko dito nang marinig ko ang sagot niya

"Sabi ko, ikaw, ikaw muna" sabi nito at tsaka ngumiti

"Well, gusto ni papa na ako mag handle ng business namin in the future" pagkkwento ko dito

"Sus, gagawa gawa sila ng business tapos pipilitin nila anak nila kuhanin after" biro nito at tsaka sumandal na para bang matutulog na "Ako? Hmm  gusto ko maging photographer"

"Talaga? Mas bagay kang stewardess" biro ko dito

"Bakit naman stewardess?" Natatawang tanong nito sakin

"Kasi napaka gala mo" sagot ko naman sa kanya

"Pano mo naman nasabing gala ako?" Nagtatakang tanong nito

"Sa FriendSite kung san san ka nagpupunta" sabi ko naman dito

"Ah marunong ka ng mag joke ngayon?" Sabi nito at tsaka ako sinimulang kilitiin

"Uy, sira ulo ka baka mapalabas tayo" awat ko dito habang nagpipigil ng tawa

"Stewardess pala ah" sabi naman nito habang pinipilit akong kilitiin

Present

Jen's POV

"Naiinip ka?"

Napalingon ako agad nang marinig ko ang boses niya. Ganto pala ang magiging reaction ko kapag nakikita ko siya. Dati kasi halos di ko alam kung san ako magtatago kapag marinig ko pa lang ang pangalan niya.

"Na o-overwhelm lang ako sa dami ng tao" paliwanag ko dito

"Photographer... bat di ka nag business class?" Tanong nito at tsaka naupo sa bench malapit sa tinatayuan ko

"Wala, I just felt like hindi para sakin ang business. You? Ba't ka nag stewardess?" Tanong ko dito

"Sabi mo kasi bagay sakin ang stewardess diba?" Sabi nito habang inaagaw ang yosi na kakasindi ko lang at tsaka ito tinapon sa basurahan. "Na miss kita, Jen... Big time" sabi nito at tsaka muling tumingin sakin "What happened?" Tanong nito habang nakatitig sa mga mata ko

Sa moment na to... Parang pakiramdam ko kulang ng oxygen dahil hindi ako maka hinga. Sobrang sakit din ng nararamdaman ko sa dibdib.

Sa moment na to... Bakit parang bumabalik lahat... Lalo na ang feelings na hindi naman na dapat pang maramdaman...

To be Continued...