3 A New Beginning

"OKAY your Hired!" ang sabi ni Mr. Corpus pagkatapos ng mahabang interview.

"Talaga po? maraming salamat po!" excited kong sagot. "Ano nga po pala ang Product na imo-model ko?" curious kong tanong.

"CONDOM"

Ang buong akala ko ay children's toy ang product ng Company na inaplayan ko, nakasulat kasi sa reception area doon sa signage na "HAPPY MEAL" kaya akala ko pambata ang mga produkto pero ng balikan ko ulit iyon at alisin ang halaman na nakatakip sa dulo ng signage "HAPPY MEN" pala ang pangalan ng company. Sex toys pala kadalasan ang produkto nila.

Ayos lang malaki naman ang offer nila, saktong-sakto at may pambayad na ako kay Don Paks. Wala akong gagawin kung hindi magpakuha ng larawan hawak ang iba't-ibang klase ng condom.

In-fairness ngayon ko lang natuklasan ang iba't-ibang klase ng condom. May glow in the dark, may neon colors, may spikes, may super thin at may fit all sizes din, may iba't-ibang klaseng flavor din. Napag-isip tuloy ako nalalasahan ba ng keps iyon? Bakit kailangan may flavor pa? Wala ako masyadong alam dito since wala naman akong karanasan sa mga ganitong bagay. Ang mahalaga ay ang sahod na makukuha ko. Bukod sa may pambayad na ako sa utang at expenses sa bahay, may pang tuition na rin ang bunso kong kapatid na si Elly, short for Eliseo.

========================

First day ng work ko ngayon at syempre ready na ako para sa photo shoot ko, agad akong nagtungo sa dressing room para magpa make up, feeling bigatin ang lola mo. May sarili akong make up artist at sariling dressing room. Sobrang feel na feel ko ang moment na ito, sa buong buhay ko ngayon ko lang naramdaman ang maging importanteng tao.

After ko magpa-make up ay dumating naman ang hair stylist ko at ang designer ng damit. Sobrang sexy at kipot ng damit na gusto nila ipasuot sa akin pero hindi naman malaswa. Bahagyang humubog ang aking katawan sa black dress na suot ko na three inches below the knee. May slit ito na hanggang itaas hita na halos umabot na sa baywang. Nagtataka naman ako, bakit kailangan ganoon pa ang suot ko eh half body lang naman ang kukuhanan sa'kin. backless pa ito eh hindi naman ako nakatalikod sa picture.

Anyway, hinayaan ko na lang at bagay naman sa akin ang sleeveless na plunging black dress na suot ko, hindi ko tuloy mapigilan na hindi mag-selfie.

Sabay nag-post ako sa social media na may caption na #imsexyandiknowit #feelingblessed #firstdayofwork

Habang nagse-selfie ako ay naalala ko na naman ang ex-bf ko na si Dexter, kung paano nya tinuro sa akin ang proper way ng pagse-selfie kahit papaano ay may natutuhan ako sa lalaking iyon.

Sa kalagitnaan ng photo shoot ay biglang tumigil ang lahat at napatayo ang mga nakaupo pati ako napatayo na din kahit hindi ko alam ang dahilan. Biglang bumulong ang photographer at sinabi na dumating ang CEO at may ari ng Company na Happy Men. Kaya pala bigla silang huminto sa kung ano man ang ginagawa nila at sabay-sabay silang bumati sa lalaking paparating.

Ang lahat ay naka antabay sa pagdating ng CEO, mabigat ang mga yapak ng paa na papalapit sa kinaroroonan ko na animoy slow motion kung maglakad. Naalala ko tuloy ang palabas na Baywatch, dahil habang naglalakad s'ya ay hinahangin pa ang kaniyang malago at malambot na buhok.

Dumiretso s'ya sa photographer at tinignan ang mga larawan na kinunan nito, habang ako ay tulala pa ring nakatingin sa kaniyang matipunong pangangatawan, gwapo ang kaniyang mukha, matangos ang ilong, mapupula ang kaniyang labi at higit sa lahat matambok ang pwet.

Matambok ang pwet? Syet bahagya kasi s'yang tumuwad ng tinignan nya ang larawan mula sa camera ng photographer.

Biglang nag-init ang aking mukha at namula ang mga pisngi ng mapansin kong nakatingin na pala s'ya sa akin habang pinagmamasdan ko ang kanyang likuran. bakit kasi ang bilog ng kaniyang pwet? Lumapit s'ya sa akin at habang nakatitig sa aking mga mata. Halos matunaw ako sa kaniyang mga titig. Ang ganda kasi ng mga mata n'ya lalo na ang mahabang pilik mata.

Hindi ko namalayan na sobrang lapit na pala n'ya sa akin na halos magdikit na ang aming mga mukha. Sa gulat ko ay bigla akong napaatras sa kaniya, at hindi inaasahang mawalan ng balanse ang aking katawan pero bago pa ako tuluyang mahulog ay nahawakan nya agad ang aking baywang sabay sinabi sa akin.

"Sa susunod tignan mo ang inaapakan mo para hindi ka mahulog," paksyet, suplado pala ito. Anong magagawa ko? 'Eto na nga nahulog na ako sa kaniya ayiiieee landi much! Pero syempre hindi ako nagpahalata at bumuwelta naman agad ako.

"Sa susunod huwag kang masyado lumapit kung hindi ka naman hahalik," ay, bakit iyon ang nasabi ko? biglang kumunot ang noo nya sabay sabi...

"Excuse me? What did you just say?" gwapo ka sana bingi nga lang.

"Ang ibig kong sabihin Sir, huwag po kayong masyadong lumapit shy type po talaga ako."

"Ah ganoon ba?" Sabay bitaw nya sa baywang ko. "I'm Bernard Madrigal CEO and Owner of this Company," pakilala n'ya sa akin.

"I'm PB Cagatin," tugon ko sa kaniya.

"So, you're the model of our new product?" habang tinignan n'ya ako mula ulo hanggang paa.

"Y-yes Sir," tumango ako sa kaniya.

Tumalikod na s'ya akin at muling tumambad na naman sa aking harapan ang kaniyang matambok na pwet. Hindi ko namalayan na natapik ko pala iyon na parang may sariling buhay ang aking mga kamay na kahit ako ay nagulat sa nagawa ko. Bigla syang lumingon sa akin na may halong pagtataka.

"M-may dumi po sa pantalon mo Sir, mitikolosa lang po ako kaya bigla kong tinanggal." Kung gaano kabilis ang aking kamay ay ganoon din ang kabilis ng utak kong gumawa ng palusot. Sa totoo lang sa lahat ng inexperience ako ang maharot!

Bago pa sya tuluyang umalis ng studio ay muli n'ya akong binalikan at sinabi na.

"Ms Cagatin, as our model. I need you to come with me tomorrow in the launching of our new product" seryoso n'yang sabi sa akin.

"Yes Sir!" mabilis kong sagot "Sir, saan po pala tayo pupunta bukas?" bigla kong tanong para mapaghandaan ko, baka kasi malayo.

"Hotel Le Madrigal" pagkasabi nito ay bigla s'yang tumalikod at naglakad papalayo.

"Paksyet! of all places bakit doon pa?"

avataravatar
Next chapter