51 I Loved Her First

"Via."

Napatigil ako saglit sa pag-iyak at agad na napalingon noong may tumawag sa pangalan ko.

Doon ay nakita ko si Nico, nakatayo, na mukhang galing lang sa CR. Dali-dali akong tumayo upang yakapin siya ng mahigpit habang patuloy pa ring umiiyak. Alam kong mukha akong tanga pero wala na akong pakialam dahil sobrang lumuwag ang dibdib ko.

Buhay si Nico. Buhay ang lalaking mahal ko.

Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin pabalik.

"Shh," marahang aniya habang hinahaplos ng palad niya ang buhok ko. Dahil doon ay napapikit ako at mas lalong naghabulan ang mga luha.  Naramdaman ko ang mahina niyang pagtawa at ang mas mahigpit niyang yakap. "Don't cry... ayos lang ako."

"A-akala ko... a-akala ko..." sinubukan kong magsalita pero hindi ko kaya. Parang naging bulong iyon.

Naramdaman kong ipinatong niya ang baba niya sa ibabaw ng ulo ko. Hinahaplos niya ang likuran ko habang ang mukha ko ay nakasubsob na sa dibdib niya.

"Shhh, don't cry please..." bulong niya. "Hindi na kita iiwan. Hindi na."

Umangat ako ng tingin sa kanya habang nakakunot ang noo. Kumalabog ang dibdib ko sa sinabi niya. Tatanungin ko sana siya tungkol doon nang biglang may tumawag sa pangalan ko.

"Via..."

Napalingon ako kay Topher na kakapasok lang. Kasunod niya sina Hazmin at Mrs. Garcia.

Napahawak sa bibig niya si Hazmin nang makita ang paraan ng paghawak sa akin ni Nico. Halos magpanic ako dahil sa gulat ngunit nanatili lang na  kalmado si Nico na para bang wala lang itong nakita nila...

"Kuya..." confused na sabi pa ni Topher.

Ako ang unang humiwalay sa pagkakawak ni Nico sa bewang ko. I also wiped my tears.

"Topher..." I said, I don't know what to say.

"Anong ibig sabihin nito?!" Napapikit ako dahil mabilis na hinawi ni Hazmin si Topher maabot ako upang sabunutan. Ramdam ko ang paghigit sa akin ni Nico pero mabilis si Hazmin. Ilang segundo rin naman ay agad akong nailayo ni Nico sa kanya.

Hinihingal na napasandal ako sa dibdib ni Nico habang hawak niya ang magkabilaang balikat ko. Gan'on rin si Hazmin, hawak siya ni Topher pero nagpupumilit pa rin na makawala para saktan ako.

"NICO, WHY THE HELL ARE YOU HUGGING THAT WOMAN!"

"Hazmin... stop." Umigting ang panga ni Nico habang marahang sinasabi iyon. Mahina ngunit puno ng diin.

"WHY WOULD I FUCKING STOP?! SHE'S OBVIOUSLY CHEATING ON TOPHER, AT SA LAHAT NG LALAKI, IKAW PA?" tumawa ng sarcastic si Hazmin. "You fucking bitch! Sinasabi ko na nga ba tama ang kutob ko!"

Muling susugod sana si Hazmin pero agad siyang nahuli ni Topher. Si Nico naman ay nasa harapan ko upang protektahan ako.

"Hazmin, I said stop!"

"NO!!! SHE'S A WHORE NICO!"

"YOU FUCKING STOP, HAZMIN!" Nalaglag ang mata ni Topher at ni Hazmin dahil sa biglang pagsigaw ni Nico. Pareho silang gulat maliban kay Mrs. Garcia na nakataas lang ang kilay na para bang alam niya na ang mga nangyayari. "YOU CANNOT CALL HER NAMES LIKE THAT AGAIN! Kung hindi ako ang makakaharap mo!"

Ramdam ko ang tensyon sa braso ni Nico dahil sa higpit ng hawak niya sa akin.

Laglag ang panga na napahalakhak si Hazmin dahil sa sinabi ni Nico. Padabog siyang kumawala sa pagkakahawak ni Topher.

"Ano? Inakit ka na rin ng malanding iyan?" Sabi ni Hazmin. "Hah! Tama nga ang sinumbong sa akin ni Jason. Lahat nilalandi mo, basta makita mong mayaman... Talagang tinuhog mo pa ang magkapatid? Ha? Hindi ka nakuntento kay Topher?"

"Hazmin enough!" Sigaw ni Nico.

"Ikaw ang tumigil Kuya!" Sigaw naman pabalik ni Topher. Napaatras ako dahil sa pagdagundong nito. "Ano 'to? Anong ibig sabihin nito? Akala ko ba Bro Code?"

This time, ako naman ang humawi sa braso ni Nico upang mag-step up. Nalaglag ang panga ni Topher habang confused pa rin na nakatingin pa sa akin.

"It's my fault, Topher." I said. Lumunok ako noong tumawa siya ng sarcastic.

Wala akong pakialam kay Hazmin o kay Mrs. Garcia, pero ang makitang ganito ang tingin sa akin ni Topher ay hindi ko kayang tignan.

"I loved your brother since--"

"Ganoon kabilis, Via?!" Sigaw niya at hindi ako pinatapos. "Ganoon lang kabilis nakuha ka na agad ng Kuya ko? Tangina! Ang bilis mo naman makuha!"

"Topher!" Saway ni Nico at hinawakan ulit ako.

"No, Topher, that's not it. Let me explain please. Magkakilala na kami---"

"NO! I don't fucking want to hear your stupid explanations!" Sigaw ni Topher. "Kaya pala... naiintindihan ko na... Kaya pala, Kuya. Tangina," sabi pa niya. "Ang tanga ko. Kaya pala tanong ka ng tanong kung kailan kami magkikita ni Via. Kaya pala... tuwing tinitignan mo siya may nararamdaman akong kakaiba. Kaya pala... kasi tangina, susulutin mo pala!---"

Bago pa matapos ni Topher ang sasabihin niya ay agad na siyang sumalampak sa sahig dahil sa suntok ni Nico.

"I loved her first, Topher!"

Umalingawngaw ang sigaw ni Nico at ang napakalakas na kabog ng puso ko. Nalaglag ang panga ng lahat... si Hazmin, si Topher, ngunit maliban pa rin kay Mrs. Garcia.

"What?" Nanghihinang tanong ni Topher.

"I fucking loved her first!"

avataravatar
Next chapter