webnovel

Hindi Ko Kaya

Noong makarating ako sa hospital ay halos humangos ako papasok sa loob. Agad akong nagtanong kung mayroon bang pasyenteng "Nico Garcia". Meron nga kaya naman agad akong tumakbo papunta doon sa room na sinabi n'ong nurse.

Halos manginig ako noong makita ang iba't ibang klase ng pasyente. Bumalik sa isip ko 'yong panahong nasa ospital ako at duguan rin dahil sa aksidente. I almost see Nico na nasa ganoon ring kalagayan.

Duguan. Walang malay.

I can't...

I can't lose him again please? Kahit hindi na niya ako ulit maalala okay lang. Basta nasa maayos na kalagayan lang siya.

Hindi ko makakaya kung mangyayari na naman ang pangyayaring iyon.

Nang marating ko ang sinabing room ng nurse ay halos lumabas ang puso ko nang makitang walang tao doon. Mayroong dalawang kama... ang isa ay walang laman habang ang isa'y may nakataklob na na puting kumot.

Agad na naghabulan ang puso ko noong natutok sa kamang iyon ang paningin ko. Nanghihina ang tuhod sa pagiisip na paano kung...

Noong halos makalapit ay nanginginig ang kamay na sinubukan kong tignan kung sino ang nasa likod ng kumot na iyon. Halos hindi ako makahinga. Sa sobrang panghihina ay napaluhod ako sa harap nito. Hindi ko na napigilan ang sarili kong humagulgol habang nakakapit sa edge ng kama.

Natatakot ako... natatakot ako na paano kung...

paano kung ang taong nakahiga doon... ay si Nico nga?

Hindi ko kaya.

Pakiusap. Hindi ko kaya.