webnovel

Chapter 93: Medicine

Kinaumagahan. Maaga akong nagising. Tumabi ako kay Bamby natulog katulad ng sabi nina tita at kuya Mark. Bumangon ako't naghugas ng mukha. Pagkalabas ko ng silid. Sumalubong sakin uli si kuya Mark.

"Good morning beautiful.." he greeted me with a beautiful smile. Halatang bagong gising sya dahil sa suot na damit. Nakapajama na itim at puting sando. Magulo pa ang buhok. Tuloy lumabas ang kakisigan ng katawan nito.

Nahiya akong nginitian sya bago binati rin ng magandang umaga. "Kamusta.." he asked nang alukin nya ako sa kanilang balkonahe. Agad sumalubong sakin ang malamig na hangin nang buksan nito ang sliding door mula roon. Katamtamang hangin iyon para magising nang tuluyan ang natutulog ko pang diwa.

Sasagutin ko na sana sya ng ayos lang kuya, pero may ihahabol pa pala sya. "I mean kayo?.. how's your relationship going?.."

Umurong bigla ang aking dila sa narinig. Damn it! Bakit tinatanong nya ito?. Did Lance opened up to him?. O gosh! Iniisip ko palang ang ganung bagay ay nag-init na ang pisngi ko. Ramdam ko ang pamumula no'n sa ngayon.

"A-yos lang po kuya.." nautal pa ako. Kingina!

Naglinis sya ng lalamunan. Mukhang may gustong sabihin pero di nya itinuloy. Tumubo ang kaba saking dibdib nang lingunin nya ako. "May sinabi sya sakin kagabi.." he cut his own words. Wearing his usual smile without showing anything from what he's been thinking.

Ano raw!?.

Lance naman eh!

Tuloy, di ko magawang lunukin ang bagay na nasa aking lalamunan. May ideya naman ako sa kung anong tumatakbo sa kanyang isip subalit di talaga ako sanay na pag-usapan ito. Lalo na sa ibang tao. Kay Lance na nga. Hirap na akong magsabi ng laman ng isipan ko. Sa kanya pa kaya. Kinakabahan ako sa kung anong sinabi nya rito. Baka tungkol sa kagabi?. Baka tungkol sa plano nya na hanggang ngayon ay di ko pa rin maintindihan. Gusto nya raw gayahin ang iba na ilagay sa Facebook ang aming status pero nagpamatigas talaga ako at di pumayag. Ako talaga! Ayoko ng atensyon. He already knew that even his little Bamblebie. I'm a private person. Sa social media man o sa totoong mundo.

"Don't worry.. hahaha.." bigla ay tumawa sya. Bumuka ang nagsikip na daanan ng hangin sa lalamunan ko dahilan para makahinga ako ng medyo maayos. Ganunpaman. Hindi pa rin nawala ang kakaibang kaba na dulot ng mga sasabihin pa nya. "He just said na di ka nya kayang bitawan.. tsk.." mahina pa syang umiling habang may kasama pang nanunuksong ngisi. Tinapik nya ang ulo ko ng mahina. "Inlove talaga sa'yo ang loko.. hahahaha.."

May kung anong saya akong naramdaman sa puso.

He really is!

Bahagya kong inipit ang labi sa pagpipigil na ngumiti. Gosh! Kinabahan ako dun. Gzzz!.

Ako rin naman sa kanya. Di ko sya kayang bitawan kahit minsan may nagpipilit sakin na gawin iyon.

Tumawa pa sya na para bang may sinabing nakakatawa ang kapatid nya. He looked away bago sumandal at nagdekwatro nang panglalake. Humalukipkip sya't naging tahimik na.

Iyon lang ba sinabi nya?. Baka meron pa?. Ang daming tanong na gusto kong sabihin sa kanya ngunit pinangungunahan talaga ako ng hiya. Hindi na yata maiaalis iyon sa akin hanggang pagtanda.

"Oh boy!.. good morning.. hahaha.." halakhak kalaunan ni kuya Mark. Nakatingala na sya ngayon sa likuran ko. Doon ko lamang natanto ang tinutukoy nya kanina pa. Kanina pa ba sya andyan? Bakit di ko man lang naramdaman presensya nya? Ganun ba ako kasaya sa narinig mula sa kuya nya. Naku gurl!. Kagat labi kong nilingon ang pwesto nya. Sa gawing likuran ko.

"Hmm.. morning kuya.." napapaos pa nyang bati sa panganay bago sya mabagal na nagbaba ng tingin sakin. "Good morning, baby.." bati nya na mahinang sinambit ang huling salita na nagbigay ng init sa pakiramdam ko kahit umagang umaga. Rinig kong mahinang humalakhak si kuya Mark sa likod ko't pinandilatan pa nya ng mata ito para tumigil lang. Sigurado akong namumula na talaga ang mukha ko.

"Oh baby... hahahaha.. well, excuse me. hahahaha.." tatawa tawang tumayo si kuya Mark sa kinauupuan nya't umalis na. Ang sabi nya. Tinatawag raw sya ng kalikasan na di ko naman maintindihan kung anong ibig nyang sabihin do'n.

Umiwas ako sa mukha nyang kaysarap titigan kahit bagong gising. May tao palang kahit bagong gising ay gwapo pa rin?. Grr!. I'm not saying na hindi na gwapo ang taong hindi gwapo. It's just that. Sa paningin ko. Sya ang pinakagwapo sa lahat ng lalaki sa mundo no matter what he'd do.

Gumalaw sya. Tinuko ang kamay sa kahoy na sandalan ng inuupuan ko tapos yumuko upang humalik sa tuktok ng buhok ko. "Good morning gorgeous baby... baba na tayo.." sabi nya habang hinahaplos ang aking pisngi ng marahan. Agad pa akong tumayo nang di nag-iisip kaya nauntog ako sa kanyang baba. Umungol sya sa sakit na dulot nun. Nangapa ako kung ano nga bang tamang gawin. Damn it! Ang aga gurl!

"Oh gosh.. baby sorry.." I held his hand na nakahawak doon sa ibaba nang kanyang baba. Hinaplos ko iyon ng dahan dahan. Nakapikit sya pero bakit ang gwapo pa rin nya? "Sorry.." inilapit ko ang mukha ko sa kanya upang tingnan kung namula ba iyon o hinde. Umungol muli sya ng haplusin ko ang baba nya. "God.. baby I'm so sorry.." di ko alam kung tama ba ang mga pinagsasabi ko ngayon. Kung magagamot ba nito ang sakit nya o hinde.

"I'm fine.." nagulat nalang ako nang hawakan nya ako sa magkabilang balikat bago niyakap ng mahigpit. "I'm fine now..."

"Really?.." paniniguro ko.

"Hmm.. your yakapsule is my cure but.."

"But?.." I asked back.

"But one kisspirin is much better than that.."

"Eh?.." bahagya akong lumayo sa kanya upang tignan sya ngunit di alam na nakanguso na pala sya. Ready for his medicine.

I didn't think twice. Basta, hinalikan ko na ang nakausli nyang nguso without any other thoughts. Matapos ang halik ay di pa rin nagbago ang itsura nya. Nakapikit habang yakap ako't nakanguso sa mismong mukha ko. Ilang dipa mula sa labi kong sabik dampian ang kanya.

"One more please.. I'm not yet fully cured.."

"Lance.. baka makita tayo.." tinapik ko sya sa balikat but he didn't even moved.

"Hmmm..." pinahaba pa nya ang mahaba nang nguso. Ipinipilit ang gusto. Para matapos na. I kiss his lips gently. Ang akala kong sandali ay naging matagal hanggang sa tumagal ng tumagal at pareho na kaming kapusin ng hangin at mapaismid.

We both laughed nang matanto ang ginawa. Bago pa nya maisip na gawin ulit iyon, na gusto ko sana pa ay inaya ko na syang bumaba upang makauwi na.

I need to go home. Baka kung ano nangyari sa amin tas heto ako't nagpapakasaya.

Next chapter