webnovel

Chapter 92: Pissed

Pareho kaming tahimik na pumasok sa kanilang bahay. Wala na ang ibang bisita. Nabawasan na rin ang ingay. Naayos na rin ang ibang mga mesa. Wala akong ideya kung sinong nag-ayos ng mga iyon kanina pero nang lumabas si tita galing sa kusina ay natanto kong sya ang umalalay sa lahat bago sila umalis.

"Buti andito na kayo.. umakyat na sa taas yung iba.. hija..tumabi ka nalang kay Bamblebie mamaya.. puno na ang guest room.." salubong nya sakin sa may gate patungong mesa na aayusin pa. Andun pa sina kuya Mark kasama ng kanyang tropa. Si kuya Poro. Kuya Zaldy at kuya Dennis. Nagkukwentuhan sila. Mukhang dipa sila lasing.

Sumunod ako sa kanya at tumulong na rin. "Ahmm.. tita.. uuwi nalang po ako.." natigilan sya saking sinabi. Maging ang pag-aayos ng mga baso ay natigil. Naglapat ang natutuyot ko nang labi sa kanyang paninitg.

"Gabi na hija.."

"Ayos lang po.. magpapasundo nalang po ako kila kuya.." sagot ko. "Tatawaga--..." di ko naituloy ang akmang sasabihin nang sumingit sya.

"Go upstairs and sleep with Bamblebie.." hindi ko alam na nasa likuran ko lang pala sya. Nakaupo sya sa isang mesa na may dalawa pang upuan. May mga baso pa doon na bahagya nyang pinagpatong patong saka tumingala sakin.

Heto na naman ako sa hindi malaman ang ipapakitang reaksyon sa kanyang sinabi. Kanina ay sobrang tahimik nya. Ngayon naman ay bigla syang sasabat. Hay! Kailan ba ako masasanay sa paiba iba nya ng ugali?. Though it's kinda off his rude attitude. pero di ko pa rin mapigilan ang sarili kong mas lalong mahulog sa kanya. Sa hindi magandang ugali nya at sa lahat sa kanya.

"It's already late.." Nag-iwas sya sakin ng tingin. Kahit malamig ang pagkakasambit nya nito. Naramdaman ko pa rin ang kagustuhan nyang pangalagaan ako't ilayo sa anumang kapahamakan.

"Tama sya hija.. dito ka na muna matulog.. gabi na at delikado para sa'yo ang bumyahe.. at baka tulog na rin ang mga kuya mo.."

"Anong meron?.." dumating si kuya Mark na palipat lipat ang tingin samin ni Lance. "Hinatid nyo ba sina Kian at Karen kanina?.." he asked while putting hi sboth hands on his pockets. Kay Lance sya tumingin kaya itinikom ko nalang ang aking labi sa kanyang tanong.

"Hmm..." tamad na sagot nito sa kapatid.

"Talaga?.. ng isang oras?.." tumaas ang kilay nya sakin at ngumisi nang tapunan ako ng ringin. "Kanina pa naiinip mga kaibigan natin sa inyo pero inantok na sila't lahat wala pa kayo.. what happened?.." usisa nya pa.

Napansin nya pa iyon?.

O well!. Muntik ko nang makalimutan na may ideya na pala sya tungkol sa amin.

"Wala.." bagot na sagot ni Lance. Maingay na gumalaw ang upuan sa gawing likuran ko. Hudyat na tumayo sya o gumalaw sa kinauupuan nya.

Kinakabahan na ako sa kung anong gagawin nya kay kuya Mark. Mabuti din at pumasok na ng kusina si tita dahil kung hinde. Dobleng tanong ang sasagutin namin ngayon.

"Let's get inside.." hinawakan nya ako sa braso kaya bahagya akong napatalon sa ginawa nya. Natanaw ko sa gilid ng aking mata sina Poro, Dennis at Zaldy na tumayo na rin sa kinauupuan at parang lalapit pa sa amin.

Pinanood lang kami ni kuya Mark. Hinihintay kung ano nga bang gagawin ko.

"Lance.. uwi nalang ako.." pagmamatigas ko. Tumiim ang bagang nya.

"It's late baby.. don't be hard headed.." napanguso ako sa linya nya. Hindi naman matigas ulo ko ah. Gzzz!.

Nakamot ko nang wala sa oras ang aking batok bago pinasadahan ng suklay ang aking buhok. Kabado sa pagiging tahimik nya. Maging ng mga taong kakarating sa aming harapan.

"Kaso.."

"Let's get in.." hila na nya sa akin. Hindi pinapakinggan ang gusto ko.

Hinila na nga nya ako't pareho naming nilampasan ang apat na laglag ang panga sa amin. "Lance.."

"Baby, please.. I'm pissed.. just.." huminto sya sa paglalakad saka frustrated na nagkamot ng ulo paharap sa akin. "Kahit ngayon lang.. pwede?.."

O damn!! He's really pissed!

Awtomatiko akong natahimik at di na nakaimik pa. "Kahit ngayon lang.." he repeated. Pinagdikit ko ang mga labi sa takot na lalo syang mainis sa akin. I know kung ano ang dahilan ng pagiging mainitin ng ulo nya ngayon. Ako. At ako rin ang makakapagpalamig doon.

Matagal bago ako maliit na tumango sa kanya. Nagpakawala sya ng nakakabagot na buntong hininga bago nya hinigpitan ang hawak sa kamay ko.

"Bruh.. Bamblebie's room!.." sigaw nito ni kuya Mark nang papasok na kami ng bahay.

"Tsk.. I know.." pagalit nyang bulong. Dinaanan pa kami ni tita bago muling lumabas ng bahay nila pero binalewala lamang iyon ni Lance. Wala syang pakialam kung may makakita man sa amin.

Tahimik lang sya hanggang makarating kami ng ikalawang palapag. Hanggang sa tapat pa ng kwarto ni Bamby. Ang akala kong bibitawan na nya ang kamay ko ay hindi nangyari. Mas lalo pang humigpit ang kapit nya ro'n.

"Get in.." he nodded me to get inside now. Nagbaba ako ng tingin sa aming mga kamay muna bago ako tumingin sa kanya. Humakbang sya ng tatlong hakbang palapit sakin. Ilang dipa nalang ang agwat namin ng magsalita sya. "I love you.." bulong nya bago ako hinalikan sa noo. Napapikit ako sa init ng presensya nya. Sa sobrang lapit nya. Napakapit na rin ako sa tagiliran ng kanyang damit. Dinadama ang kanyang halik. Wala na ang labi nya sa noo ko pero pikit pa rin aking mga mata.

Di nagtagal. Dumampi pang uli ang malamig nyang labi sa noo ko bago malambing na sinabi ang salitang binanggit nya kanina.

Kahit galit at halatang naiinis. Di nya pa rin ako matiis.

Ikaw kaya Joyce?. Kailan mo kaya magagawa ang ginagawa nya ngayon sa'yo?.

Next chapter