webnovel

Wilderness Hall

Editor: LiberReverieGroup

"Master, wala na tayong oras. Malapit nang magbukas ang lugar na iyon. Dumarami na ang taong papalapit."

Isang nakaka-akit na boses ang maririnig mula sa dilim.

Lumingon ang Wizard at tiningnan ang napakagandang babae nang walang pagbabago sa kanyan reakyson. "Gagawa ako ng ligtas na hangganan para masiguradong walang bakas ni Regis ang matatagpuan. Ikaw naman, dito ka lang."

Nakasuot ng kulay luntiang damit ang babae at tila mapanukso ito.

"Hindi, kailangan kasama kita."

"Masyadong mapanganib ang [Wilderness Hall], alam naman natin na ang Wilderness God ay isang Ancient Deity. Hindi pa natin alam ang ancient name niya. Kailangan kitang samahan."

Tila nag-aalala ito.

Tahimik na umiling ang Wizard. Muli niyang tiningnan ang istatwa at mahinahon na sinabing, "Kailangan may maiwan at magbantay kay Luna."

"Kailangan maging ipinagbabawal na lugar ang bundok na ito. Mula man sa hilaga o sa timog, walang dapat na makalapit. Mayroong dalawang mapangahas na lalaking umaakyat mula sa dakong timog, kaya kailangan kong dispatyahin mo sila."

May gusto sanang sabihin ang babae, pero nag-alinlangan ito.

Bago pa man siya makapag-isip ng kanyang sasabihin, naiinip na iwinagayway na ng Wizard ang kanyang kamay at sinabing, "Kung ganoon, ayos na ang lahat."

"Iiwanan ko na sayo ang [Puppy] ko para hindi ka mahirapan."

Bago pa man makasagot ang babae, naglakad na palayo sa dilim ang Wizard.

Matagal na tahimik lang at nakatayo doon ang babae.

Tiningnan niya ang makatotohanang istatwa ng babae nang may inggit.

"Higit isang libong taon na, pero mas mahalaga pa rin para sa kanya ang istatwa ng patay na Godess kesa sa akin…"

"Miss Silvermoon, ano bang klaseng gayuma ang makakapagpaibig sa isang lalaki habang-buhay?" bulong nito bago mawala sa dilim.

Lumulutang pa rin sa ere ang bolang kristal na may imahe ng dalawang aninong umaakyat sa bundok.

Sa labas ng Holy Light City.

Isang magandang babaeng nakasuot ng payak na kasuotan ang naglalakad pa-silangan.

Tila malungkot ito, at siya lang ang nakakaalam kung ano pa ang kanyang mga pagdadaanan sa kanyang paglalakbay.

"Isabelle, bakit ba hindi ka umastang normal na babae? Wala ka ba talagang hilig sa tsismis?"

"Ang Cold Light's Grasp ay ang mga Artifact ni Miss Silvermoon, at si Miss Silvermoon ay ang anak ng Mood Goddess na si Faniya. Hindi ka ba interesado sa pagkamatay niya?"

"Bali-balita na bago siya namatay, mayroon siyang kasintahan na Bandel ang pangalan. Isa siyang mortal na mayroong pambihirang talento bilang Wizard..."

"Hoy hoy hoy, bilang Apprentice Assassin, hindi mo pwedeng hindi pansinin ang Teacher mo…"

Wala pa ring emosyon sa mukha ni Isabelle.

Matapos ang ilang sandali, bumulong ito, "Teacher, gaano na ba katagal mula noong huling kumausap ka ng tao?"

Agad na natahimik ang boses.

Paglipas ng ilang sandali, malungkot nitong sinabi, "Nalimutan ko na."

"Hindi malinaw sa akin ang maraming bagay. Noong mga panahong iyon, tinaggal ako ng pesteng Witch na 'yon sa katawan ko at ginawang Wisp ang kaluluwa ko,magmula noon, naging malabo na ang pag-iisip ko."

"Kadalasan gusto ko nang mamatay, pero dahil sa Witchraft ng Witch, imposible na akong mamatay. Wala akong nagawa kundi pilit na sumubok… Hanggang sa nakilala kita."

"Isang maliit na batang babae ang nangahas na pumasok sa pinakamapanganib na lugar sa Assassin Alliance. Noong oras na 'yon nalaman ko kaagad na hindi ka ordinaryong mortal, kundi isang tao na maaaring magtuloy ng nasimulan ko!"

Bahagyang kumibot ang kilay ni Isabell. "Sa totoo lang, noong araw na 'yon… naligaw lang ko," amin nito.

Muling natahimik ang wisp.

"Isa pa, isa ka ba talaga sa nagtatag ng Assassin Alliance, ang tanyag na Winter Assassin?" Kakaiba ang reaksyon sa mukha ni Isabelle habang tinatanong ito, "Bakit itinuro sa Knowledge of Assassin na [Hindi kailan man tumawa ng Winter Assassin, Kasing tigas at lamig ng yelo ang pagkatao nito, at bibihira itong ngumiti. Tanging kamatayan at dugo lang ang nakakapagpasaya sa kanya…]

Napasigaw ang wisp, "Sinabi nila 'yon? Diyosko… Biro lang 'yon! Sinulat pala nila talaga 'yon at ginamit sa pagtuturo…Mali ang matututunan ng mga tao. Tsaka bakit ba kailangan maging laging seryoso ng mga Assassin? Kung ganoon edi mahahalata na sa mukha pa lang?"

"Wag mong sabihing hindi magandang katangian ang pagiging kalamado?" sabi ni Isabelle sa isang patanong na tono.

"Hindi. Hindi natin kailangan 'yon. Bilang isang mahusay na Assassin, hindi mahalaga kung kalmado o hindi, dahil sa huli, Disguise lang naman ang lahat ng 'to," Seryosong sagot ng Winter Assassin.

Tumango naman si Isabelle na bahagya lang itong naunawaan.

"Hindi mo talaga naiintindihan, no?" tanong ng wisp na masama na ang timpla, "Nakikita ko ang reaksyon mo. Hindi dapat laging walang emosyon ang isang babaeng gaya mong nagdadalaga."

"Dapat ay ngumiti ka rin paminsan-minsan. Kung hindi, iisipin ng mga tao na may sakit ka."

Mahinahong sumagot si Isabell, "Abnormal talaga ako noong una. Walong taon akong nanatili sa tinatawag nilang [Magic Space]. Pagkalabas ko, sinabi mon a isang buwan lang ang lumipas sa Feinan. At ngayon napunta na tayo sa Crimson Wasteland, kung saan iba rin ang takbo ng oras."

"Sa totoo lang, hindi ko alam kung ilang taon na ako. Buong oras sa Magic Space, tinuruan mo lang akong pumatay. Paano ako magkakaroon ng ideya sa ibang bagay? Nalimutan ko na ang huling beses na ngumiti ako, tulad nang nalimutan mon a kung kelan ka huling may nakausap."

"Mabuti 'yan. Abnormal talaga ang tulad mo. Mabuti ang Abnormal." Mapanuyang sabi ng Wisp.

Malinaw na ayaw nang makipag-usap ni Isabelle sa wisp. Noon pa man ay tahimik na ang batang babaeng ito. Kung hindi lang siya niligtas ng Winter Assassin mula sa pinakamapanganib na lugar sa Assassin Alliance, hindi siya magtyatyaga na samahan ang madaldal na matandang ito.

Pero habang nagpapatuloy siya sa paglalakad, bigla siyang nagtanong, "Kailan tayo babalik sa Feinan?"

Desidido namang na sumagot ang inter Assassin, "Kapag nakuha na natin ang Cold Light's Grasp."

Tumango si Isabelle. Isang anino ng isang lalaki ang dumaan sa kanyang paningin bago muling bumalik sa normal ang kanyang pulang mata.

Nagpatuloy lang siya, at sa dulo ng daan ay isang bulwagan.

Matagal nang nakatayo ang bulwagan na ito sa walang hanggang kasukalan. Mayroong itong simple at mapanglaw na awra.

"Ang Wilderness Hall, ang lugar kung nasaan ang grupo ng mga Ancient Deity."

"Kung may sapat kang lakas ng loob at ayaw mong manatiling isang walang kwentang nilalang sa magulong mundong ito, pumasok ka."

Seryosong sinabi ng Winter Assassin.

Walang pag-aalinlangan naman na pumasok si Isabelle.

Malakas pa rin ang bugso ng ulan ng nyebe. Pero hindi naman nag patinag sina Marvin.

Mataas ang resistance ng isang Ruler of the Night. Siguradong nanigas na at namatay ang sino mang mas mahina sa sitwasyon na ito.

Pero kaunting lamig lang ang naramdaman ni Marvin. Tiningnan niya ang Paladin.

Bitbit ni Griffin ang isang nanghihinang batang babae, at ang bawat hakbang nito ay matatag. Mayroong liwanag na nakabalit sa kanya na pumoprotekta sa batang babae mula sa matinding panahon.

Nakatulog na ito at mukhang komportable.

Malinaw na pinagkakatiwalaan siya nito. Mayroon ring karisma ang Paladin na ito na kaya naman parang ang dali siyang pagkatiwalaan ng mga tao.

"Anong pangalan niya?" Tanong ni Marvin habang patuloy na naglalakad s amalakas na bugso ng malamig na hangin.

Tiningnan ni Griffin ng kakaiba si Marvin bago sumagot, "Jasmine."

"Kawawang bata." Nakaramdama ng masamang awra si Marvin mula sa katawan nito at bumuntong-hininga, "Nakaranas rin akong gamitan ng matinding curse. Muntik na akong mamatay. Pero sinwerte ako na mayroong nagligtas sa akin."

Tumango ang Plain. "Hindi talaga mawawalan ng masasamang kapangyarihan sa mundong 'to," pagsang-ayon na sagot nito.

Tumingin si Marvin sa kanilang likuran at sinabing, "Hindi naman masama ang kapangyarihan, pero hindi mawawalan ng mga masasamang nilalang."

"Hindi na mahalaga 'yon. Gusto lang nilang makalapas dito nang ligtas."

"Basta hindi sila makaapekto sa pagpunta ko sa Holy Light City, wala akong pakialam sa kanila."

Malinaw na matalas ang kanilang Perception dahil nalaman na nilang sinusundan sila ng apat nilang kasama kanina.

Sadyang hindi na lang nila ito pinansin.

Nagpatuloy lang sila. Nang makakalahati na sila, lalong lumakas ang hangin.

Nagulat sila nang may marinig na mahinang pag-iyak ng sanggol.

Madilim ang kalangitan at kung hindi dahil sa matinding lakas nila, hindi na sana sila makakapagpatuloy

Sa kabila nito, napigilan pa rin sila ng biglang paglakas ng ulang ng nyebe.

Walang humpay ang pagbagsak ng nyebe sa loob ng maikiling oras, at umabot na ito sa kanilang baywang!

Nanlaki ang mga mat ani Marvin habang nagmamasid sa madilim na paligid.

Malinaw na hindi na ito natural. Mayroong nilalang na nagmamanipula sa panahon.

Isang madilim na anino ang biglang dumaan.

Hindi pa man nakakagalaw si Marvin, galit nang sumigaw ang Paladin!

Sa isang iglap, isang malakas na holy power ang lumabas mula sa kanyang katawan.

Nawala ang nyebe mula sa kanilang kinatatayuan at umabot ng sampung metro, walang naiwang bakas ang nyebe. Napalitan naman ito nang walang hanggang Order Power!

Ang TruthScale!

Isang malaking anino ang lumitaw sa likod ng paladin. Mas malaki na ito sa pagkakataon na ito. Mayroon pa ngang nakita si Marvin na isang lalaking walang emosyon sa kanyang mukha na may hawak sa Truth Scale. Sa ilalim ng light cast ng Paladin, isang nilalang na tila hamog ang naaninag nila.

"Isang Mist Dragon?"

Namangha si Marvin nang makita ang kanilang kalaban.

Bakit naman sila haharangan ng isang Mist Dragon?

Hindi nila ito maintindihan.

Pero wala na siyang oras na mag-isip pa dahil bigla na lang nagwala ang Mist Dragon. Tumingala siya at nakitang napakaraming ulap ang nagsimulang magtipon-tipon!

Ang mas nakakatakot pa, kasabay nito, nagsimula rin yumanig ang bundok!

Nakikita n ani Marvin na nagisismula nang gumuho ang tuktok ng bundok!

Gusto magdulot ng Mist Dragon ng isang avalanche!

Ilang kilometro mula kina Marvin, apat na tao ang palihim na sumusunod ang napaatras sa gulat. Napuno ng takot ang kanilang mga mata.

"Isang Mist Dragon!"

"Ang Mist Dragon ng Crimson Wasteland, at siguradong isa 'tong Ancient Dragon. Pucha, nakaharap talaga sila ng isang malaking sakuna."

"Wala na silang pag-asa, dapat gamitin na natin ang pagkakataon na 'to para tumakas!"