Matapos hiwain ni Fenno ang lupa, napakaraming dugo ang lumabas mula dito!
Higit sa dalawampu ang mga Ice Worm na nahira ni Fenno.
Pero mukhang hindi maganda ang kanilang kalagayan. Ang tila centipede na mga Ice Worm ay tuloy-tuloy na lumalabas mula sa nyebe.
"Pugad ng Ice Worm! Pucha, kailan pa nangkarong ng pugad ng Ice Worm sa Torch Valley!"
Hindi maipinta na gmukha ng Legend Wizard.
Ang mga Ice Worm ay mga pangkaraniwang nilalang sa Crimson Wasteland, pero hindi pangkaraniwan na makakita ng pugad ng mga ito. Kahit na madali lang dispatyahin ang ilan sa mga ito, mahirap harapin ang isang buong pugad ng mga Ice Worm
Tulad ito ng Immortal Snow. Kung mag-isa, mahina ito, pero kung marami itong sama-sama, lalo na at malapit ito sa kanilang pugad, kakayaning tapatan ng mga ito ang isang Legend!
At sa kanilang pananaw, mahirap patayin ang mga ito, pero napakababa lang ng nakukuha nila.
Ang Ice Breath ng mga Ice Worm ay maikukupara sa Ice Breath ng isang White Dragon. Matinding pinsala ang maidudulot nito sa mga sandata at armor.
Ang bawat Legend ng Martial Path ay iniingat-ingatan ang kanilang mga sandata. At madaling masisira ang kanilang sandata dahil sa pagharap sa mga Ice Worm.
Pero wala na silang maggagawa dahil nagalit na nila ang mga Ice Worm at libo-libo na sa mga ito ang naglalabasan mula sa kanilang pugad.
Hinila ni Marvin pabalik ang kanyang kabayo at itinaas ang kanyang staff, nagpapanggap itong mag-chant.
Sa sumunod na sandali, mayroong kulay berdeng liwanag na bumalot sa nyebe!
[Nature Communication]!
Napuno ng malakas na Nature Power ang buong lugar at maraming mga Ice Worm ang bumagal ang pagkilos.
"Atras!"
Hinila ni Fenno ang kanyang kasamahan na handa nang ibuwis ang lahat sa isang matinding pag-atake. Napakahusay magdesisyon at makiramdam sa laban ni Fenno. Alam niya ang tungkol sa Nature Communication spell, pero hindi niya alam kung maapektuhan ba nito ang mga Ice Worm. Subalit, sa ngayon, siguradong mas makakasama kesa makabuti ang paglaban sa mga ito.
Dahil sinusubukang makipag-usap ni Marvin sa mga Ice Worm!
Isa ito sa mga kalakasan ng mga Druid.
Iginagalang nila ang buhay at ang kalikasan, kaya naman nakakatulong ito sa pakikipag-usap nila sa lahat ng nilalang na nabubuhay.
Sinasabi na ang Druid na mayroong malalim nap ag-unawa ay kaya ring makipag-usap sa mga bagay na walang buhay, gaya ng mga bato.
Ang ganoong klaseng bagay ay imposibleng magawa ng isang pekeng Druid gay ani Marvin, pero ang Greyhawk Staff ay isang Oddity at bahagyang binibigyan nito si Marvin ng pagkakakilanlan ng isang Druid, isang bagay na sinamantala niya at ginamit.
May sariling pag-iisip ang mga Ice Worms, mayroon silang dahilan kung bakit nila inaatake ang mga adventurer.
Gustong malaman ni Marvin ang dahilan ng kanilang galit.
Unti-unting bumagal ang mga Ice Worm nang mabalot ng berdeng liwanag ang mga ito.
Pero mas umiigting pa ang pagsimangot ni Marvin.
Dahil sa kanyang isip, tanging paghalinghing lang ang kanyang naririnig.
Tila masyado palang mababa ang katalinuhan ng mga Ice Worm na ito. Ang kanilang isip ay nakatuon lang sa isang ideya, at iyon ay atakihi ang ano mang nilalang nal lumapit sa kanilang pugad.
Sinubukang kausapin ni Marvin ang mga ito gamit ang kanyang isipan, pero hidni pa rin siya nakakuha ng ano mang impormasyon matapos ang ilang sandaling pagsubok dito.
Gayunpaman, paglipas ng limang minute, unti-unti nang huminahon ang mga Ice Worm habang gulat naman na nanunuod ang lahat.
Dahan-dahan umatras ang mga ito at muling bumalik sa ilalim ng lupa, at para bang walang nangyari.
Pero ang dugo sa lupa ay pruweba ng isang matinding laban na naganap.
"Nararapat lang sa isang Great Druid."
Natutuwang tiningnan ni Fenno si Marvin at pinuri ito, "Nagawa mo talagang pigilan ang mga Ice Worm."
May dahilan ang tuwa ni Fenno. Kahit na maraming Great Druid ang may malakas na Nature Communication ability, mahirap ang pakikipag-usap sa isang nilalang na hindi ganoon katalino. At walang kahirap-hirap silang nanalo dahil kay Marvin.
Makikita sa pagtingin ng iba pa na mas nagkaroon ng respeto ang mga ito kay Marvin.
Tago ang awra ni Marvin, kaya naman tila misterioso rin ito.
Pero bago ang pangyayaring ito, pangkaraniwan lang ang lakas na pinamalas nito, kaya naman hindi siya gaanong binigyang importansya ng mga ito.
Umiling si Marvin at sinabing, "Hindi ko sila nakumbinsi."
Natigilan ang Legend Wizard. "Eh bakit sila umatras?"
"Nangako lang ako sa kanila," paliwanag ni Marvin habang sumisimangot ito.
"Anong pangako?" tanong ng Wizard. Tila hindi ito natutuwa dahil nagawang mangako ni Marvin nang hindi nito sinasabi sa kanya kahit na sumama lang ito sa kanilang grupo. Hindi niya mapapatawad ang ginawa ni Marvin.
Nagkibit balikat lang si Marvin."Sinabi ko sa kanila na hindi na tayo dadaan sa Torch Valley."
"Ano!? Anong Karapatan mo para gumawa ng ganyang desisyon?!" Sigaw ni Nolane, "Hindi dadaan sa Torch alley? Gusto mong umakyat sa bndok?"
Lalong sumimangot si Marvin, pero hindi ito sumagot.
Nalungkot naman si Fenno, habang nanatiling walang reaksyon ang lalaking may hawak na great axe.
"Sabihin mo nga sa akin kung bakit mo ginawa 'yon. O sapat na ang iilang Ice Worm para maghanap ng ibang dadaanan? Great Druid?" Panunuya ng Legend Wizard. Matalas ang tono nito at tila mayroong bakas ng Charm Magic.
Ang Effect nito ay para galitin ang kanyang kausap.
Kahit na hindi nagalit si Marvin, naramdaman pa rin niya ang paggamit ng Charm Magic sa kanya.
Ginagalit siya nito.
'Masyadong sanay maging dominante ang babaeng 'to,' panunuya ni Marvin sa kanyang isipan, pero wala na siyang balak makipagtalo dito at sa halip ay tiningnan niya ang paladin.
"Mister Griffin, hindi nila 'to makita, pero naiintindihan mo naman hindi ba?"
Ang Paladin na hindi pinapansin kanina ay tahimik na tumango.
Humakbang ito at isang liwanag na kulay pilak ang lumabas mula sa singsing sa kanyang daliri.
Maaaninag ang imahe ng isang timbangan sa liwanag!
[Truth Scale]!
Nawindang ang pag-iisip ni Marvin!
Kahit na naisip na ni Marvin na pambihira ang lakas ng Paladin, hindi inasahan ni Marvin na umabot na ang lakas nito sa punto na kaya na nitong i-summon ang Truth Scale.
Kahit na patay na ang God of Truth, kinakatawan ng Truth Scale ang pinakamataas na batas at kapangyarihan ng Domain na ito.
Sa anino ng Truth Scale, isang maikling daan na patuno sa Torch Valley ang nakita nila.
Tila nawala na ang nyebe at napalitan ito ng malinaw na bakas ng daan.
Sa isang iglap, napigil ang kanilang paghinga!
Dahil ang maikling daan na iyon ay mayroon pang nakatagong higit sa dalawampung pugad ng Ice Worm!
Sapat na ang isang pugad ng Ice Worm para mapagod sila, pero kapag ginalit pa nila ang iba pang pugad at lumabas ang lahat ng mga halimaw na ito…. Hindi na nila lubos maisip ang mangyayari sa kanila!
Hindi na maipinta ang mukha ni Cleric Nolane.
Pati na rin ang Team Leader na si Fenno.
Matagal na hindi nakapagsalita ang Legend Wizard.
Binasag naman ng mahinanhong pagsasalita ni Marvin ang katahimikan.
Tiningnan ni Marvin ang lahat at sinabing, "Kung pipilitin nating tumawid sa Torch Valley, pipira-pirasuhin lang tayo ng mga Ice Worm. Hindi ko alam kung gaano kalakas ang bawat isa sa inyo, pero ano pa man ang sandata niyo o skill niyo, sa tingin niyo ba matatapatan ng mga 'yan ang Ice Breath ng mga Ice Worm? Kung sabay-sabay nila tayong aatakihin, magiging istatwang yelo lang tayong lahat."
"Malinaw na hindi na tayo pwedeng dumaan dito."
Tinuro niya ang isang mataas na bundok na puno ng nyebe, "Wala tayong magagawa kundi akayatin ang bundok para makarating sa Holy Light City."
Nanatiling tahimik ang iba.
Tanging si Griffin lang ang tumango kay Marvin.
Matapos ang ilang sandali, kumisap ang mga mat ani Fenno. "Pasensya na pero hindi na kami makakapagpatuloy."
"Noong huling beses na umakyat kami sa bundok, may nakaharap kaming Immortal Snow Soul. Kung hindi kami naka-atras agad, baka nailibing na kami doon. Hindi na kami pwedeng dumaan uli doon."
"Isa pa, napapaliwanag na ng mga pugad ng Ice Worm ang maraming bagay. Malinaw na mayroong tao na ayaw makatawid ang ibang tao sa kabundukan. Ang taong iyon, o mga taong iyon, ay gustong harangan ang daan mula Black Swan Hill patungo sa Holy Light City. At ang isang taon kayang maglagay ng napakaraming pugad ng Ice Worm ay isang taong hindi natin kayang harapin. Kahit na magawa nating makaakyat sa bundok, siguradong maiipit lang tayo sa isang malakas na pag-ulan ng nyebe o kung ano pa man."
"Hindi na kami pwedeng magpatuloy."
Tila may panghihinayang sa kanyang mukha.
Sumimangot si Marvin habang tinitingnan ito.
Mukhang hindi rin natural ang reaksyon ng iba pa.
Wala nang gaanong sinabi si Marvin habang pababa sa kanyang kabayo, at iniwan na ang grupo. Naglakad na siya patungo sa mahabang daan patungo sa bundok kasama si Paladin Griffin.
Paglipas ng limang minuto, nang mawala na ang anino nina Marvin at Griffin….
"Hindi na ba talaga tayo tutuloy?" Tanong ng malaking lalaki na may hawak na great axe habang nagkakamot ng kanyang ulo, "Team Leader, hindi ba sabi niyo kailangan na talaga natin makapunta sa Holy Light City sa pagkakataon na 'to?"
"Tutuloy, syempre tutuloy tayo." Biglang nagdilim ang reaksyon ni Fenno. "Susundan natin sila."
"Hindi ordinaryo ang dalawang 'to. Baka mapilit nila ang sino mang nasa likod ng lahat ng ito. Susundan natin sila at baka sakaling may makuha tayong mga benpisyo."
"Sige na! Humabol na tayo sa kanila."
Muling naglakay ang maliit na grupo sa walang hanggang dagat ng nyebe, sinusundan nila sina Marvin habang mabagal na inaakyat ng mga ito ang bundok.
…
Sa kabilang dako ng bundok, sa isang madilim at liblib na ruins.
Isang Wizzard titig na titig sa isang istatwa.
"Luna… Narito na ako…"
"Sa wakas, matapos ang ilang taon, nahanap na kita."
"Sa pagkakataon na 'to. Hindi ko na hahayaang kunin ka ng sino man!"
Sa ilalim ng sombrero ng Wizard, dalawang maliwanag na berdeng apoy ang lumiwanag.
Nagdusa ang istatwa sa paglipas ng panahon pero may buhay pa rin ito.
Istatwa ito ng magandang dalaga.
Nakaluhod ito sa lupa, tila may tinatanggap na kaparusahan at mayroong nakakalungkot na reaksyon sa kanyang mukha.
Isang sibat ang nakasaksak sa puso ng babae, makikita ang isang malupit na eksena.
Ang kanyang kamay ay nakabitin sa hangin na para bang may hawak ito, at bahagyang makikita ang kumikisap-kisap na tuldok na kulay asul.
"Punyetang Thief!"
Nagmura ang Wizard, at hindi mapigilan ang kanyang galit, "Ninakaw mo talaga ang Cold Light's Grasp ni Luna. Pipira-pirasuhin kita!"
Nang biglang, isang bolang kristal sa kanyang harapan ang naglabas ng nakakasilaw na liwanag.
Makikita ang isang eksena dito.
Dalawang lalaki ang umaakyat sa isang bundok.
Ang isa sa kanila ay mayroong bitbit, na nanghihinang batang babae sa kanyang likuran.
Nagliyab ang berdeng apoy sa mga mata ng Wizard.
"Hindi ko hahayaang makalapit sayo ang sino man, mahal kong Luna…"