webnovel

Price

Editor: LiberReverieGroup

Sabay-sabay kumilos ang anim na anino, parehong-pareho sa isa't isa.

Sumimangot ang Grim Reaper ng Underworld. Bakit ba sobrang hirap kunin ng kaluluwa na ito?

Hindi na mahalaga ang Hellhound, pero ano naman ang meron sa anim na lalaking ito?

Bakit wala siyang maramdamang kaluluwa sa mga ito?

Ni walang pakialam ang anim na lalaki sa puting anino. Pinalibutan ng mga ito ang katawan ni Marvin.

Hindi nagtagal, nagbago ang mga reaksyon nila. "Ang kaluluwa niya? Nadala kaya talaga ito sa Underworld?"

Biglang tumingala ang anim, bawat isa sa kanila ay naglabas ng puting gem!

Nang makita ng Grim Reaper ang gem, kinilabutan siya.

Ang Gem of Seeing!

At anim nito!

Ano bang mayroon sa mga taong ito? Ganoon ba kadaling makakuha ng kayamanan na iyon?

Litong-lito ang Grim Reaper.

Siguradong makikita siya ng mga ito gamit ang Gem of Seeing.

At tulad ng inaasahan, matapos maglabas ng liwanag ang gem, lumingon ang anim at tiningnan ang Grim Reaper.

"Hehe…"

"Mukhang hindi pa huli ang lahat."

Tinitigan ng anim ang Underworld Reaper at sinabing, "Ibigay mo na sa amin."

"Sino kayo? Kinakalaban niyo ba ang Underworld?" Galit na sagot ng putting anino.

Napansin nitong maputlang-maputla ang mukha ng anim na lalaki. Maliksi ang kanilang paggalaw pero tila ba mga laruan lang sila na walang kaluluwa!

Sadyang kakaiba ang mga ito.

"Sino ako?" Sabay-sabay na sagot ng anim, "Ano bang pakiealam mo?"

"Ibigay mo na sa amin ang kaluluwa ng batang ito, bilis!"

"Kung hindi, hindi ka na makakabalik sa Underworld!"

Malakas ang loob nilang magsalita!

Naramdaman ng Grim Reaper na minamalas siya sa araw na iyon!

Noong una ay masaya pa siya dahil kukuha siya ng kaluluwa pero ninakaw ito ng isang Hellpuppy. At noong tuturuan n asana niya ito ng leksyon, anim na aroganteng tao naman ang dumating.

Bakit nga ba tila ang hirap nang maarok ng mga material plane?

Kaya naman pala masama ang pakiramdam ng kanyang amo… Ang hirap palang mangolekta ng kaluluwa sa panahon ngayon!

Seryoso niyang tiningnan ang anim, maaaninag pa rin ang soul shackle at mabigat na karit sa kanyang likuran.

"Kung gusto niyo talagang hamunin ang lakas ng Underworld, pagbibigyan ko kayo."

Inirapan lang siya ng anim na tila ba hindi siya sineseryoso ng mga ito. "Lakas ng Underworld? Nagawa ko na 'yon dati. Wala akong panahon para sayo, kaya ibigay mo na ang kaluluwa ng bata, bilis." Paghamak na sabi ng isa.

Lalong nagpuyos ang galit ng Grim Reaper at halos sumabog na ito, nang biglang tumahol ang Hellhound sa tabi!

Muling tumingin ang anim sa katawan ni Marvin. Mayroong isang Hellhound na nakaupo sa tabi nito!

Habang nalilito nilang pinanuod ito, ibinuga ng Hellhound ang isang bola ng ulap.

Ang lumulutang-luang ulap na iyon ay si Marvin.

Makikita ang saya sa kanilang mukha. "Pwede pa siyang mabuhay!"

Pero hindi sang-ayon ang Grim Reaper, at agad itong lumukso para umatake!

Hindi niya pababayaang makuha ng iba ang kaluluwang dapat ay sa kanya.

Suminghal naman ang anim na lalaki. Ang isa sa kanila ay naglabas ng scroll ay pinunit ito.

Isang Black Hole ang biglang nabuo, malakas ang pwersa nito. Ang Grim Reaper ang pinupunterya nito!

'Nalintikan na! Isang Greater Banish Scroll!"

Kasabay ng pagtanto ng anino sa nangyayari, hinigop na siya papasok sa Black Hole bago pa man niya matapos ang kanyang pag-atake!

Sa isang iglap, itinapon siya pabalik sa Underworld mula sa Arborea!

'Punyeta…'

'Sino ba talaga ang anim na 'yon?'

'Bigla na lang silang naglabas ng Gem of Seeing, at isang Greater Banish Scroll… pwede na nga nilang maitaboy kahit Underworld Overlord gamit ang mga iyon. Tapos ginamit lang nila sa akin?"

May pait sa pagngiti ng Grim Reaper.

Kahit na hindi niya nakuha ang kaluliwa, hindi na siya gaanong malungkot ngayon. Sa halip, nakadama siya ng karangalan.

Isang Greater Banish Scroll iyon!

Sa ganitong sitwasyon, wala siyang magagawa kundi tanggapin ang pagkatalo.

Pero ang nagtaka siya tungkol sa kaluluwang iyon… Anong uri ng tao ba iyon para lang basta-bastang gumamit ng Legendary scroll ang isang tao para lang protektahan ito!

Sa Arborea.

Unti-unting nagising si Marvin.

Nanunuyot ang kanyang bibig, at may matindi ang sakit ng kanyang ulo. Pagmulat niya ay nakakita siya ng isang makapal na tabing gawa sa bulak.

Ito ay silid sa loob ng palasyo ng Nottingheim Palace.

"Gising ka na?"

Isang malamig na boses ang kanyang narinig sa tabi ng kanyang tenga. Nakakita ng pamilyar na mukha si Marvin.

Shadow Thief Owl!

Pero ang tila namumutla ito.

"Origami?" Tanong ni Marvin.

Dahan-dahang tumango si Owl. "Ang bilis mong nagising. Pero simula pa lang ng kalbaryo." Malungkot na sabi ni Owl.

Gusto sanang umupo ni Marvin, pero hindi niya magawa.

Napatahol sa awa ang Hellhound na nasa tabi ng kanyang kama.

At sa di kalayuan, dalawnag Dark Knight ang nakabantay. Napansin niya rin si Nana, mukhang aalalang-alala, hindi siya hinahayaang makapasok ng mga Dark Knight.

Tumigil si Marvin at tiningnan ang kanyang mga logs.

Nanghihina nga ang kanyang katawan, pero sa pagkakataong ito, mas matindi pa ito kumpara noong una syang nagtransmigrate.

Dahil hindi lang humina nang 80 porsyento ang kanyang mga attribute, mayroon ding pulang linya sa ibaba ng kanyang status:

[Curse - Nightfall: 10 outbursts remaining]

Hindi pa tapos ang sumpa. Nasa panganib pa rin si Marvin.

"Buhay pa ko?" Tanong niya.

"Dahil sa matapat mong Hellhound." Tiningnan ni Owl ang Hellhound sa tabi ng kama ni Marvin. "Noong dumating ako, naroon na ang Grim Reaper. Niligtas ng alaga mo ang kaluluwa mo at pagkatapos ay nilipat naming ang sumpa sa clone ko."

Naunawaan n ani Marvin ang nangyari dahil sa pagpapaliwanag ni Owl.

Muntik na talaga siyang mamatay dahil sa Black Death Curse, pero dahil eksakto ang pagdating ni Owl, at inilipat nito ang sumpa ang sumpa sa mga paper clone niya, iyon ang namatay imbis na si Marvin.

"Makinig ka, nasa matinding panganib ka," seryosong paliwanag ni Owl. "Anim na paper clone lang ang pwede kong ipadala at nagamit na ang isa. Pwede nating ilipat ang sumpa sa kanila para sila ang mamatay at hindi ikaw, pero hindi natin matatanggal ng direkta ang mga sumpa."

"Sa madaling salita, may limang beses ka pang pwedeng mamatay."

Limang beses na pwedeng mamatay?

May pait sa ngiti ni Marvin. Kakaiba sa pakiramdam nang marinig niya ito.

Nauunawaan niya ang ibig sabihin ni Owl.

Sa katawan niya magmumula ang sumpa ng Nightfall. Ang mga paper clone ang magiging kapalit niya kapag umepekto na ang sumpa, para maligtas ang kanyang buhay.

Pero hangga't hindi natatanggal ang sumpa, nasa panganib pa rin si Marvin.

Mahirap tanggalin ang sumpa ng Nightfall!

Kahit si Inheim, ang makapangyarihang Legend Monk, ay pinapangalagaan pa rin hanggang ngayon ng Mother of Creation dahil sa sobrang lakas ng sumpa ng Nightfall!

"Ang tanging paraan lang ay ang pagbalik sa Feinan." Tiningnan ni Owl si Marvin. "Pero hindi sapat ang skill ng Great Wizard sa plane na ito. Masyadong mabagal ang pag-usad ng pagbuo ng Planar Lighthouse. Aabutin pa ito ng isa pang araw."

"Hindi mo na pwedeng hintayin 'yon."

Nanatiling tahimik si Marvin.

Masyado niyang minaliit ang kabaliwan ni Glynos sa pagkakataong ito.

Dahan-dahang umiling si Marvin. "Wala na tayong oras?"

Hindi mainpinta ang mukha ni Owl. "Hindi naman sa ganoon."

Natigilan si Marvin.

"Boy, talagang nasa sukdulan na ang kakayahan mong gumawa ng gulo. Halos mamatay kami sa takot nang makita naming mamamatay ka sa Decaying Plateau, at ngayon naman sinakop mo ang isang Secondary Plane nang hindi mo man lang kami sinasabihan."

"Sa tingin mob a ganoon lang kahina ang mga god?" Seryosong tanong ni Owl.

Nanatiling tahimik si Marvin.

Magmula noong nagtransmigrate siya, naging maayos naman ang lahat ng kanyang paglalakbay. Ilang butas na ng karayom ang nalusutan niya at ilang beses na ring muntik mamatay, pero sa huli, siya pa rin ang nagwawagi.

Kaya naman masyado siyang naging kampante.

At dahil din sa unti-unti niyang paglakas, tila ba hindi na siya kuntento sa nauna niyang plano.

Sinugod niya ang Arborea at ginalit ang isang god bago ang Great Calamity.

Hindi siya naging maingat at nalinlang siya ng Shadow Prince, kaya ngayon, nasa panganib ang kanyang buhay.

Hindi sinagot ni Marvin ang tanong ni Owl.

Totoong masyado siyang nagpadalos-dalos.

Pero ganito talaga ang pag-uugali ni Marvin.

Kung ibang tao ang nag-transmigrate, siguradong naging maingat ito lalo't delikado ang sitwasyon.

Pero iba si Marvin.

Arogante siya tulad ng isang expert, at may lakas ng loob na baguhin ang kasaysayan. Nasa dugo na niya ang pakikipagsapalaran.

Uhaw siya sa pakiramdam ng nasa bingit ng kamatayan.

Nalulong siya sa pakiramdam na ito.

Sa madaling salita, kahit na mukhang mahinahon at tahimik si Marvin, malakas ang loob nito at mahilig makipagsapalaran. Lalo pa't napakaraming plano niya ang naging matagumpay, kaya naman mas lalong nabuhayan ang kanyang loob.

Inakala niya na maaari lang siyang umasa sa mga nalalaman niya para talunin ang Shadow Prince.

Sa katunayan, nagawa naman niyang pugutan ng ulo ang avatar ng Shadow Prince.

Pero malaki panganib sa kanyang buhay ang naging kapalit nito!

Ang mundong ito ay hindi katulad ng dati niyang mundo.

Ilang beses siyang namatay dati, at dahil sa halo ng Golden Children, natuwa siyang paulit-ulitin ito.

Pero tunay na buhay na ito ngayon. Namamatay nang tuluyan ang tao.

Sa pagkakataong ito, kung hindi dumating si Owl para iligtas siya, kung hindi agad napansin ni Hathaway na mayroong mali, siguradong namatay na si Marvin.

Hindi niya ito lubos maisip.

"Ano? Natatakot ka na ba?" Panunuya ni Owl, "Huli na ang lahat!"

Walang nasabi si Marvin.

Paglipas ng ilang sandali, nagngalit ang kanyang ngipin. "Sir Owl, bago ako mamatay… ang White River…"

"Bahala ka sa buhay mo!" Galit na sagot ni Owl!

"Gumawa-gawa ka ng ganitong bagay nang hindi iniisip ang kalalabasan tapos susuko ka na lang at iiwan ang responsibilidad mo?"

"Sa tingin mo mag-aabala pa kong pumunta sa walang kwentang lugar na 'to para lang sabihin sayo na mamamatay ka na?"

Nagulat si Marvin.

Nang makita ang reaksyon ni Marvin, biglang bumuntong-hininga si Owl, "Normal lang naman sa kabataan ang magkamali."

"Pero kailangan pagbayaran ng lahat ang kanilang pagkakamali."

"Utang mo 'to sa kanya. Mukhang isang bagay 'to na hindi mo malilimutan."

Sa Feinan, sa Ashes Plain.

Sa tabi ng Space-Time Lighthouse, nakatayo si Hathaway sa tabi ng isang taong nakabalabal.

"Nakapagdesisyon ka na?"

"Para sa kanya?"

Isang kaakit-akit na boses na babae ang maririnig mula sa nakabalabal.

Payapa lang si Hathaway, pero may hindi maipaliwanag na tingin sa kanyang mga mata.

Mukhang marami siyang gustong sabihin, pero isa lang ang sinabi niya:

"Nakikiusap po ako sa inyo, Revered Dark Phoenix."