T/N: ang dating Underworld -> Negative Energy Plane na ngayon.
___________
Sa walang hanggang kadiliman.
Minsan malabo ang ulirat ni Marvin at minsan naman ay malinaw.
Nararamdaman niyang inaatake na ng sumpa ang kanyang katawan.
Tinatangay na ang kanyang kaluluwa, tila ba gusto na nitong kumawala sa pagkakagapos sa kanyang katawan at umalis na sa mundong ito.
'Ito na ba… ang kamatayan?'
Hindi makapaniwala si Marvin.
Rumagasa na parang baha ang sakit na naramdaman ni Marvin. Kasabay nito ang paghila ng isang malakas na pwersa ng kanyang kaluluwa palayo sa kanyang katawan!
Tinatawag na siya ng Underworld!
Nasa bingit na ng kamatayan ang katawan ni Marvin.
Unti-unting lumulutang at umaangat sa ere ang kanyang kaluluwa, may pag-aatubili nitong tinitingnan ang kanyang katawan.
"Ba-dumb! Ba-dumb!"
Sumabog ang damit ni Marvin at isang itim na tuldok ang lumalaki sa kanyang puso.
Unti-unting kumalat ang napakanipis na sinulid.
Ang Black Death Curse!
'Mukhang hindi ko pala malalampasan ang sumpa na 'to…'
Bumuntong hininga ang kaluluwa ni Marvin.
Bumalot ang lamig sa kanyang katawan kasabay ng unti-unting paglabo ng kanyang kamalayan.
Pero nagulat siya nangmay marinig na tunog.
"Woof!"
Ang Hellhound.
Mulat na mulat ang mata ng kaluluwa ni Marvin habang tinitingnan ang Hellhound na nag-aalalang nakatingin sa kanya.
Nakikita niya si Marvin!
May kakayahan makakita ng kaluluwa ang mga Hellhound. Nararamdaman niyang malapit nang mamatay si Marvin.
Ang pagkamatay nang dahil sa Black Death ay mabagal na proseso.
Pakiramdam ni Marvin ay napakagaan niya, pero hindi siya komportable sa pakiramdam na ito.
Unti-unti siyang nakaramdam ng pagod.
Magmula nang magtransmigrate siya, lagi siyang naging abala. Hindi siya nakakapagpahinga nang maayos.
Marahil oras na para mamahinga.
Madami na siyang nagawa sa mundong ito.
Nararapat lang na magpahinga na siya.
Dahan-dahang pumikit ang kanyang mga mata at nahimbing.
Pero bigla siyang nagising dahil sa isang malungkot na pag-alulong!
Kasunod ng pag-alulong na ito, tinitigan siya ng mapupulang mata ng Hellhound!
Pakiramdam ni Marvin ay nabuhusan siya ng malamig na tubig.
Kumawala siya sa tila pagkahibang at muling naging alerto!
'Hindi ako pwedeng mamatay ng ganito.'
'Marami pa kong gustong gawin.'
'Madami pa akong kailangan protektahan.'
Dahan-dahang lumakas ang willpower ni Marvin.
Pero kasabay ng paglutang ng kanyang kaluluwa, isang putting anino ang lumapit sa kanya.
Ang Grim Reaper ng Underworld!
Hindi naniniwala si Marvin sa kahit anong god. Kapag namatay siya, siguradong mapupunta sa Underworld ang kanyang kaluluwa.
Walang hangganan ang Underworld. Isang beses pa lang nakarating doon si Marvin noon, matapos siyang mag-ascend sa Godhood.
Ang ganitong pakiramdam ng kalungkutan ay hindi mauunawaan ng sino mang hindi pa nakakaranas nito.
Ayaw niyang mamatay!
Biglang bumugso ang matinding kagustuhan niyang mabuhay, at ang malabong kaluluwa ni Marvin ay mas luminaw.
Pero ang walang emosyong puting anino ay nakarating na sa harapan ni Marvin.
Nagbato ito ng isang invisible soul shackle at mahigpit na iginapos si Marvin.
Hindi makapagsalita si Marvin habang hila-hila siya ng soul shackle.
Ibinuhos niya ang kanyang lakas pero wala siyang nagawa.
'Anong gagawin ko?'
'Kahit pa sapat ang lakas ng kaluluwa ko, kung mapunta ako sa Underworld, mahirap iwasan na hind imaging alipin ng isang Sovereign ng Spirit World.'
'Hindi ako pwedeng mamatay!'
Pinilit niyang lumaban at nakakagulat na nagsimulang manginig ang mga soul shackle.
Noong mga oras na iyon, ang Hellhound, na lumamon sa avatar ng Shadow Prince, ay biglang lumaki!
Mula sa pagiging isang tuta, lumaki ito na kasing laki ng isang tao. Kahit na hindi pa rin ito katulad ng nauna niyang laki, malinaw na nakabawi na ito ng malaking bahagi ng kanyang lakas!
Bigla siyang tumakbo papalapit sa puting anino at walang tigil na tumahol!
Natigilan ang puting anino.
"Hellhound?" bulong ng puting anino, "Ang Hell at Underworld ay may limitasyon. Isa itong mortal na kaluluwa kaya dapat itong mapunta sa Underworld."
"Ragh!"
Nilabas ng Hellhound ang kanyang mga ngipin kasabay ng pagkisap ng nakakatakot na liwanag sa kanyang mga mata.
Sa isang iglap, nakawala ang kaluluwa ni Marvin mula sa soul shackle, at bago pa man maunawaan ni Marvin ang nangyayari, nilunok ng Hellhound ang kanyang kaluluwa!
…
Sa malamig na sahig, tahimik lang ang puting anino.
Biglang nanlamig ang kanyang awra. "Mangmang na tuta… Hinahamon mo ba ang Underworld?"
"Binigyan na kita ng pagkakataon. Sa tingin mo ba hindi kita kayang kaladkarin hanggang Underworld?"
Sa sumunod na sandali, muli na namang lumitaw sa kanyang mga kamay ang soul shackle!
Pero sa pagkakataong ito, mas naging buo ang mga ito at iginapos ang kaluluwa ng hellhound!
Ang mga kaluluwa ng mga nilalang ng Hell ay hindi pa kailanman nakuha ng Underworld.
Pero hindi kailan man natakot sa mga Archdevil ang Underworld Sovereign. Kung determinadong ipaglaban ng Hellhoung na ito ang kaluluwang ito, kailangan na itong dispatyahin.
Nakaramdam ng matinding pwersa ang Hellhound.
Isa itong Soul Attack.
Hindi makapangyarihan ang kaluluwa ng Hellhound na ito. Lalo pa at may pagkamangmang ito.
Pero isa lang ang layunin nito.
At iyon ang protektahan ang kaluluwa ni Marvin!
Sa mahiwagang mundo na ito, basta hindi pa tuluyang nawawala ang iyong kaluluwa, may pagkakataon pang mabuhay muli. Pero kapag napunta ito sa Uderworld, walang nakakaalam ng kung anong maaaring mangyari kay Marvin.
"Woof! Woof! Woof!"
Tumahol ng tatlong beses ang Hellhound.
Ginamit nito ang pinakamakapangyarihang Soul Attack na alam nito.
Pero hindi gumalaw ang puting anino, na para bang wala itong naramdaman.
"Bobo!" panunuya ng puting anino.
Pagkatapos ay muli nitong itinapon ang kanyang soul shackle.
Sa pagkakataong ito, ang kaluluwa naman ng Hellhound ang kanyang pinupunterya.
Sinubukang hilahin ng malamig na soul shackle ang kaluluwa ng Hellhound. Pero isang sinag ng liwanag ang biglang lumabas at tinunaw ang mga shackle!
Hindi maunawaan ng Hellhound ang nangyari.
Nagulat ang puting anino!
'Divine Source!'
'Anong klaseng Hellhound 'yan at mayroong siyang Divine Source?'
Nagulat at nagalit ang puting anino.
Hindi maaaring magtagal sa Material Realm ang Reaper ng Underworld. Isa ito sa mga batas. Dalawang beses na siyang nagtangka, at natalo siya sa parehong pagkakataon… sadyang nakakahiya na ito!
Wala sanang problema kung isa itong makapangyarihang nilalang.
Pero isa lang itong Hellhound!
Isa itong maliit na Hellhound na mayroon lang isang ulo, at base sa itsura nito, kapapanganak lang nito kalian lang!
'Bakit mayroong ganitong klaseng Hellhound? Anong klase lahi ba 'yan?'
May pagdududa ang Grim Reaper. Ilang Hellhound lang ang lumilitaw sa Material Plane, at kahit pa lumalabas ang mga ito, hindi dapat ganito ito at hindi rin dapat ito malapit sa isang mortal.
May bago siyang natutunan ngayon.
Pero wala siyang balak tumigil.
Naramdaman niya ang pagpanaw ng isang makapangyarihang kaluluwa; kung hindi niya ito dadalhin pabalik, paano na lang siyang gagantimpalaan?
Isang malaking karit ang lumitaw sa kanyang likuran.
Biglang naging masama ang tingin ng puting anino. 'Ano naman kung mayroon siyang Divine Source? Mukhang hindi niya alam na nakalunok siya nito at hindi niya alam kung paano ito gamitin nang tama."
'Saka ko na poproblemahin ang ibang bagay pagkatapos kong patayin ang asong 'to.'
Dahan-dahang lumapit ang puting anino. Dahan-dahan namang umatras ang Hellhound.
Nararamdaman niya ang nakakatakot na awra ng kanyang kalaban.
Nang biglang anim na magkakamukhang anino ang lumitaw sa paligid ng Hellhound at puting anino.
"Nakahabol na rin ako…"
"Pucha! Namatay na agad siya?" Sabi ng anim na anino.
_____________
T/N: Isa na namang babaguhing termino. Gaya ng sabi ko noon, ang Hell, Abyss, Underworld, at Negative Energy Plane ay halos magkakapareho na mahirap silang kilalanin kung walang konteksto. Ang may pinakamalaking problema ay ang "Evil Spirit Plane" na dating nabanggit bilang Underworld dahil ang Underworld ay bahagi ng Spirit World. Gagawin na natin itong Negative Energy Plane ngayong lumabas na ang tunay na Underworld… (Pasok din ito sa negative energy na parte). Sana ito na ang huling beses na kailangan nating palitan ang mga termino.