webnovel

Never Talk Back to a Gangster

TBYD BOOK 2 Book two of Talk Back and You're Dead! :)

AlesanaMarie · Urban
Not enough ratings
213 Chs

Chapter One Hundred Sixty-Five

Malungkot na tinignan ng Crazy Trios ang likod ng upuan ni Samantha.

"Hindi man lang kinuha ni Sammy yung mga inaalok natin sa kanya," malungkot na sabi ni Maggie.

"Ayaw na talaga sa atin ni Sammy," nakangusong sabi ni Michie.

Sabay-sabay silang napabuntong hininga.

"Hindi ko kayang tanggapin na mawawala ka na sa akin," kanta ni China. "Napakasakit na marinig na ayaw mo na sa akiiiin~"

Napatingin si Maggie sa kapatid.

"Hapdi at kirot ang dulot sa'king damdamin," patuloy ni Maggie.

Sabay-sabay silang kumanta.

"Di ko na kayang mabuhay sa mundo kung mawawala kaaaa sa piling koooo~!"

Napatingin sa kanilang tatlo ang ilang estudyante sa bus.

"YUCK!!"

"BADUY!!"

"BOOO!!!"

"FREAKS!"

"Kahapon lamang ay kaysarap ng ating pagmamahalan. Ang sabi mo pa, pag-ibig mo'y walang hanggan~!" kanta ni Mr. Palaez.

Napatingin ang mga estudyante sa guro nila nang bigla itong kumanta.

"SIR!!!!"

"Sabayan nyo ako kids!! Di ko kayang tanggapin! Na mawawala ka na sa akin, napakasakit na marinig na ayaw mo na sa akiiiin~!" patuloy ni Sir Palaez na sinabayan pa ng driver ng bus.

"Oh my gosh!"

"Please itigil nyo na yan!"

"OH MY GOSH! Baka ma-LSS pa ako!!"

"WAAAAAHHH!!!"

"ITIGIL NYO ANG PAGKANTA!! UTANG NA LOOB!!"

"Hwag! Palitan nyo nalang ang kanta! Baka ma-LSS ako! Palitan nyo! Kahit ano hwag lang yan!!"

"OO NGA SIR!!!"

"Sige! Sige na," sagot ni Mr Palaez.

"YES!!"

"Ah! Carlo," tawag ni Mr Palaez sa driver. "I-play mo nga yung Bee Gees."

"WHAAAAAT?!!!"

"NOOOOOO!!!"

"Ang saya! Ang mga estudyante ko, punong puno ng energy!" tawa ng guro.

"Itigil nyo ang bus! Bababa na ako!! Parang awa niyo na!!"

***

"Hallelujah!! Nakababa na rin ng bus!!"

"Linsyak! Na-LSS ako sa kanta ni April Boy!! AAAAH!! SHEETE!"

"OMG! Puro green ang nakikita ko! Nasaan ang lady's room?"

"Gagi! Natural bundok nga diba? Arte nito, tabi nga dyan!"

"Ouch! Watch where you're going freak!"

"SIR!! Nasan na po si Coco Martin?!"

"Kids! Kids! Kunin nyo na ang mga bags nyo at maglalakad na tayo mula rito. Bilis na," utos ni Mr. Palaez sa mga estudyante.

"WHAT?! You want us to make buhat buhat our thingies?! Sir! This is—BARBARIC!!"

"Oo nga Sir! This is like human trafficking!"

"The heck? Human trafficking daw?"

"Child Abuse!!"

"Sus! Ang aarte!"

"Ang hindi kumilos, iiwan dito sa paanan ng bundok! May gumagalang Walking Dead pa naman dito. Kakainin kayo!" pananakot ng guro nila. "Tara na! Let's go folks! Bago pa tayo abutan ng dilim!"

"Oh my gosh! Walking Dead? Zombies? Like so scary!"

"Jennesa, let's go na. Ipadala nalang natin yang mga bags natin kina Mike!"

Lumapit ang Crazy Trios kina Samantha at Audrey. Pare-pareho silang nakangiti. Napasimangot naman kaagad si Audrey nang makita ang mukha ng tatlo.

"Hi Sammy! Sabay tayo maglakad!" alok ni Michie.

"Kami ni Samantha ang sabay, kayong tatlo, doon kayo sa malayo," taboy ni Audrey sa tatlo.

"Selfish mo naman kay Sammy, Audrey! Share!" reklamo ni Maggie.

"Oo nga! Pa-share!" segunda ni China.

"Ano si Sam, ulam? Doon kayo sa likod!" sabi ni Audrey sabay hawak sa braso ni Samantha at naglakad na pauna.

"Di lang naman ulam ang shine-share ah! Pati kaya sa facebook may share!" inis na habol ni China.

"Oo nga!" sangayon ni Maggie sa kapatid.

"Sabay kami ni Sammy!" sabi ni Michie na humawak sa kabilang braso ni Samantha. "Sammy sabay tayo ha?"

Tinignan sya ni Samantha na walang emosyon na ipinapakita. "Okay."

"Uwaaa! Pumayag si Sammy!" masayang sabi ni Maggie.

"Tch!" Kaagad na umikot ang mata ni Audrey sa inis.

Naglakad na sila sa trail paakyat sa bundok. Tumingin sa paligid ang mga estudyante. Ang ibang babae ay kinukunan ng picture ang mga puno ang iba naman ay kinunan ng video para sa vlogs. Ang mga lalaki ay maingay na nagkukwentuhan sa hulihan.

"Sir! Nasan na po ba sila Enrique at James? Nakaakyat na po ba sila?" tanong ng isang estudyanteng babae.

"Sir, sina Anne Curtis po nandon na?" tanong ng isang lalaki.

"Papapicture ako kasama si Coco Martin! Kyaah!"

"Pfft! Coco Martin daw? James? Enrique pati si Anne Curtis? Pfft! Hahaha!" pabulong na tawa ni Maggie habang nakatakip sa bibig.

"Hahaha! Ano kayang mangyayari kapag—pft!" sabi ni China habang nakahawak sa tyan at nagpipigil ng tawa.

"Sssh! Hwag kayong maingay. Sila ang dahilan kung bakit tayo nakasama sa kanila," saway ni Michie sa mga pinsan.

"SIIIR!! ANO NA PO?!!! NANDON NA PO BA SILA?!!!" tanong ng mga estudyante.

"O-Oo naman! Kahapon pa! Kaya kung hindi tayo magmamadali baka umalis na sila doon! Kaya bilisan nyo na sa paglalakad! Bilis! Bilis!" sagot ni Mr. Palaez sa mga estudyante niya habang pinagpapawisan.

"Bilisan natin!"

"Let's go! Dali!"

"KYAAAH! Coco Martin wait for me!!"

"Pare! Bilis, si Anne Curtis yon! Dream girl!"

Nagtakbuhan sila pauna sa trail.

"Wow fantastic baby, kawawa naman sila," naiiling na wika ni China.

"Oo nga, pero tignan nyo si Sir mas kawawa, kinakain na ng kunsensya nya," sabi ni Maggie habang nakatingin sa pawisang guro.

Tumigil sa paglalakad si Audrey nang makita niya na sila nalang ang naiwan at nasa huli.

"Kayong tatlo! Bakit ba kayo nandito?! Hindi naman kayo kasama dapat dito ah. You're not in our class," mataray niyang sabi sa tatlong babae.

"Alam mo Audrey gusto lang naman namin sumama para magpahangin," sagot ni Maggie.

"Oo nga, stop and smell the flowers," sabi ni China.

"Flowers, may nakikita ba kayong bulaklak dito?" tanong ni Audrey.

"Just let them come Audrey," sabi ni Samantha bago tumalikod at nauna nang naglakad sa kanila.

"Oo nga pasamahin mo na lang kami," sabi ni China.

"Bakit ba ayaw mo na nandito kami Audrey?" tanong ni Maggie.

"Kasi alam kong manggugulo lang kayo dito! Pumunta lang kami dito ni Sam para makalayo sa mga magugulong tao. In short, sa inyong tatlo!"

"Ano? Sinasabi mo bang magulo kami?" tanong ni Maggie.

"Yes! Why? Totoo naman diba? Magulo kayo kasama. And what's with the song kanina sa bus? Nakakahiya kayo!" iritadong sabi ni Audrey.

"Hoy! Audrey sumosobra ka na ha!" sita ni China na di na nakatiis sa mga insultong natanggap.

"Hindi naman kami kakanta non kung hinayaan mo kaming maka-bonding si Sammy!" dahilan ni Maggie.

"We were just expressing ourselves," sabi ni Michie.

Lahat sila ay napatingin kay Michie.

"ZOMG! Totoo ngang isa itong banal na bundok! Isang himala ang nangyari ngayon!" gulat na sabi ni China.

"WOW! FANTASTIC BABY!!" sabi ni Maggie.

"Mga weirdo! Dyan na nga kayo!" Nauna nang naglakad si Audrey at hinabol si Samantha.

Naiwan ang Crazy Trios.

"Malapit na ba tayo doon sa ilog?" tanong ni Maggie.

Naglabas ng mapa si China mula sa bulsa ng pantalon niya. Tinignan nila 'yon.

"Hindi pa, malayo pa tayo. Nandito palang tayo oh," turo ni China sa isang parte ng mapa.

"Nag-dala ako ng maraming coins! Siguro naman kapag inihulog natin 'to doon sa paa ni Kristo, magiging totoo yung hiling natin?" kumikislap ang mga mata na sabi ni Michie.

"Bading, Yapak ni Kristo, tsaka iba yung ilog na sinasabi ni Maggie," sabi ni China.

"Ahh. Hindi ba yun doon?" takang tanong ni Michie.

"Doon sa river, may mga malalaking bato roon. Ang sabi nila, kapag daw nagsulat ka ng hiling doon sa mga bato, magkakatotoo daw 'yon!" kwento ni Maggie.

Ibinalik ni China sa bulsa niya ang mapa. "Kaya dapat makita agad natin 'yun para mabalik na natin sa dati si Sammy!"

Sabay silang tatlo na nagtaas ng kamao sa langit.

"Kaya natin 'to!" sigaw nila.

"HOY!! Bilisan nyo na sa paglalakad! Naiiwan na kayo!" tawag sa kanila ni Mr. Palaez.

"YES SIR!!!"

Voteee~! uwu

AlesanaMariecreators' thoughts