webnovel

Chapter One Hundred Sixty-Four

Pinanood ni Audrey ang pag-pasok sa loob ng bus ng kanilang mga kaklase. Halatang excited ang mga ito sa pupuntahan. Nasa aisle seat siya nakaupo at si Samantha naman ang nasa window seat. Tahimik lang na nakatingin sa labas ng bintana si Samantha. Tinignan niya saglit ang kaibigan bago ilipat ang tingin sa tablet at patuloy na nagbasa ng ebook.

Napansin niya ang kanyang bagong polish na kuko at nanghinayang sa swarovski crystals na nakadikit doon. Dahil sa activity na gagawin nila ngayong araw, siguradong masisira ang design sa mga kuko niya. Kung alam lang niya na magbubungkal sila ng lupa at magtatanim, sana ay sa ibang araw nalang sila pumunta sa nail salon ni Samantha.

"Malapit nang umandar ang bus! Umupo na ang lahat!" utos ni Mr. Palaez sa mga estudyante niya nang makasakay siya sa loob ng sasakyan. "Doon kayo umupo sa dulo," utos nito sa Crazy Trios.

"YES SIR!!" sabay-sabay na sagot ng tatlong babae at lumakad na papunta sa dulo.

Nag-umpisang mapansin ng ibang estudyante sa bus ang tatlong bagong sakay.

"Kaklase ba natin ang mga 'yan?"

"Dunno. Baka nasa ibang klase ni Sir."

"Eh di dapat doon sila sa kabilang bus."

"Okay lang yan, magaganda naman e."

"Ouch!" May tumabig sa braso ni Audrey kaya napaangat ang tingin niya mula sa binabasa.

"Ay, sorry Audz! Ang laki kasi ng bag ko eh, hindi na kasya dun sa ibaba," paliwanag ni Maggie nang makita ang iritado niyang mukha.

Nalaglag ang panga ni Audrey nang makita ang tatlo. "What are you three doing here?!" gulat na tanong ni Audrey.

"Hehe! Sasama kami sa expedition nyo!" masayang wika ni Michie na naka-peace sign pa.

"Tamaaaa~," sabi ni China. "Hi Sammy!"

Napalingon si Samantha nang marinig niya ang tawag sa kanya. "Oh," bulong nya nang makilala ang tatlo.

"Kumusta Sammy?! Kasama kami! Gulat ka no?" masayang sabi ni Michie.

Tinignan lang sila ni Samantha.

"Oy kayo dyan! Aalis na tayo umupo na kayong tatlo!" utos ni Mr Palaez.

"Dali bakla! Upo na tayo dun!" sabi ni Maggie.

Dali-dali silang umupo sa pinakadulo kung saan silang tatlo lang ang nakapwesto.

"I can't believe na kasama sila! Hindi naman natin sila kaklase ah!" reklamo ni Audrey. Ngayon palang ay nakakaramdam na siyang mamalasin siya ngayong araw.

Bumalik lang sa pagtingin sa bintana si Samantha.

***

"I threw a wish in the well, don't ask me, I'll never tell. I looked to you as it fell, And now you're in my way~"

Napupuno ng kantahan ang bus kasabay ng pagtugtog ng music player. Isang oras na rin ang nakararaan nang umalis sila sa unibersidad papunta sa Mt. Banahaw.

"Sammy! Gusto mo ng Lays? Paborito mo 'to diba?" alok ni Michie habang nakatayo sa tabi ng upuan ni Audrey.

"Pwede ba? Kakain dito sa bus? Ano 'to, elementary fieldtrip? Geez!" sita ni Audrey kay Michie.

"Sammy! Gusto mo ng Cola?" alok ni Maggie na lumitaw sa tabi ng pinsan.

"Sam! Sam! Ito oh! Goya!" alok rin ni China na katabi ni Maggie.

Tinitignan lang ni Samantha ang mga inaalok sa kanya.

"My God! Bumalik nga kayo sa seats nyo at matuto kayong tumahimik kahit fifteen minutes lang!" malakas na sabi ni Audrey sa tatlo.

"Ouch! Audrey tinalo mo pa yung stereo sa lakas ng boses."

"Bumalik na kayo sa pwesto nyo!" Tumayo si Audrey at tinulak pabalik sa pwesto nila ang tatlo.

"Hey I just met you, And this is crazy

But here's my number so call me maybe?~"

"Hey Miss! Ang lungkot mo yata?" Isang lalaki ang umupo sa pwesto ni Audrey. "Want some company?"

Nanatiling nakatuon ang tingin ni Samantha sa labas ng bintana, pinapanood ang mga lugar na nalalagpasan ng sasakyan nila.

"I'm Mike nga pala, you're Samantha right?" sabi ng binata ngunit bigong makakuha ng sagot mula sa dalaga. "Hey."

"WHOOOO!! Wala ka pala Mike! Mahina ka! Dedma!" tawa ng mga kabarkada ni Mike.

Naiirita na nilingon ni Mike si Samantha. Hindi siya makapaniwala na hindi siya nito pinapansin. Hinawakan niya ito sa balikat.

"Miss—AW!" Napangiwi siya nang hawakan ni Samantha ang kamay niya at pilipitin.

"Can't you tell when a girl is not interested?" malamig na tanong ni Samantha sa binata.

Nanlaki ang mga mata ni Mike nang makita ang malamig at matalim na tingin nito sa kanya, isama pa ang boses nito na tila may pagbabanta.

"O-Oo na! Sorry! Sorry!"

Pinakawalan ni Samantha ang hawak na kamay nito. Binigyan niya ito ng mas matalim na tingin bago itinuon ang atensyon sa labas ng bintana.

"That's my seat, dumbass," sabi ni Audrey sa lalaking namumutla.

"A-Ah!" Agad na tumayo si Mike. "S-Sorry!" sabi nito at mabilis na bumalik sa upuan nito.

"Psh! Hindi ba nila kayang manatili sa sarili nilang upuan? Sheesh!" bulong ni Audrey.

"Before you came into my life, I missed you so bad

I missed you so bad, And you should know that

So call me maybe?~"

"What's with this song ba? Lagi ko nalang naririnig, nakakasawa na," sabi ni Audrey bago takpan ang magkabilang tenga ng earphones na nakakabit sa cellphone niya.

Next chapter