webnovel

Never Talk Back to a Gangster

TBYD BOOK 2 Book two of Talk Back and You're Dead! :)

AlesanaMarie · Urban
Not enough ratings
213 Chs

Chapter One Hundred Ninety-Seven

"Alam ninyo, posible naman kasi talaga na bumalik ulit siya," komento ni Maggie. "Siguro hindi pa kasi niya talaga oras. Baka pinabalik siya ng kamaganak niyang namatay na. Hindi pinatawid sa liwanag."

Napaisip naman sina China at Michie. Pare-pareho silang nakaupo sa queen size bed ng magkapatid. Asul at dilaw ang kulay ng buong silid. Asul para kay Maggie at dilaw para kay China.

"O baka kasi nagkamali lang ang tumingin kay Sam sa ospital. Hindi nila na-check nang mabuti ang heartbeat. Nakakatakot kasi na isipin na namatay si Sammy tapos nabuhay ulit!" sabi ni China.

"Nangyayari naman talaga na ang mga patay nabubuhay ulit," pahayag ni Maggie. "Marami naman ganoong cases sa mundo. Ilang minuto o kaya oras na hihinto ang pagtibok ng puso ng tao tapos bigla nalang titibok ulit."

"Nakita kaya ni Sammy si San Pedro?" tanong ni Michie.

"O baka naman ibinenta ni Sammy ang kaluluwa niya kay Lucci para lang makabalik ulit dito?" tanong ni China.

"Sino si Lucci?" inosenteng tanong ni Michie sa pinsan.

"Ayokong sabihin ang totoong pangalan niya eh. Baka dalawin ako," kinakabahan na sagot ni China. "Isa syang demon."

"Uwaah! Sebastian!" - Michie *0*

"Di ka naman mukhang natatakot," puna ni China.

"Crush ko kasi siya eh."

"Tanungin kaya natin si Sam?" suhestyon ni Maggie.

"Ang alin, bakla?" tanong ni China sa kapatid.

"Si Sammy, kung ano nangyari sa kanya," sagot ni Maggie na tumayo na.

"Pero di pa yata sila tapos mag-usap ni TOP." Tumayo na rin si Michie.

"Kanina pa 'yon." Sumama na rin si China sa dalawa na lumabas ng kwarto.

"Kaso baka nag-uusap pa sila," sabi ni Maggie.

Napatigil sila sa paglalakad.

"Nasa sala pa siguro sila?" hula ni China.

"Baka may makita tayo na hindi natin dapat na makita?" sabi ni Michie.

"Wow insan! Nag-evolve ka na! May alam ka na!" pansin ni Maggie.

"Ano 'yun?" nakangusong tanong ni Michie.

"Eh. Wala wala insan, ang hirap talaga maging green tapos may inosenteng kasama," sabi ni China.

"Bumalik na nga tayo sa kwarto." Lumakad na pabalik si Maggie.

*BLAG!*

Nagulat silang tatlo nang makarinig ng malakas na tunog. Napatingin sila sa nakasaradong pinto ng kwarto ni Samantha.

"Fuck! Miracle!" boses ni TOP na tila nahihirapan. "Shit."

"Timothy! Timothy!" boses ng kaibigan nilang si Samantha.

Nasundan pa iyon ng ilang lagabag na parang may nalaglag, tumalbog o nabunggo. Nagkatinginan ang Crazy Trios at muling napatingin sa pinto. Nanlalaki ang mga mata na napalunok sila. May iisang tanong lang sa isip nilang tatlo. 'Ano'ng ginagawa nila sa loob?'