webnovel

Never Talk Back to a Gangster

TBYD BOOK 2 Book two of Talk Back and You're Dead! :)

AlesanaMarie · Urban
Not enough ratings
213 Chs

Chapter One Hundred Ninety-Eight

"Timothy." Ngumiti ako sa kanya. "Make love to me."

Nahigit ni Timothy ang hininga niya nang sabihin ko iyon. Tila nawalan ng kulay ang kanyang mukha. Lumipas ang nakakabinging katahimikan. Nakatingin lang siya sa'kin. May halo-halong emosyon na nagdaan sa kanyang mga mata. Ang kanyang kulay abo na mga mata ay tila dumilim nang dumilim.

Kinakabahan ako at nahihiya sa sinabi ko pero wala nang bawian. Ito ang gusto kong gawin ngayon. Gusto ko siya, kailangan ko siya ngayon, mahal ko siya at mahal niya ako. Ginagawa naman iyon ng ibang magkarelasyon hindi ba? Iba na rin ang panahon ngayon, kahit walang kasal pwede na iyong gawin. Kaysa naman may mangyari ulit sa akin. Hwag naman sana.

Nakagat ko ang labi ko habang nakatingin kay Timothy. Hindi naman niya ako tatanggihan hindi ba? Pagkatapos ng nangyari sa'kin, hindi naman siguro niya ako tatanggihan. At ang isa pa, kailangan din ako ni Timothy ngayon.

Pumikit sya nang mariin na parang naiipit siya sa dalawang desisyon niya. Naihilamos rin niya ang mga kamay niya sa kanyang gwapong mukha. Huminga siya nang malalim nang ilang ulit bago siya tumingin sa akin. Mukhang alam ko na.

"Miracle, you don't know what you're talking about," sabi niya sa seryosong tono.

Sinasabi ko na nga ba. Napabuntong hininga ako. Mabilis akong umupo ulit sa kandungan niya. Hinapit ko ang likod ng leeg niya at mariin ko siyang hinalikan sa kanyang labi. Alam ko na nagulat ko siya dahil ilang segundo siyang natigilan at hindi nakagalaw. Hindi parin niya alam kung ano ang gagawin niya. Nang kagatin ko na ang labi nya, tila natauhan naman siya.

"Timothy!" tili ko nang bigla niya akong itulak palayo sa kanya. Napasandal ako sa sofa.

Mabilis siyang tumayo at lumayo sa akin na para bang nakuryente siya. Mukha nga siyang nakuryente base sa mukha niya nang tignan ko. Oh boy, mahabang gabi 'to.

"Timothy!" Tumayo ako at akmang lalapit sa kanya nang humakbang ulit sya palayo. Oh. Geez.

"Stop Miracle," bahagyang nakataas ang dalawang kamay nya na parang itinutulak nya ako palayo. "Please."

Hay. Minsan naiinis na talaga ako sa ugaling ito ni Timothy. Bakit ba kasi ang old school niya?! Nakakainis na siya! Eh? Dapat nga pala magpasalamat pa ako kasi kaunti nalang ang mga katulad niya na hindi pinapairal ang... Pero hindi! Naiinis talaga ako ngayon! Kasi gusto ko talagang may mangyari sa amin ngayon. For once, hindi ba pwedeng maging casanova rin sya? Kahit ngayong gabi lang?

Pero ako nga pala si Miracle Samantha Perez. Isa akong buhay na ebidensya ng salitang 'milagro'. Baka naman pwedeng makagawa ako ng milagro ngayon? Come hell or high water, Timothy, mangyayari ang dapat mangyari!

"Timothy! Bakit hindi pwede?!" tanong ko.

"You know why," sagot niya nang nakakunot ang noo. Mukhang nag-coconcentrate siya sa ibang bagay.

"Timothy! Gusto ko ngayon na gawin eh! Sabi mo mahal mo 'ko! Bakit ayaw mong makipag-sex sa'kin?!"

"Ah, shit!" Tinakpan ni Timothy ang magkabilang tenga niya. "Don't say it again, Miracle."

"Sex! Sex! Sex!" pasaway kong ulit sa kanya.

Pinikit niya nang mariin ang mga mata niya habang bumubulong ng sunod-sunod na 'shit'. Napatingin ako sa dako paroon ni Timothy. Sa bandang timog. May binubuong kampo ang kanyang hukbong sandatahan. May tent. Halatang nae-excite siya, pinipigilan lang niya.

"Bakit ba ayaw mo?!" Lumapit ako sa kanya.

Binuksan niya ang mga mata niya at tumakbo palayo sa'kin. Geez. Para akong may sakit.

"Miracle please," nahihirapan nyang pakiusap.

"Alam mo Timothy, willing naman akong gawin yun eh! At alam ko na gusto rin yung gawin ng alaga mo. Tignan mo, nakaturo sya sakin!" Turo ko sa pantalon niya.

Napatingin siya sa tinuturo ko. "Shit!" sabi niya bago umiwas ng tingin sa akin.

"Gusto mo pumasok sa kwarto ko? You know? May bathroom don."

"Barney the fucking purple dinosaur," sabi niya habang nakapikit at tila nagco-concentrate nang maigi. "Barney the pedophile. Barney the shithead. Barney and his fucking songs." Ano ba ang ginagawa niya? Ano'ng Barney? "Barney the stupid dinosaur. Barney's creepy shitty songs. Barney and his fucking dance. Barney's colossal shit."

Nakakunot ang noo ko habang pinapanuod siya. Unti-unti siyang nagmulat ng mga mata. Tumingin siya sa dako paroon kaya napatingin din ako. At voila! Nawala ang kampo niya. Wala na ang tent. Pano niya nagawa 'yon? Napahinga siya nang malalim sa relief.

"Timothy—"

"No," seryosong sabi niya.

"Pero gusto—"

"No Miracle."

"You're being unfair!"

"You're asking me to take you for granted!"

"Ano?" gulat at naiinis kong tanong. "Ang gusto ko lang naman…"

"Miracle." Humawak siya sa noo niya. Halatang frustrated na siya.

"Eeesh! Hindi mo kasi ako naiintidihan, eh!" Nagdadabog na umakyat ako papunta sa kwarto ko.

Sinara ko nang padabog ang pinto. Mabilis akong tumayo at sumandal sa pader malapit sa pinto.

"Miracle!"

Nang bumukas ang pinto at pumasok si Timothy sa loob ng kwarto mabilis pa sa alas-kwatro na isinara ko ang pinto at ini-lock iyon. Mission na papuntahin sa kwarto ko si Timothy; success!

Nasa likod ako ni Timothy nang humarap sya sakin.

"What are you—"

Hindi ko siya pinatapos sa sinasabi niya. Agad ko siyang itinulak pahiga sa kama ko.

"Alam mo Timothy lahat ng gusto ko nakukuha ko." Nag-smirk ako sa kanya.

"I didn't know you were this aggressive."

"Ngayon alam mo na." Nginitian ko siya nang matamis. Sumampa ako sa kama at umupo sa tyan niya.

"Miracle, what are you doing?" tanong niya habang nakatingin sa akin na may hindi maipaliwanag na expression sa mukha. Muntik na akong matawa dahil nakakita ako ng takot sa mga mata niya.

"Take a wild guess, Timothy!" Tinanggal ko ang suot kong shirt. Nanlaki naman nang husto ang mga mata niya. "Ngayon wala ka nang kawala pa."

"Ah shit."

Suot ko ngayon ang aking bright pink na bra. Kung alam ko lang na kakailanganin ko pa siyang akitin, sana nagsuot ako ng lace. Meron pa naman ako non, nakareserba para sa isang mahalagang okasyon.

Tinakpan niya ang mga mata niya. Nakabukas ang ilaw at nakikita ko na bahagya siyang namumula. Kung hindi lang sya na-rape noon eh di sana first time niya rin ako. Nakakainis ang kapatid ni GD. Kainis!

Kinabahan ako sa naalala ko. Natatakot ba si Timothy ngayon dahil naiisip niya ang nangyari sa kanya noon sa Japan?