*Michelle Santa Maria*
"Ikaw na sa harap Michie, matutulog muna ako sa backseat," sabi sa'kin ni China.
AAAAAAHH! Hindi pwede! Ayoko sya katabiii China naman eeeh! Bago ko pa masabi na ayoko, naisara na nya ang pinto ng kotse sa likod. Wala na, nakasakay na sya sa backseat. Doon din kaya ako sumakay?
Binuksan ni Kuyang Nakakatakot yung pinto ng kotse. Dun sa unahan na upuan.
"Pasok," utos nya sa nakakatakot na boses. Nakatingin sya sa akin.
WAAAAAAAAHHH!! Nakakatakot ang boses nya!! Parang si Headmaster sa ampunan. Ang laki ng boses. Huhu! Pumasok na ako sa kotse at isinara nya yung pinto. Umikot sya at sumakay na rin sa kotse. Ilabaaaas nyo ako rito!! Waaaaaahhh! Sammmyyyy!
*Miracle Samantha Perez*
Papatakip ako sa bibig at ilong ko. "HAAACCHHOOOO!!" bahing ko.
"May sipon ka?" tanong ni Maggie.
"Wala," sagot ko sa kanya. "Maggie inaantok ako, gisingin mo ako kapag two pm na ha?"
"O sige, pahinga ka muna," sabi nya.
***
Pakiramdam ko lumulutang ako. Ang dilim ng paligid ko. Ang lamig. Lumingon ako sa magkabilang direksyon. Wala akong makita. Napakadilim.
"Sam..." may tumatawag sa akin. "Sam!"
Nang lingunin ko, nakita ko ang isang batang lalaki.
"Wait for me!" sigaw nya.
Doon ko lang narealize na lumalayo ako sa kanya. Nasa isa na akong sasakyan at tumatakbo sya palapit sa akin. Palayo kami nang palayo sa isa't-isa.
"I'll find you!! I promise!" umiiyak na habol nya.
Gusto ko'ng bumalik. Gusto ko syang lapitan. Pero palayo ako nang palayo sa kanya. Umiiyak ako nang hindi ko napapansin. Gusto ko'ng sumigaw pero walang boses na lumalabas sa bibig ko. Ano'ng nangyayari? Para akong nasa ilalim ng tubig.
Nawala ang batang lalaki na humahabol sa akin.
"Sam! Sam!" may tumawag ulit sa pangalan ko.
Nag-dilim ang paligid at biglang lumiwanag.
"SAMANTHA!" boses ni Red.
Nagising ako.
"R-Red?" nakita ko ang nag-aalala nyang mukha.
Huminga sya nang malalim.
"Akala ko..." napahawak sya sa noo nya.
"Sammy okay ka lang ba?" tanong ni Maggie. "Kanina ka pa namin ginigising, binabangungot ka yata. Tatawag na sana kami ng doktor, ano'ng napanaginipan mo?"
"H-Hindi ko matandaan," pagsisinungaling ko.
Hindi ko alam kung bakit ko ginawa 'yon. Para kasing... may isang bagay akong kinatatakutan. Kinakabahan ako. Parang totoo ang panaginip ko.
"Ganon talaga ang mga panaginip," Maggie sabay tingin sa wallclock. "Wait lang Sam ha, lalabas lang ako saglit."
"Okay. Bili mo ako'ng Donuts," bilin ko.
"Haha! Geh..." lumabas ng kwarto si Maggie.
Kami na lang ang naiwan ni Red, nakahiga naman sa sofa si Angelo at may blanket. Nakatulog na sya.
"Tsk! Side effect yata 'yan ng pain reliever na ibinigay nila sa'yo. Nasobrahan ka siguro. Kakausapin ko nga ang doktor mo," naiinis na lumakad si Red patungong pinto.
"Hwag na!" tawag ko. "Okay lang naman ako, at saka parang nawawala na rin yung epekto ng gamot."
Mabilis na lumapit sa akin si Red. Sa isang iglap lang nasa tabi ko na sya at ine-examine ang ulo ko.
"Bakit? M-May sumasakit ba? Saan? Saan parte?" tanong nya.
Hindi ko alam na ganito pala sya kung mag-alala. Nagulat ako sa lapit ng mukha nya sa ulo ko.
"W-Wala naman masyado, nararamdaman ko na kasi yung ulo ko tsaka yung dulo ng daliri ko..." Tumingin ako sa braso ko na naka-cast.
Gaano kaya kalala ang lagay ko? May benda rin pala ako sa ulo, hinawakan ko. Biglang tinanggal ni Red yung kamay ko sa ulo ko.
"Hwag mo nga hawakan," sermon nya.
"To naman! Ikaw ha, bakit ang sungit mo? Siguro meron ka no?"
"Hindi ako masungit," sagot nya sabay upo sa silya sa tabi ng kama ko.
Since malapit lang sya sa akin, napagmasdan ko nang mabuti ang mukha nya. May eyebags sya! Si Red Dela Cruz na adik sa mukha nya at tinalo pa si Narcissus sa pagka-inlove sa sarili ay may EYEBAGS?!
"Uy Red..." tawag ko sa kanya.
"Oh?" nakapikit na sagot nya.
Nakapatong yung siko nya sa kama ko, at nakapatong sa kamay nya yung baba nya.
"Natulog ka ba?" tanong ko.
"Oo," sagot nya na nakapikit parin.
Piningot ko yung tenga nya.
"Aray! Aray! Samantha!" asar na angal nya.
Binitawan ko ang tenga nya.
"Ano ba ang problema mo? Tsk!" Hawak hawak nya yung tenga nyang namumula.
"Sinungaling ka! Ayan oh!" turo ko sa eyebags nya. "Ang laki ng dark circles dyan sa paligid ng mga mata mo!"
Tinabig nya ang hintuturo ko na nakaturo sa kanya.
"Natulog ako!" depensa nya.
"Ows! Maniwala ako sa'yo Jared, ilang oras aber?!"
Hindi sya naka-sagot agad. Napakamot sya sa ulo nya at nag-iwas tingin.
"Hindi ka maka-sagot dyan? Ilang oras Jared?"
"Mga.,." umubo sya at hindi tumitingin sa akin na bumulong. "Sampung minuto."
"ILAN?!!" tanong ko.
"Paksyet Samantha, hwag kang sumigaw. Sampung minuto o ayan, natulog ako!"
"Anak ka ng nanay mo Jared," nasapo ko ang noo ko.
"Natural" bulong nya.
"Get some sleep Jared!" utos ko sa kanya.
"Hindi ako inaantok..." tanggi nya at bigla syang nahikab.
"Sira! Humihikab ka na dyan ayaw mo pang magpahinga.." sermon ko sa kanya.
"Hindi lahat ng humihikab inaantok." Muli syang humikab. "Bored lang ako."
"Bumalik ka na sa hacienda. Matulog ka muna."
"Ayoko."
Nakuuuu ang tigas ng ulo, parang bata!
"Ang baho mo na, umuwi ka na don at maligo tapos matulog ka..." sabi ko kahit hindi naman talaga sya mabaho.
Kapag kasi nilalait ko sya na mabaho sya, agad syang magbababad sa tub with rose petals pa. Kapag sinabi ko na dry ang skin nya, agad syang susugod sa spa. Napaka-VAIN nya.
"Wala akong pakialam kung ma-contaminate ko ang buong ospital na 'to. Hindi. Ako. Aalis."
"Alis na!"
"Naninigaw ka?"
"Jareeedd! Matulog ka na kasi, alam mo bang nakakamatay kapag hindi natutulog ang isang tao?"
"Alam ko hindi ako stupid."
"Alis na ngaaaa."
"A-YO-KO."
"Kung ako ang inaalala mo rito, kasama ko naman si Maggie tsaka dito rin mag-stay over sina China at Michie. Si Angelo iuwi mo muna sa bahay nina Kuya Lucien, doon muna kayo."
"Tss. Kuya Lucien..." bulong nya at tumingin sa akin nang diretso. "Samantha, sa tingin mo ano ang rason kung bakit ako sumunod sa inyo dito sa lugar na 'to? Sa tingin mo para tumira don sa bahay ng 'Kuya Lucien' mo? Ang laking TSS!"
"Teka nga Jared, bakit ka ba nagagalit ha? Gusto ko lang naman na matulog ka na at mukhang isang pitik nalang sa'yo eh tutumba ka na dyan. Nakita mo na ba sarili mo sa salamin ah? Ang PANGET mo na kaya!" lait ko sa kanya.
Ayan, siguro naman kapag sinabi ko sa kanya yan, tatakbo na sya palabas.
"Ano ba sa salitang A-YO-KO ang hindi mo naintindihan Samantha? Kulit!"
"Ako pa ang makulit ngayon ah? Ganon?"
"Hindi ako aalis, babantayan kita dito." Humikab ulit sya.
"Ay nako bahala ka na nga pero matulog ka!" utos ko.
Tumayo sya at nag-inat.
"Isod," utos nya.
"Huh?" tanong ko
Bigla syang umupo sa kama ko at mahina akong itinulak, tapos nahiga sya sa tabi ko with matching higit pa ng kumot.
"JARED!"
"Sssshhh!! Ginagawa ko na ang gusto mo matutulog na ako tsk! Hwag kang maingay," sabi nya.
EEEEHHH?! Ano'ng nangyayari?!
Biglang...
*Blink.Blink*
Yung kamay nya pumatong sa tyan ko. Naka-tagilid sya at nakaharap sa akin.
Ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ako makagalaw. Nag-init ang mukha ko.
"J-Jared..." tawag ko.
Walang reply. Tulog na ba sya?!!! Ang bilis naman!! ANO BA 'TO??!!!