webnovel

Chapter Eighty-One

*Maggie Dela Vega*

Ayos! Nakapagpa-load na ako. Naubusan ako ng pang-unli eh! Late reply tuloy ako kay Audrey. Nangungumusta kasi.

Nakabili na rin ako ng pagkain para kay Sammy, kawawa naman eh. Hindi masarap pagkain dito. Walang lasa. Binuksan ko yung pinto ng kwarto ni Sammy.

Shalalalalala My Oh My!

Oooohhh lala! What is the meaning of this?

Si Sammy at Red, SCANDAL!!

Magkatabi sa iisang bed at parehong tulog.

Hmm. Si Red dumada-moves ah! Nakayakap kay Sammy.

Makunan nga ng picture at ma-send sa bakla kong kapatid.

*snap!*

Ayan. Buti nalang may load ako. Nang na-send ko na ang picture nila mabilis ako'ng nakatanggap ng reply.

*

From: China Princess

KYAAAAAHH! OH MY GULAY!! Akin c fafa red eh! =(

Pewo okie lungs, akin nlang c fafa top muhahaha! =D

*

Tinago ko na ang cellphone ko sa bulsa ng pantalon ko. Napatitig ako sa kanilang dalawa. Hmm. Bakit ang lakas yata ng chemistry nila? Bagay din pala sila?

*Miracle Samantha Perez*

"Sam!" may tumatawag sa akin.

Nang lingunin ko, nakita ko ang isang batang lalaki. Medyo malabo ang mukha nya at hindi ko masyadong makita. May suot syang blue na jumper at may saklob.

"Wait for me!" sigaw nya.

Tumatakbo sya papunta sa akin, pero hindi nya ako maabutan. Nasa isa akong sasakyan at hindi ko alam kung sino ang kasama ko sa loob nito. Malabo lahat sa paningin ko at kahit na gusto kong gumalaw, hindi ako makagalaw.

Gusto ko'ng bumaba mula sa sasakyan. Gusto ko'ng samahan ang batang umiiyak na humahabol sa akin. Pero tinignan ko lang sya. Kahit isigaw ang pangalan nya hindi ko magawa, alam ko ang pangalan nya.

"I'll find you!! I promise!" umiiyak na sigaw nya.

Gusto ko'ng bumalik. Gusto ko syang lapitan. Pero palayo ako nang palayo sa kanya. Umiiyak ako nang hindi ko napapansin. Gusto ko'ng sumigaw pero walang boses na lumalabas sa bibig ko.

Ano'ng nangyayari? Pamilyar ang eksena na ito.

Isang panaginip...

***

Nagising ako bigla.

Huminga ako nang malalim at tinitigan ang puting kisame. Panaginip. Katulad ng panaginip ko kanina. Bakit ko napapanaginipan ang bagay na 'yon. Isa kaya 'yon sa mga alaala na nawala sa akin?

Yung batang humahabol sa akin. Sino sya?

"I'll find you!! I promise!" Naalala ko'ng sinigaw nya bago sya tumigil sa pagtakbo.

Bago sya nawala sa paningin ko, 'yon ang sinabi nya.

Hindi kaya si Timothy ang batang 'yon?

"Sam...Mm..." may bumulong sa tabi ko at may naamoy akong mabango, parang amoy mint.

Paglingon ko sa tabi ko...

ASDFGHJKL!!!

Nagkadikit ang ilong namin ni Jared. Sobrang lapit na pala namin sa isa't-isa. Bigla akong na-estatwa habang nakatitig sa mukha nya.

Hindi ako makagalaw, ang lakas ng tibok ng puso ko. Ang init ng mukha ko. Pakiramdam ko ginapangan ako ng ilang libong langgam!

Sana hwag syang magising dahil...sobrang...awkward kapag nangyari 'yon. Bigla ako'ng napabawi ng tingin sa kanya. Lumunok ako nang ilang beses at napadasal sa lahat ng Santo na sana nananaginip parin ako.

Paano nga ulit kami nagkatabi sa higaan? WAAAAAAAHHH!! Oo nga pala, pinatulog ko sya. Mukha kasi syang pagod na pagod kakabantay sa akin.

Shizzleberry. Bigla naman ako'ng tinawag ni Mother Earth. Gusto ko'ng bumangon dito perooo...yung braso nya nga pala nakapatong sa akin. WAAAAAHH!!

At kapag gumalaw ako baka magising sya tapos... tapos... makikita nya na sobrang lapit namin. Ang awkward nito. WAAAAAAAHH!! Teka sina Angelo at Maggie kaya? Inangat ko nang kaunti ang ulo ko at tinignan sa may sofa kung nandon sila.

WALA.

WALANG TAO RITO.

KAMING DALAWA LANG NI JARED. Pero paano ang mga nurse? Hindi ba nila papalitan yung dextrose ko? Tinignan ko. Ang damiiiii pa palang laman.

Galaw. Gusto ko nang gumalaw. Nangangati yung paa ko. YUNG PAA KO, ANG KATI. Hindi ko makamot. Titiisin ko na lang ba hanggang sa magising si Red?

Alam ko na! Tatanggalin ko nalang yung braso nyang nakapatong sa akin. Hinawakan ko yung kamay nya... at unti unti kong inangat.

WAAAAAAHHH!! Pinagpapawisan na ako dito ah! Ang bigat pala ng braso ni Red. Ang laki kasi eh. Hirap na hirap akong iangat nang dahan dahan dahil isang kamay lang ang gamit ko at kailangan mabagal pa. Nakakangalay din.

"Mmm..." ungol nya.

WAAAAAAAHHH!! Agad ko'ng binitawan yung kamay nya at nagpanggap akong tulog.

zzZZ... Tulog ako. Tulog ako.

Naghintay ako ng isang minuto bago ko silipin kung gising na sya.

Minulat ko ang isa kong mata, at binuksan din ang isa pa. Sinilip ko ang mukha ng katabi ko. Tulog pa rin sya.

WOOOOOHH!! Napakagat labi ako at tumitig ulit sa kisame. Nag-side view ako nang kaunti para silipin ako mukha ni Red.

Hmm... Tangos ng ilong. Haba ng pilikmata. Kinis ng balat. Ang pula ng labi. Yung buhok nya ang lambot tignan. Mukha syang babae. Ang GANDA GANDA nyang tignan. Para syang isang painting. Isang lalaking galing sa Greek Mythology. Si Adonis.

Ay ano ba 'yan?! Erase! Erase! Tumitig ulit ako sa kisame.

Lingon kay Red. Titig ulit sa kisame. Lingon ulit kay Red. Titig sa mukha ni Red. LECHUGAS BARABAS HESTAS!! CEILING! Sa ceiling ka tumitig Samantha! Bestfriends kayo ng kisame hindi ba?!

ANG KISAME AY PUTI! SOBRANG MAPUTI! Maputi parang si Jared. Makinis parang si Jared. HINDEEEEEE!!! Sa kisame!

Humarap ako sa kisame. Nakipagtitigan ako sa kisame. Ang kisame ang bestfriend ko ngayon, mas close kami kaysa sa kanila ni butiki. Ang kisame ang tagapagligtas ko. Parang si Jared—AMPALAYA!

*shakes.head.mentally*

Hindi ko man lang maigalaw ang ulo ko. Baka magkadikit ulit kami ni Red. Baka mamaya hindi na ilong ang magkadikit sa amin.

Ang lakas talaga ng tibok ng puso ko kanina, muntik ko na syang mahalikan sobrang konti na lang! Hindi naman kami ganon kalapit kanina bago ako nakatulog.

Kinikilabutan ako kapag naiisip ko kung nangyari 'yon. Paano ba humalik 'tong si Jared? Ang daming nababaliw dito eh.

KYAAAAAAAAAAAAAA!!! KADIRI KA SAMMY!! Paano mo naiisip yan?! Napatingin ulit ako kay Red. Hindi ko maiwasan eh. Ngayon lang kasi kami nagkalapit nang ganito. Yung labi nya...nakauwang nang kaunti. Parang nang-iinvite.

Ang gwapo pala nya. Ganito pala sya kagwapo. MAS GWAPO SYA SA MALAPITAN!!!!

*lunok.lunok*

Mababaliw na yata ako rito. Tama nga ang kumakalat na chismis. Ang lakas ng hatak ng lalaking ito. Grabe ang kanyang nag-uumapaw na pheromones.

Isang MALAKING TUKSO si RED sa mga BABAE! Pero hindeeee. Hindi ako magpapatukso sa'yo! Kay Timothy lang ako. WAAAAAAAAAHHH!! TIMOTHY!!!

May narinig akong yabag mula sa labas. Ang lakas ng pandinig ko, parang boses ni Angelo at Maggie... at may iba pa silang kasama.

"Bakla bilisan natin gusto ko nang makita ang SCANDAL ni SAMMY!!" boses ni China.

"May scandal si Sammy?" boses ni Michie.

"See for yourself!" boses ni Maggie.

SINA CHINA AT MICHIE!!!!

Tumingin ako kay Red at sa pinto na mamaya ay bubukas na.

WAAAAAAAAAAHHH!! ANO'NG GAGAWIN KO?!!!

a. magpapanggap na tulog at deadma nalang sa Crazy Trios

b. gisingin si Red at patayuin

c. ako nalang ang tatayo

WAAAAAAAHHH!!!

May humawak na sa pinto at parang slow motion ang pagbukas nito.

WAAAAAAAAHH!!

Nagulat nalang ako...

Sa sumunod na nangyari...

Mabilis pa sa alas kwatro na tumayo si Red mula sa kama ko. Kinuha nya ang upuan na nasa gilid ng higaan ko. Umupo sya don. Ipinatong nya ang dalawang braso nya sa kama ko at ginawa itong unan.

Natulog ulit sya.

A-Ano...

ANOOOOOO'NG IBIG SABIHIN NON?!!!! KANINA PA BA SYA GISING HA?!!!

Tuluyan nang bumukas ang pinto. Napaupo ako sa kama ko. Nakatingin sakin ang Crazy Trios na parang gulat at dismayado.

"Uhh... Hi?" kumaway ako.

"Mommy!" kumaway si Angelo at lumapit sa kama ko.

Nanatili naman na nakatayo sa labas ang tatlo.

"NASA'N NA ANG SCANDAAAAALLL?!!!!" sigaw ni China na may hawak na video cam.

Next chapter