Alas-singko ng hapon at tapos na ako maghanda para sa overnight namin, nang nagbihis si mama at may dalang maleta.
"Ma, saan ka po pupunta?"
"Babalik ako sa Japan para asikasuhin ang business natin doon. Dahil hindi pa maayos ang kalagayan ng papa mo, ay ako na muna ang maghahanap buhay. Matatagalan pa ang pagbabalik ko, kaya magiingat ka hangat wala ako.", at ang ilan nalang ay mga paalala.
"So… sino ang magbabantay kay papa pagmaypasok ako?", tanong ko.
"Si tit Michelle mo nalang ang magbabantay sa papa mo tuwing may klase ka.", at may iniabot si mama sakin. "Ito na ang allowance mo para sa bung buwan. Ikaw na ang bahala. Sige na, aalis na ako baka mahuli ako sa flight."
"Mag ingat ka po.", sabi ko habang pasakay si mama sa taxi.
Nanatili akong mag-isa pagkaalis ni mama hangang sa may nagdoor bell. Pinuntahana ko't pinagbuksan.
"Yo!", sabi ni John.
"Bakit ang aga mo, ang sabi ko mamayang alas-7 pa.", sabi ko.
"Tutulungan na rin kita sa mga prepertion para mamayang gabi."
"Ano ba ang dala mo?"
"Ito oh.", at nagpakita siya saakin ng apat na binhi.
"Anong gagawin natin dito?", tanong ko.
"Gagawin natin isang 'tunnel' ang compound niyo."
"Ano?! Bakit naman."
"Sigurado akong binalaan ka na ni Kuro. Pero sasabihin ko narin uli, dahil sa alam mo na at nangaling ka na sa GAIA ay naglalabas narin ng aura ang katawan mo isang paraan upang madali kang matunton ng mga maaaring pumatay sa iyo dito."
"Paano naman natin maggamit ang mga binhing ito?"
"Ang mga binhing ito ay magiging foundation ng tunnel sa bahay mo. Ibig sabihin ay maaari mo nang magamit at magawa ang mga bagay na nagagawa mo sa GAIA, magic, spells, at iba pa. Pero hindi mo na magagamit ang mga ability mo pag nasa labas ka na ng barrier, at isa pa'y tutulong ito para maiwan sa bahay mo ang aura na nasakatawan mo sa loob ng ilang oras habang na sa labas ka.", paliwanag ni John.
"Hulaan ko, apat na binhi para sa apat na direksyon."
"Ikaw na mag tanim ng dalawa sa south at east, ako naman sa north at west.", sabi ni John at ibinigay ang mga binhi.
Itinanim na nga namin ang mga binhi at agad itong nag-ugat at nagkonekta sa ginta ng bahay namin. May haligi ang tumatayo sa mga pinagtaniman namin ng mga binhi, at may isang liwanag ang bumalot sa bahay namin. (Kasama na ang bakuran pati likod ng bahay.)
"Teka. Hindi ba magiging halata at lalong delikado ang kalagayan ko ngayon dahil sa mga bagay na biglaang sumusulpot sa bahay namin? Baka kasi isipin nila na porket nasa ibang bansa nanay ko ay kung ano-ano na ang ginagawa ko sa bahay.", pangamba ko.
"Huwag kang magalala, gaya ng hindi mo mailalabas sa 'real world' ang magic mo. Ay di makikita ng mga nasa labas ng property niyo ang mga bagay na nasa loob. Kahit na magpalabas ka pa ng isang dragon dito ay wala pa ring makakapansin. Gayon din sa mga tao na hindi pa nagkakaroon ng kahit anong pisikal na koneksyon sa GAIA. Tulad ng pagkain ng pagkain doon, pag-gamit ng mga kagamitan na madalas na ginagamit doon."
"So ibig mong sabihin ay kahit na magkaroon pa ng malaking pagsabog dito ay ayos lang at walang kaguluhang magaganap?"
"Oo. Bakit di mo sumukan gumamit ng kahit isang ability.", hikayat ni John.
Binunot ko yung espada ko at gumawa ng isang battle stance na nakikita ko sa mga anime.
"Anu ginagawa mo?", sabi ni John.
"…", nanahimik na lang ako ng biglang may lumabas mula sa bahay.
"Ayusin mo nga ang sarili mo. Talo ka pa ang isang bata sa pag-gawa ng isang battle stance.", sabi ni Kuro.
"Sino ka at paano ka nakapasok sa bahay namin?", tanong ko. "Teka. Kuro!", "Wow! Ang liit mo.", sagot ko.
Tumakbo si Kuro papunta saakin at sinuntok ako.
"Aray! Ano bang problema mo?", sabi ko.
"Paano ka nakalabas mula sa espada?", tanong ni John kay Kuro.
"Salamat sa Barrier na ginawa niyo ay nabalutan ko na ang buong lugar ng kapangyarihan ko, dahilan para makapagpakita ako kahit isang non-physical being lang.", paliwanag ni Kuro.
"Kung hindi pa pala yan ang pisikal na katawan mo, paano mo ako nasuntok, Isa pa ang sakit ng pagkasuntok mo, talo mo pa ang isang boksingero?"
"Wala nga akong pisikal na katawan pero mayroon akong kahit papaanong control sa mga bagay na nasasakupan ng kapangyarihan ko. Yung tumama sa mukha mo ay isang bato na ipinagalaw ko lang.", "Pero dahil sa matagal-tagal ko rin di nagamit ang kapangyarihan ko kaya hangang sa pagpapagalaw lang ng mga inanimate objects lang ang kaya kong pagalawin dipende pa sa laki.", sagot niya.
"Ahh… edi wow.", sabi ko.
"Edi wow ka diyan, tingnan mo nga sarili mo kahit nga sampling pagsuntok mo pa ata di mo pa kayang gawin.", sabi ni Kuro.
"Anong di kaya.", umamba ako na susuntok pero nagsalita si John.
"Sa ginagawa mo hindi ka tatagal ng sampung segundo sa isang labanan.", sabi ni John.
"Mukhang masaya kayo diyan ah.", sabi ng isang boses.
"Sino ka?!", sabi ko at tumingin ako sa bubong namin, at doo'y nakita ko si Hiro.
"Teka lang wag masyadong hype.", at tumalon siya mula sa bubong mapunta saamin. "So kamusta ang bagong kapatid.", sabi ni Hiro kay John.
"Pati ikaw.", sabi ko. "Kayo itong mga traydor. Pinagkatiwalaan ko pa naman kayo. Ikaw naman John, 'bat di mo agad sinabi saakin.", sabi ko.
"Di ko ba nasabi sa iyo.", sagot ni John.
"Mag sasalita ba ako kung alam ko na sinabi mo na!", sabi ko.
"O siya sige, sorry na. Ano? Masaya ka na?", bangit ni John saakin.
"Ewan ko sa inyo. Kailan ka pa nasa bubong namin?", tanong ko kay Hiro.
"Kanina pa.", sagot niya.
"Ano naman ang ginagawa mo sa bubong namin. Ikaw ba ang magaayos ng koryente namin.", sabi ko.
"Na isipan ko lang gumawa ng isang dramatic entrance."
"Sa tingin mo ba may namangha?"
"…"
"Weeb."
"Wow! Look who's talking na gumawa ng isang anime stance sa paghawak lang ng espada.", ganti ni Hiro. "Sino ba yung isa diyan na nahuling nakikipag usap sa body pillow niya."
"Ikaw!!!", "One point saakin.", sabi ko.
"Panalo ka ngayon. Humanda kalang sa akin sa susunod.", sagot ni Hiro.
At nag tawanan kaming tatlo.
"Hoy! Pansinin niyo naman ako.", sigaw ni Kuro.
"Ayato, sino ito. Di ko alam namay tatawag na sa iyo ng 'onii-chan", biro ni Hiro.
"Kung ako sa iyo iilag na ako.", sabi ko.
Napansin ko na isang malaking bato ang nagiipon sa likod ni Hiro at kumaripas ito na tatama sa kaniya. Lumingon siya at hiniwa niya ito.
"What's the big idea!!!", sigaw ni Hiro.
"(Wow! Nag English)", isip isip ko. "Mukhang kailangan kong ipakilala ang isa't isa. Kuro si Hiro kaibigan ko. Hiro si Kuro spirit ng espada ko."
"Kuro?", tanong ni Hiro namay pagkagulat. Bigla siyang lumuhod sa harapan nito at nanghingi ng tawad. "Dakilang Prinsesa anak ng Harlykishma humihingi ako ng tawad sa aking kapangahasan. Ako ang espiya ng Pseudo-atlanta na dating Harlykishma na sa inyo'y magsisilbi.", sabi ni Hiro.
"(Wow! Marunong din pala siya ng paggalang. Akala ko kinain na siya ng sistema ng pagiging weeb niya.)", isip-isip ko.
"Tigilan niyo nanga ang formality sa harap ko. Sa tagal ng panahon na nawala ako sa aking pagiging prinsesa, na uumay na ako kapag may mga sobrang pormal sa harap ko. Wala na akong pake sa mga estado ngayon, isa pa matagal ng wala ang kaharian ng Harlykishma kaya tigilan niyo na ang pagluhod-luhod niyo saakin. Wala na ako sa katungkulan.", sermon ni Kuro.
"Masusunod.", sagot ni Hiro
"Kasasabi ko lang."
"Pasensya na."
"Ano. Hangang bukas nalag ng umaga tayo dito sa labas at magpapapak sa mga lamok. Dahil kanina pa ako katingkati.", sabi ko.
"Walang lamok na kumakagat. Makati ka lang talaga.", sagot ni Hiro. "Biro mo bang pati isang maalamat na dugo ng dakilang Helios ay kasakasama mo. Pashare naman oh.", dagdag pa niya.
"Insulto ba 'yan o compliment?", tanong ko.
"Tara na nga nilalamig na ako.", sabi ni John. "At huwag na kayong gumatong sa sinabi ko. Alam ko na ang tatakbo sa isip ninyo."
At pumasok na nga kaming lahat sa loob. Nagtuloy ang kuwntuhan at asarabn namin habang si Kuro ay naglalaro ng PS4.
"Paanong taga-GAIA ka at alam mo maglaro nito, isa pa ngayon ka lang din nakalabas ng espada mo diba.", sabi ko.
"Ang pag-iisip ng nagmamay-ari saakin at ng akin ay konektado kaya wag kanang magtaka kung alam ko halos lahat ng sikreto mo.", paliwanag ni Kuro.
"Lahat?", tanong ko.
"Lahat.", sabi ni Kuro.
"So alam mo kung sino yung crush ni Ayato.", sabat ni Hiro.
"Oo. Gusto mo sabihin ko?", tanong ni Kuro.
"Sige sabihin mo, wala naman akong pake.", sabi ko.
"Edi wag ko nang sabihin.", sabi ni Kuro.
"Bakit naman?", sabi ni Hiro
"…", pananahimik ni Kuro.
Nagkuwentuhan nalang kaming tatlo habang naglalaro si Kuro. Sa totoo lang para ka lang may nakababatang kapatid, kung makita mo siyang maglaro. Lumalalim na ang gabi at puro kalokohan lang naging kuwentuhan namin at wala man kahit isa saamin ang may nabangit tungkol sa GAIA hangang sa kami ay makaramdam na ng antok.
"Hindi pa ba kayo inaantok?", tanong ko.
"Medyo, medyo.", sabi ni Hiro. Tumayo si John at pumunta sa kusina, nagbalik na may dalang mga tasa.
"Ano yan?", tanong ni Kuro.
"Kape.", sagot ni John.
"Kape sa gabi?", tanong uli ni Kuro.
"Ewan ko ba pero pagnagkakape kami ay parang mas makakatulong sa pagtulog namin.", sabi ko.
"Mukhang kailangan niyo ng tulong.", sabi ni Kuro.
Pagkainom namin ng kape at ay may bigla akong nabangit.
"Oo nga pala John. Ano ba ang mangyayari sa katawan mo sa GAIA pagnamatay ka, nakita ko kasi yung katawan mong naglaho ng pagkapikit ng mata mo?"
"Magrerespawn ka sa bahay mo pero kailangan mo pa ng mahabang panahon ng recovery bago ka uli maaaring bumalik.", sagot ni John.
"So namatay ka na pala.", sabi ni Hiro kay John.
"Oo bakit ingit ka?", tanong ko.
"Bakit ka ba ganyan saakin. Inaano ba kita.", tanong saakin ni Hiro. "Hindi lang naman ako ang nagkaila sa iyo ah… pati rin naman si John.", dagdag pa niya.
"Bakit iiyak ka?", tanong ko.
"Nagkaroon ka lang ng espada at nakababatang kapatid ganyan na ugali mo.", "Tandaan mo makakabawi din ako sa iyo pag nagkita tayo.", sabi ni Hiro saakin.
"Tigilan niyo na nga yan. Para kayong mga bata.", sabi ni John.
"Mabalik tayo sa usapan. Kung natatandaan ko, may limitations ang buhay sa GAIA na halos katumbas ng buhay natin dito.", tanong ko.
"Oo, Yung mentality at sanity mo ang magiging basehan ng buhay mo. Kung mawawala ka sa katinuan ay matatrap ka sa GAIA at di ka na makakabalik pa. Pagdating sa puntong iyon, pagnamatay ka pa uli ay iyon na ang huli beses na mamamatay ka.", paglilinaw ni John.
"Kung tayo nakapagbukas ng tulay. Paano naman si Hiro? Wag mong sabihing nakapagbukas din siya."
"Hindi naman siya nakapagbukas ng tulay, pero naisummon siya. Nagkataon lang talagang nagkasundo kami ng summoner niya na ialis sa pagkakatali si Hiro kaya malaya na siya.", sabi ni John.
"Paanong nangyari.", tanong ko.
"Hay naku. Ako nalang ang magkukuwento.", sabi ni Hiro. "Sa susunod nalang. Tignan niyo nga ang oras oh… magaalas-12 na."
"Parang ikaw di ka sanay sa puyatan.", sabi ko.
"Matulog ka na alam kong marami ka pang gagawin.", sabi ni John.
Naghanda na kami matulog. Si Kuro naman ay bumalik na sa loob ng espada.
"Inaantok na rin ako. Babalik na ako sa loob ng espada.", sabi ni Kuro.
"Ano mayroon bang may gusto ng bedtime stories?", biro ni Hiro.
"Mama mo, bedtime stories. Ano ka kinder?", sabi ko.
"Matulog na!", sabi ni John.
"Opo 'tay.", sabi namin ni Hiro ng sabay.
At natulog na nga kami. Habang nasa kalagitnaan ng pananaginip ay may isang boses akong naririnig na parang galing sa malayo.
"hindi… hindi…", habang tumatagal ay papalakas ng papalakas ang sigaw. "Hindi… Hindi… Hindi… HINDI… HINDI!... HINDI!!! H I N D I !!!", at may isang pulang mata ang tumitig saakin.
"Sino ka ba talaga!!!", sigaw ko rin.
May nakita akong isang ibon namay hawak na karit at maso ang sumugod saakin at tumagos sa katawan ko, at biglang nagising ako.