Bigla akong napabangon mula sa pagkakahiga.
"Bangungot?", tanong ni Kin na nakatayo sa gilid ng pinto.
"Anong nangyari?", tanong ko.
"Ikaw nga ang dapat na tinatanong ko niyan. Anong nangyari sa iyo?", tanong niya uli saakin.
"Hindi ko alam. Ano ba ng nangyari.", tanong ko uli
"Nakita ka nalang namin na nakahiga sa labas ng pinto ng kuwarto ni John at walang malay. At napansin na rin namin na wala na siya.", sabi ni Kin.
"Parang ang tagal kong nakatulog.", sabi ko.
"Matagal ka nga tulog. Mga 5 araw na.", sabi ni Kin. "Sana di ka naapektuhan sa nangyari."
"Huwag kang magalala, ayos naman ako.", sabi ko.
"Sigurado ka.", tanong ni Kin.
"Oo. Teka, nasaan si Yuri.", tanong ko.
Ilang saglit ay may isang kumatok sa pinto at pumasok namay dalang mga prutas.
"Speaking of…", sabi ni Kin.
"Ayato!", sabi ni Yuri at tumakbo papunta saakin at niyakap ako.
"Anong nangyayari.", tanong ko.
"Hindi ko nga alam, basta sa isang iglap lang ay naging concern siya sayo. Hangang ngayon, siya ang talagang tutok sa pagaalaga sa iyo.", sabi ni Kin.
Agad naman umalis sa pagkakayaakap si Yuri.
"Ngayon tapos na ang responsebilidad ko sa iyo. Tumayo ka na diyan at maglakad ka na.", sabi ni Yuri.
"Parasaan yung yakap na iyon?", tanong ko.
"Wala lang naisip ko lang dahil sa nangyari kay John. Alam ko na sobrang lapit ninyo sa isa't isa.", sabi ni Yuri.
"Huwag na kayong magalala ng todo sa akin, sinisigurado kong ayos lang ako.", sabi ko.
"Isa panga nasaan si Forh? Kamusta siya?", tanong ko.
"Ayos lang siya, Pinatawag siya ng capitol para sabihin ang nangyaring pag atake.", sabi ni Kin.
"Diba kahapon pa siya naroon? Dapat nakabalik na siya.", sabi ni Yuri.
"Magsasabi naman sila na nakabalik na siya… tulad… ngayon.", pagkasabi ni Kin ay may biglang kumatok.
"Nakabalik na siya.", sabi ng isang lalake na pumasok. "O! Ayato, gising ka na pala."
"Ayato, si Paul nga pala. Siya yung tumulong sa iyo na maidala ka dito.", sabi ni Kin.
"Ahh… Salamat, sa tulong mo.", sabi ko kay Paul
"Walang ano man.", sagot niya. "Magtipon na daw tayo doon sa function hall.", sabi niya at umalis.
"Narinig niyo siya. Tumayo ka na diyan at tara na.", sabi ni Kin.
Tumayo ako at naghanda na kami papunta sa hallway at doon ay nakita namin ang lahat na nagkakatipon na. Hinihintay na lang si Forh.
Ilang saglit lang ay dumating narin si Forh.
"Dahil sa nangyari sa Napoleon Stadium ay na postponed and game kaya dederesiyo tayo sa susunod na round.", sabi ni Forh. "Ang susunod na round ay ang '480 Days'. Gaya ng pangalan ay bibigyan kayo ng 480 na araw para matapos at maipanalo ang round na ito."
"Ang bawat grupo ay ipadadala sa iba't ibang lugar sa buong GAIA. Mayroon lamang kayong 480 para makolekta ang tatlong susi na magagamit niyo upang makapunta sa huling destinasyon. Ang Papylia ang pinakamalaking stadium na matatagpuan sa gitna ng buong kontinente ng Baobad. Doon maagaganap ang ikatlo at huling tuligsahan ang 'Great Spar'."
"Wala bang tanong?", sabi ni Forh.
At walang kahit sino man ang nangahas na magtanong.
"Kung wala ng tanong ay pumunta dito sa harap ang representative ng bawat grupo.", sabi ni Forh.
Si Yuri ang naging representative namin. Bumalik si Yuri namay hawak-hawak na isang papel. Ipinakita niya saamin at biglang pumalupot sa braso niya.
"Ang mga papel na iyan ay ang mga magsisilbi ninyong mga mapa para sa inyong mga paglalakbay.", "Hangang doon lang muna, Bibigyan ko kayo ng tatlong araw paramaghanda sa nalalapit na paligsahan.", at umalis na siya.
Bumalik kami sa kuwarto at nagpahinga sandali. Ilang saglit lang ay nagyaya si Kin na lumabas para bumili ng mga kagamitan namin.
"Pansin ko lang Ayato. Wala ka na bang ibang damit liban diyan sa suot mo?", tanong ni Kin saakin.
"Oo nga ehh…", sabi ko.
"May pera ka bang daladala?", tanong ni Kin sa akin.
"Hindi ako sigurado.", sagot ko.
"Hindi ka sigurado kung may pera ka o wala.", tanong ni Kin. "Tignan mo nga yang orb mo."
Binuksan ko yung orb ko at tinignan ko yung stats ko uli. "10,000 G?", tanong ko.
"Anong sabi mo?", tanong ni Kin saakin namay pagkagulat.
"May problema ba?", tanong ko.
"Patingin nga.", sumingit si Kin at tinignan. "Halimaw ka. Di mo ba alam kung gaanong kalaking halaga iyang daladala mo?", sabi ni Kin.
"Linawin mo na nga.", sabi ko.
"Alam mo ba na sa isan daang B ay makakabili ka na ng isang mababang uri ng espada, na siya ring sweldo sa mga simpleng mga mangagawa. Ang isan libong B ay isang T, ang isan libong T ay isang P, ang isang daang P ay isang G.", sabi ni Kin.
"So…"
"Anong 'So...', sa halagang daladala mo ay maaari ka nang bumili ng isang malaking bayan.", sabi ni Kin na may pagka agresibo.
"Kung ganoon ang halaga nito. Hindi natin maaaring galawin ito, isa pa hindi dapat ito malaman ng kahit na sino.", sabi ko.
"Pero kung talagang sa iyo 'yan… baka naman…", sabi ni Kin.
"Kailangan ko munang kompirmahin kung akin ito." Sabi ko.
"O siya sige."
At walang babala sumulpot si Yuri sa likod namin.
"Ano yan?", tanong niya saakin.
"Wala, wala…", sabi naming dalawa.
"Parang di ako tiwala sa sagot ninyo.", sabi ni Yuri.
"Para maiba tayo. Tara na dahil kailangan natin makabalik bago lumubog ang araw.", sabi ko.
"Tara sige, kain na muna tayo.", sabi ni Kin.
"Ang magsabi, manlilibre.", sabi ni Yuri.
"Sige ako na ang bahala.", sabi ni Kin.
Dumaan ang ilang saglit ng kainan, (At sa sinabi kong saglit ay isang iglap), ay pinagsisihan agad ni Kin ang sinabi niya. Sa bawat food stall na madaanan namin ay lagi kaming nagkakaroon ng stop over. Kahit sa katawan ni Yuri, di mo aakalain na ganoon siya karami kumain.
"Ano kaya mo pa, tandaan mo pagnalaman ko na kung kanino talaga ang pera na ito ay doon pa lang ako makakapag labas ng kahit ilan.", bulong ko kay Kin.
"Buti nalang kahit papaano ay may naitabi akong budget para dito.", sabi ni Kin.
"Seryoso na nga tayo sa pagbili ng mga kakailanganin natin.", sabi ko.
"Oo na sige na.", sabi ni Yuri.
At ilang oras ng paglalakad ay nakakita kami ng isang tindahan. Mukang luma pero ng makita namin ang mga tinitinda sa salamin ay pumukaw ito saaming atensyon at pumasok kami. May isang tindero ang lumapit at kami'y pinatuloy.
"Maligayang pagpasok sa aking munting tindahan, maaari po kayong mag ikot ikot ng mapili ninyo ang inyong maibigan.", sabi ng tindero.
Nagulat ako sa mga nilalaman ng tindahan niya. Hindi lang mga sandata at armor, mayroon ring mga pananamit, mga iba pang mga simpleng gamit na maaaring magamit sa mga normal na pang araw-araw.
Habang nagiikot-ikot ako ay napansin ko na sinusubay bayan ako ng tindero. Pero nawala ang aking atensyon ng napadaan ako sa tapat ng isang armor. Lumapit saakin ang tindero at sinubukang ibalin sa iba ang atensyon ko. Pero…
"Matagal na hindi nabibigyan ng atensyon ang armor na iyan dahil sa luma at hindi na napapakinabangan pa ng buo."
"Great Dragon's Armor, Ang ginamit ng isang Mito upang magtumibay ang kalasag ng isang tao liban sa talagang gumagamit nito.", sabi ko ng hindi ko namamalayan.
"Kaibigan, Pwede ko ba tignan ang kamay mo?", tanong ng tindero.
Ibinigay ko sa kaniya ang aking kamay at kaniyang hinawaka't tinignan. Binitawan niya at kaniyang isinara ang pinto at mga bintana.
"Anong nangyayari", tanong ko.
"Ano ba ng ginawa mo?", tanong ni Kin saakin.
"Huwag kayong mabahala. May nais lamang akong ipakita sainyo.", sabi ng tindero.
Pumunta siya sa likod ng kaniyang tindahan at kami'y kaniyang pinasunod papunta sa basement.
"Sumunod lang kayo saakin."
Pagbaba namin ay nakakita kami ng masmarami pang mga kagamitan. Ang akala namin ay doon na nagtatapos, ngunit kami ay natigil sa harao ng isang malaking pinto. Nagtataka kami kung paano naipagkasiya ang ganoong kalaking pinto sa isang basement ng isang maliit na tindahan.
"Anong gagawin natin dito.", tanong ni Yuri.
"Sa pagkakataong pumasok tayo sa pintuang ito ay may makikita kayong hindi maaaring malaman ng kahit na sino.", sabi ng tindero.
"Kung gayon bakit mo naman kami dinala dito?", tanong ko.
"Ikaw lang talaga ang nais kong dalhin dito pero kung ipapaiwan lang kita ay baka iba ang isipin ng mga kasama mo.", paliwanag niya.
At binuksan na nga niya ang pinto. Bumungad saamin ang isang malakas at maliwanag na kinang ng mga gintong mga sandata, at mga kagamitan.
"Bakit mo ba ipinapakita sa amin ito?', tanong ni Kin.
"Dahil nais ko na makatawid kayo sa gampanin ninyo, lalo na ang kasama niyo.", "Sa iyo Marcello Kin, ang batong ito.", "Sa iyo naman Yuri Miyasaki, ang libro na ito. Na siyang ginamit ng isang matalinong inhiniyero na siyang nagtayo ng Paanan ng Diphte", "At sa iyo, Ayato Suzuki, ang medallion na ito. Ito ang mas dakila kaysa sa kanina. Great Dragon's Sarcieno Linea, ang mata ng dragon kung saan ginawan ka ng armor sa pamamagitan ng pagbalot balat ni yaon sa buong katawan mo sa maikling panahon."
"Teka, bakit yung saakin ay parang walang kahit ano mang history backgrounds.", tanong ni Kin.
"Malalalaman mo rin sa takdang oras ang kakayanan ng batong iyan.", sabi ng tindero.
Bumalik kami sa itaas at itinuloy ang pamimili ng aming mga kakailanganin pa. Binayaran namin ang mga pinili namin habang ang kaniyang mga ibinigay ay siyang binigay niya ng libre.
Hindi naman ako napagastos ng malaki dahil sa ang mga binili ko naman ay mga dagdag na potion at mga damit, pati na ang pinaka mura ngunit matibay na mga chainmail. Dahil nga sa hindi pa lubusang akin ang perang iyon.
Habang ang iba naman ay gumastos sa kanikaniyang mga binili. Papaalis na kami ng may huling bilin saamin ang tindero.
"Magingat kayo sa inyong paglalakbay."
"Salamat, sa susunod po.", sabi ko
"Wag kang mag alala ng ano pa naman.",
"Sige po aalis na kami."
At may isa siyang sinabi habang kami ay papalayo.
"Ang dugo ay madilim, ngunit ang madilim ay sandali."
Paglingon ko para tignan ang tindero ay napansin ko na nawala ang tindero pati ng tindahan. Natakot ako panandalian dahil sa nangyari at napansin ko na lumiwanag panandalian ang medallion na ibinigay niya saakin.
Bumalik na kami na pareparehong nahihilo. Dumeretso na kami sa aming kuwarto at nahiga.
Habang nahihimbing ay nagkaroon nanaman ako ng isang vision, (vision na ang itatawag ko dahil mahirap na malaman kung alin ang panaginip sa totoo).
Isang langit na kulay pula, may tatlong babae na nakadapa at walang malay. May limang lalake, ang tatlo ay hindi na makakilos. Ang isang lalake ay nakatayo lang sa gilid habang may isang pang lalake na mayroong iisang pakpak at ang lahat ay nagsilab sa apoy.
Ang lalake at tumingin saakin namay titig na tila ay hindi ng tulad ng sa tao. Naglabas ng tabak na di kailanman mabibibilang na siyang sumaksak saakin ng sabayan.
Ang sakit ay totoo, hindi tila panaginip. Ramdam ang pagbaon ng bawat talim na siyang iba sa iba ko pang mga panaginip. Nagising ako at nakita ko ang isang anino na nakatayo sa dibdib ko.
---END OF BOOK 1---