webnovel

Chapter 7

One day, I'll be able to see meteor shower with you...

Mulat na mulat ang aking mata habang nakatingin sa kisame ng kwarto ko. I can't help myself to not cry knowing my condition. Tumulo ang lintik kong luha habang nakatulala. I heard a knock in my door and saw my mother staring at me. Hindi ko alam kung kanina pa siya diyan o kakarating lang. I saw the  sadness in her eyes. I smile at her at bumanggon sa higaan. Umupo ako para kausapin si mommy.

"Good morning mommy. Anong almusal natin?" pinasaya ko ang tono ng aking boses.

Naglakad siya palapit sa akin at umupo sa gilid ng kama ko.

"I love you so much sweetheart..." sabi niya habang inaayos ang buhok ko at iniipit sa aking tainga. Ngumiti ako para ipakita na malakas ako

"mom, do you remember the time when I told you I want to be a nurse? I was so happy after hearing that you'll support whatever I want. Akala ko kasi ipipilit niyo na mag-engineer ako... That time, I realize that you really love me and you'll do anything to make me happy. Thank you mommy." nakikinig siya habang humihikbi

"my, I want you to be strong. We will still continue our life habang nagpapalakas ako. I don't want to see you this broken." sabi ko

Tumango siya at niyakap ako. Sabay kaming bumaba para kumain. Nakita ang lungkot sa mga mata ng mga katulong namin. Probably aware of my condition. I smile on of them to assure that I'm doing fine. Kumain kami at tahimik pa rin si mommy habamg paminsan minsang tinitignan ako. Naligo ako at nagbihis, naghanda para sa isang napaka-bigat na araw.

Bumaba ako para mag-paalam kina mommy. Balak naming mag-flight mamaya. Pagkatapos naming mag-usap ni kyle, didiretso na ako sa Airport. Mauuna na sina mommy doon at hihintayin na lang nila kami. Hindi na rin nag-book si daddy ng ticket because we will be taking a private plane.

Lumabas ako para hindi na pumasok si kyle. Ayaw kong makita niya ang mga itsura ng mga tao sa loob. Sinabi ko na masama ang pakiramdam ni mommy at inaalagaan siya ni daddy kaya wag na siyang magpaalam. Naniwala siya sa rason ko kaya agad akong na-guilty.

"hey. Are you okay? Kanina ka pa natatulala diyan. Smile, baby. Buong araw kitang hindi nakita kahapon." sabi niya

Sobrang nakakatawa na kaya kong iwan ang lalaking ito. My decision is not just for me. Soon, it'll also benefit him. Makakahanap siya ng tao na mamahalin siya katulad ng pagmamahal na ibinibigay niya. I forced a smile para hindi siya makahalata.

"uhm... Later after school, Can we go to your lolo's land of roses?" sabi ko

I decide to end our relationship there. The place where we started.

"Why, baby?" he asked

"I just want to see that place again. Nakakamiss dib yun eh." sabi ko

"you're right. Alright! We'll go there" sabi niya at hinawakan ang kamay ko

Hinatid niya ako sa classroom. Nakita ko sina yanna, kate, at rainne na nag-uusap. Tinignan ko silang mabuti at ngumiti. I'll never forget all of you, girls. I am praying for your success in the near future. Nakita nila ako at agad na tinawag. Tinanong nila ako kung bakit ako wala kahapon. Sinabi ko na sinamahan ko lang si daddy. Naniwala sila sa sinabi ko...

"girls..." tawag ko sa kanila. tuminggin sila sa akin...

"I want to say thank you. For being with me and for being my best girl friends. I'll forever be thankful dahil nakilala ko kayo. I wish for your happiness and success. Always remember that I love you." sabi ko

Medyo naguluhan sila sa sinabi ko

"you're always welcome! Why are you acting so weird. Para kang magpapaalam!" sabi ni yanna

"oo nga! Staka alam naman namin kami talaga ang bestfriend kaysa kay Sevi" sabi ni kate at sabay sabay kaming tumawa

"Alam mo, even though hindi mo kami sinasamahan sa shopping galore namin, naiintindihan namin dahil ang dami mo ng gamit! Mahal ka parin namin... " sabi ni rainne

"hmp! Ano ba itong pinag-uusapan natin! Parang may mamamatay! Tigil na..." natatawang sabi ni yanna

Binalewala ko ang problema ko sa araw na ito. Nakipagtawanan ako sa mga kaibigan at classmates ko. Sabay sabay naman kaming kumain pagdating ng lunch. Si kyle ang bumili ng kakainin ko na palagi niyang ginagawa. Pinakita naman sa akin ni kyle ang mga plates na ginawa niya para sa requirements nila. Sobrang ganda ng mga bahay na ginawa niya sa blue print. Someday, gagawa ka ng bahay para sa future wife mo... Nakasalubong pa namin si Sevi at tinignan niya ako ng makahulugang tingin. Mauuna ang flight niya mamaya. Sinabi ko naman sa kaniya na hindi niya na kailangang sumama pero ipinilit niya. Pumayag naman ang parents niya dahil nandoon naman si tita faith para samahan siya.

Kyle and I arw on the way to his lolo's house at sobra na akong kinakabahan.

Nang nakarating kami ay hindi ko maiwasang mamangha sa ganda nito. Kahit paulit-ulit akong pumunta dito at hinding hindi ako magsasawa. Pumitas ako ng isang rosas at pinutol and tangkay nito. Ilalagay ko iyon sa libro at hihintaying matuyo. Ito ang magiging alaala ko sa lugar na ito.

Tuminggin ako kay kyle na nasa gilid ko at tinatanaw ako.

"you're acting so weird." sabi niya habang seryosong nakatinggin sa akin

Ngumiti ako sa kaniya at hinila na siya papunta sa tree house. Umupo kami sa balcony ng bahay habang nakatanaw sa magandang tanawin sa baba.

"why did you say so?" tanong ko

"Nasabi sa akin nila yanna na may sinabi ka sa kanila kanina at parang nagpapaalam ka. Bigla bigla ka ring natutulala. Is there any problem? Babe?" nag-aalalang tanong niya

"Do you remember the first time na sinundo mo ako?" tanong ko

Lumapit pa siya sa akin at niyakap ako. His right hand is holding my waist while his other hand is caressing my hand.

"hmm. The party." sabi niya

Tuminggin ako sa kaniya. Tuminggin din siya sa akin at hinalikan ang nuo ko. Pumikit ako at dinama iyon upang hindi ko makalimutan ang imaheng iyon.

"Nung sinabi ko na nakakaabala ako sayo dahil sinundo mo ako, narinig kong sinabi mo na hindi ako nakakaabala. Nung una akala ko guni guni ko lang iyon. Pero alam ko, alam ko na sinabi ko iyon." sabi ko habang binabalikan ang alaala.

" sorry sa abala. Na istorbo ka pa tuloy. Hindi mo naman na rin ako kailangan i-hatid mamaya pauwi. Pwede naman akong magpasundo sa mga driver namin" sabi ko

"hindi ka abala." mahinang bulong niya pero narinig ko pa rin

"I was so happy with you and I don't know if I can ever forget you" sabi ko

"You don't need to forget me. Baby, I'll forever love you. I'll forever be your knight and forever protect you." sabi niya pero kita ko ang pagtataka niya

"kyle... I want to say something." sabi ko at kinalma ang sarili

"what is it, baby?" sabi niya

Humarap ako sa kaniya hinawakan ang dalawa niyang kamay

"kyle... I'm... Breaking up with you." sabi ko habang pinipigilan ang sarili na umiyak. Nakita ko kung paano lumamig ang mga tingin niya

"you're joking. It's not funny alyssa." sabi niya at iniwas ang tinggin sa akin

Hinawahan ko ang mukha niya at hinarap siya sa akin.

"I'm not. I'm break up with you kyle." sabi ko

Humarap siya sa akin at nakita ko ang sakit sa mga mata niya

"Hindi ka makikipaghiwalay sa akin. Do you want something? Nagugutom ka? Let's go. Bibili tayo."

Yaya niya sa akin at tumayo siya. Tumayo ako at hinarap siya sa akin

"ayaw ko na. Kyle, listen. Ayaw ko na! Hindi mo ba naiintindihan? Itigil na natin ito!" sigaw ko dahil hindi niya pinapakinggan ang mga sinasabi ko

"why? Bakit ka makikipaghiwalay?" matigas niyang tanong

Wala akong maisip na dahilan kung bakit ako makikipaghiwalay. Hindi pwedeng sabihin ko sa kaniya na may sakit ako. Hell no!

"May mahal na akong iba! " sabi ko

Peke siyang tumawa na parang hindi kapani-paniwala ang mga salitang sinabi ko

"Wag tayong maglokohan dito alyssa. You love me. I know! I see it in your eyes. Baby, did I upset you? What is it?" desperadong tanong niya habang pilit na hinahawakan ang kamay ko

"Nakilala ko siya kahapon. He... He is more matured than you! Hindi siya clingy! And... He let me do whatever I want. Hindi katulad mo na palaging nakakapit sa akin!" sabi ko at patuloy na inilalayo ang sarili sa kaniya

"alyssa! Come back!" tawag niya pero hindi ko siya pinakinggan.

Naglakad ako pababa ng hagdanan. Hinabol niya ako at pilit na hinahawakan. Hinawakan niya ang kamay ko at iniharap ako sa kaniya

"okay. I'll... I'll never be clingy again. I'll give you the freedom you want. Just please don't leave me. Alyssa, I can't live without you. Baby..." umiiyak niyang sabi

Nagulat ako dahil umiiyak siya. Hindi ko mapigilan ang mga luha na nagbabadya.

"baby... Please. Wag mo naman akong iwan ng ganito. I'll change myself for you... Just... don't leave me." sinandal niya ang kaniyang nuo sa akin. Umiiyak na ako at natatakot ako baka atakihin ulit ako. I need to get out of here bago pa lumabas nag mahinang alyssa.

Bumitaw ako sa kaniya at lumayo. Tuminggin ako sa kaniya and I saw how broken he is.

"I'm sorry. Sorry for making you fall in love with me. Hindi na kita kayang mahalin pa." sabi ko at tuluyang tumakbo sa van na dumating.

Kasama ito sa plano namin. Ito ang susundo sa akin at maghahatid sa airport.

Nakita ko kung paano niya gustong palabasin ako sa sasakyan. He's begging for me to come out.

"manong tara na po." sabi ko habang humahagulgol sa loob ng sasakyan.

Tuminggin ako sa kaniya mula at nakita ko kung paano siya napaluhod.

I'm sorry, love. Hindi ko sinasadyang iwan ka. I never meant to hurt you. I want you to move on and forget me.