webnovel

Chapter 6

Don't tell me the moon is shining; show me the glint of lights on broken glass.

-Anton Chekhov

Its already 6:30 pm and we are on the home. Sobrang saya ko sa araw na ito. Masaya ako tuwing kasama siya. Hindi ko magawang alisin ang tinggin sa regalong ibinigay niya. I woder kung magkano ito.

Paguwi namin niyayaya siya ni mommy na dito na magdinner pero tumanggi siya. They are also having their dinner daw at naghanda si tita. Tita lani is his mother. Sobrang bait niya at talagang welcome ako sa kanila. Mayron siyang nakababatang kapatid na si jake at sobrang kulit nito. Everytime bibisita ako sa bahay nila ay palagi akong nagdadala ng brownies na paborito ni tita. His father has its own company while his mother owns 14 beach resorts here in asia.

Mommy also prepared a birthday dinner for me. Kasama ang mga katulong sa bahay, nakaupo kaming lahat sa long table na pinahanda ni daddy. May nakahandang tent naman sa gilid ng pool namin dahil daw may camping kami mamaya. My parents is the sweetest and most thoughtful. They always do things na sa tingin nila makakatulong at makakapagpasaya sa akin.

Nagtatawanan kaming lahat dahil sa kwento ni yaya linda, isa sa mga katulong namin, dahil daw sa aso ng anak niya na walang alam kundi guluhin ang bahay nila. Si mang nestor naman at tumatawa din habang ikini-kwento ang karanasan niya sa pagmamaneho. Medyo naiyak naman kami sa kwento ng anak ni yaya lisa dahil ilang beses na raw itong hindi nakakapasa sa board exam. Nagalok naman si daddy ng tulong kaya laking pasasalamat ni yaya. May mga regalo din sila katulad ng bag na gawa sa ratan. Si mang nestor naman ay niregaluhan ako ng isang dosenang bracelet na gawa sa shell. Sobrang nagustuhan ko iyo kaya hindi ko maiwasang tumingin sa regalo ni kyle. Sobrang ganda talaga...

Tumawag ako kay Sevi para inggitin siya sa mga lutong ulam ni mommy. Tawang tawa naman si mommy dahil sa mga reaksyon ni Sevi.

"tita bakit hindi niyo naman ako inimbitahan! Hindi ko tuloy natikman ang napakasarap niyong mga luto" sabi ni Sevi kaya mommy. Tinawanan lang si ni mommy

"nako Sevi, sinabi ko kanina dito kay alys na imbitahan ka. Wag na daw dahil Family dinner lang daw ito" natatawang sabi ni mommy

"hey sev sev! Family dinner lang ito. Bukas ka nalang kumain dito" tawa ko

"Napakadaya mo talaga alyssa khave! Sana mabulunan ka diyan" tawa tawang sabi niya

Sevi and I were talking nung naramdaman kong ang ang bigat ng paghinga ko. Sobrang hindi ako makahinga kaya kumapit muna ako sa mesang katabi ko.

"alys? Are you okay?" tanong ni Sevi nang mapansin ang nangyayari sa akin

Naglakad ako papunta kila mommy habang hirap parin sa paghinga. Patuloy na rin ang pagubo ko at palala ng palala ito habang tumatagal.

I feel like someone's choking me. Nung nakita ako ni mommy agad siyang lumapit sa akin

"alysa? are you okay!? Sweetie!?" gulat na tanong ni mommy. Patuloy parin ako sa pagubo at hindi ko na talaga kayang maglakad. Napaupo ako sa baba at agad namang tinawag ni mommy si daddy.,

"hon! Hon! Si alyssa!" tawag niya kay daddy. Bumaba siya para magpantay kami at hinagod niya ang likod ko.

"are you okay baby?!" nag-aalalang tanong niya

Kumapit ako kay mommy dahil hindi ko na talaga kaya. Sobrang kapos ako sa paghinga at patuloy ang pagubo ko.

"mo-mmy... I... I.. Can't breathe" nauutal kong sabi

Agad naman dumating si daddy ay agad tumakbo at lumapit sa akin.

"hey! What happen!?" gulat na tanong ni daddy habang binibigyan ako ng tubig

Ininom ko iyon pero wala paring nangyayari at mas lalo yatang lumalala.

"I don't know! Dalhin na natin siya sa hospital!" sigaw ni mommy

Binuhat ako ni daddy at agad tinawag si mang nestor.

"nestor! Nestor! Ang sasakyan!" sigaw ni daddy at agad namang tumakbo si mang nestor. Nasa harapan narin namin ang mga katulong at hindi alam ang gagawin.

"alyssa! Tita! What's happening?" rinig kong tanong ni Sevi galing sa cellphone

Kinuha ni yaya lisa iyon at siya na ang kumausap kay Sevi.

Hindi ko na alam ang susunod na nangyari dahil bigla nalang sumara ang mata ko at nawalan ng malay.

Unti unti kong binuksan ang mata ko para tignan kung nasaan ako. Agad sumilay and isang napakaliwag na ilaw at puting kisame. Mag uumaga na rin at kita ko na ang pagsilay ng araw sa bintana.

Naalala ko lahat ng nangyari at hindi ako makapaniwala na aatakehin ako ng ganun kalala.

"alyssa? Are you awake?" rinig kong tanong ni Sevi

Tinignan ko siya at ngumiti

"are you okay? What do you feel?" nag aalalang tanong niya

"Where's mommy? Si daddy?" tanong ko kay Sevi

"kausap sila ng doctor sa labas. Do you want something?" tanong niya

Hindi na ako nakapagsalita dahil narining kong bumukas na ang pinto

"hija! Gising ka na. May masakit ba sayo? Nakakahinga ka ba ng maayos?" lumapit si mommy at hinaplos ang ulo ko

"I feel fine. Nanghihina lang ako mommy. Anong sabi ng doctor?" tanong ko

"pupunta daw sila dito mamaya kapag natapos na nila ang findings. We are worried!" sabi ni daddy

Ngumiti ako para ipakita sa kanila na okay na ako.

"Sevi." tawag ko

"did you tell this to kyle?" nag aalalang tanong ko

"hindi ko pa nasabi kahit kanino. Do you want me to call him?" no! Ayaw kong mag alala siya.

"my, can i have my phone?" sabi ko kay mommy para tignan ang text ni kyle

I texted him para sabihing wag niya akong sunduin ngayon. May pasok kami sa school at alam kong susunduin niya ako

[why? What's happen?] tanong niya

[Sasamahan ko sana si daddy sa kompanya. May ipapakita lang daw siyang importante. Baka buong araw kami doon kaya baka hindi tayo magkita.] sabi ko

[alright. Eat your meal properly at wag mo kalimutang uminom ng tubig. Take care. I love you...] sabi niya

[you too. I love you!] reply ko

Umalis si sevi kanina pa para pumasok. Sinabihan ko rin siya na wag sabihin ito kanino man. Alam kong simpleng sakit lang ito kaya ayoko nang pag alalahanin ang mga kaibigan ko. Narinig kong nagbukas ang pintuan at nakita ko ang pagpasok ng dalawang doctor at isang nurse. Tumayo si mommy at daddy para bumati. Lumapit sila sa akin at nginitan ko naman sila

"hi alyssa. I'm Dr. Galvez, how are feeling?" tanong niya

"medyo nanghihina po doc. But it's bearable." sabi ko

"Doc, anong sakit ng anak ko? Is she fine?" nag aalalang tanong ni mommy.

"Mrs. Stanford, I'll be telling you truth frankly. I think alyssa has been feeling this long time ago. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa inyo ang lagay niya. Heavy breathing and continuous cough is a sign of some respiratory failure." sabi ng doctor

"What do you mean?" sabi ni daddy. Maski ako ay naguguluhan na rin. Respiratory failure? Are you kidding me?

"hindi ko alam kung bakit ngayon lang ito lumabas. Kadalasan sa mga mga pasyenteng may sakit nito at bata palang nakikita na. Alyssa has different case. Dahil ngayon lang ito lumabas." sabi no doc

Naiinis na ako sa paligoy ligoy na explanation ni doc.

"so, ano nga po ang sakit ng anak ko?" tanong ni mommy

"alyssa is suffering in a disease called cystic fibrosis." sabi ni doc

A what? Cystic? Fibrosis?

"Cystic fibrosis is a progressive, genetic disease that causes persistent lung infections and limits the ability to breathe over time. In the lungs, the mucus clogs the airways and traps germs, like bacteria, leading to infection, inflammation, respiratory failure, and other complications. For this reason, minimising contact with germs is a top concern for people with CF.  Lahat ng mayroong ganitong sakit ay hindi alam kung kailan pwedeng mamatay. Lalo itong lalala dahil wala pang gamot nag naimbento dito. Pero meron po kaming mga treatments, pills at surgeries na pwedeng gamitin para mas mapahaba ang buhay." dire diretsong sabi ni doc

As of by hearing that news. Hindi ko napiligilang lumuha. Parang tumigil ang mundo ko at wala akong narinig. It feels so surreal. Sinong mag-aakala na mamamatay na ako.

Hindi nakapagsalita si mommy at nang humarap siya sa akin nagsimula na siyang humagulgol. I smile at her to assure that I'm fine with that. Kahit hindi.

"United states has all of the machineries na mkakatulong kay alyssa. I recommend you to have all of their treatments. That will be all. Alyssa can have a rest at home. Pero mas maganda kung mas maaga siyang magagamot. Mr. And Mrs. Standford, I know it's hard to accept, but you have to be strong for alyssa." sabi ng doctor at lumabas na

My mommy is continously crying. At wala akong magawa dahil pati ako hindi ko matanggap. Lumapit si mommy sa akin at hinawakan ang kamay ko

"Im sorry baby... I'm sorry." umiiyak niyang sabi

"I love you alyssa. Hindi ko kaya... Hindi ko kaya anak. Magpapakatatag tayo? Gagaling ka diba?" sabi niya. Gusto ko mommy! Gusto kong magpakatatag para sa inyo.

Paano mommy? Paano ako magpapaggaling kung alam na nating wala tayong laban. Nginitian ko si mommy habang umiiyak na rin.

"mommy... Please stop crying. Hindi pa ako mamamatay." biro ko tuminggin ako kay daddy at nakita ko kung paano niya pinipigilan na wag umiyak. I smiled at him

"daddy? uwi na tayo... Naghihintay na yung bago kong sasakyan sa akin sa bahay oh. " biro ko sa kaniya pero naging sanhi pa iyon ng pagiyak ni daddy

Hindi tumigil si mommy sa pag-iyak and it pains me dahil nasasaktan ko sila. I never imagine myself being this pabigat sa kanila.

My dreams was to give them smiles dahil naging successful ako sa buhay. Hinding hindi ko akalain na masasaktan ko sila ng ganito.

Hawak ang kamay ng mga magulang ko, hindi ko maiwasang pumikit at pigilan ang mga luha na gustong pumatak.

Kalahating oras kaming tahimik sa loob ng hospital. Walang nagsasalita dahil hindi parin namin matanggap ang pangyayari.

"let's go home.... Please" tuminggin ako kay mommy at tumango siya

Sobrang nakakapagod ng araw na ito. Pag uwi namin agad akong pumunta sa loob ng kwarto at doon ako umiyak. Mahigit isang oras kong umiiyak doon. Bababa sana ako para uminom ng hindi ko maiwasang makinig sa usapan nila mommy at daddy.

"what are we going to do reynard? Ayaw kong mawalan ng anak..." umiiyak na sabi ni mommy

Lumapit si daddy sa kaniya at niyakap siya

"we will do anything to make alyssa alive. Pupunta tayong US. Next week I'll book a flight. We'll get faith as her doctor." sabi ni daddy

Tita faith was Sevi's auntie. She's in US dahil doon nakatira ang asawa niya. She is my father's bestfriend at naging close din sila ni mommy. Doctor siya ng isa sa mga pinaka sikat na hospital sa US.

Pumasok ako at luminggon sila sa akin.

"alyssa? Is there anything wrong? May masakit ba sayo?" nag aalalang tanong ni mommy

"I'm fine po. Can you give me a favor po?" sabi ko

"ano iyon hija?" sabi ni daddy

"I... Want to keep this a secret to everyone. Si Sevi lang po sana at pati kayo ang makakalaam." hiling ko

"how about kyle? Hindi mo sasabihin sa kaniya anak?" nagtatakang tanong ni mommy

"I don't want to be a pain for him too. Hindi ko kayang makita siyang nasasaktan katulad niyo. He is doing well at two years nalang graduate na siya." umiiyak kong sabi

Lumapit si mommy para aluin ako.

"we understand anak. Pero he deserves to know." sabi ni daddy

"please dad. I want him to have a wife na makakasama niya pagtanda, hindi yung may taning ang buhay." sabi ko habang natatawa

"alyssa! Wag mo sabihin iyan. Gagaling ka anak. Gagawa tayo ng paraan" galit na sabi ni mommy

"I hope you'll understand my decisions." sabi ko

"I'll be breaking up with him. After that, we can go to US and fight this disease." sabi ko

Tumanaggo si mommy at niyakap ako.

Kinagabihan, dumating si Sevi sa bahay. Alam kong alam niya na ang nangyari dahil niyakap niyo ako agad pagdating niya.

I told him my plans. Sa una, ayaw niya ang mga plano ko pero di rin nagtagal ay sumang ayon nalang siya. Sabi niya sasamahan niya ako magpaggamot sa ibang bansa. He'll continue his studies abroad with me. Hindi niya naman kailan but he insists. I texted kyle para sabihin na magkita kami bukas. Hindi ko alam kung paano ako makikipaghiwalay sa kaniya. I know na sobra ko siyang masasaktan pero buo na talaga ang desisyon ko.