webnovel

My FakeBoyfriend

The characters and events portrayed in this story are fictitious. Any similarity to real persons, living or dead, is coincidental and not intended by the Author.

Yashnien_Baculina · Teen
Not enough ratings
30 Chs

11 Chapter Eleven

"Goodluck prenny kaya mo yan" cheer ni Aliah sakin

Nandito na kasi kami ngayon sa Studio ng Camilluz dahil nga nag desisyon na kong mag auaudition na talaga ko sayang din yung discount ko sa tuition nu.

Nanonood kami ngayon nang mga nag auaudition, at talaga namang ang gagaling nila may mga nag urban, lyrical, nag krump, nag dance hall at iba pa.

Kaya kinakabahan ako dahil baka di ako makapasok.

"Thankyouuu very much Mr. Reymundo, Next is Ms. Rebecca Agustine" sabe ng MC

Nagulat na lang ako, napatayo ako at pumunta sa harapan.

Lahat sila nakatingin sakin at talaga naman nanlalamig na ang mga kamay ko.

"GO BABE!!! ILOVEYOUU!" napatingin ako sa sumigaw at talaga namang agaw atensyon etong si Otso eh nu?

Nakakahiya kaya parang pinupukpok na naman ang puso ko.

Mag dadance hall pa naman ako kaya kinakabahan ako ng sobra.

ALIAH P.O.V

Nakatingin ako kay Prenny, kaya alam ko kayang kaya niya yan. Nabalitaan ko rin kasi sa dati niyang School na talagang magaling siyang sumayaw.

Nag umpisa na ang tugtog ni Prenny

ABUSADA- MENT🎶🎶🎶🎶🎶

Sa unang galaw palang ni Prenny ay talaga nag sigawan na ang mga tao dito studio ng Camilluz.

Dahil masasabe kong hindi lang magaling, magaling na magaling si Prenny.

"LESSSGOOO!!!"

"WAHHH!! LESGOO!"

"GO PRENNNYYYYY!!" nakisigaw na din ako

BOUNCE TO THE RIGHT, BOUNCE TO THE LEFT🎶🎶

Sobrang sexy ni Prenny habang sumasayaw. Nag lilip bite pa siya minsan kaya nakakadala ang sayaw niya.

Tumingon naman ako sa likod ko at nakita ko ang mga BIG 8 na mangha, mangha. Si Eight naman ay tuwang tuwa sumisigaw din.

Onti na lang talaga Eight, baka isang araw mahal mo na talaga si Prenny hahahah jukjuk.

Natapos si Prenny na puno nang palakpakan.

"THANKYOUU VERY MUCH MS. AGUSTINE, NEXT IS MS. ABHIE PEREZ"

Agad na lumapit si Prenny sakin at hinihingal pa siya.

"Prenny ang galing mo sobra, nag sisigawan sila dito habang sumasayaw ka ang galing mo talaga" sabe ko sa kanya

BEKANG P.O.V

"Prenny ang galing mo sobra, nag sisigawan sila dito habang sumasayaw ka ang galing mo talaga" sabe ni Aliah sakin

Natuwa naman ako at hindi ako nagkamali sa mga step ko, hindi ko na nga marinig yung sigaw tanging tugtog lang ang naririnig ko.

"Thankyouu Prenny sana makapasok ako" sabe ko

"Hay naku prenny ewan ko na lang kung di ka pa makapasok jusq napakagaling mo." sagot niya

"Uyy di naman" sagot ko

"Pahumble pa talaga to oh" sabe niya

Natawa na lang ako

"Tara labas muna tayo para makakuha tayo ng tubig mo hingal na hingal ka dyan" Dagdag ni Prenny at tumayo na nga kami.

"Congrats Rebecca"

"Congrats"

"Congrats girl"

Rinig ko sa mga nadadaanan namin at nginingitian ko lang.

Congrats agad, wala pa nga eh

"Yiieh pasok ka na panigurado prenny, naka advance congrats ka na hahahah" sagot ni Prenny

"Baliw ka prenny" sagot ko

Pag labas namin ng studio ay nasa labas na lahat ng BIG8

"BABE TUBIG MO OH!" sigaw ni Otso

Kaya napalingon ang ibang mga istudyante.

"Kailangan sumigaw?" tanong ko

"Wag ka ngang masungit nandito tayo sa School makita pa tayo ni Lolo" sagot niya sakin

Kinuha ko na lang yung tubig na binibigay niya at ininom.

"Boss, boss yung Lolo mo!" sabe ng mga BIG 8

Agad namang lumapit sakin si Otso at hinawakan ako sa bewang.

"Good Afternoon po Mr. Dean" sabay sabay naming bati.

"Ms. Agustine sumali ka pala ng Dance Troupe ahh" sabe ng Lolo ni Otso

"Ay opo" sagot ko

"Ang galing niya Lo sobra, mas lalo kong naiinlove" sagot ni Otso at tumingin sakin.

"Inlove na talaga ang Apo ko" sabe na lang ng Lolo niya

"Ganun talaga Lo" sagot ni Otso

"Oh sge mauna na ko marami pa kong aasikasuhin, mag iingat kayo"

Nang makalayo na ang Lolo ni Otso ay agad kong tinanggal ang kamay niya sa bewang ko.

"Tara sa rooftop muna tayo" Sabe ni Otso at hinawakan ang kamay ko at kinuha ang bag ko at dinala niya.

Wow gentleman na gentleman.

Agad naman kaming nakapuntang rooftop at ayun si Prenny pinag gigitnaan pa rin ni Derrick at Bronze. Feel ko talaga may nangyayareng fishy fishy sa tatlong ito eh hahahahaha.

Si Otso nakahawak pa rin ang kamay sa akin at nakaakbay pa.

"Ano ba? Wala nang makakakita satin dito. Tigilan mo pag hawak sakin!" sigaw ko kay Otso at tinulak siya

"Kala mo naman gusto kitang niyayakap, amoy malansang tilapia ka kaya." sagot niya

"Anong sinabe mo?" Tanong ko sa kanya

"I said amoy malansang tilapia ka" sagot niya habang nakatitig sakin.

"Akala mo naman kung sino ka! Gwapo ka lang pero masama yang ugali mo!" sagot ko sa kanya

"Panget ka pa rin!" sagot ni Otso

"Panget ng ugali mo kahit kelan! Naninigarilyo ka pa iwwww!" sagot ko

"Di ka parin ma—-

"Hi everyone!" napalingon kami sa nag salita si Uno kasama si Kim at Kate

"Hello" sagot ng dalawa

Bigla kong hinila ni Otso sa tabi niya at inakbayan ako

"Nag aaway ba kayo kanina?" tanong ni Kate

"Ahh—

"Ay hindi yan nag aasaran lang sila ganyan kasi sila mag lambingan" sagot ni Chinitong Moreno

Nag nod naman yung dalawa.

Hays kala ko nahuli na kami ehh.

"Ahmm Babe nagugutom ka ba?" tanong ni Otso bigla sakin

"Hindi naman Ba..Babe" sagot ko

"We? nagugutom ka eh" sagot niya

"Hindi nga" sagot ko

Bigla naman akong niyakap ni Otso at hinahalikan ang noo ko.

"Mahal na mahal kita Babe" sabe niya

Bigla na namang may pumupukpok sa puso ko, lagi na lang akong kinakabahan sa pinag gagagawa neto ni Otso eh.

"Aw sweet" sagot ni Aliah

"Grabe talaga si Boss oh" sagot ni Xavier

Napangiti naman ako at nakaisip ng kalokohan, maganda naman palang sakyan yung mga ganto eh.

Niyakap ko rin ng mahigpit si Otso at tumingin sa kanya.

"Mahal na mahal din kita Babe" sinabe ko yun habang may matamis na ngiti.

Medyo nagulat pa siya at ngumiti din.

Agad niya kong hinalikan sa noo.

"Ang sweet naman ng Babe ko" sagot niya

Niyakap niya ko ng mahigpit

"Gumagaling ka na beka ahh dapat ganyan." bulong niya sakin

[Wednesday Morning]

"Wahahahaha plus 4 si ate bekang!" sigaw ni Mikmik habang tawang tawa.

Naglalaro kasi kami ng UNO CARDS, ngayon ko lang din to natutunan at talaga naman nakakaaliw laruin.

"Kayo ahh dinuduga niyo ko" sagot ko

"Talo ka lang talaga prenny hahaha" sagot ni Aliah

"Ikaw na prenny" sagot ko

Ang dami ko ng  Cards huhu

"UNO!" sigaw ni Mikmik

"hala! maliligo na pala ko, may pasok pa ko" sagot ni Aliah, nilapag niya ang Cards at tumakbo sa taas.

"MADUGA KA ATE ALIAH! UNO NA KO EH!" sigaw ni Mikmik at sinundan si Aliah

Ako naman tong tawa ng tawa sa gilid hahaha

Maaga kaming nagising ngayon di ko alam kung bakit

Tumayo naman ako at pumunta sa kusina at nagluto nang breakfast namin.

*KRU KRU DING DONG!*

"Ate Bekang may tao!" sigaw ni Mikmik

Agad naman akong pumuntang pinto at binuksan ito.

"Goodmorning" bati niya

Omg ang gwapo naman neto, ganda naman talaga ng umaga.

"Ah eh Zake goodmorning." kung ganto lang din bubungad sakin tuwing umaga aba'y gigising talaga ko ng maaaga. "Zake pasok ka" dagdag ko

Agad naman siyang pumasok at umupo sa sofa.

"Nagluluto kasi ako eh dito ka lang ahh" sabe ko sa kanya

Tumayo naman siya at sinundan ako

"Samahan na lang kita magluto" sagot niya

"Ah eh sige ikaw bahala" sagot ko

Habang nagluluto ako, nag uusap naman kami

"Ikaw ba lagi nag luluto dito?" tanong niya sakin

"Oo eh, kahit dati sa tita ko ako talaga nag luluto kaya sanay na ko" sagot ko sa kanya at nilapag ko sa lamesa ang scramble egg

"Bat dito ka na pala nakatira kila Aliah?"

"Kasi pinalayas ako ng tita ko kaya dito muna ko pinatira ni Aliah" sagot ko uli sa tanong

"Ha? Bat ka pinalayas?"

"Napag bintangan kasi akong nag nakaw ng kwintas ni tita kaya napalayas ako pero ok lang naman sakin wala naman na yun wala kong sama ng loob sa kanila"

"Ang bait mo talaga kaya mas lalo kitang ..." 

"Ano ulit yun?" tanong ko habang napatingin sa kanya

"Wala sabe ko nasan na ang parents mo? bat sa tita mo ikaw nakatira?"

natahimik na lang ako bigla ng maalala ko sila mama at papa

"Ok ka lang ba?"

"Namatay kasi sila 8 yrs old pa lang ako kaya napunta ko sa Tita ko" sagot ko at nilagay ko lahat ng pagkain sa lamesa

"I'm sorry"

"Ok lang ano ka ba" sagot ko sa kanya

"Nag break fast ka na ba?" tanong ko sa kanya

"Di pa nga eh kaya ko nandito para matikman luto mo" sagot niya at hinawakan na naman ang ulo ko at ginulo

Kilig kilig naman ako syempre, pwede bang sumigaw?!&'*%#* HAAHAHAH

"Prenny sino yung ng doorbell?" tanong ni Prenny habang pababa ng hagdan napatingin naman siya kagad samin

"Wow naman Zake ang aga nandito ka na ahh." dagdag ni Aliah

"Syempre lam mo na hahahah" sagot ni Zake

anong lam mo na?

nagtawanan lang sila

Bumaba na rin si Mikmik at kumain na kami

"Masarap ba?" tanong ko kay Zake

"Ahmm hindi eh" sagot niya

nag taka naman ako dahil ako sarap na sarap

"Joke! oo masarap sobra" sagot niya

Napangiti naman ako hihi, nakakakilig naman talaga kahit simpleng papuri lang galing sa kanya crush na crush ko na talaga tong lalaking to.

Gwapo na mabait pa, ang dami ko na ring nalaman sa kanya minsan inistalk ko siya sa facebook. Nalaman kong captain pala siya ng football team sa School at talagang magaling siya mag football. Mas lalo siyang nakakainlove.

"Hoy prenny!"

"Ha?" sagot ko

"Maligo ka na kanina ka pa tulala!"

"Ah oo!" sagot ko at agad na tumaas sa kwarto

Nakakahiya nakita na naman ako ni Zake na natulala baka na turn off na siya sakin.

—-

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Yashnien_Baculinacreators' thoughts