webnovel

Spell Mysterious? I. C. K. O

Aubrey's Point of View

Nagulat ako dun sa sinabi ni Icko. Ano kaya ang ibig nyang sabihin dun sa sinabi nya na ang panaginip ay hindi kabaligtaran kundi nangyayari talaga?

Oo tama rin sya, kasi sa kaso ko, si Icko ay panaginip ko na naging totoo.

Eh siya, ano kaya yung sa kanya?

Isang palaisipan yung sinabi nyang yun.At si Icko ay naging isang misteryo para sa akin.

Marami kasi syang sinasabi at ginagawa na talagang ikinagugulo ng dati ko ng magulong isip.

Hay ano ba!

Spell mysterious...I.C.K.O.

Naging close kaming lahat kay Icko simula nung birthday party nya.At tinupad nya yung sinabi nya na gusto nya akong maging kaibigan.

Mabait at malambing na kaibigan si Icko sa akin. Sinasamahan din nya ako madalas sa library kapag may research ako.Kabisado na namin ang isat-isa at nagsasabi na rin kami ng mga secrets at problems namin.Pero pansin ko lang na kapag nasa paligid si Abby hindi nya ako pinapansin at medyo dumidistansya sya sa akin.

Hindi ko alam kung bakit pero nasanay na rin ako na ganun sya.Naisip ko na baka pinagbabawalan sya ni Abby.

At pagdating kay Abby, hindi nagse-share si Icko sa akin ng kahit ano, hindi namin sya pinag-uusapan.

Miyembro ng cheering squad ng school si Abby, sikat din sya sa school tulad ni Icko.At hindi pabor yung grupo nila Abby na kami ang binabarkada ni Icko.

Madalas na nga kaming pinariringgan at inaaway ng ibang mga kababaihan sa school lalo na yung mga fangirls nya dahil napapansin nila na sa amin madalas bumabarkada si Icko.

Pero sinasabi naman nya na huwag na lang namin pansinin yung mga yun.

Time flies fast at malapit ng matapos ang unang semester namin.Napag-usapan na naming magkakaibigan na sa rest house nila Icko sa Tagaytay ang unang linggo ng semestral break namin, pagkatapos nun ay uuwi na kami sa kanya-kanyang mga bahay namin.

Huling araw na ng first semester, tinapos na namin ang mga kailangang tapusin sa school at bukas ng umaga ay aalis na kami papuntang Tagaytay.

Excited ang lahat.

Ako? Medyo lang.

Hindi ko kasi alam kung paano ko haharapin ang sitwasyon na kasama si Abby at ang mga barkada nya sa Tagaytay trip namin.

Pero ayaw naman ni Icko na hindi kami kasama at syempre excited rin ang mga friends ko sa bakasyon na ito.

Ang KJ ko naman kung hindi ako sasama.Kaya kahit alam kong masasaktan lang ako sa sitwasyon, tiis ganda na lang, ganoon talaga.

Maaga kaming umalis, dalawang sasakyan ang pinahiram sa amin ni tita Ria, ang mommy ni Icko.Kami dun sa isa at si Vaughn ang nag-drive sa amin, kaming apat sa likod at si Jissel na beki ang katabi ni Vaughn na nasa passenger seat.

Si Icko ang driver sa Van at syempre si Abby ang katabi nya at kasama nila ang barkada ni Abby sa cheering squad na sina Jane, Inah, Trish at Mica.At ang mga barkada nila ni Vaughn na si Mark, Khail at Dwayne.

Nakarating kami bago ang lunchtime.Namangha kami sa ganda ng bahay na two storey at malawak ang bakuran.Puno ng ibat-ibang bulaklak ang garden.At sa likod ng bahay ay matatanaw ang famous na Taal volcano.

Bago mag-lunch ay inayos muna namin ang mga gamit namin sa mga designated rooms.Magkakasama kaming apat sa room with Jissel.Si Abby at ang barkada nya sa isang room na kaharap nung sa amin at sila Vaughn, Dwayne, Khail at Mark sa isang kwarto na katabi nung sa amin at si Icko ay may sariling room na nasa dulong bahagi.

Pagkakain ng lunch ay nagpahinga muna kami sa mga rooms namin at nung hapon na ay nagkayayaan ng mamasyal.

Una naming pinuntahan ang Picnic Grove, napaka-ganda ng lugar where you can see the beauty of nature, the amazing creation of God.

Panay nga ang pose naming magkakaibigan.

Naglakad-lakad kami nila Angel at Cheska at panay ang kuha namin ng picture.Selfie-selfie.

Si Gwen ay kasama ni Khail na gustong mag-try sumakay ng kabayo.

Habang nagse-selfie kami ay nadaanan namin sila Icko at Abby na nakaupo sa cottege, nakaakbay si Icko kay Abby at nakasandal naman si Abby sa dibdib ni Icko.

Parang huminto ang puso ko sa tanawing iyon pero hindi ako nagpahalata, at as usual deadma lang si Icko sa akin.

Ano pa nga ba, syempre kasama nya si Abby.

Napahinto kami sa mismong harapan nila ng marinig naming tumatawag si Vaughn at Mark.

" Uy, teka lang sali naman kami dyan sa selfie nyo." si Vaughn na agad pang umakbay sa akin para magpa-picture.

" O wacky naman!" si Mark habang panay ang lagay ng kamay sa ulo ni Angel na parang sungay.

" Hoy! Ang daya nyo, hindi ako kasali sa picture.Kayo naman ang kumuha." maktol ni Cheska habang pilit inaabot sa amin ang camera.

Walang gustong kumuha ng camera mula sa kanya.

" Oy, pareng Icko, mamaya ka na nga gumarutay dyan, kuhanan mo nga muna kami ng picture." tawag ni Mark kay Icko.

Kunwaring inis na tumayo si Icko at kakamot-kamot sa ulo na inabot ang camera mula kay Mark.

" Ok ready! One,two, three..." sabay click sa camera.

"Ok, isa pa.." pose uli kami.

" Wacky naman!" pose uli ng wacky.

" Isa pa uli.Teka naman pareng Vaughn bakit kanina ka pa naka-akbay kay Aubrey? " sita nya kay Vaughn.

" Oh eh ano naman, akbay kapatid lang naman." natatawang angal ni Vaughn.

" Tss. .Basta umiba ka ng pose wag ng naka-akbay." inis na sabi nya.

Nagpose-ulit kami pero nung mag-click ang camera ay mabilis na umakbay sa akin si Vaughn na ngising-ngisi pa.

" O isa na lang Icko, yung jump shot naman." hirit muli ni Vaughn kay Icko na nakangisi pa.

Padabog na ibinalik ni Icko yung camera kay Mark at sabay nag-walk out.

" Sinabi na kasing huwag umakbay, ang kulit." bulong nya habang naglalakad palayo na narinig naman namin.Pagdating sa pwesto nila ni Abby ay hinila nya na ito palayo sa amin.

Nagkatinginan na lang kami sa inasal ni Icko.

Ano nangyari dun?

Napako ang tingin nilang lahat sa akin.

" Uy, nangangamoy selos!" sabay-sabay pa sila.

" Tse! magsitigil nga kayo."

Nung matapos ang hapunan ay nagkayayaang mag-inuman ang mga boys, Tanduay Ice lang naman dahil hindi naman kami sanay sa matatapang na alak.At isa pa katuwaan lang naman habang naglalaro ng truth or dare.

Karamihan sa natapatan ng bote ay truth ang pinili. Ayaw nila ng dare kasi mahirap magbigay ng utos ang mga boys.

Nung tumapat ang bote kay Icko, truth din ang pinili nya.

Si Mica ang nagtanong kay Icko.

" Aside from Abby, may iba pa bang girl na...., let's say ina-admire mo?"

Tumingin muna sya kay Abby bago sumagot.

Pero ngumiti lang ito na ibig sabihin ok lang na sumagot sya.

" Yeah, meron naman.I admired her so much.Admiration lang naman di ba? nothing serious." sagot nya na tumingin pa ng bahagya sa akin.

Parang nag-init ang pisngi ko sa tingin nya, buti na lang madilim at walang nakakita na nag-blush ako.

Pero pagtingin ko sa gawi ni Abby, nakatingin sya sa akin, I mean masama ang tingin nya sa akin.

Jusko Lord, napansin nya yata na tumingin ng bahagya sa akin si Icko kanina.O may pambihirang vision sya at nakita nyang nag-blush ako?

Naku po, hindi maganda to, bakit naman kasi sa akin pa tumingin si Icko nung sumagot sya.

Tumayo si Abby at tumingin sa direksyon ko.

" Aubrey!" sigaw nya habang papalapit sa akin.

Nanang ku po, ayan na sya!