webnovel

Friendship Over

Aubrey's Point of View

" Aubrey!" sigaw ni Abby habang palapit sa akin.

Nanang ko po, ayan na sya.

Relax lang Aubrey, kalma lang wala ka namang kasalanan.

Pero bago pa man makarating si Abby sa pwesto ko ay naharang na sya ni Icko.

Hay, salamat naman nakakatakot kaya yung aura nya parang si San Goku na nag-transform sa pagiging Super Saiyan.

" Abby wait!" dinig kong sigaw ni Icko sa papasugod na si Abby.

Hala! Hindi talaga sya papaawat.

Humanda ka na lang Aubrey sa galit ni Barakuda...

Ngek! nagjo-joke ka pa aawayin ka na nga.

" Hey, you slut! Tingnan mo kung sino kinakalaban mo ha? " gigil na turan nya sabay duro pa sa akin.

" Watch your words Abby.Ano ba ginawa ko sayo bakit ka nagkakaganyan ha?" mahinahon kong tanong sa kanya.

" You don't know ha? Don't act as if you don't know what's happening, don't be so naive Aubrey, alam ko naman na may gusto ka kay Icko at nilalandi mo sya kapag wala ako." galit na sumbat nya sa akin.

" Hindi! Nagkakamali ka Abby, magkaibigan lang kami ni Icko." paliwanag ko.Shocks gusto ko ng matunaw sa hiya dahil lahat sila nanunuod sa amin.

" Sino maniniwala sayo? Tell that to the marines!At pati si tita Rhia binilog mo na rin para mapalapit sayo.Akala mo kung sino kang mabait, mang-aagaw ka naman ng boyfriend.You're nothing but a low class promdi, gold digger ka.!"galit na galit pa rin nyang tungayaw sa akin.Wala rin namang magawa si Icko sa kanya dahil nagpupuyos sya sa galit.

Hindi ko na kinakaya to..parang gusto ko na kainin na lang ako ng lupa dito sa sobrang kahihiyan na inabot ko.

Bakit ganon, wala naman akong ginagawang masama.Hindi ko naman sila iniistorbo sa relasyon nila.Dumidistansya naman ako pag magkasama sila ni Icko.At si tita Rhia, never kong binilog ang ulo nya para mapalapit lang sa kanya.The first time we met, she assumed that I'm Icko's girl at sya ang nagsabi na gusto nya ako para kay Icko.

Ang sakit ng mga sinabi nya hindi kayang tanggapin ng isip ko dahil kahit kailan hindi ako ganong klase ng tao.

Malapit ng bumagsak ang mga luhang naipon pero hindi ko hahayaang makita nila ang pagluha ko lalo na si Icko.

Tumalikod ako at dali-daling bumalik sa rest house na hindi na pansin ang pagtawag ng mga kaibigan ko.Ang gusto ko lang ay makaalis na sa sitwasyong ito na nagpadurog ng husto sa puso ko at sumira sa buo kong pagkatao.

Pagdating ko sa room na inookupahan namin ay ini-lock ko ang pinto at sumubsob sa kama.Duon ko pinakawalan ang mga luhang kanina pa gustong umalpas.

Oo, mahal ko si Icko pero kahit kailan ay hindi ko yun pinahalata sa kanya.

I know that he cares for me but only as a friend.At kapag kasama nya si Abby deadma naman sya sa akin.Kaya paanong nasabi ni Abby ang mga ganung bagay sa akin?

Siguro kailangan ko ng putulin ang kahit na anong nag-uugnay sa amin ni Icko.

Kahit na close kami ng mommy nya at magiliw sya akin, hahayaan ko na lang din kahit nanghihinayang ako sa magandang samahan namin ni tita Rhia.

Lumipas ang mga araw namin sa Tagaytay ng hindi ko na na-enjoy.Umiwas na lang ako ng husto sa kanila.Kapag alam ko na nasa labas sila, nagkukulong na lang ako sa room at lumalabas lang ako pag wala na sila.

Hanggang sa dumating na yung araw ng pag-uwi namin.Buti na lang hindi kami magkasama ng sasakyan kaya nakaiwas ako sa kanila.Sinabihan ko na lang si Vaughn na paunahin na sila at naintindihan naman nya ako.

_______________

Mabilis na natapos ang semestral break at pasukan na naman.

Hindi ko alam kung paano ko sila haharapin ngayon kung sakaling magkita-kita kami.

Paano ba ako makaka-iwas?

Nang mag-bell na ay nagmamadali na akong pumunta sa una kong klase sa araw na yon.Hindi ko kasama si Gwen at Angel dahil magkakaiba ang mga schedule namin ngayong sem pero sa ilang subjects lang naman.

Pagpasok ko sa room ay pinili ko na lang umupo sa dulo, katabi ko ang kaklase ko nung first sem na si Nica na nasa tabing bintana.Bakante pa ang katabi kong upuan.

Habang hinihintay namin ang prof na dumating ay inabala ko muna ang sarili ko sa pagsusulat ng kung ano-ano sa notebook ko.

May naramdaman akong umupo sa tabi ko.

Inangat ko ang tingin ko at pareho pa kaming nagulat nung magtama ang tingin namin..

Nauna akong nagbaba ng tingin dahil hindi ko kayang makikipagtitigan sa kanya ng matagal.

" Aubrey I'm sorry." narinig kong turan nya.

Tinignan ko lang sya at hindi ako nagsalita.

Ibubuka pa sana nyang muli ang labi nya para magsalita ngunit hindi na nya naituloy ng dumating ang prof namin.

Paanong nangyari na kaklase ko sya sa Humanities eh nung nakaraang sem wala kaming subject na magkaklase kami?

Hindi ko sya pinapansin buong oras ng klase namin pero ramdam ko na gusto nya akong kausapin.

Ayoko na muna...

Sa ngayon.

O wag na kaya.

Gusto ko ng matapos ang discussion ng prof namin dahil hindi ko matagalan na katabi ko sya.

Ang tagal naman na mag-bell para vacant period ko na.

Nang sa wakas ay nag-bell na at nag-uunahan ng naglabasan ang mga classmates namin kasama sya.

Inayos ko ang gamit ko at sumabay kay Nica palabas ng classroom.

Pagdating ko ng pinto ay may biglang humila sa akin na ikinagulat ko.

Naku naman! Ano na naman ba ito?

Hila-hila nya ako at kahit anong gawin kong pagpupumiglas ay hindi nya ako binibitawan.Napakahigpit ng hawak nya sa akin.Baka nga mamaya may bakas na ng kamay nya sa wrist ko.

Namalayan ko na lang na nasa lumang building na kami.Walang gaanong nagagawi dito dahil masyadong tago.Kung meron man siguro ay mangilan-ngilan lang.

At sa pagkakataong ito, walang nagagawi pa kahit isa at kami lang dalawa ang nandito ngayon.

Dinala nya ako sa isang upuan sa harap ng room at iginiya paupo.

Magkaharap kami at nakatingin lang ako sa kanya.

Nakatingin lang din sya sa akin at sa tuwing tatangkain nyang ibuka ang bibig nya para magsalita ay hindi naman nya itinutuloy.

Kaya ako na lang ang nag-umpisa dahil ayokong matapos ang vacant period namin ng nagtitigan lang, tapusin na ang dapat tapusin.

" Ano ba Icko! Bakit mo ba ako dinala dito? Baka mamaya nyan malaman ni Abby na kasama mo ako,baka hindi lang yun ang masasakit na salita ang marinig ko sa kanya."

" Gusto ko lang naman na mag-sorry sayo dun sa nangyari sa Tagaytay."

" O nag-sorry ka na kanina di ba? Okay na yun, pabayaan mo na ako Icko.Ayoko na ng gulo. Kung malayo ka sa akin hindi na ako aawayin ni Abby at hindi na rin ako ibu-bully ng mga fangirls mo."

" Please don't say that.I don't want to end our friendship .Mahalaga ka sa akin Aubrey."

" Mahalaga? Bakit nung pinagsasalitaan ako ng girlfriend mo ng masasakit na salita, may nagawa ka ba?Kahit paano naman Icko, kilala mo ako at alam mong hindi ako ganung klase ng tao.Hiyang-hiya ako at sobrang baba ng tingin sa akin ng mga nakasaksi dun. Kaya sorry din Icko, let's end this friendship at pabayaan mo na lang ako para magkaroon naman ako ng katahimikan."

" Aubrey!?"

" Goodbye Icko!"

Tinalikuran ko na sya at tumakbo na ako palayo sa lugar na yon.

Palayo sa kanya.

Hanggat kaya ko ay tatapusin ko na ang kahibangan ko sa kanya.Tutal wala naman katugon itong nararamdaman ko sa kanya.Sinasaktan ko lang ang sarili ko.

Oo masakit sa umpisa pero mas masakit kung magpapatuloy lang akong umasa dahil hanggang dun lang kami.

Hanggang dun lang....

Sa pagkakaibigan.