webnovel

I Can't Believe that He's Real

***Aubrey***

Hindi ako kumikibo at malalim na nag-iisip ng pauwi na kami ni Gwen galing sa mini stop.

Totoo pala talaga sya at hindi sya panaginip lang.Hindi ako makapaniwala na nag-eexist sya.Siya yun mismo hindi ako maaaring magkamali. Kahit medyo malayo sya kilala ko ang tindig nya, ang mukha nya.Sa loob ba naman ng isang taon na nakakasama ko sya sa panaginip ko hindi ko pa ba naman makabisado ang kabuuan nya.It's just that, hindi ko lang mapaniwalaan na magiging totoo sya at hindi produkto ng natutulog kong diwa.

Nagulat pa ako ng magsalita si Gwen sa tabi ko.

" Hoy girl! Sigurado ka ba talaga na sya yun? Baka naman namalikmata ka lang? tanong nya.

I nodded...

" Oo sya talaga at hindi ako pwedeng magkamali.Hindi lang ako makapaniwala na totoo pala talaga sya at hindi produkto lang ng panaginip ko." sagot ko.

" Ok granted na sya nga yon, paano at saan naman kaya kayo magkikita muli?" tanong muli nya.

" Hindi ko alam Gwen, pero kung totoo pala sya, ang ibig sabihin may pag-asa talaga na magkaka-encounter kami at kung may kaugnayan nga kami sa isat-isa magkakaroon ng daan para magkita kami.Hindi ko lang alam kung kailan at sa paanong paraan."sagot ko.

" Naks naman positive! Sige lang ateng push natin yan, malay mo nga kayo talaga ang meant to be." natutuwang sabi ni Gwen at tuluyan ng pumasok ng bahay.

Kinwento namin sa dalawa ang nasaksihan namin at maging sila ay hindi rin makapaniwala.Kaya bago kami matulog may bago kaming pinanghahawakan.

Tiwala lang! Push lang ng push.

And I drifted to sleep with a big smile on my face.

Kinabukasan sa P.E. class namin which is volleyball, sabay-sabay kaming pumunta nila Angel at Gwen sa field na nakasuot na ng uniform.

Habang naglalakad kami ay nadaanan namin ang mga naglalaro ng soccer.Nung nakalampas na kami sa kanila ay may tumamang bola sa may balikat ko kaya napasigaw ako sa gulat.

" Aray!" Putspa naman oh ang sakit nun ah.

" Ay sorry miss hindi ko sinasadya." sabi nung nakatama siguro sa akin.

Hmm.pamilyar ang boses ah kaya dahan-dahan akong lumingon.

" Sinasabi ko na nga ba eh! Kapag dumapo sa akin ang kamalasan siguradong ikaw ang may dala nun.Isinilang ka ba sa mundong ito para dalhan ako ng kamalasan?" pagtataray ko sa hinayupak na heyuf na to sa harap ko.

" Grabe ka naman Aubrey hindi ba pwedeng aksidente lang? Hindi ko naman sinadya ah." paliwanag nya.

" Whatever Vaughn Gomez! Ang alam ko lang bastat sumulpot ka disgrasya inaabot ko! Isa kang malaking ewan! Dyan ka na nga at baka ma-late pa ako sa PE class ko." tuloy -tuloy na sabi ko at nagmartsa na palayo sa kanya.

" Wait!Aubrey sandali!" habol nya muli sa akin sabay hila sa braso ko.

" Ano na naman! Lumayo ka nga ng konti baka bagsakan pa ako ng kung anong metaphors galing sa kalawakan pag lumapit ka." pagtataray kong muli sa kanya.

Napakamot sya na tumingin sa akin na halatang pinipigil ang tawa.

" Sorry na! Para makabawi sayo libre ko kayo mamaya nila Cheska after class." sabi nya.

Natuwa naman ako ng marinig ko yung salitang libre pero syempre hindi naman ako nagpahalata.

" Talaga lang ha? Wala ka bang lagnat?" asar ko.

" Hahaha. Totoo at wala akong lagnat.Friends na uli tayo ha? Promise hindi na kita kukulitin para hindi mo na ako iwasan ulit." sabi nya. Nangiti ako sa sinabi nya at nilahad ko yung kamay ko sa kanya.

" O siya sige friends?"

" Yes, friends!" sagot nya.

" Sige bye at late nako sa PE class ko.Mamaya na lang." paalam ko.

" Sige abangan nyo na lang ako sa Engineering bldg. ng 4pm." pahabol pa nya.

I nodded at kumaway lang ako at nagmamadali ng lumayo.

Hmp.iniwanan na tuloy ako nila Cheska.Naku sana lang hindi pa ako late sa PE class ko.

___________

" Ano ba Aubrey, sigurado ka ba na dito yung sinasabi ni Vaughn na lugar?" yamot na tanong ni Angel.

" Hindi ba engineering bldg.to, meron pa bang iba bukod dito? " sagot ko naman.

" Oh eh ito nga lang pero sabi 4pm lang eh 4:10 na oh." sagot ni Cheska.

" Baka hindi lang agad sila na-dismissed ng prof. nila, wait lang tayo ng konti pa." sabi ko.

Tumalikod ako at umupo sa concrete bench na nasa malapit.

Maya-maya pa.

" Oh hayan na pala si Vaughn eh." rinig kong sabi ni Gwen.

Unti-unti akong lumingon at nagulat ako ng magtama ang aming mga mata.

Oh....my...gosh!

Next chapter