webnovel

The First Meeting

Aubrey's Point of View

Oh my Gosh! This can't be.Am I dreaming again? Pero bakit nandito itong tatlo at si Vaughn kung panaginip lang ito? Nag-level up na ba yung dreams ko at may kasama ng iba?

Saglit na nagtama ang tingin namin ni Mr.dreamboy ko.Napansin ko parang bigla syang nagulat nung makita nya ako.

Ano yun? Ang weird naman.Nung mag-iwas sya ng tingin, tinapik lang nya si Vaughn sa balikat at lumakad na palayo kasabay nung dalawa pang lalaking kasama nya.

Gusto kong tumili, magkakilala sila ni Vaughn.Yes! May pag-asa talaga na magkakilala kami.

Thank you Lord!

Nang makalapit si Vaughn sa amin ay kakamot-kamot pa ito.

" Uy, pasensya na kung natagalan ako. Yung prof kasi namin nagbigay ng surprise quiz eh kahapon lang sya nag-umpisang mag- discuss." paliwanag nya sa amin.

" Ok lang yun Vaughn, hindi pa naman kami gutom." sagot ko na may malaking ngiti sa labi.

" Hoy Aubrey! Ano nangyari sayo? Muntanga ka dyan, ang laki ng ngiti mo.Kanina lang nagrereklamo ka na gutom ka na.Anyare ha?" sabi ni Cheska na taas pa kilay.

" Secret! Masaya lang ako ngayon.hehehe." sabi ko na tuwang-tuwa.

" Hala, namatanda na yata to, eh kanina lang parang gusto ng mag-amok ah." si Angel na takang-taka pa.

" Aha! Alam ko na, kanina parang may naka-eye to eye sya tapos napansin ko na parang nagulat pa yung gwapong guy kanina nung makita sya.Magkakilala ba kayo nun ha Aubrey?" segunda ni Gwen.

" Sino yun ha Aubrey?" tanong ni Vaughn.

" Wala! Yung kasabay mong lumabas kanina." sagot ko.

" Ah, baka si Joselito, bading yun wag ka magselos.Jissel yun sa gabi.hehe." sabi ni Vaughn.

" Bading yun? Sayang naman, ang gwapo pa naman.Ang tagal ko pa naman syang hinintay." malungkot na sabi ko.

" Gwapo? Hinintay? Hindi kita maintindihan Aubrey.Si Jissel gwapo? Eh papasa na ngang super sireyna yun sa gayak nya eh." si Vaughn na naguguluhan na.

" Teka lang mukhang hindi tayo nagkakaintindihan.Tatlo yung kasabay mong lumabas di ba? Yung isa na tumapik sa balikat mo nung umalis na." paliwanag ko.

" Ah oo alam ko na, kung hindi si Mark eh si Icko.Parehong tumapik sa akin yun eh." sagot nya.

" Yung matangos ang ilong, maganda ang mata at mapula ang labi.Naka polo shirt na navy blue." sabi ko.

" Grabe ah, parang nakabisado mo pa talaga yung physical features nya.Sabagay stand-out naman talaga sa klase namin si Icko dahil sa kagwapuhan nya.Lamang lang naman sya sa akin ng isang paligo ah." anunsyo pa ni Vaughn.

" Icko?" tanong ko.

" Yes,Icko! Inigo Christopher Hidalgo Fernando.Blockmate ko, varsity ng basketball, vice president ng student council, scholar at only child.Hayan umaapaw sa information, mukha kasing type mo.Yun ba ang hinihintay mo kaya wala akong pag-asa sayo." pagbibigay impormasyon ni Vaughn na tatawa-tawa pa.

" Hoy Vaughn, wag ka nga! Nagtanong lang type na agad? Hindi ba pwedeng curious lang." naaasar na sabi ko.

" Curious o ano, ganon na rin yon.Pero sige hindi na kita aasarin baka iwasan mo na naman ako.Tara na nga kayo gutom na rin kasi ako." pagyaya ni Vaughn sa amin.

Kumain kami sa isang sikat na fastfood, yung may jolly hotdog at chicken joy, favorite naming lahat yun.Nagkwentuhan kami pagkatapos at nung medyo malapit ng dumilim, hinatid na kami ni Vaughn sa apartment namin at umuwi rin naman agad sya.Malapit lang ang inuuwian nya, dalawang streets lang ang pagitan sa amin.Tita nya ang kasama nya na nagta-trabaho sa isang government office.

Sa tingin ko magiging magkaibigan na kami ni Vaughn.Napansin ko kasi na parang gusto nyang maging close kami at hindi na rin naman sya nagbabanggit nung nakaraang panliligaw nya sa akin.

Sabagay mabuti na rin kung ganon. Wala naman talaga syang maaasahan sa akin kundi pagkakaibigan lang.Okey naman sya, gwapo, matalino at mabait pero ewan ko ba, wala talaga eh.Walang sparks, walang butterflies na nagra-rally sa tyan ko pag nakikita ko sya hindi katulad kanina kay Icko nung magtama saglit yung tingin namin.Grabe, nayanig yata ang mundo ko, nanlambot pati mga tuhod ko, tingin lang yun ah, paano pa kaya kung kinausap nya ako.Shocks! baka nanigas na siguro ako.

Kinabukasan maaga akong pumasok dahil may kailangan akong i-research sa library para sa report ko bukas, nauna na ako kila Gwen dahil yung sa kanila ay sa makalawa pa ire-report.

Maiksi lang ang pila sa pagkuha ng libro sa library dahil maaga pa.Mangilan-ngilan lang din ang students sa bawat table.

Nang maibigay ko na ang library card ko at makuha ang libro na kailangan ko, naghanap ako ng magandang pwesto na medyo malayo sa ibang nagbabasa.

Nang makahanap ako ng magandang pwesto ay dali-dali akong pumunta.Pero dahil sa pagmamadali ko ay hindi ko napansin na may paparating din. Kaya nabangga ako sa isang lalaki na nagmamadali din pumwesto sa napili kong lugar.Dahil sa bilis ng pangyayari nagka-untugan kami at parehong tumilapon ang mga librong dala namin.

" Oh my goodness!" siya habang nakayuko at nagmamadali sa pagpulot ng mga  libro.

" Kasi naman!" bulong ko na nakayuko rin na nagpupulot ng libro.

Dahil sa pagmamadali naming pareho na mapulot ang mga nagkalat na libro, hindi sinasadyang nahawakan nya ang kamay ko.

Sabay pa kaming dahan-dahan na nag-angat ng tingin ng hindi nya binibitawan ang kamay ko.

Nanigas ang katawan ko ng makita ko kung sino ang nasa harap ko at may hawak sa kamay ko.

Juice colored.Enebenemen yan!

Next chapter